Panginoong Jesus, Ikaw ay isinilang ng Birheng Maria, ang anak nina San Joaquin at Santa Ana. Masdan Mo ng may pagmamahal ang mga lolo at lola sa buong mundo. Pangalagaan Mo Sila! Sila ang pinanggagalingan ng kayamanan para sa mga pamilya, Simbahan at buong lipunan. Itaguyod Mo sila! Habang sila’y tumatanda, patuloy nawa silang maging, para sa kanilang pamilya, matibay na haligi ng pananampalataya sa ebanghelyo. Gawin Mo silang mga tagapagturo ng karunungan at katapangan, upang maipasa nila sa mga susunod na henerasyon ang mga bunga ng kanilang malagong karanasang pantao at esperituwal. Panginoong Jesus, tulungan Mo ang mga pamilya at lipunan upang pahalagahan ang presensya at papel ng mga lolo at mga lola. Huwag nawa silang bale walain o ihiwalay, at sa halip ay laging igalang at mahalin. Tulungan Mo silang mabuhay ng mapayapa at maramdaman na titatanggap sa lahat ng mga taon ng buhay na ibinigay Mo sa kanila. Maria, Ina ng lahat ng mga nabubuhay, ingatan mong lagi ang mga lolo at lola sa iyong kalinga, samahan mo sila sa kanilang paglalakbay sa lupa, at sa iyong mga panalangin, ipagkaloob mong ang lahat ng mga pamilya ay muling magsama-sama balang araw sa aming makalangit na bayan, kung saan mo hinihintay ang lahat ng sangkatauhan para sa dakilang yakap ng buhay na walang hanggan. Amen!