Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1

Kuwarter 4 Bilang 6

Pangalan: ____________________________________________
Baytang/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

Ngayong araw pag-aaralan mo ang pagbibigay


ng sariling hinuha. Ang pagbibigay ng hinuha ay
puwedeng positibo o negatibo. Dapat mag-ingat sa
pagpapahayag ng hinuha o haka-haka.

Nakapagbibigay ng sariling hinuha (F1PN-IIIj-12).

A. Balikan Mo!

Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga


salitang magkatulad ang kahulugan o pareho ang
ibig sabihin.

1
B. Pag-Aralan Mo!
Ang hinuha ay mga pahayag ng mga
inaakalang mangyayari sa isang sitwasyon o
kondisyon. Ito ay puwedeng pasulat o pasalita.
Ilan sa mga halimbawa ng salita na ginagamit
sa paghihinuha.
1. Marahil. Marahil ay pumunta siya sa mataong
lugar kaya siya ay nahawa ng COVID-
19.
2. Baka. Baka hindi ko maipasa ang aking
module bukas.
3. Sa palagay ko. Sa palagay ko, hindi ko nasa-
gutan nang tama ang aking modules
kung kaya mababa ang aking grado.
4. Yata. Hindi na yata darating ang aking mga
kalaro.

Magbigay ng hinuha sa sitwasyon.Sabihin ang sagot.

Habang naglalakad si Lola Lolita sa tabi ng kalsada,


mayroong mabilis na sasakyang paparating.
Ano kaya ang maaaring mangyari kay Lola Lolita?
a. Marahil siya ay mababangga ng sasakyan.
b. Hindi naman ata siya mahahagip ng
sasakyan.
c. Sa palagay ko ay may sisita na barangay
tanod sa drayber ng sasakyan.

2
C. Pagsanayan Mo!
A. Basahin ang kuwento. Unawaing mabuti
upang masagot ang katanungan ukol dito at
ibigay ang sariling hinuha. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Naglinis si Maymay
Naglinis si Maymay. Natabig niya ang timba
na may lamang tubig na nakapatong sa mesa.
Bumagsak ito sa sahig. Narinig ng kaniyang ate
ang ingay. Pinuntahan siya nito at nakita ang
natapon na tubig.

Source: https://www.amazon.de/Big-City-Home-Cleanup-Cleaning/dp/B07WK67YBK

Sa tingin mo, ano kaya ang mangyayari kay Maymay?


a. Marahil pagagalitan siya ng kaniyang
ate.
b. Sa palagay ko ay hindi siya isusumbong
sa kanilang nanay.
c. Baka pagsabihan lang si Maymay ng
kaniyang ate.

D.Tandaan Mo!

Ang hinuha ay mga pahayag ng mga


inaakalang mangyayari sa isang sitwasyon o
kondisyon. Ito ay puwedeng pasulat o pasalita.

3
E. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


katanungan. Bilugan ang titik ng angkop na hinuha sa
bawat sitwasyon.
1. Malakas ang ulan, naglaro si Maria sa ulan nang
matagal. Ano ang mangyayari sa kanya?
a. Baka magkakasakit si Maria
b. Marahil ay magiging malusog ang
pangagatawan niya
2. Palaging hindi sumasagot sa modules si Miguel
dahil abala siya sa paglalaro. Ano ang maaaring
makuha niyang grado?
a. Sa palagay ko makakakuha siya ng
matataas na grado
b. Marahil makakakuha siya ng mababang
grado
3. Mahilig pumunta sa matataong lugar si Ben at hindi
siya nagsusuot ng facemask. Ano kaya ang
maaring mangyari sa kanya?
a. Marahil ay magiging malusog ang
pangangatawan niya
b. Sa palagay ko maaari siyang mahawaan ng
COVID 19.
4. Hindi pinayagan si Juan na pumunta sa ilog dahil
hindi siya marunong lumangoy ngunit siya ay
pumunta pa rin. Ano kaya ang maaaring
mangyayari kay Juan?
a. Sa palagay ko siya ay malulunod.
b. Marahil ay hindi siya pagagalitan ng kaniyang
nanay.
4
5. Itinago ni Cardo ang laruan ng kaniyang kalaro.
Ano kaya ang maaaring mangyari kay Cardo?
a. Marahil matutuwa sa kaniya ang kaniyang
kalaro
b. Magagalit yata ang kaniyang kalaro sa
kanya.

C. Pagsanayan Mo!
1. Depende sa sagot ng bata

E. Pagtataya
1. a 4. a
2. b 5. b
3. b

 Banghay-Aralin sa Filipino1, ROV, Kuwarter 3


 MELCs Budgeting for Filipino 1 Kwarter 4

Inihanda ni:

JOSEL B. VALDEZ
Libmanan South District
Manunulat

You might also like