Modyul 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 8

1. E
2. D
3. B
4. A
5. F

Pagsasanay 1

Ako ay Ako dahil sa aking Pamilya


Kimberly T. Balantong

Salapi? Luho? Wala ako niyan. Pero iisa lang ang itinuturing kong kayamanan, ang aking
pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat n oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko,
ang aking pamilya ang siyang nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.

Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, kahit kailan di ko naranasan ang
magkaroon ng buong pamilya. Dahil wala akong tatay. Pero, kahit ganoon, pinaramdam sa akin
ng aking nanay at dalawa kong kuya na hindi ako nag-iisa. Anga aking aral na napulot ay,
maging kuntento kung ang meron ka. At imbes na maghanap ng kulang mo, ituon mo ang
atensyon mo sa mga bagay na meron ka. Dahil hangga't hinahanap mo ang kulang sa'yo, lalo
kang magiging malungkot.

Natuto akong rumespeto gaya ng turo sa akin ng aking pamilya. Ang pagiging masiyahin ay
natutunan ko din sa kanila. Ang una kong guro ay ang aking pamilya.

Pagsasanay 2
1. Nagbibigay ng Kahulugan Ukol sa Paksa at Pakikilahok o Pagsang-ayon

Totoong ang denims ay sinusuot ng halos lahat ng tao, sapagkat ito ang madalas na
nakikita sa mga palengke, mall, at iba’t-ibang online shopping platforms. Ang presyo nito
ay nababasa sa yelang ginamit kung kaya't mayroon mahal at ito sng sinusuot ng mga
“naka-Mercedez Benz” na tao salagkat jaya nila itong bilhin at ang mga murang tela
naman na gknagamit sa oaggawa ng denims ay ang mga binibili ng mga normal na tao
lamang na may kakayahang bumili ng damit na kinakailangan. Kaya ang katagang “ang
may tangan ng korona sa moda ng damit ay ang maong o denims” sapagkat ito ay
sinusuot nf bawat isa, maiba man ng katayuan sa buhay.

2. Personal na Pananaw

Bilang isang estudyante, ang salitang akademya


para sa akin ay nangangahulugang daan patungo sa aking pangarap. Iba man ito sa
tunay na kahulugan ng salitang ito, ngunit ang mga bagay a nakapalibot at
nakasangguni sa salitang ito ay mga bagay na tumutulong sa akin upang maabot ang
aking pangarap.

3. Pakikilahok o Pagsang-ayon

Tunay na mahalaga ang pagpapatupad ng curfew para sa mga kabataan hindi lamang
para sa kanilang disiplina kundi para na rin sa kanilang kaligtasan. Sa panahon ngayon
ay marami nang krimen ang nangyayari kaya't ang kaligtasan ng mga kabataan ay nasa
panganib lalo na pagsapit ng gabi sapagkat bilng na lang ang mga taong nasa labas at
madilim ang paligid. Ang pagpapatupad ng curfew ay isa sa mga aksyon na
makatutulong sa nakararami lalong lalo na sa mga kabataan.

4. Nagbibigay Kahulugan Ukol sa Paksa

Ang pagtatalo ng dalawang istasyon ay karaniwan lamang sapagkat sila ay nag-aagaw


sa mga manonood at mga kumikilala sa kanila. Ang pang-aakusa at pang-aangkin ng
mga istasyong ito ay nangangahulugan lamang na sila ay may alitan.

5. Nagbibigay nf Kahulugan Ukol sa Paksa

Masamang droga ang tinutukoy sa pahayag na ito at maaari ring mga droga na kapag
nasobrahan ng gamit at nagamit ng mali ay nagiging pinagbabawal na droga. Hindi lahat
ng droga ay nakakasama sa ating katawan sapagkat ang iba ay ginagamit na
panggamot sa ibang mga sakit na dinaranas ng mga tao.

Pagsasanay 3
Totoong ang mga tao sa isang komunidad ay nararapat lamang na magtulungan ngunit ang
mas lamang na dapat gawin ay ang pagstep-up ng mga taong nakaupo a taas at may
kapangyarihan upang maitayo at mapaunlad ang isang komunidad. At kung ang mga nasa taas
man ay may kakulangan sa pagsisilbi ay nararapat lamang na sila ay magkusang loob na
gumawa pa ng gawain na pupunan ang kanilang mga kakulangan sapagkat ang kakulangan ng
isang pinuno o nakatataas at kakulangan din ng kanyang nasasakupan, hindi sa kapangyarihan
kundi sa kakayahang umunlad ng bawat isa.

Ang kakulangan ng suporta sa isang komunidad at ang pagdagdag ng mga sabi-sabi ay isang
matinding disaster na maaring makasalamuha ng isang komunidad. Ang suportahan ng bawat
isa sa komunidad ay hindi magiging sapat kung ang kanilang lugar ay hindi umuunlad at hindi
nagiging maayos ang patakbo, sapagkat sumasalamin ang kaayusan ng isang komunidad sa
kung paano nila hinahawakan at inaayos ang kajilang sariling komunidad.

Sa pagtatapos, ang mga pagkukulang ng bawat isa ay maaring magdala ng perwisyo sa isang
komunidad dahil ang pagtutulungan ay dapat ginagawa ng lahat. Hindi lamang ng mga
mahihina kundi pati na rin ng may kapangyarihan upang maging matagumpay ang
pagpapaunlad ng isang konunidad. At hidi rin lamang ng mga may kapangayarihan sapagkat
sila ang dapat unang-unang tatayo at magtatayo ng isang matiwasay na komunidad kasmaa ng
kanilang pinamumunuan.

You might also like