Co 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

10:00 – 10:40 A.M. December 15, 2021


I. Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng kolonyalismong Espanyol (AP5 MELC);
2. Nasusuri ang mga dahilan ng Espanya sa pagsakop sa Pilipinas at;
3. Napahahalagahan ang mga impluwensyang dala ng koloyanismong Espanyol sa Pilipinas.
II. Paksang Aralin:
a. Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol
b. Araling Panlipunan 5 MELC pahina 44, 2nd Quarter Week 1 , youtube, DepEd TV
c. Laptop, Mga Larawan, Tsart
d. Integrasyon: ESP, CSE , MAPEH
III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain:
A. Paghahanda:
Pag-tsek ng attendance.
B. Balik Aralin: (APinabalik-aral)
Panuto: Kaya mo bang i-shoot ang bola sa titik ng tamang sagot?
1. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa iba’t-ibang ________.
a. espirito b. kaugalian c. sulat d. wika
Trivia: (CSE Integration)
Ang larong basketball ba ay larong panlalaki lamang?
C. Pagganyak:
Magpakita ng mga larawan.

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang inyong nakita?


D. Paglalahad:
Anu-ano ang mga dahilan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas?
E. Pagtatalakay
Ang mga Espanyol ay may tatlong dahilan sa pagsakop sa Pilipinas. Ito ang mga
sumusunod;
a. Kayamanan (Gold)
b. Kristiyanismo (God)
c. Karangalan (Glory)
F. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Ngayong batid mo na ang tatlong pangunahing dahilan ng kolonyalismong
Espanyol sa naunang gawain, subukan mo pang alamin ang mga partikular na
halimbawa ng mga nasabing dahilan sa pamamagitan ng pagkilala at pagbuo ng mga
konsepto sa ibaba. Gawing gabay ang mga larawan upang mabuo o makumpleto ang
hinihinging wastong konsepto.

1. _ I _ T O at A L A H A _

Pangkat 2: Tingnang mabuti ang mga larawan at alamin kung anong dahilang ng
kolonyalismong Espanyol ang ipinahihiwatig sa bawat larawan. Isulat ang salitang Kayamanan,
Kristiyanismo, at Karangalan dependi sa kung ano ang naaangkop sa bawat larawan.

1. _______________________
Pangkat 3: Punan ng naaayon na mga impormasyon ang tatsulok. Ipaliwanag ang bawat
impormasyong maisulat sa tatsulok sa klase.

Mga Dahilan ng Kolonyalismong Espanyol

G. Pagpapahalaga:
Naging kapaki-pakinabang ba ang mga impluwensiyang dala ng kolonyalismong
Espanyol sa Pilipinas?

H. Paglalahat:
Anu-ano ang dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
IV. Pagtataya
APinataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay
pampolitikang hangarin o KARANGALAN, pagpapalaganap ng KRISTIYANISMO at
pangkabuhayan o KAYAMANANG layunin.

1. Hangarin ng Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan sa buong mundo.


2. Hangarin ng Espanyol na mapalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
3. Ang Espanyol ay naglikom ng kayamanan sa Pilipinas kagaya ng ginto at pilak.
4. Ang kasunduan ng Espanyol na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang Relihiyong
Romano sa Pilipinas
5. Nagpapalaganap ng merkantilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Espanyol.
V. Takdang Aralin:
Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang pinakawastong
sagot sa mga tanong.
Paminta Online Business Pagrorosaryo
Merkantilismo Katoliko Buy and Sell
1. Ito ay patok ngayon bilang isang kalakalan sa online at maituturing na
merkantilismo.
2. Ito ay ginagamit sa pagluluto ng adobong manok upang lalo pang mapasarap ang
lasa nito.
3. Ito ay ginagawa natin araw-araw lalong-lalo tuwing Month of Rosary.
4. Ito ay isang dahilan ng kolonyalismong Espanyol.

Prepared by: ` Noted by:

KIEZL CHE Y. LAGARE MARIA THELMA B. MOSQUEDA


Guro sa AP 5 Master Teacher 1

You might also like