Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GROUP 1 SCRIPT

Relly (Intro): Magandang hapon po sainyong lahat! kami ang ika-unang pangkat na mag
pre-presenta ngayon sa araw na ito. Mayroon kaming isasadula na maikling roleplay ukol
sa pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigidig. Ang aming roleplay ay tungkol sa
The Great Wall of China na ipinamana o ipinagawa ni Shih Huang Ti. Pagkatapos nito,
mayroon kaming mga karagdagang katanungan para sainyo. Sana’y inyo itong
magustuhan!

Narrator: Bago ipinatayo ang The Great Wall of China, Mayroong pagbabanta ng pag
atake mula sa Hilagang Tsina. Kaya, nang malaman nila ang pagbabanta ng mga
dayuhang mananakop. Agad silang nag isip ng maaaring depensa upang mapatigil o
maiwasan ang pag atake ng mga dayuhan.

Soldier 1: Emperador, Ako’y may nasakop na balita mula sa ating espiya na may mga
dayuhang nagtatangkang sakupin ang ating bansa.

Shih Huang Ti: Ano?!


Narrator: Dahil dito, agad nag isip si Shih Huang Ti ng mga maaaring gawin upang
maiwasan ang mga pagtatangka ng mga dayuhan. Dito, naisip niya na mag patayo ng
isang malaking pader sa hilagang banda ng tsina upang mag silbing harang at depensa
sa mga pag atake sa hilagang Tsina.

Shih Huang: Alfonso, ako ay mag papatayo ng mahabang pader sa hilagang bahagi
upang maging proteksyon at depensa natin sa mga mananakop. Mag handa ka ng mga
sundalo na tutulong upang itayo ang mga ito.
Soldier 1: Masusunod po Emperador.
Narrator: Inutusan ng Emperador ang tatlong daang libo na sundalo na itayo ang Great
wall. Bukod sa mga sundalo, Pinilit rin ang mga magsasaka na tumulong sa pagtatayo ng
Great Wall. Kaya, Higit sa pitong daang libong manggagawa ang tumulong upang itayo
ang great wall.

Soldier 2: Pagod na ako, Ansakit na ng katawan ko, parang hindi ko na kaya pang mag
trabaho
Soldier 3: Hindi pwede yan, maaari kang parusahan kung hindi mo gagawin ang iyong
trabaho. Maaari kang makulong o hatulan ng kamatayan.
Soldier 4: Huwag kayong tumigil mag trabaho, Para rin ito sa inyo, sa pamilya niyo at sa
ating bansa.
Narrator: Matapos ang dalawampung taon, nakumpleto rin ang paggawa nito. Nagsilbi
itong depensa ng Tsina at proteksyon mula sa mga dayuhang mananakop. Tiniyak nito
ang pag-unlad ng ekonomiya at pag-unlad ng kultura sa Tsina dahil prinotektahan nito
ang malalaking bahagi ng malalaking ruta ng kalakalan tulad na lamang ng silk road.
Narrator: Sa paglipas ng mga siglo, ang Great wall ay itinayo at muling itinayo upang
protektahan ang kanilang bansa mula sa mga mananakop. Sa kasalukuyan naman ay
Malaki parin ang tulong ng great wall sa bansang Tsina. Dahil nagsisilbi itong Top tourist
sight dahil isa ito pinakadakilang gawang istraktura ng sangkatauhan sa sinaunang
panahon. Dahil din ito sa matinding kasaysayan nito.

Tourist 1: Grabe! Napakaganda naman at hindi kapanipaniwala na ginawa ito ng


sangkatauhan noon.
Tourist 2: Hindi lamang yan, Marami din ang nag hirap at nag sakripisyo upang maitayo
ang napakaganda at kamanghamanghang istrakturang ito.
Tourist 3: Napaka kakaiba at espesyal ang aking karanasan dito, Para sakin, lahat ng
bumibisita sa tsina ay dapat pasyalan ang lugar na ito.

Narrator: Hindi lamang ang kultura, Tradisyon at kasaysayan ang ating natutunan dito.
Itinuturo sa atin ng Great Wall na ang kabiguan ay hindi isang dahilan para sumuko,
ngunit isang pagkakataon upang matuto at umunlad. Sa pamamagitan ng pag tanggap sa
mga kabiguan bilang mga hakbang sa tagumpay, pananatiling matatag at pagpapatuloy
sa kabila ng mga kabiguan at pagkakamali, makakamit natin ang mga pambihirang
resulta sa sarili nating buhay.

Outro: Muli kami ang unang pangkat, Ako po si (magpapakilala lahat), Thank you
godbless and mabuhay!

You might also like