Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

PEBRERO 15, 2024


HUWEBES, 3:00-5:00 NG HAPON

I. LAYUNIN
Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: pangunahing kaalaman tungkol sa pambansangekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansangekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product)
bilang panukat ng kakayahan ng isangekonomiya AP9MAK-IIIb-4
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanang ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita;
b. nakabubuo ng venn diagram na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng GNI at
GDP; at
c. napahahalagahan ang pag-aaral ng pagsukat ng pambansang kita sa pamamagitan ng
mga gabay na tanong ng guro
II. PAKSANG ARALIN/NILALAMAN
A. Paksa Aralin 1: Pambansang Kita
B. Sanggunian Araling Panlipunan Ekonomiks Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pambansang Kita
C. Kagamitang Kagamitang biswal at laptop
Panturo
D. Integrasyon sa Filipino
Ibang Asignatura
E. Estratehiya sa Sama-samang pagkatuto, Replektibong pagkatuto, Quiz
Pagtuturo
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Pang- araw - araw na
B. Gawain
1. Panalangin Pormal nating simulan ang umagang ito ng
isang panalangin. Pero bago iyon
inaanyayahan ko ang lahat na tumayo,
manahimik at itungo ang mga ulo upang
damhin ang presensya ng ating panginoon.

Maaari mo bang pangunahan ang panalangin Panginoon maraming salamat po sa


natin Ashley ngayong umaga. paggabay niyo sa bawat isa sa amin. Mag-
aaral po kami nawa po ay bigyan niyo po
kami ng sapat na talino upang magamit
naming sa pag-aaral. Nawa po ilayo niyo
po kami sa anumang kapahamakan at
karamdaman at ingatan niyo po kami sa
pang-araw-araw naming pamumuhay.
Batid po naming lahat ng aming mga
kasalanan ay inyo na pong pinatawad. Ito
lamang po ang aming hiling sa pangalan ni
Jesus Amen.
2. Pagbati Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po Binibini!

3. Pagsasaayos ng Bago magsiupo, ayusin muna ang Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
Silid -aralan pagkakahanay ng inyong mga upuan at kalat at aayusin ang hanay ng mga upuan
pulutin ang mga kalat sa sahig. bago umupo.
4. Pag-alam ng May mga lumiban ba sa ating klase ngayon? Wala po ma’am.
Liban
Mukhang handang handa kayong matuto
ngayong hapon.
5. Balik-aral Natatandaan niyo pa ba ang ating ginawa
noong nakaraan? Pinag-aralan po Ma’am noong nakaraan ay
tungkol sa mga modelo po ng pambansang
kita.
Ayan tumpak, maraming salamat!
6. Pagwawasto ng Mayroon ba kayong takdang-aralin? Wala po Ma’am
Takdang-aralin
C. Paghahabi sa Pagganyak
Layunin ng Word Puzzle
Aralin Panuto: Hahanapin at bilugan ang mga
salitang inyong makikita sa loob ng kahon.

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais


sumagot sa unahan.
Ang nakita ko pong salita ay
Sige Angel
PRODUKTO, Ma’am.
Ayan, maraming salamat!
INDUSTRIYA po Ma’am.
Ikaw naman, Jane.
GROSS NATIONAL INCOME po Ma’am
Sige Anne
PAMBANSANG KITA Ma’am
Sino pa?
Sige Howard.

Ayan, napakagagaling niyo naman na


maghanap ng mga salita.

Sino pa, may ilan pang mga salita na hindi


niyo pa nakikita.
GROSS DOMESTIC PRODUCT Ma’am.
Sige, Axel
ECONOMIC PERFORMANCE po
Ma’am.
Ikaw naman Paul
Ma’am OVERSEAS po
Sige ikaw naman Maxyne
GAWANG PINOY Ma’am
Ano pa, Mae
Ma’am EXPENDITURE APPROACH po
Ano pa may dalawa pang hindi nakikita, sige
at SERBISYO.
Ivan

Mahusay kayong maghanap!


Tunay ngang malinaw ang inyong mga mata.

Ngayon naman, mula sa ating ginawang


maikling gawain.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano nga ang mga nahanap na mga
Babasahin ng mga mag-aaral ang mga
salita?
nahanap at nabilugan nilang salita.
Produkto
Industriya
Gross National Income
Pambansang kita
Gross Domestic Product
Economic Performance
Overseas
Expenditure Approach
Serbisyo
2. Sa tingin ninyo, Ano kaya ang meron sa
mga salitang yan. Saan kaya patungkol
ang mga yan?
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
a. naipapaliwanang ang kahalagahan ng
pagsukat ng pambansang kita
b. nakabubuo ng venn diagram na
nagpapakita ng pagkakaiba at
pagkakatulad ng GNI at GDP; at
c. napahahalagahan ang pag-aaral ng
pagsukat ng pambansang kita.
Ito ang nais kong matamo ninyo sa pagtatapos
ng ating aralin.
D. Pag-uugnay ng Narito naman ang mga salitang ating
Halimbawa sa makakasalubong sa magiging talakayan natin
Bagong Aralin: ngayong araw.

Pakibasa Leah Talasalitaan


Pambansang Kita
Gross National Income
Economic Performance
Expenditure Approach
Produkto
Ilan lang yan sa mga salitang ating
makakasalamuha ngayong hapon sa ating
talakayan.
E. Pagtalakay ng Ang kabuhayan ng nakararaming tao ay
Bagong Konsepto nakasalalay sa lagay ng ekonomiya ng bansa.
at Paglalahad ng Kung masigla ang ekonomiya magbubunga
Bagong ito ng mas maraming trabaho at kita sa mga
mamamayan, sa kabaliktaran naman ito ay
Kasanayan # 1
magdudulot ng kahirapan. Napakahalaga sa
panig ng pamahalaan na sukatin ang
Pambansang kita sapagkat ito ang magtatakda
ng mga polisyang nararapat para patuloy ang
paglago ng ekonomiya

Ngayong araw ating paguusapan ang


pambansang kita.
Pakibasa lahat ng malakas. Ang Pambansang Kita
Ito ay tumutukoy sa kinita o pinasyal na
kinita sa pangkalahatan o kabuoan ng mga
sector na nasasakupan ng pamahalaan ng
isang bansa.
Kung baga dito nasusukat o nalalaman ang
pagbaba at pag-angat ng isang ekonomiya.

Bakit nga ba mahalaga na malaman at


masukat natin ang pambansang kita?
Ngayon alamin natin ang kahalagahan ng
pambansang kita.
Ayon kay C.R. McConnell at Stanley Brue sa
kanilang aklat na Economics Principles,
Problems, and Policies ang kahalagahan ng
pagsukat sa pambansang kita ay sumusunod:
Pakibasa ng unang bilang.
Sige Mike. 1. Ito ay nakapgbibigay ng ideya at
paliwanag sa pagbabago ng antas ng
produksiyon ng ekonomiya sa isang
partikular na taon.
Ayan maraming salamat!
Kaya napakahalaga lang na malaman ang
pambansang kita upang makapagbigay ito ng
ideya at paliwanag sa kung ano nga ba ang
nangyayari sa mga produkto ng ekonomiya o
ng isang bansa. Kung mataas ba o mababa ito.
Kung umunlad ba o hindi sa loob ng isang
partikular na taon.

Pakibasa nga lahat! 2. Ang mga datos ng pambansang kita sa


loob ng ilang taon, ay masubaybayan
ang direksyon na tinutungo ng
ekonomiya kung paunlad o pagbaba.
Ayan, tulad ng nabanggit ko kanina dito nga
nakabase o dito malalaman kung umuunlad
nga ba o hindi ang isang ekonomiya. Kung
mayroon bang pagbabagong nagaganap.

3. Ito ay magiging gabay sa pagpaplano sa


ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisya na makapagpabuti sa
pamumuhay at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.

Sinong makapagbibigay ng karagdagang


ideya patungkol sa binasa.
Sige Mae. Gaya nga po ng sinabi jan kung baga diyan
nakabase ang lahat ng mga pagpaplano sa
isang ekonomiya upang magkaroon ng
mga patakaran at polisya na
makapagpabuti sa economic performance
ng bansa.
Pakibasa lahat ng sabay-sabay. 4. Kung walang sistematikong paraan sa
pagsukat ng pambansang kita,
magiging haka-haka lamang basehan
na walang matibay na batayan.
Ayan maraming salamat sa pagbasa ng
malakas.
Kung baga hindi masasabing sistematikong
paraan sa mga pagsukat ng mga pambansang
kita, kung baga kapag walang basehan ay
magiging haka-haka ang isang pambansang
kita kapag ito ay walang naging matibay na
batayan.

Para ikalimang kahalgahan


5. Sa pamamagitan ng National Income
Accounting, maaring natin masukat ang
kalusugan ng isang ekonomiya.
Joan maaari mo bang bigyan ng kaunting Sinasabi po jan na gamit ang National
ideya ang ikalimang kahalagahan. Income Accounting maaari po natin na
masukat ang kalusugan ng isang
ekonomiya, kung ito po ba ay umuunlad o
hindi.

Ayan, maraming salamat.


Bigyan natin siya ng tatlong angat!

Tunay ngang ang National Income


Accounting ay nagbibigay ng sukat upang
mas masuri ang kalusugan ng isang
ekonomiya sa iba't ibang aspeto tulad ng
produksyon, kita, distribusyon, paglago, at
kakayahan ng pamahalaan na magpatupad ng
mga programa. Sa pamamagitan ng
pambansang kita, maaari nating masuri ang
kasalukuyang kalagayan at magbigay ng mga
gabay sa pagpaplano at patakaran upang
mapabuti ang kalusugan ng ekonomiya.

Naunawaan ba ang mga kahalagahan ng Opo Ma’am.


pagsukat sa pambansang kita?
May katanungan o nais bang linawin? Wala nap o Ma’am.
Mahusay kung ganon.

Ngayon pagdating sa pambansang kita,


mayroon tayong mga tinatawag na Economic
Indicators.

Economic Indicators
Ito yung ginagamit upang masukat ang
pambansang kaunlaran. Ayon sa Philippine Statistical Authority
Pakibasa Anna. narito ang ilan sa mga economic indicators.
 Terms of Trade Index
 Electric Energy Consumption
 Stock Price Index
 GN/GNP at GDP
 Consumer Price Index
 Foreign Exchange Rate
 Money Supply atbp.
Ilan lang yan sa mga gamit upang sukatin ang
pambansang kita ng isang ekonomiya.
Ngayon ay mag pokus tayo sa GNI/GNP at
GDP

Ngayon isa-isahin natin ang ilan sa mga


pangunahing panukat ng pambansang kita.

Una, ang Gross National Income.


Ang national Gross Income (GNI) o mas
Pakibasa Sarah.
kilala nating bilang Gros National Product
ay kinakatawan nito ang kabuoang
pamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo sa loob at labas ng bansa sa isang
partikular na taon.
Maraming salamat!
Kumbaga ang GNI ay isang mahalagang sukat
ng kabuuang kita at yaman ng isang bansa at
nagbibigay ng mas malawak na larawan ng
kabuuang kabuhayan kaysa sa GDP lamang.
Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng antas ng
pamumuhay, distribusyon ng kita, at iba pang
mga aspeto ng ekonomiya ng isang bansa.
Ito ay maaaring nagmula sa mga halaga na
nilikha ng domestic production o mga resibo
mula sa ibang bansa.
Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat
quarter o sa loob ng isang taon.
Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng
isang bansa. Para sa paghahambing,
ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US.

Gaya na lamang ng Market Value o Open


Market Valuation (OMV) na kung saan ay,
pakibasa Hannah. Ito ay ang aktuwal na halaga ng
transaksiyon na tinatanggap ng mamimili
sa merkado o pamilihan.

Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang sa


GNI, at ibibilang din ang mga damit na
nagawa gamit ang sinulid. Ipinapakita nito na
dalawang beses ibinilang ang sinulid.
Kaya naman hindi na ibinibilang ang halaga
ng sinulid sa GNI.
Sa halip ay isinasama na ito sa halaga ng
damit

Dito nakabatay sa supply at demand sa isang


open market at naglalarawan ng kasalukuyang
kalagayan ng merkado.
Opo Ma’am.
Malinaw ba ang Gross National Income o
Gross National Product?

Ano nga pag sinabing Gross National


Income? Ang GNI po ay isang mahalagang sukat ng
Sige Wilma. kabuuang kabuhayan ng isang bansa.

Ayan mahusay, bigyan natin sya ng tatlong


taas.

Malinaw na ang Gross National Income,


ngayon ay alamin naman natin kung ano ang
Gross Domestic Product. Gross Domestic Product ito ang sumusukat
Pakibasa Shane. sa kabuuang pampamilihang halaga ng
lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang panahon
sa loob ng isang bansa.

Maaari mo bang bigyan ng kaunting ideya Gaya nga po ng sabi jan na pagdating sa
patungkol sa binasa mo. Gross Domestic Product ito ang paraan na
sumusukat sa kabuuang pampamilihang
halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang
takdang panahon sa loob ng isang bansa.

Ang GDP ay isang ngang mahalagang


indikator na ginagamit upang masukat ang
kalagayan at pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa. Ito ay ginagamit ng mga
ekonomista, patakaran-makers, at mga
negosyante upang magdesisyon at magplano
para sa hinaharap ng ekonomiya.
Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na ito ay
hindi lubusang naglalarawan ng kabuuang
kalagayan ng isang bansa at may mga iba pang
sukat na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng
ekonomiya.

Ibig sabihin, ang lahat ng mga salik ng


produksiyong ginamit upang mabuo ang
produkto at serbisyo maging ito ay
pagmamay-ari ng mga dayuhan kung ito ay
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.

Malinaw ba? Naintindihan ang Gross Opo Ma’am.


Domestic Product?

Ang mga sektor na kabilang dito ay ang


agrikultura, serbisyo at paglilingkod, at
industriya. Gayunpaman, kung isasama ang
Net Factor Income from Abroad (NFIFA) o
Net Primary Income sa kompyutasyon,
masusukat din natin ang Gross National
Income (GNI) ng bansa.
Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure
Suriin ang nasa larawan Approach)
Ang sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan, at ang panlabas na sektor ang
bumubuo sa anumang pambansang
ekonomiya.

Aling sector ng Ekonomiya ang may Sasagot ang mag-aaral


pinakamalaking kontribusyon?
Sasagot ang mag-aaral
Aling Sektor ng Ekonomiya ang may
pababang datos? Sa palagay mo bakit ito
naganap?

Sunod ay ang Paraan Batay sa Kita (Income


Approach)
Narito ang mga nakapaloob sa Paraan Batay
sa Kita (Income Approach)
Ang sahod ng mga manggagawa, net
operating surplus, depresasyon at ang di-
tuwirang buwis at subsidy.
Pakibasa at bigyan ng konteng ideya.
Sige Allan.

Ayan mahusay ang iyong ibinahaging ideya.


Sunod ay ang..
a. Net Operating Surplus – Ito ay ang tinubo
ng mga pribadong korporasyon at pag-
aari, na pinatatakbo ng pampamahalaan at
iba pang mga negosyo.
Kumbaga sa Net Operating Surplus dito
pumapasok ung mga tinutubo ng isang
pribadong korporasyon.
Halimbawa na lamang ng isang may ari ng
bakery shop. Dito pumapasok ang Net
operating surplus.

Pakibasa ng sunod
Sige Ailen b. Gastusin ng mga Namumuhunan (I)
Kabilang dito ang mga ginagastos ng
mga bahay-kalakal katulad ng mga
hilaw na materyales, kagamitan sa
opisina, gastos sa para sa produksiyon,
sahod ng manggagawa, at iba pa.

Sabi nga po jan na pag dating sa gastusin


ng mga namumuhunan kinapapalooban ito
ng mga ginagastos ng mga bahay kalakal
kumbaga po inaangkat na mga paninda.

c. Gastusin ng Pamahalaan (G)


Sinasama dito ang anumang gastusin
ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
proyektong panlipunan, serbisyo at iba
pang gastusin nito.

d. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X –


M)
Ito ay makukuha kung ibabawas sa
inaangkat o Import (X) ang mga
gastusin mula sa iniluluwas o Export
(M).

e. Statistical discrepancy (SD)


Ito ay ang anumang kakulangan o
kalabisan sa pagkuwenta na hindi
malaman kung saan ibibilang. Ito ay
nagaganap dahil may mga
pagkakataon hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o
impormasyon.

Sunod
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
Ito ay tinatawag rin Net Primary Income.
Makukuha ito kapag natin ibinawas ang
gastos ng mga mamamayang na nasa
ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang
nasa loob ng bansa.

Ayan malinaw ba sa inyo ang mga paraan


batay sa kita (Expenditure Approach)?

Ngayon naman ay ang…

Gayunpaman, ito ay nagiging gabay sa


pagsusulong ng antas ng ekonomiya. Dahil
dito, ang mga nabanggit sa talakayan ang
patuloy na ginagamit ng mga bansa para sa
pagsukat ng malusog na ekonomiya.

Ayan naunawaan ba ang ating mga tinalakay? Opo Ma’am


Maaari bang ibahagi ang ating paksa ngayong Tungkol po Ma’am sa Pagsukat ng
umaga? Pambansang kita po Ma’am

Ayan mahusay!
Talaga namang nakikinig at naunwaan ang
talakayan ngayong umaga.
F. Pagtalakay ng Para sa inyong gawain, kumuha kayo ng
Bagong Konsepto ballpen at sagutan niyo ang gawain.
at Paglalahad ng
Bagong Punan ang Kulang!
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag.
Kasanayan #2
Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat sa
patlang ang tamang sagot.

Gross National Income


Pambansang Kita
Market Value o Open Market Valuation
(OMV)
NET FACTOR INCOME FROM
ABROAD (NFIFA)
Gross Domestic Product

__________ 1. Mas kilala natin bilang


Gross National Product ay kinakatawan
nito ang kabuoang pamilihang halaga ng
mga produkto at serbisyo sa loob at labas
ng bansa sa isang partikular na taon
GROSS NATIONAL INCOME
__________ 2. Ito ay ang lahat ng mga
gastos ng mga mamamayan, ang mga
halimbawa nito ay pagkain, damit,
libangan, bayad sa mga iba’t ibang
serbisyo at iba pa. GASTUSING
PERSONAL
__________ 3. Ito ay tinatawag rin Net
Primary Income. Makukuha ito kapag
natin ibinawas ang gastos ng mga
mamamayang na nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng
bansa. NET FACTOR INCOME FROM
ABROAD (NFIFA)
__________ 4. Ito ay sumusukat sa
kabuuang pampamilihang halaga ng lahat
ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa
sa loob ng isang takdang panahon sa loob
ng isang bansa. GROSS DOMESTIC
PRODUCT
__________ 5. Ito ay tumutukoy sa kinita
o pinansyal na kinita sa pangkalahatan o
kabuoan ng mga sektor na nasasakupan ng
pamahalaan ng isang bansa.
PAMBANSANG KITA
Tatawag ng mga mag-aaral at pasasagutan ang
gawain.

Ayan mahusay, ang lahat ay nakakauha ng


tamang sagot sa mga pahayag.
Tunay ngang may natutunan kayo sa umagang
ito.s
G. Paglinang sa Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa tatlong
Kabisaan( Tungo grupo.
sa Formative Para sa panuto ng gagawin ng bawat pangkat.
Assessment #3 Pakibasa ng panuto lahat at sabay-sabay.
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, gumawa
ng pagkakatulad at pagkakaiba ng GNI at
GDP.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pero bago kayo dumako sa inyong mga


pangkat ay narito ang pamantayan sa
pagmamarka ng inyong
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Malinaw na pagpapahayag 30
Organisado 20
Nilalaman 40
Pagpapahalaga sa oras 10
KABUUAN 100
Ayan nalaman na ninyo ang pamantayan,
bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto para
sa paghahanda at dalawang minute sap ag
pepresenta.
Ngayon ay dumako na kayo sa inyong mga
pangkat. At magsimula na kayong gumawa.

Tapos na ang sampung minute, ngayon ay


bumalik na kayo sa inyong mga bangko.
Opo Ma’am
Handan a baa ng bawat pangkat na
magpresenta?
Ang unang pangkat ay magbabahagi na sa
Para sa unang pangkat, maaari na kayong mag unahan ng kanilang nabuong Venn
presenta sa unahan. Diagram.
Ayan maraming salamat sa inyong pag
pepresenta. Papalakpak ang mga mag-aaral
Bigyan naman natin sila ng Limang Angat!

Ngayon naman ay ang ikalawang pangkat. Magpepresenta naman ang ikalawang


pangkat ng kanilang nabuong gawain.
Ngayon naman ay ang ikatlong pangkat. Magpepresenta naman ang ikalawang
pangkat ng kanilang nabuong gawain.
Ayan mahusay!
Bigyan natin sila ng limang angat.
Ayan napakahuhusay ng bawat pangkat.
Narito ang nakuhang mga marka ng bawat
pangkat
Para sa unang pangkat nakakuha sila ng 94 na
puntos.
Sa ikalawang pangkat naman ay 93 na puntos
ang nakuha

Palakpakan aang inyong mga sarili sapagkat


nakagawa/nakabuo kayo ng magandang
gawain.

H. Paglalapat ng Bilang isang mag-aaral paano makakatulong


Aralin sa Pang- ang mga pag-aaral ng mga kahalagahan ng
araw-araw na pambansang kita sa ating sarili.
Buhay
Sige Anna. Para po sa akin, bilang isang mag-aaral
makakatulong po ito upang maunawaan
ang produksiyon na kita ng
bansa.Nauunawaan po namin kung paano
binubuo ng ekonomiya ng bansa at kung
saan nagmumula ang pinagkukunan ng kita
ng isang bansa.
Ayan mahusay! Bigyan natin siya ng limang
anagt!

Tunay ngang naintindihan an gating tinalakay


ngayon hapon.
Palakpakan ang inyong mga sarili.
I. Paglalahat ng Ngayon nalaman na ninyo kung ano ng aba
Aralin ang pambansang kita.
Maaari bang ibahagi sa klase kung ano ang
GNI.
Sige Jane Ang national Gross Income (GNI) o mas
kilala nating bilang Gros National Product
ay po ma’am ay kinakatawan nito ang
kabuoang pamilihang halaga ng mga
produckto at serbisyo sa loob at labas ng
bansa sa isang partikular na taon.
Ayan tama ang iyong naging kasagutan.
Bigyan natin si Jane ng Limang angat!
J. Pagtataya ng Pakikuha ng inyong mga panulat at sagutan
Aralin ang isang pagtataya na ito.
Bago yan pakibasa muna ng panuto.
Panuto: Basahin unawain ang bawat
pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang tawag sa kabuoang bilang ng
mga produkto at serbisyo na nagawa
ng mga mamamayan sa loob at labas
ng bansa sa loob ng isang taon?
a. GNP
b. GDP
c. Pambansang Kita
d. Buwis
2. Ano ang tawag sa kabuoang bilang ng
mga produkto at serbisyong nagawa ng
mga mamamayan sa loob lamang ng
bansa sa isang taon?
a. GNP
b. GDP
c. Pambansang Kita
d. Buwis
3. Alin sa sumusunod ang hindi paraan sa
pagkuha ng halaga ng Gross National
Product ng bansa?
a. Tax Exemption Approach
c. Income Approach
b. Industrial Approach
d. Expendinture Approach
4. Ang mga sumusunod ay kabilang sa
limitasyon sa pagsukat ng Pambansang
Kita. maliban sa isa.
a. Mga gawain hindi tinuturing na
pampamilihang gawain
b. Externalities o Hindi sinasadyang
bunga
c. Pormal na Sektor
d. Kalidad ng Buhay
5. Isang sukatan na isinalang-alang ang
galaw ng presyo ng mga bilihin ng
lahat ng mga produkto at mga serbisyo
na ginawa ng isang ekonomiya sa isang
naibigay na taon
a. Target GNP
b. Nominal GNP
c. Real GNP
d. Actual GNP
6. Bakit mahalaga na malaman ng
pamahalaan ang halaga ng GNP ng
bansa?
a. Ang GNP ay sukatan kung lumaki o
lumiit ang kita ng mga kompanya o
negosyante sa bansa.
b. Ang GNP ay sukatan kung magkano
ang halaga ng buwis na makukuha ng
pamahalaan mula sa mga mamamayan
at negosyo.
c. Ang GNP ay sukatan kung tataas ba
o bababa ang presyo ng mga bilihin sa
hinaharap.
d. Ang GNP ay sukatan kung ang mga
programa ng pamahalaan ay mabisa sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga
mamamayan sa bansa.
7. Ano ang hindi totoo ukol sa
Pambansang Kita?
a. Ito ay tumutukoy sa kinita o
pinansyal na kinita sa pangkalahatan
b. Ito ay ang kabuoan kita ng mga
sektor na nasasakupan ng pamahalaan
ng isang bansa.
c. Ito ay isang batayan ng pag-unlad ng
bansa
d. Ito ay nakikita sa kalidad ng buhay
ng mamamayan.
8. Alin sa mga sumusunod kabilang sa
pagsukat ng GDP, maliban sa isa.
a. Mga kinita ng negosyong
pagmamay-ari ng pinoy sa loob ng
bansa
b. Mga kinita ng negosyong
pagmamay-ari ng banyaga sa loob ng
bansa
c. Mga tapos na produkto na gawa sa
loob ng bansa
d. Mga serbisyo nalikha sa loob ng
bansa.
9. Ang mga sumusunod ay bahagi ng
Industrial Origin/Value Added
Approach, Maliban sa isa
a. Remittances
c. sektor ng Agrikutura
b. Sektor ng Pagmimina
d. sektor ng pagmamanupaktura
10. Ano ang turing ng mamimili at
namumuhunan sa implasyon?
a. Ito ay isang positibong pwersa dahil
tumataas ang presyo ng bilihin
b. Ito ay isang negatibong pwersa dahil
ito ay nagpapababa sa kakayahang na
salapi na bumili.
c. Ito ay parehong positibo at negatibo
depende sa pananaw at kalalagyan ng
mamimili at nagosyante
d. Ito ay walang masyadong epekto sa
kita at ipon, parehong para sa mga
Susing sagot! mamimili at mamumuhunan
1.A
2.B
3.A
4.C
5.C
6.D
7.D
8.B
9.A
10.B

Ayan mahuhusay!
Madaming nakakuha ng mataas na puntos.
K. Karagdagang Maraming salamat sa inyong pakikinig,
Gawain para sa paalam na.
natapos na aralin Salamat sa inyong lahat.
at Remediation
IV. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas sa
Pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na Nangangailangan ng
Remediation
c. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ng
Remediation
e. Alin sa mga Estratehiya ng pagtuturo ko ang ___Sama-samang pagkatuto ___Think-Pair –Share
nakatulong ng lubos? ___Replektibong Pagkatuto ___Pagpapakita ng Video
___ Powerpoint Presentation
___Integrative Learning ___Problem Based Learning
___Quiz ___Peer Learning
Iba pang estratehiya sa Pagtuturo:________________

___Nakatulong upang maunawaan ng mag-aaral ang


aralin
Paano ito nakatulong? ___Naganyak ang mag-aaaral na gawin ang mga
gawaing nakaatas sa kanila
___Nalinang ang mga kasanayan ng mga mag-aaral
___Pinaaktibo nito ang klase
Iba Pang
Dahilan:______________________________
____________________________________________

f. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro/
supervisor
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa kapwa ko guro.

Inihanda ni:

RHEA D. MORALES
Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:

MARIONNE N. MARQUEZ
Gurong Tagapamatnubay

Pinagtibay ni:

LANNIE L. ENRIQUEZ
Punong-guro

You might also like