Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

SEKTOR NG

AGRIKULTURA
ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA NG ATING BANSA AY BINUBUO NG PAGSASAKA,
PAG-AALAGA NG HAYOP, PAGGUGUBAT, PANGINGISDA, AT PAGMIMINA.
PAGSASAKA
• Ang Pagsasaka ay naka tuon sa pagtatanim ng iba’t
ibang uri ng produktong agrikultura na pinagmumulan
ng pagkain ng mga mamamayan. Kabilang sa mga
produktong ito ang palay at mais. Ang Pilipinas ay
isang bansang agrikultura, o bansa na agrikultura, ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan.
PAG-AALAGA NG HAYOP
•Binubuo ito ng mga nag-aalaga ng hayop,
tuald ng manok, baboy, baka, at
kalabaw; at ng mga nagpoproseso ng iba
pang produkto mula sa mga hayop na ito.
PAGGUGUBAT
•Tumutukoy ito sa pangunguha ng mga
produkto mula sa gubat, tulad ng mga torso
at mga non-timber forest product. Kasama rim
dito ang pangunguha ng rattan, almaciga,
gorma, at iba pa.
PANGINGISDA
• Ito naman ang pangunguha ng mga hayop at
halaman sa lahat ng uri ng anyong tubig, kasama
ang mga isda at iba’t ibang halaman sa
karagatan. Sakop din nito ang pag-aalaga sa
mga fishpond and fish pen sa mga lawa at ilog.
PAGMIMINA
•Ang pagmimina ay ang pagkuha ng
mga mineral at mahahalagang metal
para gamiting sangkap sa ibang
indutriya.
KAHALAGAHAN NG
SEKTOR NG
AGRIKULTURA SA
EKONOMIYA
KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG
AGRIKULTURA SA EKONOMIYA
• Nang dahil parin sa agrikultura, nabuo ang sinaunang mga kumunidad.
• Itinuturing na haligi ng pag-unlad ng ekonomiya ang agrikultura dahil ang sektor na
ito ang pinagkukunan ng pagkain. Mula rin sa sektor na ito ang mga materyales at
sangkap na ginagamit sa iba pang sektor, kaya masasabing sinusuportahan ng
agrikultura ang ibang sektor ng ekonomiya.
• Nakakatulong sa ekonomiya ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga
produktong iniluluwas upang ipagbili sa ibang bansa. Idagdag pa rito ang
kabuhayan at trabahon ibinibigay nito sa maraming Pilipino.
PINAGKUKUNAN NG PAGKAIN AT
KABUHAYAN
•Lahat ng produktong kailangan sa pang-
araw-araw na buhay ay mula sa sektor
na ito. Lahat ng bigas, mais, karne, isda,
at gulay ay produkto ng ating agrikultura.
PINAGKUKUNAN NG MATERYALES
NG IBANG SEKTOR
•Galing sa sektor ng agrikulturanang lahat ng
hilaw na sangkap (raw materyals) na
kailangan para makagawa ng iba’t ibang
produkto. Halimbawa, para makagawa ng
mesa at upuan, kailangan ang mga troso.
PINAGMUMULAN NG TRABAHO
• Ayon sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics
(BAS) sa taong 2011, 12.27 milyon katao o 33%
ng lakas paggawa ng bansa ay nasa sektor ng
agrikultura. Pinatutunayan lamang ng
estadistikang ito ang laki at lawak ng sektor ng
agrikultura.
KONTRIBUSYON NG
SEKTOR NG
AGRIKULTURA SA
PANGKALAHATANG
KITA NG BANSA
KONTRIBUSYON NG SEKTOR NG AGRIKULTURA
SA PANGKALAHATANG KITA NG BANSA

• Ayon sa National Statistical Coordination board (2011), 11% ng GDP


ng ating bansa ay galing sa sektor ng agrikultura. Dalawa ang
pinupuntahan mg mga produktong agrikultural: ang local na industriya
at ang industrya ng ibang bansa.
• Pinagmumulan din ng kita ng sektor ng agrikultura ang pagluluwas ng
mga produkto nito sa iba’t ibang bansa. Sa pamamagitan nito,
nakalilikom ng dolyar at iba pang perang dayuhan ng ating bansa.
MGA SULIRANING KINAKAHARAP
NG SEKTOR AGRIKULTURA
•Maraming suliranin ang kinakaharap ng
sektor ng agrikultura. Kadalasan, ang mga
ito ay may kaugnayan sa mga suliranin ng
kalikasan sapagkat ang sektor na ito ay
nakasalalay sa mga likas na yaman.
SA PAGSASAKA
•Kadalasang suliranin sa pagsasaka ay ang
kakulangan ng supply ng bigas. Sa ganitong
pag kakataon, napipilitan ang Pilipinas na
umangkat ng bigas sa ibang bansa.
SA PANGINGISDA
• Isang malaking suliranin na kinakaharap ng pangingisda
sa dagat ay ang tinatawag na overfishing. Mas
maraming nangingisda, mas malalaking barko at
kagamitan ang ginagamit na panghuli sa mga isda,
dahilan para kahit maliit na isda ay mahuli.
SA PAGGUGUBAT
•Ang illegal logging ay isang pangunahing
suliranin sa paggugubat. Ito ang pagpuputol
ng mga hardwood tree, at mga punong hindi
pa dapat pinuputol, at paggugubat sa mga
protected area.
SA PAGMIMINA
• Sa larangan ng pagmimina, kadalasang suliranin
ang negatibong mga epekto ng pagmimina tulad
ng polusyon, pagkasira ng natural na ganda ng
kalikasan, at pagpapaalis sa mga indigenous
people sa kanilang sariling lupain.
PASAGUTAN:
1. Bakit mahalaga ang agrikultura sa ekonomiya?(2pts)
2. Sa iyong palagay, kailangan bang magkaroon ng
maunlad na agrikultura para umunlad ang isang
bansa?(2pts)
3. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng
agrikultura?(ipaliwanag)(6pts)
THANK YOU!

You might also like