Filipino Activity Design PLAN B

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
Cantapoy, Malimono Surigao del Norte

CHARLITA L. NICOLAS
School In-Charge/MT-I
Cantapoy National High School

Sir:

Magandang Buhay!!!

Sumulat po ako ng liham sa iyo para hingin ang iyong pag-apruba sa aking
ginagawang Activity Design para sa gagawing Pampinid na selebrasyon ng Buwan ng Wika
ngayong darating na Agosto 31,2022 na may temang “Filipino at mga Katutubong
Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.

Umaasa po ako sa iyong positibong pagtugon tungkol sa bagay na ito.

Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Rhonabie Maaño-Senaca
Filipino Coordinator
Activity Design
I. Rasyonal:

Ang “Buwan ng Wika “ ay isa sa mga inaantabayanang kaganapan sa lahat ng paaralan,


mapa elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo kada taon. Ayon sa Komisyon ng
Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong Agosto 2022 ay: “Filipino at mga
Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay kinatatampukan ng iba’t ibang patimpalak gaya


ng balagtasan, spoken word poetry, katutubong sayaw, isahang awit, at poster making contest.

Ang temang “Filipino at mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”


ay naaakma sa hindi lamang dahil sa ito ang nagsisilbing gabay ng kasalukuyang panahon. Ito
ay dahil na rin sa katotohanang ang wikang Filipino ay patuloy na yumayaman dahil na rin sa
mga pagbabago sa ating lipunan.

II. Layunin:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s1997;

b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa


mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at

c. Maganyak ang mga mamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa


pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang
Pambansa.

III. Mga Kalahok:

a. Mga mag-aaaral ng Mataas na Paaralan ng Cantapoy (Bawat seksyon/pangkat ay


pipili ng mga gawain na angkop sa kanilang kakayahan).

b. Mga membro ng Filipino club (bilang tgapangasiwa ng aktibidades)

c. Mga guro (bilang mga hurado at mga gabay sa mga estudyante)

IV. Mga Materyales

Ito ang mga kagamitang gagamitin sa programa:

Entablado ng paaralan, mga mesa at upuan, speaker at kagamitang papel.


V. Mga Gawain/Presentasyon:

Balagtasan, Spoken Poetry, Katutubong Sayaw, Isahang Awit, Dalawahang Awit, Poster
Making, at Talumpati

= Pakinabang para sa mga grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Inihanda ni:

Rhonabie Maaño-Senaca
Filipino Coordinator Inaprubahan ni:

Charlita L. Nicolas
SIC/MT-I

You might also like