Suring Basa

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kataastaasang Paaralan ng

Tayawan National High School

Tagapag-ulat: Bernice Casey Mae M. Cajes


Guro: Bb. Angel Mae B. Mondejar
Paksa: Piling Panitikan sa Pilipinas
Kabayanihan ni Lope K. Santos

Talambuhay ng may-akda:
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng
Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.

Sa larangan ng panitikan
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal – bilang Lope C. Santos – sa mag-
asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit
mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang
panggitnang pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino), matapos na
makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal
para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa
siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa
larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot
para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at
Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni
Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang
Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging
Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas
kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at
nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit
hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang
Pambansa ang Wikang Tagalog.
Sa larangan ng politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod
din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Kabayanihan
ni
Lope K. Santos

259

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo

A. KARAKTERISASYON:

Ang tulang kabayanihan ni Lope K. Santos ay isinulat nya para sa mga bayani ng Pilipinas.
Patungkol ito sa mga bayani ng Pilipinas at kanilang mga sakripisyo sa ating bayan upang
makamit natin ang kalayaang ating ninanais at mapabuti ang ating buhay at kinabukasan.

B. KOMPREHENSIBONG PAGBUBUOD:
Tinatalakay ng tulang ito ang kabayanihan ng mga mamamayang Pilipino. Ang walang sawang
pagpapakaalipin, pagtulong ng walang hinihiling na kapalit at mga sakripisyo nila na walang
ibang hangarin kundi ay mapabuti at upang makamit ang ating kalayaang nais matikman para na
rin sa kinabukasan ng ating mga lahi at pag-ibig sa kapwa at sa Diyos. Pinapaksa rin nito ang
pagtataksil, pagwawalang turing sa kanilang tulong at ang paglimot sa kanilang kabayanihan.

C. MGA TAYUTAY MA GINAMIT NG MAY AKDA AT MGA PAG-UURI SA


MGA ITO:

Metapora:

- Ang kamatayan mo ay buhay ng madla

- Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha

Pang-uyam:

- Tapang mo’s sa duwag

Pagtutulad:

- Sa turo mo’y naging maalwan ang mulala

Talasalitaan ( Vocabulary ):

 Natatalastas – nababatid o nalalaman

 Dunong – karunungan o kaalaman

 Maalwan – komportable

 Mulala – hangal o walang alam

 Tikis – sinadya

 Paglililo - pagtataksil

D. MGA SIMBOLO AT KAHULUGAN NITO:

Ang mga simbolo ay napakahalaga sa isang tula na kung saan dito pagbabayatjn ang mga bagay-
bagay kung paano nangyari at bakit nangyari ang isang pangyayari. Narito ang mga sumusunod:
• Pananim – isang salita na ginamit sa tula na kung saan ginamitan ng tayutay na ibig sabihin ay
pagpaparaya sapagkat iba ang nakinabang sa mga sakripisyo at paghihirap.

“Natatalastas mong sa’yong pananim

Iba ang aani’t iba ang kakain”

• Paupa – isa ding mahalagang simbolo na kung saan ito ay nagpapakita ng isang magandang
pag-uugali ng isang bayani na handang tumulong ng walang hinihinging kapalit.

“Na walang paupa sa hirap at pagod”

• Kamatayan – ang kamatayan sa akda ay nagpapakita ng pagiging makabayan na handang ialay


ang sariling buhay alang-alang sa libo-libong buhay. Ang kamatayan rin ay nagpapatunay ng
kalayaan ng bayan.

“Ang kamatayan mo ay buhay ng madla”

• Diyos – sinisimbolo ng salitang ito sa tula na ang pag-ibig sa kapwa ay laging ipagkakaloob
anuman ang masagupang pagsubok

“ Minsang sa anyaya minsang kusang loob,

Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos”

E. PUNA:

Pagkatapos kong basahin ang tulang kabayanihan ay mas lalo akong namulat at natauhan kung
gaano kahalaga at ano ang mga nagawa ng ating mga bayani para sa ating bayan. Ang
kabayanihan nila’y naging magandang halimbawa para sa ibang tao. Ang iba sa kanila’y naging
magandang ehemplo lalo na sa mga dukha ang naging alipin ng kaalipustahan. Ang kanilang
kabayanihan ay nagbigay inspirasyon sa mga tao upang magsalita para sa kanilang karapatang
pangtao. Ipinapakita nila na hindi dapat tay inaalipin at ipinapasunod lamang sa gusto nang
ibang tao.Ang iba nga’y pagkalimot lang ang iginaganti sa kanila, nililimot ang kanilang
kabayanihan, sakripisyo at kabutihan na inialay sa aliping bayan. Huwag nating kalimutan na
kung wala sila ligaya’t aliw ay hindi natin makakamit. Kung wala ang ating mga bayani ay
malamang mga alipin pa rin tayo ng ibang bansa. Bigyan nating ng galang ang ating mga
bayani.
F. KALINANGANG MORAL:

1. Matutong pahalagahan ang kabayanihang ipinakita ng ating mga bayani at tularan natin ang
kanilang ugali.

2. Magpasalamat sa kanilang mga sakripisyo kasi kung hindi nila ito ginawa hindi natin malalasap
ang kalayaan na meron tayo ngayon.

3. Tularan ang kanilang ugali na handang gumawa nang isang bagay na walang hinihingi at
hinihiling kapalit.

4. Wag kalimutan ang mga bagay na ginawa ng ating mga bayani at gawin ito bilang inspirasyon sa
araw-araw nating pamumuhay wag natin itong kalimutan at bigyan natin sila ng galang.

G. REPLEKSIYON:

Ang ipinapahatid na mensahe sa tula ay ang kabayanihan ng ating mga bayani. Ang mga
paghihirap at sakripisyo nila na nagbunga ng kabutihan at kalayaan sa atin. Kahit na walang
kasiguraduhan ang magiging bunga ng kanilang mga sakripisyo ay ginawa pa rin nila mula sa
kanilang puso.Ang mga ginawa nila na pagtatanggol sa atin at sa mahal na bayan ay isinapuso
nila kahit na may posibilidad na maaring hindi sila kilalanin sa kanilang kabayanihan. Pawis,
yaman, dunong, lakas, dugo, buhay ay kanilang inialay para sa kabutihan ng bayan at dala na rin
sa pag ibig sa kapwa. Ang pagiging bayani ay hindi biro, may iba pa nga na hindi nabibigyan ng
dangal ang kanilang ginawang kabayanihan.Ang kabayanihan nila’y naging magandang
halimbawa para sa ibang tao. Ang iba sa kanila’y naging magandang ehemplo lalong lalo na sa
mga dukha ang naging alipin ng kaalipustahan. Ang kanilang kabayanihan ay nagbigay
inspirasyon sa mga tao upang magsalita para sa kanilang karapatang pangtao. Ipinapakita nila
na hindi dapat tay inaalipin at ipinapasunod lamang sa gusto nang ibang tao.Ang iba nga’y
pagkalimot lang ang iginaganti sa kanila, nililimot ang kanilang kabayanihan, sakripisyo at
kabutihan na inialay sa aliping bayan. Huwag nating kalimutan na kung wala sila ligaya’t aliw
ay hindi natin makakamit. Kung wala ang ating mga bayani ay malamang mga alipin pa rin tayo
ng ibang bansa. Bigyan nating ng galang ang ating mga bayani.

SANGGUNIAN:

https://youtu.be/yOYjhu9qX4o

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-
kabayanihan-tula-ni-lope-k-santos_
https://tim.wikipedia.org/wiki/Lope. K. Santos

You might also like