Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikaapat na Markahan

Modyul 1-8

DIVISION OF1 ANGELES CITY


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Sariling Linangang Modyul

Modyul 1: Personal na Salik at mga Pinaplanong Kursong Akademiko o


Teknikal Bokasyunal, Sining o Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Pangalan: Q4W1
Seksiyon: Petsa: ______________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagpaplano ng iyong kukuning kurso, ang


PAGSUSURING PANSARILI (self-assessment). Binubuo ito ng pagtingin at pag-unawa sa iyong
sarili. Maaari mong gamiting batayan upang matiyak ang kursong angkop sa iyong mga sariling
interes at kakayahan.
Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo nang pansin ang mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa
iyong:
1. Talento 4. Pagpapahalaga
2. Kasanayan (skills) 5. Katayuang pinansiyal
3. Hilig 6. Mithiin
Isa sa mga pagpapasya na kailangan ng kabataan ay ang pagpili ng magiging kursong
akademiko, teknikal-bokasyunal at hanapbuhay sa hinaharap. Ang pasyang gagawin ay
magbibigay sa iyo ng pagkakataong na makamit ang iyong pangarap at mithiin. Makakatiyak ka
na magiging tama ang iyong mga pasya kung makikilala mo ang iyong mga personal na salik
gaya ng interes, pagpapahalaga, personalidad at kakayahan.
Ang pagpili ng kurso o hanapbuhay ay hindi ginagawa nang biglaan kundi ito ay
nangangailangan ng maingat na pagpapasya. Ang lahat ng pagpapasya at pagpaplano na ating
ginagawa sa pagkamit ng mga pangarap ay mawawalan ng saysay kung hindi tayo kikilos agad.
Sa pagtatakda ng mga mithiin mahalagang isaalang-alang ang mga pamantayan sa
pagbuo ng mahusay na mithiin.
1. Ang mahusay na mithiin ay may tumutukoy sa tiyak na hakbang o pagkilos na gagawin.
2. Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin ang ating pagsulong sa pagtamo ng
mithiin.

2
3. Ang isang mahusay na mithiin ay makatotohanan o posibleng maabot.
4. Ang mithiing ating itinakda ay karaniwang siyang ating inaakalang makapagbibigay ng
kasiyahan kung kaya’t ituon mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan ibahagi sa iba.
5. Nararapat lamang na may takdang panahon ang ang pagkamit ng pangarap.
6. Ang lahat ng mithiin ay dapat na isakatuparan.
Mahalaga ang pag-aaral upang maihanda ang sarli upang matupad ang iyong mga
pinagpasiyahang kurso o hanapbuhay. Sabi nila ang mga teenager daw ay talaga namang
napakasensitibo. Higit na mahirap tuloy magbigay tuon sa mga gawain sa eskwela.
Malaki ang kaugnayan ng kasanayan at natapos na pormal na edukasyon sa
pagtatagumpay sa merkado ng paggawa. Hindi lamang sa paghahanap ng trabaho mahalaga din
ang edukasyon sa pagpapanatili ng trabaho.
Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng mga Kasanayan sa Pag-aaral (Study Skills)
1. Isulat ang iyong mga takdang aralin sa kwaderno
2. Huwag kalimutang dalhin sa paaralan ang araling bahay
3. Makipag-usap sa iyong guro
4. Magsaayos sa pamamagitan ng paggamit ng kulay
5. Magtalaga ng isang palagiang lugar para sa pag-aaral
6. Ihanda ang iyong sarili sa pagsusulit
7. Alamin ang iyong pangunahing paraan ng pagkatuto
8. Itala ang mga mahahalagang puntos sa pinag-aralan sa kwaderno
9. Iwasan ang pagpapabukas-bukas
10. Alagaan mo ang iyong kalusugan

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong naipaliliwanag na mahalaga
ang:
a. pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad
ang mga pangarap.
b. pagtutugma ng mga personal na salik at mga kakailanganin (requirements) sa
pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyunal, sining o isports, negosyo
o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo, hanapbuhay,
maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
c. pag-aaral ay naglilinang ng mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga

3
kakayahang makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo
hanapbuhay.
(EsP7PB-IVb-13.3)

Tuklasin

Panuto: Pag isa-isahin natin ang mga gawain o kasalukuyang sitwasyon mo sa buhay na kung
saan ay nagamit mo ang iyong KAKAYAHANG MAG-ISIP (Intellect) at MALAYANG KILOS-
LOOB (Freewill). Pagtuunan natin ng pansin ang mga naiisip mong mga bagay na may
kaugnayan sa pipiliin o kukunin mong kurso. Tingnan ang pormat sa ibaba at pagnilayan ito.
Ilagay ang mga lista sa iyong sagutang papel at sagutin ang tanong pagkatapos.
Kakayahang Mag-isip (Intellect) Malayang Kilos-loob (Freewill)
Hal. Hal.
1.Magdesisyon para sa aking nais na kurso 1. Maghanap ng mga paaralan na may
_Accountancy mababang tuition fee ngunit may kalidad
ang edukasyon
2. Mauunawaan na hindi lamang mataas na 2.Makipag-usap sa magulang at iparating
suweldo ang batayan ng kukuning kurso sa kanila ang iyong mga plano para sa
kundi kung ano ang gusto at interes kukuning kurso

Ikaw naman….
Kakayahang Mag-isip (Intellect) Malayang Kilos-loob (Freewill)
1. 1.
2. 2.

Gabay na tanong
1. Anong paghahanda ang iyong ginagawa sa pagtupad o pagkamit ng iyong mithiin sa buhay
sa pamamagitan ng pagpili ng angkop at tamang kursong nais mo?

4
Suriin
Panuto: Anong konsepto ang naunawaan mo sa tinalakay tungkol sa mga pansariling salik
sa pagpili ng kurso? Punan ang flow chart. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso ay

tugma
sa

Kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at


isports, negosyo o hanapbuhay

tungo
sa

5
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Iguhit ang nais mong makuha o marating pagdating ng araw. Maaari mong kulayan
ang iyong iginuhit. Bigyan ito ng pamagat na “Ako sa Darating na Panahon”. Gawin ang
gawain sa short bond paper.

Rubriks sa Pagguhit ng Larawan

Kraytirya 4 3 2 1 Puntos
Nilalaman Malinaw na Di gaanong Hindi malinaw Walang
naipahayag sa malinaw na na naipahayag mensaheng
larawan ang naipahayag sa larawan ang naipakita sa
nilalaman sa larawan nilalaman larawan
ang nilalaman
Kaangku- Angkop na Angkop ang Di-gaanong Hindi angkop
pan sa angkop ang larawan sa angkop ang ang larawan sa
Paksa larawan sa paksa larawan sa paksa
paksa paksa
Pagkamalik- Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
hain nagpamalas malikhain naging ipinamalasna
ngpagkamalik- malikhain pagkamalikhain
hain
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa malinis na papel.
1. Kailangang padalus-dalos sa mga pagpapasya sa buhay.
2. Kailangan ang edukasyon hindi lamang sa paghahanap ng trabaho kundi pati
sa pagpapanatili ng trabaho.
3. Malalaman na tama ang naging pasya kung ito ay nagdulot ng kabutihan.
4. Kailangan paghandaan ang kinabukasan.
5. Kailangan ang isip at damdamin sa anumang pagpapasyang gagawin.

6
Sanggunian:
MELCs– Most Essential Learning Competencies, ESP – Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum
Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-Deped, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

LUCIA L. MANGUNE
Teacher III, Bonifacio V. Romero High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Pansariling Plano sa Pagtupad ng mga Minimithing Kursong
Akademiko

Pangalan: Q4W2
Seksiyon: _ Petsa: _

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Sa modyul na ito ay inaasahang mapaunlad ang mga pansariling salik upang ito ay
maitugma sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Kailangang paunlarin ang mga pagpapahalagang makatutulong sa pagkakamit ng mga
mithiin at layunin sa buhay. Ang mga pagpapahalagang tulad ng pagtitiyaga, pagpupunyagi at
kababaang-loob ay siyang karaniwang susi sa pagtatagumpay ng maraming mga Pilipinong
nangarap at nagtakda ng mga mithiin at may layunin sa buhay.
Sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal bokasyonal o negosyo at pagtatatag ng karera
mahalaga na nakabatay ito sa mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin, ang SMARTA:
S – pecific (Tiyak)
M- easurable (Nasusukat)
A - ttainable (Naabot/Makatotohanan)
R- elevant (Makabuluhan)
T- ime-bound (May itinakdang panahon)
A - ction oriented (May kaakibat na pagkilos)
1. S- pecific (Tiyak). Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos
na gagawin. Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihin na “Nais kong maging isang doktor,”
kundi, “Tatapusin ko ang mga pangangailangang pag-aaral para sa kursong pre-med at
medisina sa Pamantasan ng Sto.Tomas labinlimang taon mula ngayon.
2. M- easurable (Nasusukat). Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin ang ating
pagsulong sa pagtatamo ng mithiin at natutukoy kung kailan ito nakamit na. Halimbawa: Kung
alam natin ang mga pangangailangan (course requirements) sa kursong medisina,
malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan pang tapusin.

8
3. A - ttainable (Naabot/Makatotohanan). Ang isang mahusay na mithiin ay makatotohanan o
posibleng maabot pero mapanghamon. Halimbawa: Ang pagtatapos ng kursong medisina sa
loob ng siyam na taon kung kapos sa buhay ang pamilya at kinakailangang
maghanapbuhay upang suportahan ang sariling pag-aaral ay hindi makatotohanan. Gayon
pa man maaaring maging isang mapanghamong sitwasyon kung saan magkakaroon ng
pagkakataong mapagsumikapang mapaunlad ang sarili. Mas nagiging makabuluhan ang
pagtatamo ng mithiin kung nangangailangan ito ng pinakarurok ng ating kakayahan.
4. R- elevant (Makabuluhan). Ang mithiing ating itinakda ay karaniwan siyang ating inaakala
na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan o makapagpupuno sa ating pangangailangan.
5. T- ime-bound (May itinakdang panahon). Nararapat lamang na may takdang panahon ang
pagkamit o pagtupad ng mithiin upang hindi masayang ang ating pagsusumikap sa mga
bagay na maaaring walang patutunguhan o katiyakan. Dapat na maglagay lamang tayo ng
takdang panahon sa isang mithiin upang nang sa gayon ay makagawa ng alternatibong aksyon
na maaaring mas epektibo sa mas maiksing panahon.
6. A - ction oriented (May kaakibat na pagkilos). Sa pagsusulat ng mithiin nararapat na ito ay
gumamit ng pandiwa. Ito ay dapat na nasa loob ng isang buong pangungusap. Ang lahat ng
mithiin ay dapat isakatuparan.

Matapos ang iyong naging mga pag-aaral, subukan mo muling sagutin ang
kakailanganing tanong:
*Bakit mahalagang tugma ang mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko/ bokasyonal o negosyo?

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan
sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action Planning Chart.
(EsP7PB-IVa-13.4)

9
Tuklasin
Panuto: Suriin ang pag-uusap ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay sagutin ang tanong. Isulat
ang iyong sagot sa malinis na papel.

Tanong:
1. Makatutulong ba ang kaalaman sa iyong mga kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at hilig o
interes sa pagkakamit ng mithiin sa buhay? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Gumawa ng sariling “Linya ng Buhay” na maglalarawan sa iyong plano sa pagtupad ng


mga minimithi mo sa buhay gaya ng pag-aaral at negosyo. Pagkatapos ay sagutin ang gabay
na tanong. Gawin ito sa malinis na papel.

10
Gabay na Tanong:
1. Paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng gabay o pattern sa mga minimithi mo sa
buhay? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Sa pagpaplano ng karera o negosyo ay dapat ding isinasaalang-alang ang iba pang bahagi
o aspekto ng buhay ng isang kabataan. Nararapat na balanse ang pagbibigay ng tuon sa
pagpapaunlad ng iba pang aspekto ng kanyang buhay.

Panuto: Gumawa ng “Goal setting and Action Planning Chart”. Hindi isang bahagi lamang ng
buhay ang dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng mga mithiin at pagbabalangkas ng plano sa
pagtatamo ng pangarap sa buhay. Lahat ng aspeto ng buhay ay dapat na mabigyang tuon. Gamit
ang Goal Setting and Action Planning Chart ay isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa
pagbubuo ng karera o negosyo. Katapat nito ay itala ang mga hakbangin na isasagawa upang
makamit ang mithiin. Gayon din ang gawain para sa pag-aaral, pamilya at personal
(Pangkatawan, Pangkaisipan, at Pang-ispiritwal). Ang panahong itatakda ay dapat na hindi
bababa sa anim na buwan. Inaasahang magagamit dito ang mga natutuhan tungkol sa sarili sa
mga naunang gawain at ang naging resulta ng naunang Force Field Analysis. Itala sa journal ang
mga magiging katuparan o accomplishments sa mga itinakdang mithiin at kaugnay na mga
hakbang sa pagkakamit nito. Gayundin, itala ang mga magiging kahirapan o balakid sa

11
pagtatamo ng mithiin at ang mga gagawing alternatibong hakbang pamalit dito. Gawin ito sa
malinis na papel.

Rubric sa Pagtataya ng Goal Setting at Action Planning Chart

Mga Pang-uri Lubos na Kasiya-siya Hindi


Kasiya-siya Kasiya-siya
1. Pagsunod sa pamantayan sa
pagtatakda ng mithiin -ang SMARTA

S-pecific (Tiyak)
M-easurable (Nasusukat)
A-ttainable (Naabot/Makatotohanan)
R-elevant (Makabuluhan)
T-ime bound (May itinakdang panahon)
A-ction-oriented (May kaakibat na
pagkilos)
2. Pagtukoy sa mga tiyak na hakbang
tungo sa pagkakamit ng mithiin

12
Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa pangungusap, kung hindi naman
isulat ang HINDI. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Kailangan na may direksyon ang buhay sa pagpili ng kurso at mithiin sa
buhay.
2. Ang pagpaplano ay bahagi ng buhay pero di na kailangang isaalang-
alang tutal makakaraos din naman.
3. Tama lang naman ang magarap pero kailngan din naman na maging
makatotohanan at may takdang panahon.
4. Basta may pangarap kahit di na kumilos maabot din naman sa
tamang panahon.
5. Bata ka pa naman kahit maglaro ka nalang muna ng ML bago ang pag-
aaral o ang pangarap sa buhay mahaba pa naman ang panahon.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

ROBERTO G. IGNACIO
Teacher III, Bonifacio V. Romero High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

13
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Ang Maingat na Pagpapasya
Pangalan: Q4W3
Seksiyon: _ Petsa: __________________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Lahat ng tao ay kinakailangang gumawa ng pagpapasya araw-araw. Madaling sabihin kung
ano ang dapat gawin, ngunit mahirap maisakatuparan kung ikaw ang nahaharap sa aktwal na
sitwasyon. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangang gamitin nang wasto ang ating isip,
konsensya at kaalaman sa likas na batas moral.
Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili.
Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon. Ang pagpili ng
paglalakad sa bangketa ay pagpili na hindi maglakad sa kalsada. Ipinapalagay, sa simpleng
pagpili na ito, na alam mo ang kaibahan ng bangketa sa kalsada – kaysa, halimbawa, sa isang
lasing na ang paningin at pambalanse ay naapektuhan ng alkohol. Kung mahusay ang
pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay panahon.
Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya sa anomang bagay na
inaasahan sa atin. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-
isip.”
Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya ay ang isip at damdamin. Una,
ginagamit natin ang ating isip sa pagnilay natin sa mga sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga
impormasyon at tinitimbang natin ang mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian.
Hinihinuha natin ang mga maaring kahantungan o maging epekto ng mga ito. Madalas
kumukunsulta tayo sa mga eksperto. Itinatala natin at iniipon ang mga datos tungkol sa suliraning
nais nating malutas. Matapos magsuri, higit nating nakikita nang walang kinikilingan ang tamang
tunguhin. Ibig sabihin ng walang kinikilingan, ang solusyon na tinitingnan na higit na makabubuti
ay maaari ring piliiin ng karamihan sa mga tao.

14
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay
Pangalan: Q4W4
Seksiyon: Petsa: __________________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Iyong napag-alaman sa nakaraang aralin ang tungkol sa kahalagahan ng mabuting
pagpapasiya sa uri ng buhay. Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, napakahalagang
maisaisip at mapagnilayan ang iba’t ibang bagay o sitwasyon bago ito isagawa upang makasiguro
na hindi ito magkakaroon ng masamang epekto sa sarili at maging sa kapuwa.
Maliban sa nabanggit, malaki rin ang maitutulong na pagsasagawang personal na
pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement sa araw-araw ng pagpapasya. Ang
personal napahayag ng layunin sa buhay ay isang mabuting giya o gabay sa ating mga
pagpapasya. Ayon nga kay Sean Covey sa kanyang aklat na “The 7 Habits of Highly Effective
Teens, “Begin with the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating
mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang
pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal
o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para
itong balangkas ng iyong buhay.Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o
layunin sa buhay. Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula.
Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag ng
layunin sa buhay.
Ayon pa kay Covey (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay
maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit
ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang matibay na makakapitan upang
malampasan ang anomang unos na dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay
sa mundo. Lahat ay nagbabago. Maaariing ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay
naghihirap; mahal ka ng nobyo mo ngayon bukas may mahal na siyang iba. Maraming bagay na
hindi natin mapipigilan.

20
Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:
1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may
halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga ito na ang gamitin mong
pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.
2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimang minuto ay
isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-
abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito.Matapos ang labin
limang minuto ay maari mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o
gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng
layunin sa buhay.
3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan ka
maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong layunin
sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa iyo.
4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong
pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang asignatura na
kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay personal mong sekreto.Ang mahalaga, nagsisilbi
itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?”
Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

Kailangan ang personal napahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing


matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan ng
tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay. O, ano pa ang hinihintay mo?

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya.
(EsP7PB-IVc-14.2)

Tuklasin
Panuto: Isulat sa unang kolum ang tatlong (3) kasabihan o quotations na nagbibigay inspirasyon
sa iyong buhay. Pagkatapos, ipaliwanag sa ikalawang kolum kung bakit ito ang iyong napili.

21
Gawin ito sa malinis na papel.
Kasabihan Paliwanag
Halimbawa: Time is gold Para sa akin, ang oras na ibinigay sa atin ng
Panginoon ay mahalaga kung kaya’t dapat
itong gamitin ng wasto at may kabuluhan.
1.
2.
3.

Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang halimbawa ng personal na pahayag ng layunin sa buhay o


personal mission statement. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa malinis na papel.

Ang kabiguan ay naging bahagi ng buhay upang tayo’y maging mapagpasalamat sa mga
mumunting biyaya ng buhay.
Ang boses mo at ang bawat isa sa atin ay mahalaga.
Ang buhay ay parang pagsakay sa isang bisikleta, kailangan mong panatillihin ang iyong
balance upang makarating sa paroroonan.
Maging gabay ng iba tungo sa katotohanan.
Ang lahat ng desisyon ay mahalaga.
Huwag kakalimutan na ang Diyos ay laging naririyan para sa akin
Matutong makuntento sa biyaya na ipinagkaloob sa akin.
Huwag kalimutang ngumiti.
Magtiwala sa sarili dahil ako’y nilikha ng Diyos.
-Kryshna T. Gayola
Manila Science High
School

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang nais ipabatid ng manunulat sa kanyang personal mission statement?


2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng layunin sa buhay?
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa pag-abot mo ng iyong pangarap? Papaano?

22
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Panahon na para magsulat ka ng iyong pahayag ng


layunin sa buhay. Gamitin ang mga natutuhan sa pagbuo nito.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong layunin sa buhay na
magsisilbing inspirasyon at gabay sa iyong pang-araw-araw
na pagpapasiya. Lagyan mo ito ng disenyo upang mas maging
kawili-wili itong tingnan. Gawin ito sa oslo o bond paper.

Rubrik sa Pagsasagawa ng Personal na Pahayag ng Layunin sa Buhay

Kraytirya 5 4 3 2-1 Puntos


Nilalaman Malinaw na Malinaw ang Lubhang Hindi naging
malinaw ang nilalaman ng malinaw ang malinaw ang
ng nilalaman gawain nilalaman ng nilalaman ng
ng gawain gawain gawain
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ng isinagawang gaanong detalye at di-
gawain gawain malinaw ang malinaw ang
gawain gawain
Pagkakagawa Napakahusaya Mahusay at Hindi gaanong Hindi
at at malikhain ang mahusay at mahusaya
Pagkamalikhain napakamalikh pagkakagawa malikhain ang atmalikhain
ain ng ng gawain pagkakagawa ang
pagkakagawa ng gawain pagkakagawa
ng gawain
Kabuuang Puntos

23
Tayahin

Panuto: Punan ang patlang upang maipahayag ang iyong natutuhan sa aralin na ito. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

1. Ang kawili-wili at mahalagang kaalaman o bagay na nabatid ko ay .


2. Ang nais ko pang malaman o katanungan ay .

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-Deped, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

JANINEM. BAUTISTA EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Malabanias Integrated School EPSvr 1 - EsP

24
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 5: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Pangalan: Q4W5
Seksiyon: Petsa: __________________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Iyong napag-alaman sa nakaraang aralin ang tungkol sa
personal na layunin ng buhay o personal mission statement.
Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, mahalagang
ngayon pa lamang ay magkaroon ka na ng personal na layunin
sa buhay na makatutulong sa inyong gagawing pagpapasya. Ito
ay magbibigay sa iyo ng inspirasyon upang patuloy mong
tahakin ang iyong landas at lampasan ang anomang pagsubok makamit mo lamang ang iyong
naisin para sa sarili, pamilya at kapuwa. Kagaya ng mga kumpanya, sila rin ay may mga “mission
statement” na sinusundan upang magpatuloy ang kanilang negosyo. Maging kabataan, katulad
mo ay mahalagang magkaroon ng ganitong gawain. Ang iyong personal na pahayag ng misyon
sa buhay ay hindi lamang kung ano ang nais sa buhay, ito rin ay nararapat na may kalakip na
mga pagpapahalaga at birtud na kailangang isabuhay upang maging mabuti ang bawat hakbang
na gagawin. Ang mga pagpapahalagang ito ay maari rin maka-impluwensiya sa mga taong
nakakita sa iyong pagpupursige sa buhay.
Mahalaga rin na tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang kilos na binubuo mo para sa
iyong pangarap. Isinasakilos mo ba ang mga pagpapahalagang makatutulong para maabot mo
ang iyong personal na layunin ng buhay? Isiping mabuti ang bawat kilos o pasiyang gagawin
upang hindi magsisi sa bandang huli.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya.
(EsP7PB-IVc-14.2)

25
Tuklasin

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa malinis na papel.


1. Ano ang ibig sabihin ng Personal Mission Statement o Personal na Pahayag ng
Layunin sa Buhay? Bakit ito mahalaga?

Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang pasya ni Mark sa sumusunod na anektoda.

Hindi makalimutan ni Mark ang tinig ng ina nito sa telepono. “Bakit anak, bakit? Lahat ng
pagsisikap ginagawa ko ay para sa iyo. Anong nangyari? Akala ko maayos ang lahat. Akala ko
darating ako sa Marso para mapanood ang pagmamartsa mo sa araw ng pagtatapos mo sa
haiskul…kami ng tatay mo…” Hindi na nito natapos pa ang sasabihin. Alam ni Mark na umiiyak
ito sa kabilang linya. Hindi na rin niya nakayanang marinig pa ang ibang sasabihin ng ina kaya’t
ibinaba na nito ang telepono. Maayos nga ba ang lahat? Noong narito pa sina Nanay at
malakas pa si Tatay. Noon wala siyang pakialam anoman ang sabihin ng ibang mga kamag-
aral. Madalas man siyang tuksuhin ng mga ito at pagtawanan hindi nya ito kailangang pansinin.
Nagsisikap siya sa pag-aaral para sa kanyang pamilya. Siya ang panganay kaya kailangan
niyang makatapos para makatulong sa magulang. Mahirap lang ang buhay nila. Madalas
pumapasok siya na walang baon. Pinagtatawanan nila ang sapatos niyang may butas sa
talampakan gayondin ang uniporme niyang puno na ng sulsi at medyo maiksi na para sa kanya.
Hindi sila makabili ng bago. Pero wala sa kanya iyon. Ang mahalaga’y nakakapag-aral siya.
Iyon ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang nanay.
Ngunit nang magkasakit ang kanyang ama kinailangan nang kanyang ina ang magpunta sa
ibang bansa para maghanapbuhay. Domestic Helper sa Hongkong ang nanay niya. Mabait
daw ang naging amo nito. Ilang taon na rin ang lumipas. Iba na ang lahat. May bagong
telebisyon, radyo, computer. Bago palagi ang uniporme ni Mark. May bank account pa nga
siya. Sa kanya ipinangalan ng nanay niya ang bank account para sa remittance nito.
“Responsableng bata si Mark, kaya niyang pamahalaan ang mga pangangailangan ng ama
at ng kapatid.” Sabi ng nanay niya sa tiyahin niya.

26
“Pwede ba akong maghanda sa birthday ko at bumili ng beer. Konti lang naman, konting
kasayahan lang. Mapilit kasi ang barkada ko tatay eh.” Ayaw sana ni Tatay, kaya lang sabi ni
Nanay, hayaan na, minsan lang naman. Tutal malapit ng magdisisiyete si Mark. Ang hindi alam
ng nanay niya, madalas ang inuman ng barkada. Nakakahiya kasi. Alam naman nilang may
pera si Mark. Wala raw siyang pakikisama, yan ang lagi nilang sinasabi kapag tumatanggi si
Mark. Natatakot si Mark na mawala ang barkada. Dati-rati kasi iniiwasan siya ng mga ito.
Ngayon sikat na rin siya, mula nang tanggapin siya ng barkadahan. Marami sa mga kaklaseng
babae nila ay humahanga kay Mark. Masarap pala ang pakiramdam ng napapansin at
hinahangaan. Masarap ang maraming kaibigan. Masaya ang maging popular sa paaralan.
Masyado kasing napadalas ang gimik ng barkada. Ayon bagsak tuloy si Mark sa
tatlong subjects. Hindi siya ga-graduate. “Okey lang yan pare, kami rin naman hindi magma-
martsa eh” sabi ni Bok ang lider ng kanilang grupo. “Ayaw mo nun matagal pa tayong
magkakasama. Tuloy ang ligaya.” Dapat nga bang ikasiya iyon? Wari’y kinukurot ang kanyang
puso tuwing maaalala ang tinig ng ina. Minamasdan niya ang sarili sa salamin. Siya nga ba
talaga ang repleksyon sa salamin. “Hindi pa huli ang lahat,” wika niya sa sarili.

Panuto: Batay sa nabasang anekdota, kung ikaw si Mark, ano ang pasiya na iyong gagawin?
Isaalang-alang din ang mga maaaring kinahinatnan ng iyong pasiya. Gawin ito sa malinis na
papel.

Rubric sa Pagtataya ng ginawang pagsusuri

3 2 1
Dimensyon Pinakatama Bahagyang Tama Mali
Posisyong pinili Natukoy nang Natutukoy ang Hindi malinaw ang
malinaw ang posisyon sa moral na posisyon sa moral
kalalabasan ng dilemma subalit may dilema
posisyong pinili ilang kalalabasan ng
posisyon ang hindi
malinaw
Batayan ng mga Ibinatay sa Likas na Ibinatay sa kultura, Ibinatay sa
pahayag Batas at Moral kinagisnang nararamdaman o
(Natural Moral Law) paniniwala o instinct emosyon Hindi
Ibinatay ang Ibinatay ang ibinatay ang
posisyong pinili sa posisyong pinili sa posisyong pinili sa
27
tatlong palatandaan tatlong palatandaan tatlong palatandaan
ng moral na kilos ng moral na kilos ng moral na kilos
subalit hindi
naipahayag nang
maayos
Kaugnayan ng mga Ang mga pahayag ay May ilang pahayag Ang mga pahayag ay
pahayag sa dilemma nagpapamalas ng na walang nagpapamalas ng di
lubos na kaugnayan sa dilema pagkaunawa sa
pagkaunawa sa dilema
dilemma
Paninindigan sa Matatag ang May kaunting agam- Hindi napanindigan
posisyong pinili paninindigan sa agam sa posisyong ang posisyong pinili
posisyong pinili pinili

Pagyamanin / Isagawa
Panuto: Subukan ang iyong kakayahan na magpasiya sa mga sitwasyon na katulad ng nasa
ibaba. Sundin ang pormat at gawin ito sa sagutang papel.

28
29
Tayahin

Panuto: Sumulat ng sariling pahayag ng layunin sa buhay. Gawin ito sa bond paper o oslo paper.
Idikit ito sa iyong salamin o sa lugar na araw-araw mong tinitingnan. Para sa pagwawasto, para
sa mga online learning kunan ng larawan ang naisulat at ipadala sa messenger at para sa mga
modyular isama ito sa inyong modyul sa araw ng pagpapasa.

Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda nina: Isinumite kay:

JENNILYN LAXAMANA EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Malabanias Integrated School EPSvr 1 – EsP

30
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 6: Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Pangalan: Q4W6
Seksiyon: _ Petsa: __________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Marunong ka bang maglaro ng chess? O di kaya naman ay


nakakapanood ka ba ng mga naglalaro nito? Kung susuriing mabuti ang
paglalaro ng chess, mapapansin na ang sinumang naglalaro nito ay
sumasailalim sa malalim na pag-iisip. Sa buong panahon ng paglalaro
ng chess ay kinakailangan nilang mamili ng tamang piyesa na ititira at
magpasiya ng gagawing tira. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat
galaw upang maging batayan ng gagawing tira. Kailangang maging maingat sa pagpapasiya dahil
kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. May tuntunin na tinatawag na “touch-move,”
nangangahulugan ito na kapag hinawakan mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira,
hindi na maaaring magbago ng isip kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago ito hawakan.
Marahil nagtatanong ka, “Bakit naman biglang napasok ang chess sa usapan?”

Hindi ba maaari natin ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating mga pagpapasiya sa
buhay? Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan
din tayo ng laya na magpasiya para sa ating sarili. Isa itong gawain na hindi maiiwasan ng
sinuman sa araw-araw. Ngunit ang tanong, sapat na ba ang iyong kaalaman para magpasiya at
mamili? Katulad ka ba ng isang grandmaster sa chess na laging naipananalo ang kaniyang
laban? Kung hindi pa ganap ang iyong tiwala sa iyong kakayahan, makatutulong sa iyo ang
babasahing ito.

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula ito sa


simpleng pagpapasiya katulad ng: kung anong damit ang isusuot, kung kakain ba ng hapunan,
hanggang sa mga komplikadong pagpapasiya katulad ng: kung papasok ba o hindi sa paaralan,
sasama ba sa kaibigan sa isang party nang walang paalam sa magulang o pakokopayahin mo
ba ang kaibigan mo sa pagsusulit at marami pang iba. Alinman sa mga ito ay nangangailangan
ng kasanayan upang makagawa ng matalinong pasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.

31
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa
tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang
mga pangarap.
EsP7PB - IVd -14.3

Tuklasin

Panuto: Piliin ang larawan ng itinuturing mong may mas mataas na kabutihan mula sa kasunod
na mga halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa ginawang pagpili. Gawin ito sa malinis na
papel.

A B

Ang aking napili:

Paliwanag:

32
A B

Ang aking napili:

Paliwanag:

Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon na hinango sa mga moral dilemma
ni Lawrence Kohlberg. Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na
posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. Isulat
ang iyong mga sagot sa malinis na papel.

Dilemma Blg. 1 Si Amir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na makasama
sa camping. Nangako sa kaniya ang kaniyang ama na papayagan siyang sumama kung siya
ay makaiipon nang sapat na pera para rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni Amir sa
pagtitinda ng diyaryo. At naipon ang sapat na halagang kailangan para sa camping at may
panggastos para sa kaniyang sarili. Ngunit nagbago ang isip ng kaniyang ama bago dumating
ang araw ng kanilang camping. Ang ilan sa mga kaibigan ng ama ay nagpasiyang mangisda
sa ibang lugar. Kapos ang pera ng kaniyang ama upang ipanggastos sa pangingisda. Kaya,
kinausap niya si Amir upang hingin dito ang perang kaniyang naipon. Napaisip tuloy si Amir
na tumanggi na ibigay sa kaniyang ama ang kaniyang naipon.
Tanong:
1. Dapat bang tumanggi si Amir na ibigay ang kaniyang naipon pera sa kaniyang ama?
Pangatwiranan ang sagot.

33
Dilemma Blg. 2 Si Judy ay labindalawang taong gulang. Nangako sa kaniya ang kaniyang
ina na siya ay maaaring manood sa isang konsiyerto na magaganap sa kanilang lugar. Ngunit
ito ay sa kondisyong mag-iipon siya sa pamamagitan ng pag-aalaga ng bata at sa pagtitipid
mula sa kaniyang baon sa paaralan nang may maipambili ng tiket sa konsiyerto. Nagawa ni
Judy na maipon ang perang kinakailangan at nagkaroon pa ng sobra. Ngunit nagbago ang
isip ng kaniyang ina at sinabi sa kaniya na mas makabubuti kung gagastusin niya ang
kanyang pera sa pagbili ng bagong damit para sa paaralan. Labis ang pagkabigong
naramdaman ni Judy. Ngunit sa kabila nito ay nagpasiya pa rin siya na ipagpatuloy ang
panonood ng konsiyerto. Bumili siya ng tiket ngunit sinabi niya sa kaniyang ina na maliit na
halaga lamang ang kaniyang naipon. Nang dumating ang araw ng konsiyerto, nanood siya at
sinabi sa kaniyang ina na siya ay magpapalipas ng buong araw kasama ang isang kaibigan.
Dumaan ang isang linggo at hindi nalaman ng kaniyang ina ang kaniyang ginawa. Sinabi ni
Judy ang lahat sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Louise. Iniisip ni Louise kung
ipararating ba niya sa kanilang ina ang ginawa ni Judy.

Tanong:
1. Nararapat bang sabihin ng nakatatandang kapatid ni Judy na si Louise sa kanilang ina na si
Judy ay nagsinungaling tungkol sa pera o siya ba ay mananahimik na lamang? Ang pagsasabi
ba ng totoo ay may kinalaman sa pagiging isang mabuting anak? Bakit?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Batay sa naunang gawain: Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasiya?
Magbigay ng isang karanasan na kung saan ay nagamit mo ang mga hakbang sa paggawa ng
wastong pasya at suriin kung ito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Isulat ang
karanasan sa malinis na sagutang papel.

34
Rubrik para sa pagpupuntos sa Wastong Pagpapasiya
Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Nilalaman at Malinaw na Malinaw ang Hindi Hindi malinaw
Presentasyon malinaw ang mensahe sa gaanong ang mensahe
mensahe sa paggawa ng malinaw ang sa paggawa
paggawa ng wastong pasya mensahe sa ng wastong
wastong paggawa ng pasya
pasya wastong
pasya
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may ang
konsistent, na detalye at kaisahan, pagkakabuo,
at kumpleto malinaw ang kulang sa kulang ang
ang detalye paggawa ng detalye at detalye at di-
ang wastong pasya hindi gaanong malinaw ang
paggawa ng malinaw ang paggawa ng
wastong paggawa ng wastong
pasya wastong pasya
pasya
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop
sa Paksa angkop ang paggawa ng gaanong ang paggawa
paggawa ng wastong angkop ang ng wastong
wastong pagpapasya sa paggawa ng pagpapasya
pagpapasya paksang wastong sa paksang
sa paksang natalakay pagpapasya natalakay
natalakay sa paksang
natalakay
Kabuuang Puntos

35
Tayahin

Ngayon handa ka na bang gumawa ng wasto at tamang pagpapasiya upang


magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap? Isulat ang iyong
sagot sa malinis na papel.

Ano ang iyong pansariling mithiin at ang magiging pasiya sa iyong:


Pamilya :

Sarili

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

RONALD M. RAMOS
Teacher I, MALABANIAS INTEGRATED SCHOOL

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

36
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay: Gabay sa Tamang
Pagpapasiya
Pangalan: Q4W7
Seksiyon: _ Petsa: ___________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Napakagandang makita ang pangarap ng bawat isa. Sa inyong magkakaibigan marahil
may mga iba ang pangarap o misyon nila sa buhay ay
magkaroon ng magandang bahay, o kaya naman ay
makapasyal sa iba’ ibang lugar. Ngunit, maaaring may
mga hadlang upang matupad ang mga pangarap o
misyon na ito. Ano nga ba ang kailangan natin upang
maging tuwid ang daan na ating tatahakin sa pag-abot ng
ating mga pangarap?
Isang mabuting gabay din sa ating pagpapasiya ay ang pagkakaroon ng personal na
pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon kay Sean Covey sa kaniyang
aklat na naisulat na The Seven Habits of Highly effective teens “Begin with the end in mind.” Ano
nga ba ang kahulugan nito? Bilang isang estudyante na nagsisimulang bumuo at tuparin ang
kaniyang mga pangarap, magiging maganda ang takbo ng pagkamit nito kung sa umpisa pa
lamang ay alam mo na kung ano ang nais mong makamit o marating sa buhay. Hindi magiging
mahirap ang pagbuo ng iyong mga pagpapasiya kung sa una pa lamang nakikita mo na kung ano
ang nais mong makamit.
Ang ating mga misyon o personal na layunin sa buhay ang magiging gabay natin sa araw-
araw. Para itong kaibigan na masasandalan sa tuwing ikaw ay nahihirapan ng humanap ng
dahilan kung bakit kailangan mong magpatuloy sa iyong araw-araw na pagsisikap. Ang mga ito
ay maaring minsan ay naisulat mo na sa isang simpleng papel o kaya naman ay patuloy mong
pinagdadasal sa ating Panginoon. Patuloy kang nagsisikap upang matupad ang iyong mga
pangarap. Hindi magiging madali ito, maaring magkaroon ng mga hadlang na tayo mismo ay
minsan nahuhulog sa mga ito. Halimbawa na lamang, sa panahon na ito na marami ang mga
bagay na pwedeng pumukaw ng iyong atensyon, nandiyan ang internet games, facebook at kung

37
ano-ano pa. Madali lamang malulong sa mga ganitong bagay
lalo na ang mga kabataan. Ngunit, kung iyong tatandaan ang
mga personal na layunin mo sa buhay, siguradong malalabanan
mo ang mga ito. Kung alam mo ang mga makabubuti sa
pagtupad ng iyong pangarap, lilimitahan mo ang mga paggamit
sa mga bagay na ito. Ang iyong mga personal na layunin ang
tutulong sa iyo upang magpasiya ng mabuti at ito din ang
gumagabay upang mapunta ka sa tamang direksyon sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Kaya
napakahalaga na ngayon pa lamang alam mo na kung ano ang kahalagahan sa pagbuo nito.
Upang ating malaman ang iyong kakayahan sa pagpili ng mga tamang papasiya, narito
ang mga maikling pagsasanay na iyong sasagutan. Gawing kawili-wili ang pagsagot sa mga ito.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa
tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang
mga pangarap.
(EsP7PB-IVd-14.3)

Tuklasin

Panuto: Sa Gawain na ito, ating alamin kung ano ang iyong mga naging karanasan na maaaring
maka-apekto sa iyong mga personal na layunin sa buhay. Itala lamang sa ibaba kung ano ang
mga ito, ang iyong naging desisyon at aksyon. Gawin ito sa malinis na papel.

Karanasan Ano ang iyong naging Ito ba ay nakabuti sa


desisyon at aksyon? iyong layunin sa buhay?
1. Karanasan sa Eskwelahan
Halimbawa: Niyaya ako ng aking
kaklase na huwag nang
pumasok sa inyong klase.
2. Karanasan sa pamilya
3. Karanasan kasama ang mga
kaibigan kaibigan
4. Karanasan na Ikaw lamang
mag-isa

38
Gabay na Tanong:
1. Bakit mahalaga na alamin kung ano ang iyong mga magiging aksyon at desisyon sa bawat
sitwasyon ng iyong buhay?

Suriin

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isipin na ikaw ang nasa bawat sitwasyon na ito. Isulat
lamang ang mga maari mong gawin upang magabayan ang bawat isa sa tamang direksyon sa
buhay. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Si Karla ay nangangarap na maging manunulat. Naisip niya na upang magtagumpay siya
ay makakatulong ang magbabasa ng mga libro sa kaniyang mga libreng oras. Ngunit lagi
na lamang siyang niyayaya ng kanyang barkada na pumunta sa mga mall. Sa takot niya
na mawalan ng kaibigan ay sumasama na lamang siya at nawalan ng gana sa pagbabasa.
2. Grade 7 pa lamang si Anton ay nawiwili na siya sa mga laro sa internet na humantong sa
pagkakalulong niya sa mga ito. Mabilis ang pagbagsak ng grado niya sa maraming
asignatura.
3. Pangarap ni Prince na maging tanyag sa sining. Nakahiligan niya ang panonood sa mga
iba’t-ibang pintor at mang-uukit. Ngunit hindi sang-ayon ang kaniyang mga magulang
dito. Nawawalan ng pag-asa si prince dahil dito.

Gabay na Tanong:
1. Bakit ganito ang pagpapasiyang iyong piniling gawin?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Bumuo ng road map kung paano mo maisasakatuparan ang iyong personal na misyon
sa buhay. Maaari mong ipakita rito ang iyong layunin, mga hadlang sa maaari mong maranasan,
at paraan upang mapagtagumpayan mo ang mga hadlang na ito. Gamiting gabay ang
halimbawang ibinigay. Gawin ito sa short bond paper.

39
Halimbawa ng road map:

Gabay na tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng road map na iyong ginawa?

40
Rubrik sa Paggawa ng Road Map
Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Nilalaman at Malinaw na Malinaw ang hindi gaanong hindi malinaw
Presentasyon malinaw ang mensahe ng malinaw ang mensahe ng
mensahe ng road map mensahe ng road map
road map road map
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang road map gaanong detalye at di-
road map malinaw ang malinaw ang
road map road map
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang road map sa angkop ang ang road map
road map sa paksang road map sa sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
natalakay natalakay
Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang mga pamantayan sa pagpili ng
iyong mga mithiin Isulat ang dalawang (2) kaalaman o liksyon na iyong napulot na maaaring
magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan na nais mo pang malaman sa hinaharap.
Gawin ito sa malinis na papel.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 202 0

Inihanda ni: Isinumite kay:

ALGEN T. CORTEZ EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Dr. Clemente N. Dayrit Sr. Memorial High School EPSvr 1 – EsP

41
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Paghubog ng Aking Misyon

Pangalan: Q4W8
Seksiyon: _ Petsa: __________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Marami sa mga panoorin ang nagpapakita ng misyon ng mga bida. Sa bawat misyon na
kanilang dapat na gawin, gumagamit sila ng mga mabuting pagpapasiya upang matapos nila ito
nang maayos. Sa iyong buhay, ikaw ang bida. Natanto mo na
ba kung ano ang iyong misyon o mga mithiin na dapat mong
nagawa?
Gamit ang mga hakbang sa wastong pagpapasiya ay
nakagagawa tayo ng mga desisyon na hindi lamang
makabubuti para sa atin kundi para sa ating mga kasama sa
buhay. Dahil dito, tayo ay nakabubuo ng mga plano o goal na
nais natin para sa ating sarili at kapuwa. Gamit din ang mga
hakbang na ito ay nakakagawa tayo ng ating personal na
pahayag ng layunin sa buhay.
Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling
motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Ito ay parang mga
puno na nag-ugat na ng malalim, matatag at hindi basta basta matatangay. Sa paggawa ng mga
ito, dapat lamang tandaan at unawain na maigi ang mga hakbang sa paggawa ng wastong
pagpapasiya. Kagaya ng napag-aralan sa Modyul 3, narito muli ang mga hakbang sa mabuting
pagpapasiya:
1. Magkalap ng kaalaman- Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay
nakasalalay sa mga katotohanan.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa ano mang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang
pagninilay sa mismong aksiyon.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin ang

42
pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw
kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring isaalang-
alang ang ating damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili.
5. Pag-aralang muli ang pasiya. Maging bukas sa posibilidad na magbago ang pasya
pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo.
Marami pa ang maaaring magbago sa takbo ng iyong buhay. Marami ka pang gagawing
pagpapasiya na maaring makaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Tandaan lamang na walang
permanenteng bagay sa mundo. Maaring ngayon ikaw ay nasa ilalim pero hindi habang buhay
ay diyan ka na lamang. Kaya kailangan mong maging matatag sa paggawa ng iyong personal na
layunin sa buhay. Magsikap na ito ay abutin kahit ano man ang mga bagay na maaring maging
sagabal sa iyo. Maaari kang mag-isip ng iyong personal na motto, o kaya naman ay maglaan ng
oras sa pag-iisip nito. Mabuti para sa iyo na sa ngayon pa lamang ay nakikita mo na ang iyong
gustong makamit, mula sa iyong sipagan, pagtitiyaga at tiwala sa Diyos ang lahat ay posible.
Narito ang mga iba’t-ibang pagsasanay na makatutulong sa pagbuo ng iyong mga mithiin
sa buhay. Gawing kawili-wili ang pagsagot sa mga ito.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• aisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga
hakbang sa mabuting pagpapasiya. (EsP7PB-IVd-14.4)

Tuklasin

Panuto: Iyong alalahanin ang isang sitwasyon kung saan kailangan mong pumili sa dalawang
bagay na napakahalaga para sa iyo. Tukuyin ang hakbang na ginawa sa pagpili, ang iyong naging
pasiya at ang dahilan sa pagpili ng pasiya, ang naging bunga nito, at ang mahalagang aral na
napulot. Gawin ito sa malinis na papel. Gawing gabay ang tsart.

43
Hakbang na Ginawa
Buod ng Sitwasyon 1. _________________
_______________________ _________________
_______________________ Mga Pagpipilian 2. _________________
_______________________ _________________
_______________________ 3. _________________
_______________________ _________________
4. _________________
_________________

Ang naging pasiya


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Bakit ito ang napili?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Naging Bunga ng Napiling Pasiya


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

44
Suriin

Panuto: Sa Gawain na ito, ating alamin ang iyong mga nais para sa mga taong nakapaligid sa
iyo. Tignan natin ano nga ba ang mga pagpapasiyang iyong gagawin upang ito ay makamit sa
takdang panahon. Isulat ang kasagutan sa malinis na papel.
Ang aking mga pangarap Ano ang mga naging Ano ang iyong mga paraan
para sa aking: dahilan kung bakit ito sa pagtupad ng mga
ang iyong napiling pangarap na ito?
pangarap?
1. Pamilya
2. Kapuwa
3. Bayan
4. Sarili

Gabay na tanong:
1. Ano ang nag-udyok sa iyo upang mabuo ang mga pangarap na ito para sa iba at sa iyong
sarili?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang poster-slogan ng iyong personal na misyon. Gawin ito sa bond
paper. Magbigay ng maikling paliwanag sa naiguhit. Gawin ito sa bond paper.

Rubrik sa paggawa ng poster-slogan


Kraytirya 5 4 3 2-1 Puntos
Nilalaman at Malinaw na Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
Presentasyon malinaw ang mensahe ng malinaw ang mensahe ng
mensahe ng poster-slogan mensahe ng poster-slogan
poster-slogan poster-slogan
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang poster-slogan gaanong detalye at di-
poster-slogan

45
malinaw ang malinaw ang
poster-slogan poster-slogan
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang poster-slogan poster-slogan ang poster-
poster-slogan sa paksang ang simbolo sa slogan sa
sa paksang natalakay paksang paksang
natalakay natalakay natalakay
Pagiging Malikhain ang May pagka Hindi gaanong Hindi naging
malikhain sa pagkagawa ng malikhain ang malikhain ang malikhain ang
paggawa kaniyang kaniyang kaniyang kaniyang
konsepto ng ginawang nagawang ginawang
isang poster- konsepto para konsepto para konsepto sa
slogan sa kaniyang sa sariling kaniyang
poster-slogan poster-slogan poster-slogan
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Ibatay ito sa walong hakbang ng mabuting
pagpapasiya. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o liksyon na iyong napulot na maaring magamit
sa personal na buhay. At isang (1) katanungan na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin
ito sa sagutang papel.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

ALGEN T. CORTEZ EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Dr. Clemente N. Dayrit Sr. MHS EPSvr 1 - EsP

46
Susi Sa Pagwawasto

Modyul 1: Tayahin

Modyul 2: Tayahin

Modyul 3: Tuklasin at Suriin

Modyul 5. Tuklasin

47

You might also like