Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _________________________________________________________ Taon at pangkat: ______________________

I. Basahin at isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________________________1. Ito ang pinakamaliit na yunit ng Lipunan.


____________________________2. Sila ang ginamit ng Diyos upang maging instrumento sa pagbibigay-buhay.
____________________________3. Ang karapatan para sa ___ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
____________________________4. Ang 5 Institusyon sa lipunan ay ang mga sumusunod,pamilya,paaralan,simbahan,pamahalaan at
____.
____________________________5. Ayon sa kanyang aklat na Seven Habits of Highly Effective Families, binigyan niya ng diin ang
kahalagahan ng pakikibahagi ng tao sa gawaing panrelihiyon,sino ang manunulat na ito?
____________________________6. Siya ang nagbigay kahulugan sa pamilya na kung saan nabuo ito sa pagmamahalan ng isang lalaki at
babae.
____________________________7. Ano ang isa sa magandang bunga ng pagtuturo ng edukasyon kung ito ay nagbubunsod na kilalanin
at igalang ang dignidad ng tao?
____________________________8. Ito naman ang bunga ng kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa kaniyang
kakayahan at katangian?
____________________________9.Ito ay anomang sensyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at
pinahahalagahan.
___________________________10.Paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng kasapi nito.
___________________________11. Pinakapayak na proseso ng komunikasyon ngunit pinakamahirap na gawin.
___________________________12. Ang ________________ ay bunga ng maling pagpili.
___________________________13.Ito ang Verbal na komunikasyon na ginagamitan ng mensahe, wika o tono ng boses.
___________________________14. Ito naman ang tinatawag na Non-Verbal na komunikasyon na ginagamitan ng kilos o senyas.
___________________________15. Ang dalawang layunin ng pag-aasawa o pamilya ay ang pagkakaroon ng mga anak at ____ ng mga
anak.

II. Basahin ang mga pahayag o sitwasyon na nasa ibaba. Piliin kung ito ay nagpapakita ng PASALITA o DI-PASALITANG
KOMUNIKASYON. Isulat ang A kung pasalita at B naman kung di-pasalita.

_______16. Pinagluto ni Marie ang kanyang ina ng masarap na pansit sa kaarawan nito.
_______17. Tumaas ang boses ni Lydia matapos niyang malaman na nasira ang ginawa niyang proyekto.
_______18. Isang mahigpit na yakap ang pinaabot ng kanyang anak sa inang nagluluksa.
_______19. Tumawag si Michael sa messenger ng inau pang kumustahin ito sa ibang bansa.
_______20. Pilit na inaral ni Kaloy ang paraan ng komunikasyon ng kanyang kapatid na may problema sa pagsasalita at pandinig upang
magkaintindihan sila kahit sa senyas man lang.

III. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

21..Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang magulang sa tahanan?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan na sila ay turuan.
B. Dahil hindi matututo ang mga anak kung hindi tuturuan ng mga magulang na magbasa at magsulat.
C. Dahil kailangang gampanan ng mga magulang ang kanilang responsibilidad.
D. Dahil ito ay nagpapatunay na sila ay mabuting magulang.

22. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
A . Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
B . Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
C . Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan

23. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A . pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
B. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na
malampasan
C . pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang
paglingkuran at alagaan
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga
pagganap at hindi pagganap sa mga ito

24.Ang mga sumusunod ay susi sa epektibong komunikasyon, MALIBAN sa _________________.


A. Sasali sa usapan C. Mananahimik kahit tinatanong
B. Uunahing kausapin ang iba D. Magmamasid sa mga kasapi

25.Makatutulong ka sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon kung _________________.


A. Mananahimik kahit tinatanong C. Uunahing kausapin ang iba
B. Sasali sa mga usapan D. Magmamasid sa mga kasapi

26.Paano mo mapapanatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya?


A. Sa hindi pakikinig sa isa’t-isa C. Manatiling walang kibo
B. Sa paghusga ng bawat sinasabi ng kausap D.Pagiging positibo at sensitibo sa damdamin ng bawat miyembro

27.Ang pamilya nina Mang Jose at Aling Rosa ay ipinababatid ang kanilang isip at nararamdaman ng malinaw at tuwiran upang lutasin
ang mga problema na kanilang kinakaharap sa pamilya. Ang pamilya nina Mang Jose ay nagpapakita ng ____________________.
A. Pakikipag-usap ng madalas C. Pagiging aktibong tagapakinig
B. Pakikipag-usap ng malinaw at tuwiran D. Pagtuon ng pansin sa pakilos (non-verbal na mensahe)

28.Paano mo masasabi na may bukas na komunikasyon ang isang pamilya?


A. Pagbibigay-diin sa sariling damdamin
B. Pagbibitaw ng mga salitang hindi nakakasakit
C. Pakikinig sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya
D. Pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilya

29. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang
naglalarawan sa nasabing batas?

A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.


B. Pinag- aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag a ng anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdaganang baon sa iskwela.
D. Nais ng magulang na may mag aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang anak.
30. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?

A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t iabang institusyon ng lipunan.


B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag – ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.

31. “Kapag matatag ang pamilya at matatag din ang isang bansa” Ano ang ibig sabihin nito?

A. Ang pamilya ay salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno ay siya ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

32. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapawa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?

A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.


B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba
C. Sa pamilya unang natutuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.

33. ALin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya.

A. Pinagsama ng kasal ang magulang C. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan


B. Pagkakaroon ng Anak. D. Mga patakaran sa pamilya

You might also like