Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CREATIVE NON-FICTION

MANIPIS ANG TELA

"Sir manipis po ba ang tela?" Tawanan ang lahat matapos kong magsalita. Habang nakatayo ako sa gitna ng mga
taong nagtatawanan pilit kong iniisip ang mga dahilan sa likod ng kanilang halakhakan. Parang bumagal ang ikot ng
mundo. Parang tumigil ang oras at binigyan ako ng pagkakataong alamin kung ano ang nangyayari. May mali ba
sa'king sinabi? May mali ba sa mga salitang aking ginamit? May mali ba sa paraan ng aking pagkakabigkas? Alam
kong wala pero bakit ganun ang mga reaksyon nila.

"Ano yun?" pagtatanong sa'kin ng guro ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Halatang kahit siya ay hindi
naintindihan ang aking tinuran. "Wala po, sir," nakakadismayang sagot ko. Umupo na lang ako habang pilit pa ring
iniisip ang nangyari. "Sir manipis po ba ang tela?"

Hindi ko nakuha ang sagot. Hindi dahil sa hindi nila alam kundi dahil hindi nila maintindihan ang tanong ko. Pilit ko na
lang tinitigan ang imahe. Sinusubukang sagutin ang tanong na ako mismo ang gumawa. Tanong na ako mismo ang
nakakaintindi. Mahirap ba talagang intindihin ang tanong ko? "Sir manipis po ba ang tela?"

Minsan kong tinanong sa guro ko sa history class namin habang ipinapaliwanag niya ang kahulugan ng babaeng may
piring sa mata at may hawak na timbangan. Sabi niya, iyon daw ang simbolo ng hustisya. Walang pinapanigan. Hindi
siya nakakakita kaya wala siyang kakampihan ni papaburan. Pantay-pantay ang lahat. "Sir manipis po ba ang tela?"

Tanong ko sa kanya na pinagtawanan lamang ng lahat. Sabi nila wala itong koneksyon sa pinag-aaralan namin pero
pakiramdam ko'y meron. Ang hustisya sa bansa natin ay sadyang napakalabo. Napakarumi. Napakalayo mula sa
katotohanan. Ang iba, namatay na ang mga salarin ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nakakamit ng pamilya ng
biktima ang hustisya. May iba namang napakatagal ang proseso ngunit mali pa rin ang desisyong binitawan.
Nabigyang laya ang tunay na may sala habang nakulong naman sa ilalim ng lupa ang mga biktima. Kung totoong ang
babaeng ito ang simbolo ng ating hustisya, ang tanong ko, "Sir manipis po ba ang tela?"

Dahil pakiramdam ko, nakakakita ang taong iyon. Alam niya kung sino ang dapat panigan. Nakikita niya kung sino
ang meron at wala. Ang pagkakaiba ng perang papel, sa perang barya. Alam niya kung ano ang nangyayari sa
lipunan. Mali sila. Hindi siya bulag dahil manipis ang tela.\

Reference: Joemar Furigay lecture Reference: Joemar Furigay lecture

You might also like