Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 4
Ikaapat na Kwarter
Ikaapat na Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Junie Dave M. Orquita Evaluator/s:


Illustrator: Marieto Cleben V. Lozada Salome C. Cortez
Layout Artist: Junie Dave M. Orquita Livi B. Clavel
PSDS/DIC:
Lucena B. Estrada, PhD Learning Area EPS:
Jeanette G. Quinto, PhD Megenila C. Guillen, PhD.
Famelito C. Umapas

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns
Pamantayan sa Pagkatuto:
Napapahalagahan ang lahat ng mga materyal na
kagamitan sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga
materyal na kagamitang likas o gawa ng tao
(EsP4PD-IVh-i-13)

Layunin:

o Natutukoy ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga


materyal na kagamitang likas o gawa ng tao;
o Nakapagbibigay ng akmang solusyon batay sa mga
sitwasyong ibinigay na nagpapakita ng kahalagahan sa
pangangalaga ng mga materyal na kagamitang likas o
gawa ng tao; at
o Nabibigyang-halaga ang magagandang dulot ng
pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o
gawa ng tao.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

Ang pangangalaga sa mga yamang likas at kagamitang


gawa ng tao ay dapat isaalang-alang ng bawat isa sa pang-araw-
araw na buhay. Bilang batang mag-aaral, nararapat lang na
gamitin nang may wastong pag-iingat ang mga ito sa tahanan,
paaralan at maging sa pamayanan.

Mga Yamang Likas, Ating Alagaan

Ang likas na yaman ay kaloob ng


Maykapal na dapat pangalagaan at
paunlarin para mapakinabangan ng tao.
Ang maling paggamit nito ay maaring
humantong sa pagkasira, pagkawasak o
pagkawala nito. Pangalagaan ang

https://web.facebook.com/UlatMndr/photos/a.1969760486572223/2033769773504627/

1
kalikasan sa pamamagitan ng wastong pamamaraan upang ito’y
mapaunlad at mapakinabangan sa habang panahon.

Ang Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code ay


tungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas na
inaprubahan noong Mayo 1975. Nilalaman ng batas na ito ang
epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa
bansa, at kabilang ditto ang pagtatakda sa uri ng pangangalaga
ang dapat ilaan para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng
batas na ito ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na
maaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng
lisensiya ng mga kompanyang puputol ng puno. Ayon pa rin sa
batas na ito, ang mga punong maaring putulin ay yaong mga
punong may diyametrong 60
sentimetro (sa bahagi ng puno
na kasintaas ng dibdib ng tao).
Sa paraang ito, hindi tuluyang
makakalbo ang lupain, na
siyang tutulong sa pananatili ng
magandang kondisyon ng lupa
at para makaiwas sa pagguho
https://www.google.com/search?q=pagtatanim%20ng%20puno%20black%20and%20white&tbm=isch&tbs=rimg:CRv2n&sa=X&ved=0CBsQuIIBahcKE
wjI4fCAy7HwAhUAAAAAHQAAAAAQFQ&biw=1349&bih=600#imgrc=ZYIMs1uVNWIGxM

ng lupain.

Noong Marso 2004 ipinatupad ang Republic Act No. 9275 o The
Philippine Clean Water Act of 2004. Ang batas na ito ay bilang
pagkilala sa kahalagahan sa proteksiyon ng mga yamang-tubig at
ng mga katubigan sa Pilipinas. Bilang tugon ditto, isinasaad ng
Philippine Clean Water Act na
kailangang magbuo ng mga
plano tungo sa pangmatagalan
at pangmalawakang
paghadlang sa pagdumi ng mga
katubigan sa Pilipinas at pagtukoy
at paglinang ng mga
magandang alternatibo sa mga
https://www.google.com/search?q=philippine+clean+water+act+cleaning&tbm=isch&ved=2ahUKEwit95zShbzwAhXBIqYKHZ72DKYQ2-
cCegQIABAA&oq=philippine+clean+water+act+cleaning&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEBg6BggAEAUQHjoECAAQHlCgH1iqcWC6c2gA
cAB4AYABmAiIAd4okgEHNS0zLjMuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=14qXYO0vwcWYBZ7ts7AK&bih=526&biw=1

2
gawaing kilala bilang sanhi ng polusyon sa katubigan.

Ang Republic Act No. 8749 o


The Philippine Clean Air Act ay
naglalayong panatilihing malinis at
ligtas ang hanging nilalanghap ng
mga mamamayan. Layon din nito
na ipagbawal ang mga gawaing

nagpapadumi sa hangin. Ayon sa


https://www.google.com/search?q=philippine+clean+air+act+cleaning&tbm=isch&ved=2ahUKEwj-
54XbhbzwAhVZAqYKHRQUBIgQ2-cCegQIABAA&oq=philippine+clean+air+act+cleaning&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dg6ANY6-
sDYNbyA2gAcAB4AYABoQeIAd0QkgEFNS0yLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=6YqXYL7PHtmEmA

batas na ito, mas kailangang


bigyang-pansin ang pagpapahinto ng mga gawain na
nagpaparumi ng hangin kaysa sa pagpapalinis ng maruming
hangin.

Mahalagang malaman at maisabuhay ang mga nabanggit na


batas para sa wastong paggamit n gating likas na yaman.

Mga Kagamitang Gawa ng Tao, Iniingatan Ko

Ang ating mga kagamitan


sa bahay, paaralan, at
pamayanan ay nagmula sa ating
kalikasan na ginawa ng tao. Lubos
na pangangalaga at wastong
pag-iingat ang ating maiaambag
upang ang lahat ng ito ay maging
kapaki-pakinabang sa loob ng
https://www.google.com/search?q=pagsusunog+ng+basura+bawal&source=lnms&tbm=isch
maraming taon.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources


(DENR) Administrative Order No. 37 series of 1996, upang maabot
ang pantay at balanseng pang-ekonomiyang paglago at
proteksiyon mula sa paggamit, pagbuo, pamamahala, pagbabago
ng likas na yaman ng bansa. Kalakip nito ang proteksiyon at
paghubog sa magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi
lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa darating
na panahon. 3
Gamitin nang wasto ang ating mga gamit o kagamitan sa
bahay, paaralan, at pamayanan. Sa pamamagitan nito, tayo ay
nakatutulong sa pangangalaga sa ating kalikasan.

Gawain 1:
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama, at M naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
________ 1. Ang pangangalaga sa mga yamang likas ay dapat natin
isapuso dahil tayo ang nakikinabang sa mga
magagandang dulot nito.
________ 2. Ang pagsusunog ng mga basura, plastik at papel ay
ipinagbabawal dahil nakakarumi sa hangin ang usok nito
at nakakaapekto sa kalusugan ng mga tao.
________ 3. Malaki ang naitulong ng Republic Act No. 8749 o The
Philippine Clean Water Act of 2004 sa pagbabawas ng
polusyon sa mga katubigan o yamang-tubig sa bansa.
________ 4. Nakontrol ang pagpuputol ng iba-ibang kakahuyan sa
kagubatan dahil sa Presidential Decree No. 705 o Revised
Forestry Code.
________ 5. Nakakatulong tayo sa pangangalaga ng kalikasan sa
pamamagitan ng paggamit nang wasto ng ating mga
kagamitan sa bahay, paaralan at pamayanan.

Gawain 2.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon na may
kaugnayan sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao.
Pagkatapos, piliin ang titik na may akmang solusyon mula sa kahon
batay sa sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Isang araw, pagdating mo sa inyong bahay galing paaralan
ay napansin mo ang inyong kahoy na upuan sa terrace na
pamana pa ng lolo at lola mo ay nauulanan.
4
2. Tuwing tanghali, pagkatapos kumain ng iyong mga kapatid ay
iniiwan na lang nila ang kagamitan sa pagkain na hindi
hinuhugasan.
3. Nalaman mo na ang iyong kaibigan ay magtatapon ng
kanilang mga basura sa ilog mamayang gabi.
4. Nakita mong sinusunog ng inyong kapitbahay ang mga basura
nila gaya ng mga plastik at goma.
5. Namasyal kayo ng inyong pamilya sa isang museo at napansin
mong ang isang magandang display cabinet na maraming
laman ay malapit nang matumba.

A. Kukunin ko ang upuan at ilipat sa puwesto na hindi


mauulanan.
B. Hahayaan ko na lang maulanan ang upuan upang maging
malinis ito.
C. Hihintayin kong matumba ang display cabinet bago ko ito
isasaayos.
D. Sasabihin ko sa aking kaibigan na isabay na lang itapon ang
aming mga basura.
E. Sasabihin ko sa aking mga kasama na tulungan akong
isaayos sa puwesto ang display cabinet.
F. Pagsasabihan nang maayos na huwag sunugin ang mga
basura dahil nakakasira ito sa kalikasan.
G. Hihikayatin ko ang aking kaibigan na huwag magtapon ng
basura sa ilog sa halip itapon na lang sa tamang
paglalagyan.
H. Ililigpit ko ang mga kagamitan sa pagkain at huhugasan ko
ito. Pagkatapos, pagsasabihan ko nang maayos ang mga
kapatid ko na maging responsable sa mga kagamitan sa
pagkain.

5
Gawain 3.
Panuto: Iguhit ang ( 😊 ) kung ang gawain ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pangangalaga ng mga materyal na
kagamitang likas o gawa ng tao at ( ☹ ) kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
________ 1. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga
gamit o kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.
________ 2. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o
kasangkapang hindi ko na ginagamit.
________ 3. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at
tinidor na ginagamit ko sa pagkain.
________ 4. Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsesepilyo
upang hindi masayang ang tubig.
________ 5. Ipapaputol ko lahat ng mga punongkahoy sa aming
bahay.

Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin


ang titik ng iyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong batas ang nagsasaad ng probisyon sa pangangasiwa
sa dami at uri ng kakahuyan na maaring putulin pati na rin ang
pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang
puputol ng puno?
A. Republic Act No. 9275
B. Republic Act No. 8749
C. Presidential Decree No. 507
D. Presidential Decree No. 705
6
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pangangalaga ng mga materyal na
kagamitang likas o gawa ng tao?
A. Itinatapon ko ang patay na hayop sa ilog.
B. Hinahayaan ko ang aking kalaro na magtapon ng basura sa
parke.
C. Inaalagaan kong mabuti ang mga punongkahoy sa aming
bakuran.
D. Tumutulong ako sa pagsusunog ng mga basura sa likod ng
aming bahay.
3. Naglalaro ka kasama ang iyong kaibigan sa likod ng inyong
bahay at nakita mong may tagas ang tubo ng inyong gripo.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan mo na lang kasi naglalaro ka.
B. Paglalaruan ang tagas kasama ang kaibigan.
C. Kakausapin ang mga nakakatanda pagkatapos ng iyong laro.
D. Ipagbigay-alam agad sa mga nakakatanda o magulang
upang maisaayos ito.

4. Si Dave ay isang mabait na mag-aaral sa ikaapat na baitang


ng Paaralang Elementarya ng San Roque sa distrito ng Madrid.
Pinapahalagahan niya ang mga kagamitang materyal na
nasa paligid niya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gawain ni
Dave?
A. Paghahagis ng mga kagamitan sa bahay kung nagagalit.
B. Ginagamit nang may wastong pag-iingat ang mga gamit sa
bahay upang hindi masira.
C. Sumusuporta sa mga programa ng barangay tungkol sa
pangangalaga ng kalikasan.
D. Hinihikayat ang mga kapatid na gamiting muli ang likod ng
mga papel at kuwaderno na wala pang sulat.
7
5. Si Nica ay nakatira malapit sa ilog ng Carac-an. Lagi siyang
naliligo dito kasama ang kanyang mga pinsan. Isang araw,
napansin niya ang mga basura sa tabi ng ilog na itinapon ng
mga taong dumaan sa tulay ng Carac-an. Ano ang dapat
gawin ni Nica?
A. Iipunin at susunugin ang mga basura.
B. Ililigpit at itatapon nang maayos ang mga basura.
C. Huwag pansinin ang mga basura at maliligo na lamang siya.
D. Itatapon ang mga basura sa ilog upang maanod ang mga ito.

8
Susi sa Pagwawasto

T 5. E 5. 5. ☹
T 4. F 4. 4. 😊
M 3. G 3. 3. ☹
T 2. H 2. 2. 😊
T 1. A 1.
1. 😊
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

Mga Sanggunian

(Pahina 334 – 350 ) Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan


ng Mag –aaral.
(Pahina 250 – 257 ) Edukasyon sa Pagpapakatao Patnubay ng
Guro.
Felamer E Abac,Gina A. Amoyen,Jesusa M. Antiquiera,Henrieta
A. Bringas,Grace R. Capati,Maria Carla M. Caraan,Rodel
A. Castillo,Rolan B. Catapang,Isabel M. Gonzales, Noel S.
Ortega,Marilou D.Pandiño,Adelaida M. Reyes,at Portia R.
Soriano., Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng
Mag – aaral,Edukasyon sa Pagpapakatao Patnubay ng
Guro.
Maureen B. Alfaro , Maria Fe B. Visda,Edukasyon sa
Pagpapakatao-Ikaapat na Baitang,Alternative delivery
Mode,unang edisyon,2020.

You might also like