Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SDO-NAVOTAS

LESSON EXEMPLAR FOR CATCH-UP FRIDAYS

Peace Education

I. GENERAL OVERVIEW
School:
Learning Grade Level: 5
Area:
CATCH UP Area for AP
FRIDAY Integration:
Lesson Quarterly KONSEPTO NG Sub Theme: Konsepto ng
Exemplar Theme: KAPAYAPAAN Kapayapaan
(Peace
Education) Time: Date 3rd Wk Q1
II. SESSION DETAILS
Lesson Title: Konsepto ng Kapayapaan (Peace Concepts)
Learning Area 1. Nabibigyang kahulugan ang Kapayapaan
Competencies: 2. Naipapakita ang kahalagahan ng kapayapaan sa bawat sitwasyon.
3. Nabibigyang kalahalagahan ang kapayapaan sa mundo
Key Concepts Ang kaligtasan ng publiko ay mahalaga sa kagalingan at kalidad ng
for Integration: buhay ng indibidwal at komunidad.
III. FACILITATION STRATEGIES
Component Duration Activities and Procedures
Introduction and 10 mins. Pagbati sa mga bata
Warm Up Pang araw araw na mga Gawain

Panimula:
Panuodin ang Video Clip na pinamagatang “ Ano
ang Kapayapaan?”

https://www.youtube.com/watch?v=15yDosIsMMA

Tanong:
1. Tungkol saan ang napanuod na video clip?
2. Sa iyong palagay, ano ang Kapayapaan?

Concept 15 mins. Activity 1. Read and Learn


Exploration
Basahin at unawain ang tulang pinamagatang
“Kapayapaan”

Sa mundong walang katiyakan Kapayapaan kailan


ma’y di makamtan Sa rami ngmamamayan, sa laki
ng lipunan Bihira lamang ang taong kapayapaa’y
pinahahalagahan

Sa bawat sulok ng sandaigdigan Katahimika’y di


mabigyan ng daan Digmaan, krimen, karahasan
Lahat ng ito’y di masolusyonan

Upang makamit ang kapayapaan Sa sarili muna


natin ito simulan Ating pahalagahan ang
katotohanan
Ating ipaglaban ang katarungan
Kapayapaa’y ating maaangkin Kung puso at isipan

Page 1 of 4
SDO-NAVOTAS
LESSON EXEMPLAR FOR CATCH-UP FRIDAYS

ay pairalin At kung pagkakaisa’y ating atupagin


Pangarap ng bayan, makakamit rin

Gawing isa ang adhikain At patibayan ang mga


layunin Upang sa kinabukasan, ito’y ating
maangkin And Kapayapaang minimithi natin

Tanong:
1. Ano ang damdaming nais ipahiwatig ng tulang
iyong binasa?
2. Ano ang kahalagahan ng kapayapaan sa sa mga
tao at sa daigdig?

TALAKAYAN

Ang Kapayapaan ay ang pagkakaroon ng


katahimikan, kapanatagan o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng
isipan, kalooban pamilya, lipunang ginagalawan at
iba pa.

ANIM NA KONSEPTO NG KAPAYAPAAN

1. KAPAYAPAANG PANSARILI
Ito ay tumutukoy sa kapayapaan ng kalooban at
ng puso. Kahit na may ingay o gulo, nananatili
paring panatag at kalmado ang kalooban.

2. PAMUMUHAY NANG MAY HABAG AT


HUSTISYA
Ang isang tao ay makapamuhay nang may
katarungan kung walang karahasan.

3. PAGTANGGAL NG KULTURA NG DIGMAAN


Ang digmaan ang isa sa mga hadlang sa
pagkakaroon ng kapayapaan at ito rin ang
suliraning mahirap lutasin. Sa ngayon, ang
pagkakaroon ng Edukasyong Pangkapayapaan ang
nakikitang tanging pag-asa upang ito’y malutas.

4. KAMTAN ANG KARAPATANG PANTAO


Ang bawat mamamayan ay protektado ng
Karapatang Pantao. Ito ay nakasaad sa Universal
Declaration of Human Rights at sa ating sariling
konstitusyon.

5. PAMUMUHAY NANG MAY PAKIKIISA SA


MUNDO
Kailangan alagaan ang kapaligiran sapagkat
nababawasan ng 100,000 ektaryang lupa ang ating
bansa taun-taon dahil sa pagsira sa kagubatan. 11
milyong ektarya ng masaganang lupa rin ang
nagiging disyerto. Dahil dito, hindi natin
namamalayan na pinaiikli natin ang haba ng ating
buhay.

6. PAKIKIISA SA IBA’T IBANG KULTURA


Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat

Page 2 of 4
SDO-NAVOTAS
LESSON EXEMPLAR FOR CATCH-UP FRIDAYS

etniko at mayaman tayo sa iba’t ibang kultura.


Kaya, nararapat lamang na igalang natin ang
kaibahan ng ating kultura at paniniwala.

Valuing 20 mins ACTIVITY 2: PICK A HEART

Gupitin ang puso kung ang sitwasyong nakasaad ay


nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Idikit ang
pusong iyong nagupit sa kwaderno.

1. Ang kapayaaan ay para sa lahat ng tao mahirap


man o mayaman.
2. Ang kapayapaang pansarili ay makakamtan
kapag buong pusong tinanggap ang tahimik at
masayang Pamumuhay.
3. Walang karapatang magkaroon ng kapayapaan
ang mga mahihirap na tao.
4. Lahat ng tao ay makakaramdam ng tunay na
kapayapaan kung lahat ay marunong umunawa at
makuntento.
5. Ang pananakit at panlalamang sa iba ay
pagpapakita ng karapatang pantao na mahalaga sa
kapayapaan.

Journal Writing 15 mins. JOURNAL WRITING

LIFE APPRECIATION CARD

Gumawa ng isang journal na


nagpapakita ng pagpapanatili ng
katahimikan at kapayapaan sa inyong
komunidad?

Concluding each Session Thought for the day:

"Ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang


pagkakaroon ng kawalan ng gulo sa ating
paligid, kundi ang pagkakaroon ng
kapayapaan sa ating mga puso at isipan.”

- Mahatma Gandhi

Prepared by: Review and Enhance by:

JUANA R. PARAS Name

Page 3 of 4
SDO-NAVOTAS
LESSON EXEMPLAR FOR CATCH-UP FRIDAYS

Teacher III Position

Checked by:

WILBERT G. BALBOA ELSA R. MATA


Education Program Supervisor Education Program Supervisor
Araling Panlipunan LRMDS

Approved by:

MARCO D. MEDURANDA
Chief Education Supervisor
CID

MELITON P. ZURBANO
Schools Division Superintendent

Page 4 of 4

You might also like