Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

10:00 – 10:40 A.M. Oktubre 21, 2021


I. Mga Layunin:
1. Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas (MELC)
2. Natutukoy ang mga taong nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas;
3. Nasusuri ang mga katuruan ng Islam sa Pilipinas at;
4. Napahahalagahan ang mga impluwensiyang dala ng Islam sa Pilipinas
II. Paksang Aralin:
a. Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas
b. Araling Panlipunan 5 MELC pahina 43, AP5PLP-Ii-10, youtube, DepEd TV
c. Laptop, Mga Larawan, Tsart
d. Integrasyon: ESP, CSE
III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain:
A. Paghahanda:
Pag-tsek ng attendance.
B. Balik Aralin: (APinabalik-aral)
Panuto: Basahin ang pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot. Gamitin ang
kamay sa pagpili ng letra (sign language).
1. Isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
a. Barangay b. Sultanato c. Panlalawigan d. Panrelihiyon
C. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan.

Tanong: Sino-sino ang nakikita mo sa larawan?


Sagot:Muslim
Tanong: Ano kaya ang kanilang relihiyon?
Sagot: Islam

D. Paglalahad:
Paano lumaganap ang relihiyong Islam sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas?
E. Pagtatalakay
Ang Islam ay relihiyon ng mga Muslim na itinatag ni Muhammad.
Muhammad- isang propeta na nagtatag ng Relihiyong Islam
Allah- tawag sa diyos ng mga Muslim
Qur’an- Banal na Aklat ng mga Muslim
Magpakita ng timeline sa paglaganap ng Islam
F. Pagsasanay
Gawain 1: APinaikot - APinasagot
Mabilisang pagsagot kung ano ang mabubuong salita sa mga nakarambol na salita
base sa mga clue na ibibigay nang guro.
SMULIM (Ito ang tawag sa mga taong naniniwala kay Allah)
Sagot: MUSLIM
RAU’QN (Tawag sa Banal na Aklat ng Muslim)
Sagot: QUR’AN
Gawain 2: APinakembot-kembot sa Pagsagot
Panuto: Ikembot ang tsek kung ang ipinapahayag sa pangungusap ay tama
(ipapakita ng guro kung paano ang tsek kembot) at kumembot ng paekis kung ito
ay mali.
_______ 1. Ang relihiyong Islam ay dala ng mga mangangalakal na Arabong Muslim.
Sagot: tsek (ikembot ang tsek)
_______ 2. Si Tuan Masha’ika ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng
relihiyong Islam sa Pilipinas.
Sagot: tsek (ikembot ang tsek)
G. Pagpapahalaga:
Ano-anong bahagi ng katawan ang inyong naigalaw sa pagkembot ninyo ng inyong mga
sagot? Mahalaga ba ang mga parting ito?
H. Paglalahat:
Paano nga ba lumaganap ang relihiyong Islam sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas?
*Lumaganap ang Relihiyong Islam sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa
pamamagitan ng mga Arabong Muslim na dumating sa Pilipinas.
IV. Pagtataya
APinataya
Panuto: Tukuyin/kilalanin ang mga taong nagpapahalaga ng Islam sa Pilipinas. Punan ng tamang
pangalan ang tsart.

TAON PANGALAN PANGYAYARI


Dumating sa Sulu at itinuring na
1280 unang nagpapakilala ng relihiyong
Islam sa Pilipinas
Kaim Ul-Makhdum Dumating sa Sulu at nangaral ng
1380
Tuan Masha’ika Islam.
Dumating sa Sulu at matagumpay
Raja Baguinda niyang nahikayat ang ilang
1390
Sharif Kabungsuan katutubo na lumipat sa relihiyong
Islam.
Sharif Ul-Hashim o Abu Siya ang kinikilalang nagpalaganap
Bakr 1450 ng Islam sa Sulu dahil sa panahon
niya ay mabilis itong lumaganap.
Itinatag ang Sultanato sa
1475
Mindanao.

V. Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng isang rason ng paglaganap ng Islam sa Pilipinas at isang katuruan ng Islam
sa Pilipinas na sa palagay mo ay nagpapakita ng kabutihang tao.

Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Katuruan ng Islam sa Pilipinas


1. 2.

Prepared by: ` Noted by:

KIEZL CHE Y. LAGARE MARIA THELMA B. MOSQUEDA


Guro sa AP 5 Master Teacher

You might also like