Modyul 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 7

Sinong Sikat?
1. Ang aktres na si Kim Chiu
2. Ang bayaning si Jose Rizal
3. Ang aktres na si Kathryn Bernardo (chihay)
4. Si dating Presidente Rodrigo Duterte
5. Si Senator Manny Pacquiao

Pagsasanay 1

1. Ang kaisipang nakapaloob dito ay ang kahalagahan ng edukasyon para sa kinabukasan.


Binibigyang-diin ang pag-aaral bilang sandata laban sa kamangmangan at hinihikayat ang mga
kabataan na pahalagahan ang edukasyon.

2. Ang kaisipang nakapaloob dito ay ang kahalagahan ng pagiging mabuti at mapagpatawad sa


kapwa sa kabila ng mga masasamang bagay na natatanggap mo mula sa iba.

3. Ang kaisipang nakapaloob dito ay ang pagpapahalaga sa pagiging mapagkumbaba at tapat.


Mas mabuti ang simple at maliit na bahay kung ang tao ay maaasahan, kaysa sa malaking
bahay na ang tao ay pakitang-tao lamang.

4. Ang kaisipang nakapaloob dito ay ang ideya ng hustisya o paghihiganti. Ito ay nagsasaad ng
konsepto ng pagbabayad o parusa para sa nagawang kasalanan.

5. Ang kaisipang nakapaloob dito ay ang pagbibigay-diin na ang masamang ugali ng bata, tulad
ng pagiging palalo, ay maaaring humantong sa mas magulo at problemadong buhay sa
kanilang pagtanda.

Pagsasanay 2

PAKSA/PAMAGAT

Pamagat: Transcript ng Talumpati ni Grace Poe Nang Magdeklarang tatakbo sa Pagkapangulo

PANGUNAHING KAISIPAN

Ang pangunahing kaisipan ng teksto ay ang pagdedeklara ni Grace Poe ng kanyang pagtakbo
sa pagkapangulo ng Pilipinas, kasama ang kanyang mga layunin at pangako para sa bansa.

MGA PANSUPORTANG DETALYE

-Para Kanino ang Teksto?


Ang talumpati ay para sa mga Pilipino, partikular na sa mga botante, mga tagasuporta, at sa
pangkalahatang mamamayan.
-Sino ang may-akda?
Si Grace Poe, isang senador at kandidato sa pagkapangulo.

-Ano ang laman ng talumpati?


Ang talumpati ay tungkol sa pagdedeklara ni Grace Poe ng kanyang intensyon na tumakbo sa
pagkapangulo, kabilang ang kanyang mga prinsipyo, personal na kwento, at inspirasyon mula
sa kanyang mga magulang.

-Saan ginawa ang talumpati?


Ang talumpati ay ginawa sa isang pampublikong pook o plataporma kung saan maaaring
magpahayag ng kandidatura sa publiko.

-Kailan ginawa ang talumpati?


Ang talumpati ay ginawa bago ang kampanya para sa pagkapangulo, at kung espisipiko ay sa
panahon ng deklarasyon ng kandidatura.

-Paano ipinahayag ang mensahe?


Ipinahayag ang mensahe sa pamamagitan ng isang talumpati, na gumagamit ng mga personal
na kuwento, mga halimbawa ng inspirasyon, at mga panawagan sa pagkakaisa at
pakikipagtulungan sa mga mamamayan.

Pagsasanay 3

1. Ang pakay ni Grace Poe sa talumpating ito ay ideklara ang kanyang intensyon na
tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas. Bukod dito, nais niyang ipahayag ang kanyang
mga prinsipyo, layunin, at pangako sa sambayanang Pilipino kung sakali mang siya ay
mahalal bilang presidente.

2. Ang inaasahan niyang babasa o makikinig sa talumpati ay ang pangkalahatang publiko,


partikular ay ang mga botante at mga potensyal na tagasuporta sa kanyang kampanya.

3. Opo, isinaalang-alang niya ang babasa o makikinig sa kanyang talumpati. Patunay dito
ang paggamit niya ng mga simpleng salita at mga personal na kwento na madaling
maunawaan ng nakararami. Gumamit siya ng mga karanasan sa kanyang pamilya at
personal na buhay, na nagbibigay ng inspirasyon at emosyonal na koneksyon sa mga
tagapakinig.

4. Ang damdamin na naantig sa talumpati ay ang inspirasyon at determinasyon. Sa


pamamagitan ng kanyang mga salita, pinalakas ni Grace Poe ang loob ng mga tao na
magtiwala sa kanyang kakayahan at sa kinabukasan ng bansa.
.
5. Ang pangunahing kaisipan na nais iparating ni Grace Poe ay ang konsepto ng
pagkakaisa at sama-samang pag-unlad para sa isang mas magandang kinabukasan.
Ipinahayag niya na walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas, at
nanawagan siya ng tulong at suporta mula sa mga mamamayan upang maisakatuparan
ito.

You might also like