Ang mga pangunahing tauhan ay sina Pakito, Nenita at Mang Bandino at
Don Diego. Sina Pakito at Liling ay magkasintahan at malapit ng mag-isang dibdib samantalang sina Nenita at Mang Bandino ay mag-asawa at may isang anak. Si Nenita at Pakito ay magkababata at dating may pagtitinginan ngunit hindi itinadhana ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtaksil sina Nenita at Pakito sa kanilang mga mahal sa buhay na nauwi sa pagdurusa nilang lahat. Dahil kay Don Diego na nakakita sa palihim sa pagkikita nina Nenita at Pakito, nabatid ang kanilang pagtataksil dahil matalik na kaibigan ito ni Mang Bandido.Bagaman si Mang Bandino ay babaero, hindi niya pinatawad si Nenita sa ginawa nitong pagtataksil at pinili nitong lumayo at manirahan sa malayo kasama ang nag-iisang anak. Naiwan si Nenita na luhaan at nagsisisi sa pagkasira ng kanyang pamilya. Si Liling naman ay nakipaghiwalay kay Pakito at wala ng magaganap na kasalan. Tinanggap ni Pakito ang pagkabigo kay Liling at piniling lumayo at magtrabaho sa malayo na labis ang pagsisisi sa ginawang kasalanan. Sa huli, ang kanilang pagtataksil ay nagdulot ng pagkawasak ng isang pamilya at ng mabubuong pamilya sana.
TEORYANG PAMPANITIKAN
• ROMANTISISMO - Sa nobelang ito ipinapakita ang teoryang romantisismo sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng maling pag iibigan nila Pakito at Nenita sapagkat si Nenita ay isang babaeng may asawa:t anak samantalang si Pakito ay mayroong katipan na malapit na niyang makasama panghabambuhay. Sa kabila ng kasalanan na nagagawa ni pakito kay lilingay ipinapahatid pa rin niya rito ang alaga ng kanyang katipan sakanyang buhay at kung gaano niya ito kamahal.
• FEMINISMO - Ipinapapakita rito ang pagiging isang babae ni nenita. Sa kanyang
pagtataksil sakanyang asawa ay labis niya itong pinagbabayaran. Maraming masasamang bagay ang dumating sa buhay ni Nenita na humantong sa pagkasira ng kanyang pamilya at pagkawala ng kanyang dignidad. • REALISMO - May ilang bahagi ng nobela ang masasabi natin na nangyayari sa totoong buhay ng tao. Halimbawa rito ang pagkasira ng isang pamilya nadulot ng pagtataksil sa asawa. Tulad ng ginawa ni Nenita sa kanyang asawa na labis na naging dahilan ngpagkawasak ng isang masayang pamilya. Mailalapat natin ang teoryang realismo sa nobela sapagkat sa atingl ipunan may iilang mga kalalakihan ang talaga naman nambababae katulad ni mang Bandino na minsay kanyang ginawa ang pagtataksil sakanyang asawa.