Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin Natin

Basahin at unawain ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

v Ang Noli Me Tangere ay inialay ni Rizal sa Inang Bayan samantalang ang El


Filibusterismo ay sa Tatlong Paring Martir o sa Gomburza

v Ang Noli ay nobelang panlipunan na tumatalakay sa pamumuhay, pag-uugali, at


mga sakit ng mga mamamayan noon.

v Kung ang Noli ay nangangahulugang Huwag mo akong Salingin, ang El Fili naman
ay ang Paghahari ng Kasakiman.

v Ang Fili ay nobelang pampolitika na pumapaksa sa pamamahala ng Kastila (sibil at


simbahan).

v Si Rizal ay isa sa mga masugid na tagahanga ni Padre Burgos at ayon sa sabi ay


nagkaroon ng pagkakataong si Paciano (kapatid ng bayani) na mapaglingkuran ang pari
bilang sakristan.

v Bago bitayin sina P. Burgos, P. Gomez, at P. Zamora, ang mga Pilipino, sa kanilang
paghahanap ng pagbabago at kabutihan mula sa pamahalaan ay makapook lamang
(regional). Idinawit sila sa isang aklasan sa Cavite noong Enero 1872. Dahil sila ay mga
paring maka- Pilipino kaya naman may isang paring regular ang nagpanggap at sila ay
isinangkot sa kaguluhan.

v Nang maghimagsik sina Dagohoy, ang lalawigan ng Bohol lamang ang inihanap niya
ng paglaya; si Diego Silang ay ang Ilocos lamang; si Palaris, ang Pangasinan; si Maniego,
ang Kapampangan lamang, at iba pa. Ngunit nang bitayin ang Gomburza, naging
pambansa na ang paningin ng mga Pilipino ukol sa paglaya. Ang pagkabitay sa 3 pari ay
siyang nagbinhi ng diwang makabansa sa mga Pilipino.

v Sa huli, napatunayan din na walang sala ang mga pari dahil may isang taong
nagngangalang Zaldua ang nagpatunay na sila ay mga walang sala.

Pinagkunan: Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo, pp.1-2

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestro ng ating pambansang bayaning si


Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Ipinaliwanag
ni Rizal sa kaniyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan ng
Filibusterismo. Ayon sa kaniya, lingid pa sa mga Plipino ang kahulugan nito noong una
hanggang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir. Malinaw pa sa kaniyang alaala ang matinding takot na hatid ng kahulugan ng
salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbawal sa kanilang tahanan ang
pagsambit man lamang ng salitang ito. Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal
noon nang marinig niya ang salitang Filibustero. Sa murang edad ay naging saksi siya sa
mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya
tumimo sa kaniyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga
mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkamit ng minimithing
pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino – ang kaniyang panulat.
Gaya ng nabanggit, ang unang obra maestro ni Rizal ay ang Noli Me Tangere na
matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang nagalak at
humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng
mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga
makapangyarihang Espanyol matapos mabasa ang nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa
puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang ito’y mapanganib.
Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kaniyang pamilya. Isinagawa niya ang
kaniyang mga layunin sa kaniyang pagbabalik. Ginamot niya ang mga mata ng
kaniyang ina; nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga
Pilipino sa kaniyang isinulat na nobela.

Nang ipagbawal ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang pag- aangkat,


pagpapalimbag, at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam ng higit na panganib si
Rizal. Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa upang
maiiwas siya at ang kaniyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit
ng mga makapangyarihang prayle sa kaniyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng
gobernador- heneral at palihim na tumalilis ng Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo
siya sa sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang
natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.

Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay Maria Odulio de
Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884
at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli. Habang isinusulat ni
Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa
magagandang lugar sa Europa.

Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang


lumipat muna sa Brussels, Belgium upang matutukang mabuti at mapag-isipan nang
lubusan ang pagsulat ng nobela. Kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay
nanirahan sila roon. Nanggamot din siya upang matugunan ang mga pangangailangan
niya roon.

Patong-patong na suliranin ang kaniyang naranasan habang isinusulat niya ang El Fili.
Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos
nang isinusulat na niya ang El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos
lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kaniyang mga
alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin na
agad ang nobela dahil maging sa kaniyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may
namamatay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon sa
pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kaniyang obra kung hindi siya
lamang.

Hindi lamang kawalan ng pondo ang kaniyang naging suliranin upang matapos ang El
Fili. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan.
Nakarating sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay
ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Ipinagpapalagay na mababakas ang pighati
niya sa pangyayaring ito sa nobela sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si
Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kaniyang magulang at mga
kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa
lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag- alala sa mga mahal niya sa buhay sa
Calamba, Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may ipinaglalabang
usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng
pag-
5

aari at nakuha pang maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may- ari ng lupa.

Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang


pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-urong sulong siyang
isagawa ang katuparan ng kaniyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at si Elias
sa kaniyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad.
Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado
sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng Pilipinas. Dahil
sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang
kaniyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang
ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kaniyang mga alalahanin.

Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga
Pilipino laban sa pang-aapi at pag-aabuso sa pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya
ang kaniyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa
panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer-van Loo sa Ghent, Belgium ay ipinadala
niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi
natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang pahina pa lamang ito nang
maipahinto na dahil naubos na ang kaniyang pambayad mula sa salaping kanyang
natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kaniyang pamilya sa
Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong
tulong sa paglilimbag ng nobela.

Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang


kaibigang si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong
paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay
inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang
nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob
sa kaibigang si Valentin Ventura.

Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng
mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga
kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand
Blumentritt. Sa kasamaang- palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na
ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng
Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay
ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang
damdamin ng Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin
ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan,

nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang
maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.

Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at
Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang
paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela. Wika
niya:
“Sa di pagsang-ayon ng Relihiyon na alisan tayo ng karangalan sa pagkapari ay inilagay
sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling
nagawa sa isang masamang sandali, at ang buong Pilipinas, sa paggalang sa inyong
alaala at pagtawag na kayo’y mga pinagpala, ay hindi lubos na kinikilala ang inyong
pagkakasala.

Samantala ngang hindi maliwanag na naipakikilalang ang inyong pagkakasangkot sa


pagkakagulo sa Cavite, maging bayani man kayo o hindi, nagkaroon man o hindi ng hilig
sa kalayaan, ay may karapatan akong ihandog sa inyo, bilang ginahis ng kasamaang
ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang hinihintay namin na kilalanin ng Espanya
balang araw ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa pagkakapatay sa inyo, ay
maging putong na dahong tuyo man lamang ang inyong liblib na libingan ang mga dahon
ng aklat, at lahat nang walang katunayang maliwanag na umupasala sa inyong alaala
ay mabahiran nawa ang kanilang kamay ng inyong dugo.”

Ayon sa pag-aaral, hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa


pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagan muli ng mga Espanyol na mabuksan ang
kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan.

Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kaniya, mas
maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang
tinanggal, nilagyan ng ekis, binura at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang
kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi naisama sa pag-imprenta
subalit buo ito at maaaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kaniya, noong 1925,
binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.

Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kaniyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra
maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat
ng Pilipino sa bansa at maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nawa’y

isapuso nating lahat ang mga mensaheng taglay nito.

Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2 p. 433-43

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin mo nang mahusay ang mga tanong. Titik lamang ng tamang

sagot ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?
A. Ipinagbawal sa kanilang tahanan ang salitang Filibustero.
B. Binitay ang tatlong paring martir sa Cavite dahil sa paratang na
sangkot sila sa pag-aalsa laban sa mga Kastila
C. Makita niyang tagumpay ang kaniyang unang nobelang isinulat
ang Noli Me Tangere
2. Saan niya sinulat ang El Filibusterismo?

A. London B. Hong Kong C. Pilipinas


3. Kailan sinulat ni Rizal ang El Fili?

A. 1887 B. 1891 C. 1890


4. Ano ang naging suliranin ni Rizal habang sinusulat niya ang El Fili?
A. Kinapos siya sa salapi kaya naghigpit nang husto si Rizal.
B. Pinagbawalan siyang ituloy ang pagsusulat ng nobela.
C. Nawili siya sa pamamasyal sa Paris.

5. Bakit kailangang lisanin ni Rizal ang Paris at lumipat sa Brussels, Belgium nang
siya’y nagsusulat na ng nobela?
A. Dahil laging binibisita niya ang kaniyang mga kaibigan
B. Doon siya inabot ng patong-patong na suliranin habang sinusulat
ang nobela.
C. Upang matutukan niyang mabuti at mapag-isipan nang lubusan
ang pagsulat ng nobela.

6. Bakit muntik nang ‘di matuloy tapusin ni Rizal ang nobelang El Fili?
A. Naging balakid ang suliranin niya sa puso at pag-aalala sa
kaligtasan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.
B. Nagkaroon siya ng suliranin sa pera kaya di siya gaanong
kumakain.
C. Kapos siya sa panahon ng pagsusulat ng nobela

7. Bakit muntik-muntikan nang hindi mailimbag ang nobela?


A. May bahagi sa nobela ay kaniyang inihagis sa apoy dahil sa
kaniyang mga alalahanin.
B. Nakahanap siya ng murang palimbagan.
C. Naubos ang kaniyang pambayad mula sa inipon niya at tinipid na salapi.

8. Sino ang tumulong kay Rizal upang maipalimbag niya ang kabuoan ng kaniyang
isinulat na nobela? A. F. Meyer-van Loo B. Valentin Ventura
C.Ferdinand Blumentritt

9. Bakit nakumpiska sa Hong Kong at sa Pilipinas ang mga kopya ng El


Filibusterismo?
A. Dahil naging malaking inspirasyon ito sa mga naghihimagsik sa
Pilipinas.
B. May ilang kopya ang nabasa ng mga Kastila, kaya ipinasira ng
pamahalaang Espanyol
C. Nabasa na ito ng mga kaibigan ni Rizal

10. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa Katipunan ang akdang ito ni Rizal?
A. Marami ang naipon nilang salapi sa pagpapalimbag nito.
B. Naging daan ito sa pagkakaisa ng mga Pilipino.
C. Naiwaksi nito ang mga balakid na naging sagabal sa paghihimagsik noong 1896.

Gawin Natin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✔ ) ang pangungusap kung ang pangyayari ay tumutukoy sa


mga kondisyon sa panahong isinulat ang El

Filibusterismo at (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang sinimulan
niya ang pagsusulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.

___2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El


Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.

___3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.

___4. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela ni Rizal


subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa
mga naghihimagsik sa pamahalaan.

___5. Naging inspirasyon ni Gat. Andres Bonifacio at ng iba pang Katipunero


ang nobelang El Filibusterismo ni Rizal.

You might also like