Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

ARALIN 8

Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi


Ko sa Aking Kapuwa

ESP 3
Kapag nakakita ka ng mga maysakit, mga kapus- palad, mga
nalulungkot, o mga taong nahihirapan, ano ang nararamdaman mo?
Nararamdaman mo rin ba ang kanilang kalagayan? Nais mo ba
silang tulungan? Ipinagdarasal mo ba sila?

Likas sa atin ang magmahal ng kapuwa dahil tayo ay nilikha ng


Diyos na puno ng pag-ibig para sa Kanyang mga nilalang.
ALAMIN NATIN!
Sa paanong paraan mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa
Diyos? Gaano man ito kaliit o kalaki, tiyak na nagagalak ang
Diyos na makitang tayo ay nagmamahal sa ating kapuwa.
Tunay ngang tanda ito ng pagmamahal natin sa Kanya.
May ipakikilala ako sa iyo. Kilala mo ba ang batang nasa
larawan? Siya si Kesz Valdez. Magandang araw kaibigan!
Ako si Kesz, labintatlong taong gulang. Dati akong nakatira
sa tambakan ng basura. Para mabuhay, naghahalungkat
ako ng basurang puwede pang ibenta. Namamalimos din ako
sa palengke. Sa sementeryo o kaya sa tapat ng mga
Convenience Store ako kadalasang natutulog. Noong limang
taong gulang ako, nagkaroon ako ng malalang sugat dulot
ng pagkasunog.
Nakita ako ni Kuya Bonn na itinuturing ko nang Tatay ko ngayon at ni
Kuya Efren. Nilinis nila ang aking mga sugat. Inalagaan nila ako.
Naramdaman kong mahal nila ako.

Simula noon, sumasama na ako kay Kuya Efren sa kanyang eskwela sa


kariton. Tinuturuan ko ang mga batang ingatan ang kanilang kalusugan.
Noong pitong taon na ako. naisip kong itatag ang samahang C3 o
Championing Community Children sa tulong ng aking mga kaibigan.
Nagbebenta kami ng kandila upang makalikom ng pondo para
matulungan ang mga batang lansangan.
Naniniwala akong kaya nating pagandahin ang mundo.
Masaya ako sa ginagawa ko. Naniniwala ako na tulad ko
kaya ma tulad ko kaya mo ring tulungan kapwa. at
mahalin ang ating kapwa
Tandaan Natin!
Likas sa atin ang magmahal sa kapwa sapagkat tayo ay
nilalang ng isang Diyos na mapagmahal. Naipakikita natin ang
pagmamahal natin sa Diyos sa pang-araw-araw na
pakikitungo natin sa ating kapwa Humingi tayo ng tulong sa
Diyos na maipadama natin ang tunay na pagmamahal sa
kapwa. Siya ang magbibigay sa atin ng lakas upang magawa
ito. Dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng
kakayahang magmahal at maranasan din natin ang
kasiyahang naidudulot nito sa ating damdamin.
Layunin:
Makapagbigay-saya sa mga batang lansangan o
kinakalinga ng ahensya ng pamahalaan tulad ng
DSWD o kaya ay simbahan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga laruan, tsinelas, o mga gamit
pangkalusugan na kokolektahin mula sa mga
mapagkawanggawa.
Mga Dapat Gawin o lhanda:
• Sa tulong ng inyong guro kayo ay gagawa ng liham para makahingi ng
donasyong tulad ng mga aklat na hindi mo na binabasa, lumang laruan, at
damit sa ibang mga bata a kanilang magulang upang maidagdag sa mga
nakolekta mula sa inyong klase

• Magtatakda kayo ng araw kung saan kayo ay magpaparada at bibisita sa


bawat klase upang kunin ang kanilang mga donasyon na ilalagay sa isang
malaking kahon na parang isang regalo. Ibibigay ang mga nakolektang
laruan at mga gamit sa isang samahang nangangalaga sa mga batang
lansangan, maysakit, o ulila.

You might also like