Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Harana

O Maria Clara, ikaw ang hanap ko


Ang galaw mo’y kay yumi, nakakabighani
Dalisay at malinis, tunay na katangi-tangi
Dungawin mo o irog, ang ginoong sumasamo.

O Crisostomo, akoy binihag mo


Ang iyong harana’y, tila ba mahikang
Tumutulak sa pihikan kong puso
Patungo sa iyo, o aking hirang.

Chorus:

Kay sarap mabuhay ng may tayong dalawa


Ikaw at ako, ako at ikaw , tayo’y isa
Nagsimula sa harana, tungo sa dambana
Dininig ang hiling , dalangin kay Bathala.

Sa duyan ng iyong pagmamahal, ihele mo ako


Ikaw ang ligaya, ang aking santuwaryo
Ikaw ang kanlungan sa magulong mundo
Ang noon, ngayon, at kinabukasan ko.

Harana

Sa gabing marikit,
Naulinigan ang iyong magandang tinig,
Saliw ng gitara’t ritmo ng musika
Puno ng pagsuyo’t, pahayag ng pagsinta.

O Crisostomo, akoy binihag mo


Ang iyong harana’y, tila ba mahikang
Tumutulak sa pihikan kong puso
Patungo sa iyo , o aking hirang.

Chorus:

Kay sarap mabuhay ng may tayong dalawa


Ikaw at ako, ako at ikaw , tayo’y isa
Nagsimula sa harana, tungo sa dambana
Dininig ang hiling , dalangin kay Bathala.
Sa duyan ng iyong pagmamahal, ihele mo ako
Ikaw ang ligaya, ang aking santuwaryo
Ikaw ang kanlungan sa magulong mundo
Ang noon, ngayon, at kinabukasan ko.

You might also like