Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Guro: Sean Vincent Zepeda

Petsa: May 3

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Nakapagsasagawa ng masusing pagsusuri ng mga mensahe at kahulugan ng iba’t
Pangnilalaman ibang teksto sa Filipino.

B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng sariling opinyon at damdamin sa iba’t ibang sitwasyon.


Pagganap
C. Kasanayan sa Natutukoy ang paksang tinalakay sa
Pagkatuto
D. Layunin  Maipakita ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng emosyon sa pagsasalita
 Makabuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin.
 Makapagpahayag ng sariling damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita.

II. NILALAMAN
A. Paksa Pagsasalita
III. MAPAGKUKUNAN NG PAG-AARAL
A. Sanggunian  K-12 Basic Education curriculum Senior High School Core subject
 Karagdagang impormasyon mula sa GOOGLE

B. Kagamitang  Laptop,Manila Paper,Cellphone


Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Paunang  Panalangin
Gawain  Pag-aayos ng mga upuan
 Pagtsek ng pagdalo (Attendance)

Bago simulan ang pagganyak, iisa-isahin at ipapaliwanag ng guro ang mga


alituntunin sa klase:

1. Itago ang mga bagay na hindi naman kailangan sa klase.


2. Lahat kayo ay bibigyan ng pagkakataong makapagsalita. Hintayin ang iyong
pagkakataong magsalita at makinig muna kapag may ibang nagsasalita.
3. Huwag mag-alangang itaas ang kamay kung may tanong o kung sasagot.
4. Sumunod sa mga panuto ng guro.
5. Tanggalin ang sombrero sa loob ng silid.

B. Pagganyak Ipakita ang mga halimbawa ng mga pormal at di-pormal na sitwasyon kung saan
mahalaga ang mahusay na pagsasalita (hal. Pag-aayos ng trabaho,
pakikipagtalakayan sa mga kaibigan).

Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sariling karanasan o


pangarap kung paano sila nais na maging mahusay na tagapagsalita.

C. Paglalahad ng Bago tayo dumako sa ating talakayan, maari muna ba kayong magbigay ng sarili
Aralin ninyong pagpapakahulugan ng pagbasa?

Narito naman ang aking mga inihandang mga pagpapakahulugan sa Pagbasa

Pagbasa
 Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng
inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng
ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng
paningin, o hipo (halimbawa Braille).

Naintindihan po ba kung ano ang kahulugan ng Pagbasa?


Narito pa ang ibang pang kahulugan ng pagbasa ayon sa mga tanyag na mga
pilosopo na sina;
 William S. Gray - may apat na uri ng hakbang sa pagbasa at ito ay
ang:Persepsyon – Ito ay estado ng pagkilala o pagtukoy sa pagkakaroon ng
kamalayan sa isang bagaysa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa
pagbigkas ng mga tunog.
Komprehensyon – Ito ay ang pagkilos o kakayahan sa pag-unawa ng isang
bagay.
Reaksyon – Ito ay isang pagkilos na ginagawa, pagpasiya o paghatol bilang
tugon sa isang sitwasyon o kaganapan pagdama sa teksto.
Integrasyon – Ito ay kaalaman sa antas ng makatotohanang komunikasyon,
na nagbibigay ng pag-unlad na kakayahang makipagkomunikasyon at mga
bagong karanasan sa tunay na buhay.
 Urquhart at Weir - ang pagbasa ay "isang proseso ng pagtanggap at
pagbibigay kahulugan ng impormasyong nakakoda sa anyo ng
wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

Naunawaan ba ang kahulugan ng pagbasa ayon sa mga sikat na pilosopo?


Kung gayon dumako naman tayo sa iba,t ibang teorya ng pagbabasa.

Mga Teorya ng Pagbasa


1. Bottom Up - tinatawag din itong “outside-in” o “data-driven,” nagmula sa
teksto ang pagpapakahulugan patungo sa pagkatuto ng mambabasa sa
pamamagitan ng yugto-yugtong pagkilala sa mga letra sa salita, parirala, sa
pangungusap at sa buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan dito.
2. Top Down – tinatawag din itong “inside-out” o “conceptually Driven,”
nagsisimula sa mambabasa ang pag-unawa patungo sa teksto. Ayon kay
Goodman, kaunting panahon at oras lamang ang ginugugol sa pagpili ng
makahulugang hudyat sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa tulong ng
impormasyong semantiks, sintaksis, at Grapophonic.
3. Interactive – sinusukat nito ang kakayahan ng pag-unawa ng mambabasa sa
pamamagitan ng makapukaw-isip na mga tanong(comprehension question).
Inaalam ng guro kung paano nabuo ng mag-aaral ang kanilang mga
kasagutan sa mga tanong, tama man o mali ang mga ito.
4. Schema/ Iskema – walang kahulugang taglay sa sarili ang teksto.
Nagbibigay lamang ito ng direksyon sa mga mababasa kung paano
gagamitin at nabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman.
Ang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na iskemata.

Ang mga teoryang ating napag-usapan sa ating talakayan ay mahahalaga sa ating


pagkatuto at pag-unawa kung ano ang pagbabasa.

At ngayon naman ay dumako na tayo sa isa pang paksa patungkol sa pagbabasa at


ito ay ang mga pamamaraan ng pagbasa.
Bago tayo tuloyang dumako sa usaping ito, mayroon lamang akong ilang mga
katanungan.

Sa papaanong pamamaraan kayo nagbabasa?


Batay sa inyong mga kasagutan masasabi ko na ang ilan sa inyo ay may alam na
iba’t ibang pamamaraan ng pagbabasa.

Narito naman ang aking inihandang mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan.

Uri ng Pagbasa ayon sa Pamamaraan

1. Iskiming-Madaliang pagbabasa na ginagamit upang magkaroon ng


impresyon kung dapat o di-dapat basahing mabuti ang teksto. Paghahanap
din ito ng mga mahahalagang datos na maaaring gamitin sa mga
pamanahong papel o pananaliksik. Nakatuon ito sa pagbasa sa pangunahing
detalye.

2. İskaning - Hinahanap sa ganitong pagbabasa ang mga tiyak na


impormasyon na madaling nagagawa sa mga tekstong maiikli, may
malalaking tipo ng pagkakalimbag, at pamilyar ang teksto. Ginagalugad
lamang nito ang mga susing salita at subtitles.

3. Kaswal - Pansamantalang pagbasa ito sapagkat pampalipas-oras ang layunin


ng ganitong teknik kung kaya't magaan lamang gawin.

4. Komprehensibo - Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang bawat


kaisipan. Epektibo ito para sa akademikong pagbabasa dahil sinusuri,
binibigyang-opinyon, tinataya, binubuod, binabalangkas, sinusukat, at
hinihimay ang mga detalye ng teksto. Layunin nito ang lubos na pagkatuto
mula sa masinsinang pagbabasa.

5. Kritikal - Tinitingnan sa teknik na ito ang kawastuhan at katotohanan ng


tekstong binabasa na magagamit nang personal upang maiangkop sa mga
pag- uugali at maisasabuhay nang may pananagutan.

6. Pamuling-Basa - Hindi nahihinto ang mga aral na dulot nito habang paulit-
ulit na binabasa. Halimbawa nito ang mga klasikong teksto tulad ng Bibliya,
mga akda nina Jose Rizal, William Shakespeare, at ng iba pang dakilang
manunulat.

7. Basang-Tala - Teknik ito ng pagbabasa kasabay ng pagsusulat. Itinatala ang


mga nasusumpungang kaisipan o idea upang madaling makita kung sakaling
kailanganin muli ang impormasyong itinala. Gumagamit din ng highlighter
at marker ang mambabasa (kung pagmamay-ari ang aklat) para madaling
makita at balikan ang mga impormasyong nais bigyang-diin.

Naintindihan ba ang iba’t ibang pamamaraan ng pagbabasa?


Kung naintindihan na dumako naman tayo sa ilang mga karaniwang suliranin sa
pagbabasa.
Siguro ang lahat naman ay nakakaranas ng iba’t ibang suliranin sa pagbasa, at narito
ang ibang mga karaniwqang suliranin sa pagbasa

Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa


1. Malabong paningin
2. Kakulangan sa kaalamang pangwika
3. Kakulangan sa kaalamang kultural
4. Kakulangan sa kaalaman, impormasyon, at karanasan na may kaugnayan sa
impluwensiyang pampisikal, pangkapaligiran, at panlipunan

Naunawaan ba ang ating tinalakay?


Naunawaan ba ang kahulugan ng pagbasa, iba’t ibang teorya, mga pamamaraan at
mga suliranin sa pagbabasa?

Kung nauunawaan na, mayroon akong inihandang gawain para sainyo.


Sa gawaing ito, kayo ay magsusuri ng isang teksto at sasagutin ninyo ang ilan sa
mga gabay na katanungan na inihanda ko para sayo.

Ang paksang inyong susuriin ay pinamagatang;

Mga Dapat Malaman Tungkol sa “MERS-CoV”

Ang MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay isang


nakakahawang sakit sa paghinga na nakamamatay sa loob ng mahigit sa 10 araw
mula sa pagkahawa sa sakit na ito. Ang MERS ay tinatawag ding ‘Novel
Coronavirus.’ Ito ay isang beta coronavirus. Una itong iniulat noong 2012 sa Saudi
Arabia. Bago ang sakit na MERS at sinasabing kakaiba ang virus na ito kaya
patuloy ang pag aaral ng mga dalubhasa tungkol dito.

Ang ‘coronavirus’ ay hango sa salitang latino na corana na ang ibig sabihin ay


‘korona’ dahil sa hitsura nitong kahugis ng araw. Ang coronavirus ay unang
natuklasan noong dekada 1960 sa isang pasyente na may sipon (human
coronavirus). Sunod na naapektuhan ang kanyang upper respiratory at
gastrointestinal tract.

Ang MERS-CoV ay hindi katulad ng SARS virus (Severe Acute Respiratory


Syndrome) noong 2003. Gayunpaman, tulad ng SARS virus, ang MERS-CoV ay
may malaking pag kakatulad sa mga coronavirus na matatagpuan sa mga paniki.
Ayon din sa pag-aaral, may posibilidad na nag simula ang MERS-CoV sa mga
hayop tulad ng kamelyo.

Ang mga bansang nakumpirmang apektado ng MERS-CoV mula pa noong abril


2012 hanggang sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Arabian peninsula
(Jordan,Kuwait,Oman,Yemen,Qatar,Lebanon,UAE, at Saudi Arabia), United
Kingdom,France,Italy,Netherland,Greece,Egypt,Tunisia,Malaysia, Pilipinas at
Estados Unidos. Ayon sa WHO, 238 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng
MERS sa buong mundo at 92 na ang bilang ng namatay mula noong Setyembre
2012.

Karamihan sa mga nahawahan ng MERS-CoV ay nag tataglay ng mga sintomas na


mataas na lagnat, na ubo na maaaring humantong sa pulmonya, pangangapos ng
hininga, at pagtatae. Kung mahina ang resistensiya ng nahawaan ng MERS-CoV,
maaaring magpakita din ito ng iba pang kakaibang sintomas tulad ng sakit sa bato.
Halos kalahati ng bilang ng mga apektado ay nauwi sa kamatayan. Ang ilan naman
ay iniulat na nagkaroon ng respiratory illness. Wala pang na didiskubreng gamut o
bakuna laban sa MERS-CoV. Patuloy pa ring pinag aaralan at sinusubukang
imbentuhin ng mga dalubhasa ang bakuna laban sa sakit na ito.

Ang MERS-CoV ay sinasabing nakukuha sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-


ugnayan sa isang biktima ng MERS. Ayon sa mga nag lalabasang balita, karamihan
sa mga bagong biktima ng MERS ay mga healthcare personnel at kamag-anak ng
apektadong paseyente. Sinasabing nahawa sila sa pamamagitan ng paglanghap ng
hangin na may respiratory droplets mula sa pagbahing at pag-ubo ng isang apektado
ng MERS. Kailangan kumonsulta agad sa doctor para mabigyang-lunas ang mga
sintomas na dulot ng virus na ito.

Maaaring malaman ang mga taong apektado nito sa pamamagitan ng laboratory test
na PCR o Polymerase Chain Reaction. Para naman sa mga malalang kaso na may
kasamang pulmonya, isinasagawa ang chest x-ray.

Dahil dito, lubhang nakababahala ang MERS-CoV. Karamihan sa mga


napatunayang may MERS at impeksyon ay may malubhang karamdaman sa
paghinga. Posibleng kumalat ito sa maraming tao at mga bansa. Kaya
nangangailangan ng ibayong pag iingat ang mga OFW sa middle east lalo na ang
mga nagtatrabaho sa mga ospital.

Ang WHO at ang CDC (Center for Disease Control) ay hindi pa nag bibigay ng
travel advisory sa anumang bansa na may kaugnayan sa MERS-CoV, kaya maaari
pa ring maglakbay o mag-aplay ng trabaho sa mga bansa sa Middle East at iba pang
kalapit na bansa na mayroon nang kaso ng MERS.

Upang makaiwas sa sakit na MERS, pinapayuhan ang mga tao na sundiin ang
sumusunod:

1. Palaging maghugas ng kamay sa pamamagitan ng sabon at tubig sa loob ng


20 Segundo o higit pa. Maaari ding gumamit ng hand sanitizer o alcohol kung
walang sabon at tubig upang mapatay ang mikrobyo.

2. Ugaliing takpan ang ilong at bibig ng panyo o tisyu tuwing umuubo o


bumabahing, at saka itapon ang tisyu sa basurahan. Iwasang bumahing sa dalawang
kamay. Sa halip ay bumahing sa braso o siko para di malagyan ng virus ang kamay.

3. Iwasan ang pag kukusot ng mga mata, ilong, at bibig dahil maaaring mapasa
ang virus mula sa maruruming kamay papunta sa mga bahaging ito at makapasok sa
katawan.

4. Iwasan din ang masyadong malapitang pagdidikit gaya ng paghalik at pag


sasalo-salo ng pinaggamitang baso at kubyertos.

5. Linisin at disinpektahin ang mga bagay na madalas hawakan tulad ng mga


laruan, hawakan ng pinto, pindutan ng elevator, at pampublikong sasakyan.

6. Magsuot ng mask kung kinakailangan lalo na sa mga pampublikong lugar


kagaya ng mga mall, groseri, terminal ng sasakyan, paliparan at ospital.

7. Iwasang makahalubilo sa mga taong may sipon, ubo, lagnat, at nag papakita
ng mga sintomas na tulad ng sa trangkaso.

8. Uminom ng maraming tubig at mga health supplement upang makatulong sa


pagpapalakas ng katawan at resistensiya. Kumain ng masusustansiyang pagkain lalo
na ng mga pagkaing mayayaman sa Vitamin C.

9. Matulog nang sapat ng kung maaari ay hanggang walong oras. Iwasan ang
pagpupuyat. Ipahinga ang katawan dahil nakakatulong itong palakasin ang
resistensiya laban sa virus.

10. Ugaliing mag- ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw.

D. Paglalapat ng
aralin sa pang Magbigay ng Kahalagahan ng Pagbabasa sa buhay ng tao.
araw-araw na Ano ang mga naidudulot ng Pagbabasa at paano ito nakatutulong sa atin?
buhay
E. Paglalahat Gabay na Tanong;
Mahalaga bang matutuhan mo ang kahulugan at iba’t ibang proseso ng pagbasa?
Mayroon bang mga katanungan, paglilinaw o kaya mga karagdagang ideya?

F. Ebalwasyon Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito? (6 na puntos)
Ibigay ang pangunahing paksa at ilang suportang ideya
2. Anong impormasyon ang nakuha mo tungkol sa paksa? (9 na puntos)
 Ano ang MERS-CoV ?
 Saan ito nanggaling at paano ito nakakhahawa?
 Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakit na MERS?
3. Paano maiuuganay ang mga impormasyon mula sa binasang teksto sa iyong
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? (5 puntos)
4. Matapos mabasa ang imporasyon, ano ang naidulot niyo sa iyo? (5 puntos)

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang Remedial? Bilang ng mga mag- aaral na nakaunawa sa aralin.

Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ngl ubos?Paano ito nakatulong?

Inihanda ni:
KEAN LAWRENCE L. ZEPEDA
Guro

Nabatid ni:
ANNE E. MANCIA
Assistant School Principal II

You might also like