Professional Documents
Culture Documents
Tula
Tula
1 7
Pag ibig na tanging ikaw, Ika'y may bago na pala,
Pag masdan ka'y parang -araw, Nakita ng aking mata,
Ang ngiti mo'y tinatanaw, Unti-unting lumuluha,
Habang puso'y nag-iilaw. Habang Kasama ng iba.
2 8
Pangako na iingatan, Napaka sakit sa akin,
Pag ibig na walang hanggan, Na Ako'y Hindi piliin,
Di ka magagawang saktan, Piniling Hindi ka dinggin,
At aking panghahawakan. Ang lahat ay lilisanin.
3 9
Puso ko'y iyung binuo, Taon na ay lumilipas,
At Ako'y iyung binago, Pag ibig di kumukupas,
Handang magpakatotoo, Hanggang kailan magwawakas,
Maging sa dulo man nito. Ang sakit ay subrang wagas.
4 10
Noon ay akin lang hiling , Hanggang sa napagtanto ko,
Ngayon akin ng kapiling, Na di na talaga ako,
Susuotan ka ng singsing, Naglaho na katulad mo,
Magkasamang magniningning. At handa na kong magbago.
5 11
Ilang taon na lumipas, Sumikat na mga araw,
Pag ibig mo'y kumukupas, Ako sayo'y di na silaw,
Mga dahong lumalagas, Malaya ng gumagalaw,
Nadadama ko ang wakas. Sana'y, na wala ng ikaw.
6 12
Katanungang di masagot, Rosas na puno ng kulay,
Puso ko ay natatakot, Malayang nagliliwayway,
Nadadama ko ang lungkot, Puso'y wala ng hinihintay,
Ang sakit ay kumikirot. At nawala na ang lumbay.
1
13 19
Hanggang sa ito na naman, Bawat oras mahalaga,
Nadadama ko na naman, Sa tuwing kasama siya,
Puso'y pinagdududahan, Lubos akong namamangha,
Takot na ulit masaktan. Sa yung katangiang dala.
14 20
Bagong bukas na pintuan, Di masukat na pag ibig,
Pag ibig ma'y sinumpaan, Kaniyang pinahiwatig,
Tama ba aking pigilan, Inaalay ang daigdig,
Ito'y pusong nasugatan. Nararamdaman ang kilig.
15 21
Takot na akong sumugal, Ang dating basag na baso,
Buo na ang pusong pagal, Hinilum niyang totoo,
Alam kung walang tatagal, Ang mapagmahal na tao,
Sa pag ibig na sagabal. Inaalay sakin ang mundo.
16 22
Sarili ay uunahin, Pag ibig ay susubukin,
Pag ibig di tatahakin, Kami ay paglalayuin,
Aking nais na sabihin, Nakaratay na iyakin,
Sa sariling marupok din. Pamamaalam ay dinggin.
17 23
Bagong bukas na pintuan, Huling yakap ang nadama,
Pag ibig ay naramdaman, Nagsasabing mahal kita,
Aking di pinakawalan, Palayong nasaksihan ka,
Ako'y susugal na naman. Sambit ang mag-iingat ka.
18 24
Dito ko maikukwento, Lagaspas ng mga ulan,
Ang muling basong nabuo, Luha ay di mapigilan,
Paniniwala'y binago, Sa araw ay masinagan,
At inibig ng totoo. Yan ang aking kahilingan.
2
25 31
Sa hindi inaasahan, Maging langit man o ulap,
Sa babaeng nakaraan, Ay siyang Ikaw ang hanap,
Hingi ang kapatawaran, Maging pagtulog sa isip,
At nais akong balikan. Sa pighating hinaharap.
26 32
Pag ibig na pawang bato, Dahil sa mga pagsubok,
Minsa'y mahirap mabuo, Pag ibig na kumatok,
Nakaraang makalito, At Isang ibong pumatok,
Sa mamapagbirong mundo. Sa rumaragasang patak.
27 33
Sadya nga bang ganito, Sa pintuang nakasara,
Pag ibig na di matanto, Oh aking irog asan ka!
Puso'y nagliliyab-bato, Muling balikang tayo pa,
Taong napili di ako. Nakaraang pinadama.
28 34
Pagkat ako'y maghihintay, Galit at poot ay dama,
Sa puso may nalulumbay, Bakit ika'y bumalik pa,
Pag ibig na tanging aka'y, Nais kong sigawan kita,
Sa haplos ng iyung kamay, Ngunit hindi ko magawa.
29 35
Pag ibig na pawang-bato, Taib-tib na nadama ko,
At sa taong baliwala, Hapding bumalik sa puso,
Duwag man ay dumakila, Ala-ala'y di matamo,
Sa taong bukas ang diwa. Mahirap magpatawad po.
30 36
Sapagkat tayung dalawa'y, Laruang nababalikan,
Di na muli magkasabay, Ganyan ba kababang tignan?
Tadhana man ay patnubay, Matapos mong paglaruan,
Sa pag ibig tanging gabay, Papalitan at iiwan.
3
37 43
Pinagkait na Pag-ibig, Kahit iba iyong gusto,
Nabatid ang Isang tinig, Hindi pa din magbabago,
Mahirap ipahiwatig, Ngunit kung ako magbago,
Wala na sa puso'y pintig. Limut ang lahat ng ito.
38 44
Ang pag-ibig na nadama, Ngunit kung ako'y nabago,
Lubos ngayo'y maligaya, Makahanap makabuo,
Metrong lipas ng Agila, Taong pinili di ako,
Siya pa rin aking sinta Maging sa dulo man nito.
39 45
Mga ibong hunihuni, Saksi ang langit at lupa,
Batid kung wala sa tabi, Hiwalayan nakataga,
Naghihintay binibini, Sa dalawang taong nais,
Maibsan aking kawili. Makalimut sa hinagpis.
40 46
Lumalayong papalabo, Pag ibig sadyang binaun,
Pag-ibig ay nagbabago, Nilimut mang nakatuon,
Hindi masukat na bigo, Sa maling kislap ng tingin,
Pagsinta ay naglalaho. Makukuha kang mapansin.
41 47
Sa Pag-ibig ma'y dumapo, May bagong taong kumatok,
Di alam kung papalayo, Muling nabago't tumibok,
Kung ito ba'y makakamit, At sa kumukulong tubig,
Pagluha'y dama ang pait. Muling nabago't lumamig.
42 48
Pighati may hahamakin, Ang dating naiwang basag,
Makuha lang ang hangarin, Mabubuo mang pag ibig,
Kahit gumuho man mundo, Hanap ay tunay ngang ikaw,
Hanggang sa dulo man nito. Na siya'y nakakasilaw.
4
49 50
Ang siyang bumihag nito, At maging sa mga anak,
Sa puso mang nalilito, Na siyang atin panghawak,
Maging sa pagtanda natin, Maging patnubay ang diyos,
Si ikaw at ako pa din. Ako't ikaw hanggang wakas.
5
Republic of the Philippines
NORTHERN SAMAR COLLEGES INC.
Catarman, Northern Samar
_________________________________________________________________
Inihanda ni : SIEMOND A. ROMANO
Degree Program : BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Major in Filipino
Kurso. : FIL. M-12 Panulaang Filipino
Instraktor : G. RONALDO N. VERANO
Petsa : Ika- 11 ng Mayo 2023
---------–------------------------------------------------------------------