Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PAGHAHANDA NG MODYUL

Ang modyul ay sariling linangan kit na naglalaman ng maraming gawain sa pagkatuto, kalimitan ay mga papel
na sinagutan ng mga mag-aaral. Ito’y maaaring magamit bilang bahagi ng kurso o disenyong pang kurikulum
(lardizabal, 1991:99)
ANG MGA KATANGIAN NG MODYUL
1. Naglalaman ng sariling pagpapasya, sariling direksyon at sariling pagtataya (burns,1972: 63).
2. Nagbibigay ng iba’t ibang paraan ng pagkatuto at malawak na pagpili ng media at mga estilo para
sa masistemang paglinang ng mga nilalaman at mga pamamaraan (russel, 1974: 99)
3.Nanghihikayat ng demokratikong pamamaraan, mapanuring pag-iisip, sariling pagsisikap/pagkukusa;
nakalilinang ng tiyak na kaalaman at mga kasanayang hinahangad ng mga facilitator/guro; nagbibigay
kasiyahan sa mga mag-aaral (keuscher, 1970: 8-14).
4. Nagagawang makabago ang pagtuturo sa pamamagitan ng paghubog ng mga gurong may kakayahang
gumawa ng mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral (cruz,
1990: 180-181), kagyat nakalilinang ng kaalaman, kasanayan at halagang pangkatauhan/gawain ng mga mag-
aaral.

MGA BAHAGI NG MODYUL


1. Pamagat – ang pamagat ng modyul ay kinakailangang maging malinaw, masaklaw at maikli.
2. Target population - tumutukoy ito sa antas at uri ng mga mag-aaral na gagamit ng modyul.
3. Rasyunal o panimula - nabibigyan nito ang mga mag-aaral na makita ang kabuuan ng paksang saklaw
ng modyul.
4. Tunguhin o layunin - ipinahahayag ito sa paraang pangkagawian upang malinaw at masaklaw na
matuklasan ang inaasahang matatamo ng mga mag-aaral.
5. Panuto - dahil ang modyul ay pansariling direksyon at kondisyon, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng
pagkakataon na masagot ang mga mungkahing gawain, takdang aralin, pagpapayamang-gawain sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga panutong ipinahahayag sa mga pangungusap na higit na malinaw at
payak.
6. Panimulang saloobin at pangangailangang kasanayan - ang modyul ay lumilinang sa mga
kasanayan at kaalamang makatutulong sa mga mag-aaral na magamit ang kanilang sariling pananaw sa
nilalaman nito.
7. Panimulang pagsusulit - ibinibigay ito upang matiyak kung gaano na nauunawaan ng mga mag-aaral
ang mga paksa o ang nilalaman ng araling pinag-aaralan.
8. Panimulang pagsusulit sa feedback at pagtataya - ibinibigay ito upang matiyak kung pumasa o hindi
pumasa ang mga mag-aaral.
9. Mga gawain sa pagkatuto/pagpapayamang gawain - itinuturing na puso ng modyul, ito’y naglalaman
ng iba’t ibang gawaing dapat isagawa ng mga mag-aaral upang matamo ang tiyak na mga layunin at
pagkatuto o mapayaman pa ang pagkakaunawa sa paksa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba pang
mga mungkahing gawain katulad ng mga gawaing nangangailangan ng sariling pagpapasya, takdang
aralin, mga mungkahing proyekto, pagbibigay ng sariling mapanuring konseptwalisasyon at pagpapalawak
ng mga tulong-pampamayanan batay sa itinakda/iminungkahi ng modyul.

Sariling Linangan Kit


Ang sariling linangan kit ay isang kagamitang ginagawa ng mga guro para sa kanilang mga mag-aaral. Ito
ay naglalaman ng mga aklat, handouts, mga larawan o visual aids, mga gawaing pagsasanay, at iba
pang mga materyales na makatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang pagsasagawa ng sariling
linangan kit ay magbibigay sa iyo ng tiyak na mga kagamitan na kailangan mo para sa pagtuturo, at ito ay
madaling maipaghanda nang maayos kung isaalang-alang mo ang kakayahan at pangangailangan ng
iyong mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Sariling Linangan Kit


1. Pagpapalago ng kaisipan - sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-unawa sa sariling linangan, nagiging
mas malawak ang iyong kaisipan at nalalaman mo ang iba't ibang kultura, tradisyon, at paniniwala.
2. Pagpapataas ng kasanayan - ang pag-aaral at paglilinang ng iyong natatanging talent o interes ay
nagbibigay-daan sa iyo upang maging mas mahusay sa iyong larangan. Ito ay nagdudulot ng pagkakataon
para sa personal na paglago at tagumpay sa iyong pasyon.
3. Nakakapagbigay ng kasiyahan at pagkaaliw - ang pagtatagumpay at pag-unlad sa iyong sariling
linangan ay nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan dahil nakakamit mo ang mga personal na layunin at
nakakapagbigay ng kahulugan sa iyong buhay.
4. Paglikha ng mga koneksyon - kapag ipinakikita mo ang iyong kahusayan sa iyong sariling linangan,
madalas na nakikilala mo ang mga taong may pareho o katulad na interes. Ito ay nagbubukas ng mga
pintuan para sa mga bagong kaibigan, mentor, o kasosyo na maaaring makatulong sa iyong karera o pag-
unlad sa ibang aspeto ng iyong buhay.
5. Pagsulong ng kultura at pinahahalagahan ang tradisyon - sa pamamagitan ng paglilinang at
pagpapakita ng iyong sariling linangan, ikaw ay nagbibigay ng kontribusyon sa pagsulong at pagpapatatag
ng kultura at tradisyon. Ito ay mahalaga upang mapanatili ang mga pinahahalagahan at identidad ng isang
lipunan.

Sanggunian:
https://www.scribd.com/document/515293723/Fil-117-Ang-Paghahanda-Ng-Modyul
https://www.scribd.com/document/678354691/Sariling-Linangan-Kit?fbclid=IwAR16Oj5-
9RSBJQp8vvM9X1aoRLbjsCMexGGZNG9BOSIcG8jP0dKX2kcEGok

You might also like