Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

PERFORMANCE ASSESSMENT 9 SY 2023- 2024

4-4

Pangalan: Antas: Ika-Siyam na Baitang Iskor:

Pangalan ng Proyekto: Asignatura: Petsa:


Abril 3: Pag- umpisa
PodKonekta: Noli Me Tangere Filipino Abril 19: Pagsumite ng Pasulat na
sa Panlipunang Podcast
● Pag-unawa sa PA
Symposium
Kasaysayan at Abril 24: Pagpasa ng Podcast
Kasalukuyang Isyu
● Pagpapaunlad ng
Kritikal na Pag-iisip at
Komunikasyon

I.INTRODUCTION
Ang "PodKonekta: Noli Me Tangere sa Panlipunang Podcast Symposium" ay naglalayong
pahalagahan ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng panitikan sa
pag-unawa sa kasalukuyang lipunan. Sa pamamagitan ng podcast, ang mga mag-aaral ay
magkakaroon ng pagkakataon na ipakita ang kanilang kakayahan sa pagsasalita, pakikinig, at
pagpapahayag ng kanilang mga opinyon sa isang kapanapanabik na platform. Ang pagkonekta sa
Noli Me Tangere sa kasalukuyang isyu ng lipunan ay nagbibigay-diin sa pagiging kritikal at
mapanlikhang mga mag-aaral sa pag-aaral at pagsusuri ng mga suliraning panlipunan.

II. OBJECTIVES
A. Filipino

● Magplano ng format ng podcast symposium, kabilang ang mga bahagi nito tulad ng
introduksyon, mga paksang tatalakayin, at pagtatapos.
● Pumili ng mga kasalukuyang isyung panlipunan na may kaugnayan sa mga tema at aral ng
Noli Me Tangere.
● Gumawa ng script para sa podcast symposium na naglalaman ng mga talakayan, pahayag,
at argumento.
● Isagawa ang recording ng podcast symposium, na naglalaman ng lahat ng mga bahagi ng
script.

III. ESSENTIAL SKILLS

A. Strand Skills: Listening, Reading, Writing, Speaking

B. Transdisciplinary Skills: Communication, Collaboration, Critical Thinking, Creative


Thinking, Reflective Thinking

C. Technological Skills: Word Processing, Designing, Data Processing and Analysis, Audio
Recording, Website Designing

IV. OVERVIEW OF THE AUTHENTIC ASSESSMENT


Isyung Panlipunan Mula sa Noli Me Tangere
● Pagkonekta ng Noli Me Tangere ng mga isyung panlipunan sa kasalukuyan
● Pagbibigay ng posibleng solusyon sa mga isyung ito sa pamamagitan ng podcast.
V. CRITERIA

PASULAT:Pagkonekta ng Isyung Panlipunan sa Noli Me Tangere

Nilalaman 12
● Angkop ang napiling isyung panlipunan, mula sa Noli Me
Tangere.
● Naikonekta ang Noli Me Tangere sa kasalukuyang nangyayari
● Nakapagbigay ng mga posibleng solusyon sa mga isyung
nabanggit.

Organisasyon 7
● Mabisa at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
● Mahusay ang pagbabalangkas ng mga ideya.

Paraan ng Pagsusuri sa Akda 8


● Malinaw at mahusay ang isinagawang pagpapaliwanag,
pangangatwiran, at pagpapatunay sa mga pagsusuri.

Kawastuhan ng Pagkakagamit ng Balarila 3

PASALITA: Pagbabahagi ng Panunuring Pampelikula

Kalinawan ng Pagbigkas 10

Kawastuhan ng Emosyong Taglay 8

Kaangkupan ng Tindig at Kumpas ng Kamay 7


● Dapat nakatayo at nakikita ang kalahating katawan.

Pagpasa sa Itinakdang Araw 5

VII. SPECIFICATION OF TASKS

Podcast: Isyung Panlipunan mula sa Noli Me Tangere

A. Introduksyon
Isyung Panlipunan mula sa Noli Me Tangere
Pumili ng isang isyung panlipunan na nangyari mula sa nobelang Noli Me Tangere, at
ibigay ang maikling konsteksto ng kwento.

Para sa aming napiling isyung panlipunan mula sa Noli Me Tángere, tinapos namin ang debate
sa diskriminasyon sa mga kababaihan. Ang mga konsteksto para sa ito ay ang kawalan ng
awtoridad, kapangyarihan, at personalidad ni Maria Clara sa kuwento. Sa pag-usad ng nobela,
si Maria Clara ay nakita lamang ng isang representasyon ng isang dalisay na Filipina. Habang
ang kanyang karakter ay hindi isang mahinang pagpapakita ng mga babae, ito ay nagpapababa
sa kanila sa pagiging mga kasangkapan para sa mga karakter na lalake tulad ni Kapitan Tiyago
at Crisostomo Ibarra. Bukod dito, ang mga emosyon na ipinahayag ni Maria Clara ay lubos na
nakasalalay sa mga lalake na kasama niya. Isang halimbawa nito ay kapag si Maria Clara ay
nalungkot lamang kapag nasasaktan o naaapi si Ibarra, o kapag sila ay magkakahiwalay. Ito ay
nagbibigay ng impresyon na ang karakter ni Maria Clara ay nabigo dahil hindi niya binigay ng
tamang hustiya sa lahat ng mga kababaihan.

Isa pang sitwasyon sa nobela kung saan makikita ang masamang ugali tungo sa mga babae ay
sa karakter ni Padrè Salvi. Siya ay isang pari na nais makasama si Maria Clara sa halip ni Ibarra,
ngunit nasasaktan lamang ang dalaga dahil sa mga aksyon niya. Kitang-kita ito sa mga eksena
tungkol sa piknik ng mga tauhan, kung saan inihayag ni Maria na hindi siya kumportable kapag
malapit siya kay Padrè Salvi. Pagkatapos nito, sa ika-dalawampu’t apat na kabanata, tumago si
Padrè Salvi at tumingin siya sa isang grupo ng mga dalaga habang sila ay lumalangoy sa ilog, at
wala siyang galang para sa katauhan ng mga ito. Kahit na siya ay talagang isinulat bilang isang
kontrabida sa kwento, nakikita pa rin ang kanyang ugali sa totoong mundo.

Sa karamihan ng mga kabanata at sitwasyon, si Sisa ang madalas nagiging biktima. Sapagkat
sa kanyang mahirap na buhay at pamilya, ang natitirang kasiyahan niya ay sila Crispin at Basilio.
Nang mawala sina Crispin dahil sa mga bintang at pagpatay ng sakristan mayor, at ng paglaho
ni Basilio, hindi na kayang tanggapin ni Sisa ang katotohanan. Ang pagkawala ng kanyang mga
anak ay nagdulot sa kanya ng labis na pighati at pagkabigo sa harap ng kasalukuyang
kalagayan. Isang halimbawa ang pagaabuso ni Donya Consolacion upang ipa-kanta ito, at ang
mga mapag-usig na titig kapag siya ay dumadaan. Dahil sa mga karanasan ni Sisa, nakikita
natin na walang alaga ang naratibo at ibang mga tauhan para sa kanya, at hindi niya nakuha
ang suporta, tulong, at respeto na kinailangan niya mula sa umpisa.

Maliban sa mga ito, mahalaga na sariwain natin na ang Noli Me Tangere ay isinulat noong
panahon ng okupasyon ng mga Espanyol, kung saan wala masyadong kapangyarihan ang mga
karapat dapat na tauhan, tulad ng mga kababaihan.

B. Katawan
Koneksyon nito sa kasalukuyan
Magbigay ng 3-5 halimbawa kung saan hanggang ngayon nakikita pa din sa
kasalukuyan ang mga isyung ito, at ipaliwanag kung paano ito konektado sa Noli Me
Tangere.

● Naoobserba sa pamilya, kaibigan, or sa maliit na komunidad.


● Naoobserba sa isang probinsya, siyudad, or buong Pilipinas.
● Naoobserba sa ibang bansa.
Kahit isinulat ang Noli Me Tángere sa panahon ng pananakop ng Espanya kung saan ang mga
kababaihan ay karaniwang binabalewala, ang isyung panlipunan na ito ay nananatiling may
saysay hanggang sa ngayon. Simulan nating talakayin ang itong isyu na naoobserba sa ating
mga pamilya at kaibigan. Ito ay ang panghuhusga ng mga babae, sapagkat hindi naniniwala
ang mga ibang tao na sila ay may sariling kakayahan at talino. Ito ay pinakahalata sa mga
iba’t-ibang karera at larangan, lalo na kung ang mga ito ay punong-puno ng mga lalake, kung
saan maaaring magkaroon ng dagdagan pa ng sagabal ang mga babae na hindi man
hinaharap ng mga iba. Isang halimbawa nito sa totoong sitwasyon ay ang mga guro sa mga
unibersidad, na mayroong halatang kinikilingan para sa mga lalake dahil lamang sa pananaw
na sila ay mas maaasahan kaysa sa mga babae. Ito ay maaaring lumitaw sa pamamagitan ng
pagbagsak ng mga estudyante dahil lamang sa kanilang kasarian, pagpapakumbaba sa mga
ito, o kaya naman sa pag-aalipusta sa kanila. Ang itong isyung panlipunan ay makikita sa Noli
Me Tangere sa pagsulat ni José Rizal ng kanyang mga kababaihan na tauhan, na hindi man
niya binigyan ng oportunidad upang magkaroon ng mga mapag-isip na pakikipag-usap sa
bawa’t-isa; ang pribilehiyo na ito ay nasa mga lalaking tauhan lamang. Ito rin ay kitang-kita sa
paglalarawan ng mga babae sa kwento, tulad nina Donya Victorina at Donya Consolacion, na
sobrang steryotipikal sa kanilang mga ugali, at mas walang utak kumpara sa mga lalake na
tauhan tulad ni Crisostomo Ibarra.

Isa pang halimbawa ng itong isyung panlipunan na naoobserba sa ating mga komunidad ay
ang pag-kondisyon natin sa mga babae na kailangan nilang patawarin at bigyan ng katwiran
ang mga tao na sumasaktan sa kanila. Ilang beses nilang kinukumbinsi ang kanilang sarili na
sila pala ang may kasalanan, at ang mga sakuna na hinaharap nila sa buhay ay bunga ng mga
gawa nila. Ang konseptong ito ay pinaka-malinaw sa karakter ni Sisa, na palaging
nagpapakumbaba upang suyuin niya ang mga ibang tauhan sa kwento, tulad ng kanyang
asawa. Kahit na nagbabata si Sisa ng mga abuso sa kamay ng kanyang asawa, binibitawan niya
pa rin ang mga bagay na kanyang nais, tulad ng pagkain niya, upang mabigyan ng sapat na
kaligayahan ang mga ibang karakter; lalo na ang kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin.
Noong nawalan ng katinuan si Sisa ay mapagpakumbaba pa rin siya, at madalas siyang
inaabuso ng mga iba, tulad ni Donya Consolacion. Makikita rin ang konseptong ito sa karakter
ni Pia Alba; ang ina ni Maria Clara na inabuso at ginahasa ni Padre Damaso. Kahit na masama
ang ginawa nito, si Padre Damaso pa rin ang naging ninong ni Maria Clara, at dahil namatay si
Pia Alba noong ipinanganak si Maria ay walang sapat na hustisya para sa kanya. Ang mga ito ay
halimbawa na madalas nasasaktan ang mga kababaihan sa buhay, ngunit ipinatayo sila na
maging tahimik at magkaroon ng mababang-loob kahit na sila ang mga biktima.
Ang panghuling halimbawa ng itong isyung panlipunan sa ating mga komunidad ay ang
inaasahan natin sa mga babae na kailangan nilang ayusin ang kanilang itsura, para lamang
maaari nilang makamit ang kanilang mga adhikain. Sa totoong buhay, ito ay maaaring lumitaw
sa pagbili at pagbibihis ng mga babae sa mga magastos na damit, alahas, at meykap, lalo na
kung naghahanda sila para sa isang panayam o mahalagang pangyayari sa lipunan. Sa Noli Me
Tangere, ito ay nakikita sa paglalarawan ng mga babae sa kwento. Madalas na ang pokus ng
mga eksena ay sa kanilang mga katawan, damit, at kagandahan, kaysa sa kanilang mga
mabuting katangian at mga kagustuhan. Isang halimbawa nito ay sa ika-limang kabanata,
kung saan ang malaking halaga ay inilagay sa itsura lamang ni Maria Clara, imbes na talakayin
ang kanyang mga ibang katangian bilang isang tao. Ngunit, maliban sa kanya, lahat ng mga
kababaihan sa kwento ay may responsibilidad na pagandahin ang kanilang sarili.

Ayon sa pananaw ng isang na Pilipino, ang pangkalahatang paniniwala tungkol sa mga babae
sa ating bansa ay nabibilang lamang sila bilang mga katulong. Ito ay kadalasang nababanaag
sa pagtawag sa kanila bilang yaya at sa kanilang limitadong pagkakataon sa trabaho. Sa
lipunang Pilipino, madalas na itinuturing na natural lamang na tungkulin ng mga kababaihan
ang mag-alaga ng tahanan at ng mga anak, bagay na nagpapalimita sa kanilang potensyal na
pag-unlad sa iba't ibang larangan. Bukod dito, napapansin din natin sa kasalukuyang
henerasyon ang pagpapalakas ng kaisipan na ang mga babae ay dapat lamang maging
kolektibol o magbigay-lugod. Ito ay isang ideya na hindi dapat payagang makaapekto, dahil ito
ay nagpapaliit lamang sa reputasyon ng mga Pilipina. Sa halip na itaguyod ang kanilang
kakayahan at ambisyon, ang pagpapakalimitado sa mga babae bilang mga "kolektibol" o
tagapagbigay-lugod ay nagbibigay-daan lamang sa patuloy na pagkakasala sa kanilang
potensyal at dignidad bilang mga indibidwal. Ang ganitong mga paniniwala ay nagiging
hadlang sa kanilang pag-angat at pagkakamit ng patas na oportunidad sa lipunan at sa
larangan ng trabaho. Ito rin ay magkaugnay sa kabanata ika-anim ng Noli — kung saan
isinalaysay ang paglaki ni Maria Clara ng pinaasikaso ni Kapitan Tiyago siya kay Padre Damaso
upang lumaki bilang isang babae na makamit sa “standard” o pamantayan.

Sa kabila ng kahalagahan ng pagsasantabi at pang-aabuso sa mga kababaihan sa Pilipinas,


maaaring makita ang isyung panlipunan na ito sa iba pang mga bansa. Isang halimbawa ng
isyung panlipunang ito ay ang mga pwersahang kasal, kung saan ang mga bansa tulad ng
India at Nepal ay nakikilahok sa gawaing ito. Upang ipaliwanag, ang pwersahang kasal ay
tumutukoy sa isang kasal kung saan isa o higit pang mga panig ay pinagsasama ng hindi ang
kanilang pahintulot, at ang karamihan sa mga biktima ng isyung panlipunan na ito ay mga
kababaihan. Ang gawaing ito ng pwersahang pagmamahal ay nagpapawi sa mga karapatan ng
tao ng mga kababaihan, na nagpapalagay sa kanilang tinig at kilos na walang kabuluhan.
Bukod dito, ang mga biktima ay madalas na nakakaranas ng karahasan sa loob ng tahanan,
emosyonal na pagkabagot, at pagkakabukod mula sa kanilang pamilya at mga kasamahan.
Upang maiugnay ito sa Noli Me Tángere, si Maria Clara ay isang biktima rin ng pwersahang
kasal. Ito ay nasaksihan nang pinwersa nina Kapitan Tiyago at Padrè Damaso na pakasalan si
Linares. Sa kabutihang-palad, nagkaroon ng pagbabago ng isip si Kapitan Tiyago, at itinigil
ang kasal.

Bukod sa mga pwersahang kasal, isa pang halimbawa ng isyung panlipunan na matatagpuan
sa ibang mga bansa ay ang mga stereotipo na kinakaharap ng mga kababaihan. Madalas na
ang mga karaniwang stereotipo na kinakaharap ng mga kababaihan sa buong mundo ay may
kinalaman sa kanilang itsura at katalinuhan. Sa pagtingin sa itsura, mas mabigat na
hinuhusgahan ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan. Bukod dito, ang katayuang
panlipunan ng isang babae ay lubusang hinuhusgahan batay sa kanilang itsura. Ito ay madalas
na humahantong sa mga kabataang babae na sundin ang mga nakalalasong trend tungkol sa
kanilang katawan, na nagbabago ng kanilang mentalidad at humahantong sa pagbuo ng hindi
malusog na ugnayan sa pagkain. Bukod dito, hinggil sa stereotipo sa kanilang katalinuhan,
itinatapon ng lipunan ang kakayahan ng mga kababaihan dahil sa kawalan ng kaalaman ng
pangkalahatang publiko. Bilang resulta, ito ay nagpapahigpit sa mga kababaihan na ipakita
ang kanilang potensyal at lakas. Makikita ang mga stereotipong ito sa Noli Me Tángere sa
pamamagitan ng karakter ni Maria Clara. Ang kanyang karakter ay batay lamang sa kanyang
itsura, na nagpapababa sa kanyang karakter sa isang magandang mukha. Samantalang ang
mga karakter nina Donya Victorina at Donya Consolacion ay itinuturing ng lipunan na walang
pinag-aralan dahil sa kanilang kasarian.

Isa pang halimbawa ng pagmamalupit sa mga kababaihan sa ibang bansa ay ang kawalan ng
karapatan sa edukasyon. Makikita ang halimbawang ito sa mga mahihirap na bansa sa Africa
at Asia, tulad ng Somalia at Chad. Sa kabila ng pagiging nasa isang modernong panahon,
patuloy pa ring umiiral ang kawalan ng karapatan sa edukasyon para sa mga kababaihan. Dahil
dito, ito ay nagpapalaganap ng ideya na mas higit na superior ang mga lalake kaysa sa mga
kababaihan, na sumisira sa progreso para sa kasarian na pantay-pantay. Bukod dito, ang
kawalan ng karapatan sa edukasyon ay nagpapalaganap ng mentalidad ng isang babaeng
tagapag-alaga sa tahanan, na nagpipigil sa mga kababaihan na tuparin ang kanilang mga
pangarap. Makikita ang kawalan ng karapatan sa edukasyon para sa mga kababaihan sa Noli
Me Tángere sa pamamagitan ng pwersahang pagpasok kay Maria Clara sa isang kumbento. Ito
ay humantong sa kanyang pagiging hindi edukado sa mga akademikong larangan. Bukod dito,
ito rin ay makikita sa malapit na pag-iisip ni Donya Victorina sa kanyang pinagmulan at kultura.

C. Magbigay ng mga solusyon


Magbigay ng 3-5 solusyon sa mga nabanggit na isyung panlipunan.
● Bilang isang studyante ano ang magagawa mo bilang parte ng solusyon.
● Bilang parte ng isang pamilya, ng isang maliit na komunidad, paano mo sila
mahihikayat na maging parte din ng pagsugpo nito.
● Bilang Pilipino, ano ang magagawa mo upang mapalawak pa ang kamalayan ng
mga taong nasa paligid mo sa mga isyung ito na matagal ng nararanasan ng mga
tao.

Sa loob ng mga taon, patuloy ang problema ng pang-aapi laban sa mga kababaihan. Dahil dito,
responsibilidad nating mga mamamayan na simulan ang isang kilusan upang maging ligtas
ang mundo para sa mga kababaihan. Bilang mga estudyante, ang magagawa natin upang
mabawasan ang problemang ito ay ang hamunin ang mga mapanirang stereotype na
pumapababa sa mga kababaihan. Upang hamunin ang mga stereotype tulad ng "ang mga
babae ay hindi kompetente," o "ginawa ang mga babae upang suportahan ang mga lalake,"
kailangan ng mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang pagtutol sa misoginyo at seksismo na
kanilang nararanasan mula sa kanilang pang-araw-araw na pakikisalamuha sa pamamagitan
ng pagtuturo sa kanila kung ano ang ibig sabihin na maging isang babae. Ito ay isang
epektibong solusyon dahil hindi kinakailangan na mataas ang edukasyon ng mga mag-aaral
tungkol sa pakikibaka ng mga kababaihan, ang mga mag-aaral ay kailangan lamang
magpahayag ng kanilang saloobin kapag naririnig nila ang mga stereotype laban sa mga
kababaihan. Sa pamamagitan ng paggawa ng hakbang na ito, pinapayagan ang mga indibidwal
na naniniwala sa mga stereotype na magkaroon ng mas malawak na pananaw kung paano
talaga ang mga kababaihan. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagpapahayag laban sa mga
stereotype, mababawasan ang mentalidad na ang mga kababaihan ay "higit na mababa" kaysa
sa mga lalake, na nagtataguyod ng ideya na ang mga kababaihan ay ating kapantay. Bukod sa
pagpapahayag laban sa mga stereotype, maaari rin natin ibandera ang positibong
representasyon ng mga kababaihan mula sa midya upang magkaroon ng kamalayan, at upang
palawakin ang makitid na pananaw ng mga nagsasalita ng pagkasira sa mga kababaihan.

Upang mas maunawaan at masangkot ang lahat sa pagsugpo sa diskriminasyon laban sa


kababaihan, mahalaga na magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamon ng
kanilang kinakaharap. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay at edukasyon, maaaring
maipaliwanag nang mas detalyado ang kahalagahan ng paggalang at pantay-pantay na
pagtrato at respeto sa lahat ng kasarian. Dapat ding magkaroon ng mga programa na
naglalayong magbigay ng suporta at pagkakataon para sa mga kababaihan na palakasin ang
kanilang mga kakayahan at kalayaan, mula sa edukasyon hanggang sa trabaho at iba pang
larangan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbibigay ng tamang kaalaman at
oportunidad, maaaring maging mas matagumpay ang paglaban sa pang-aapi at pagpapalakas
ng kababaihan. Ito lahat ay sang ayon sa pag impluwensya at pananaw. Ngunit, mahalaga ring
lakasan ng mga kababaihan ang kanilang protesta tungkol sa kawalan ng kanilang katarungan.
Bilang isang bahagi ng pamilya at komunidad, mga kababayan, makakamit natin ang mga
masamang pagtrato base sa kasarian.

Bilang isang Pilipino, marami ang ating magagawa upang mapalawak ang kamalayan ng ating
kapwa tungkol sa isyung ito. Isang bagay na maaari nating magawa upang makamit natin ito ay
ang paglaban para sa mga karapatan at kinakailangang respeto ng mga babae sa ating
mundo. Madalas na ang mga problema at sagabal na hinaharap ng mga ito ay hindi man
binibigyan ng karapat-dapat nilang konsiderasyon at pag-aalala, at isang halimbawa kung
paano ito nakakasakit para sa mga kababaihan ay ang mga kaso ng abuso na hindi man
nauulat. Ayon sa Philippines Statistics Authority noong 2020, bumaba ng halos 30% ang mga
kaso ng aabuso sa mga babae na iniulat, sapagkat hindi maaaring umalis ang mga babae mula
sa mga taong sumasaktan sa kanila. Dahil rin sa ating kultura sa Pilipinas, kung saan ang
kasalanan ay inilalagay sa mga babae dahil sa kanilang pagiging ‘’malandi’’ o ang kanilang
kapabayaan ng kanilang mga gawain sa bahay, maaari silang matakot at manatiling tahimik
tungkol sa kanilang mga karanasan. Sa pamamagitan ng pag-protesta para maging mas ligtas
at protektado ang mga kababaihan dahil sa ating mga batas, at pagtulong sa mga babae sa
ating paligid sa paraan ng pagbabahagi ng mga rekurso tulad ng mga helplines at hotlines ay
maaari nating ipalaganap ang kaalaman at pakikiramay ng ating lipunan tungkol sa malaking
isyu na ito.

D. Final Script
Ilagay ang mga magiging kabuuang script ng bawat miyembro. Siguraduhin na bawat
miyembro ay magsasalita sa bawat parte ng balangkas. Lahat ay may iaambag sa
introduksyon, sa katawan, hanggang sa wakas.
Ideya o konsepto: komedya at skit na may mahalagang aral kahit mayroon tawanan upang
mainteresado ang mga manonood. (we’ll interact more in the actual video, the reactions and
ad libs just aren’t included in the script)

Quiel (pretending girl): Magandang umaga! Ngayong araw-

Kari (pretending boy): Ngayong araw na ito, tatalakayin natin ang isang isyung panlipunan :
ang masamang pagtrato ng mga kababaihan.

Iori: Ang aming isyung panlipunan ay may kasalukuyan sa Noli Me Tangere, isang aklat na
isinulat-

Kari (pretending boy): Ito ay isinulat ni José Rizal noong panahon ng okupasyon ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

Quiel (pretending girl): Ingay mo.

Kari (pretending boy): Ooh kalma.

Quiel (pretending girl): Ang kwento ay tungkol sa mga abuso ng mga Kastila, lalo na ang mga
kura-

Kari (pretending boy): Ang mga kura ay may walang respeto para sa mga babae.

Iori: O katulad ng isang alam ko, pamilyar ah. Makikita ito sa mga--

Kari (pretending boy): Halimbawa ng mga insidente nito ay-

*Iori & Quiel sapaks Kari - (black screen)*

Iori: Para maayos natin simulan ang ating podcast, sa laganap o pangunahing pananaw sa
mga kababaihan, na maaaring iugnay sa sikat na kwento ng Noli Me Tangere — sulat ng ating
pambansang bayani, si Jose Rizal. Isang sitwasyon sa nobela kung saan makikita ang
masamang ugali tungo sa mga babae ay sa karakter ni Padrè Salvi. Siya ay isang salbahe na
nakakasuklam para sa mga babae sa kwento, tulad ni Maria Clara.

Quiel: Isa pang halimbawa sa nobela ay ang karakter ni Maria Clara. Sa pag-usad ng nobela, si
Maria Clara ay nakita lamang ng isang representasyon ng isang dalisay na Filipina. Dahil diyan,
naging kasangkapan siya sa mga karakter na lalake tulad ni Kapitan Tiyago at Crisostomo
Ibarra.

Kari: Si Sisa at si Pia Alba rin ay mga halimbawa ng mga masamang aksyon na ginagawa sa
mga babae sa nobela na ito. Sa karamihan ng mga kabanata at sitwasyon, si Sisa ang madalas
nagiging biktima. Para naman kay Pia Alba; walang hustisya para sa kanya, kahit na inabuso at
ginahasa siya ni Padre Damaso. Dahil sa mga karanasan nitong dalawa, nakikita natin na
walang alaga ang naratibo at ibang mga tauhan para sa kanila, at hindi nila nakuha ang
suporta, tulong, at respeto na kinailangan nila mula sa umpisa.

Quiel: Pero, hindi na ito isang malaking problema diba?

Kari: Panoorin mo nga ulit yung video natin. Ito ay isang problema na pwede nating
maobserbahan, kahit sa ating mga pamilya, kaibigan, at maliit na komunidad lamang. Isang
halimbawa nito ay ang pag-kondisyon natin sa mga babae na kailangan nilang patawarin at
bigyan ng katwiran ang mga tao na sumasaktan sa kanila.

Kari: Ang konseptong ito ay pinaka-malinaw sa karakter ni Sisa, na palaging nagpapakumbaba


upang suyuin niya ang mga ibang tauhan sa kwento, tulad ng kanyang asawa. Siya ay isang
halimbawa na madalas nasasaktan ang mga kababaihan sa buhay, ngunit ipinatayo sila na
maging tahimik kahit na sila ang mga biktima.

Iori: Sa perspektibo ng isang kapwa Pilipino, madalas na itinuturing ang mga babae bilang mga
katulong lamang sa lipunan. Ito ay lumilitaw sa kanilang pagtawag bilang “yaya” lamang, at sa
limitadong oportunidad sa trabaho.

Kari: *her friend’s story*

Iori: Bukod pa rito, maoobserbahan din natin sa kasalukuyang henerasyon ang pagsakit na
kaisipan na ang mga babae ay kolektibol o magbigay-lugod. Nagiging hadlang talaga ang mga
paniniwala na ito sa kanilang pag-angat, at hindi nila makukuha ang mga oportunidad at
trabaho na nais nila. Ito rin ay magkaugnay sa kabanata ika-anim ng Noli — kung saan
isinalaysay ang paglaki ni Maria Clara ng pinaasikaso ni Kapitan Tiyago siya kay Padre Damaso
upang lumaki bilang isang babae na makamit sa “standard” o pamantayan.

Quiel: *his sister’s story as a filipino*

Quiel: Sa kabila naman, ang pagsasantabi at pang-aabuso sa mga kababaihan ay maaaring


makita sa iba pang mga bansa. Isang halimbawa ng isyung panlipunan na matatagpuan sa
ibang mga bansa ay ang mga stereotipo na kinakaharap ng mga kababaihan. Madalas na ang
mga karaniwang stereotipo na kinakaharap ng mga kababaihan sa buong mundo ay may
kinalaman sa kanilang itsura at katalinuhan.

Iori: (talk about your experience with stereotypes)

Quiel: Bukod ang sinabi ni Kari, hinggil sa stereotipo sa kanilang katalinuhan, itinatapon ng
lipunan ang kakayahan ng mga kababaihan dahil sa kawalan ng kaalaman ng pangkalahatang
publiko. Makikita ang mga stereotipong ito sa Noli Me Tángere sa pamamagitan ng karakter
nina Donya Victorina at Donya Consolacion ay itinuturing ng lipunan na walang pinag-aralan
dahil sa kanilang kasarian.

All: *makipag-usap tungkol kay Donya Victorina at Donya Consolacion*

Kari: Ang negatibo natin naman, grabe.

Quiel: O sige nga, mag isip ka ng solusyon.

*silence*

Kari: Ikaw na lang, Iori…

Iori: Ba’t ako? Si Quiel na lang!

Quiel: Sige na nga! Bilang mga estudyante, ang magagawa natin para mabawasan ang
problemang ito ay ang hamunin ang mga mapanirang stereotype na pumapababa sa mga
kababaihan. Para hamunin ang mga stereotype tulad ng "ang mga babae ay hindi
kompetente," o "ginawa ang mga babae upang suportahan ang mga lalake," kailangan ng mga
mag-aaral na ipahayag ang kanilang pagtutol sa misoginyo at seksismo na kanilang
nararanasan mula sa kanilang pang-araw-araw.

Quiel: Ikaw Iori, meron ka bang ginagawa na kagaya nito?

Iori: *her experience*

Kari: Pero paano kaya kung, halimbawa, may pamilya ako na gusto kong maging mas sangkot
sa solusyon nito? Anong magagawa nila?

Iori: May ideya ako. Upang mas maunawaan at masangkot ang lahat sa pagsugpo nitong isyu,
mahalaga na magkaroon ng malalim na pag-unawa nito. Sa pamamagitan ng edukasyon sa
ating mga komunidad, pwedeng ipakita ang pantay-pantay na pagtrato at respeto sa lahat ng
kasarian. Dapat ding magkaroon ng mga programa na naglalayong magbigay ng suporta at
pagkakataon para sa mga kababaihan na palakasin ang kanilang mga kakayahan at kalayaan,
mula sa edukasyon hanggang sa trabaho at iba pang larangan.

Quiel: So, kung tutulungan natin ang mga kababaihan at bibigyan sila ng tamang kaalaman at
oportunidad, mas masusugpuin natin ang problema?

Iori: Oo, tama. Pero syempre, mahalaga ring lakasan ng mga kababaihan ang kanilang
protesta tungkol sa kawalan ng kanilang katarungan. Bilang isang bahagi ng pamilya at
komunidad, mga kababayan, makakamit natin ang mga masamang pagtrato base sa kasarian.

Iori: Sige Kari, ikaw na lang niyan.

Kari: Ok, mag-isip rin ako… para sa akin, bilang isang Pilipino, marami naman ang ating
magagawa para sa ating kapwa sa isyung ito. Madalas kasi na ang mga problema at sagabal na
hinaharap ng mga babae ay hindi man binibigyan ng karapat-dapat nilang konsiderasyon.
Tapos, dahil rin sa kultura natin sa Pilipinas, ang kasalanan ay inilalagay sa mga babae dahil sa
kanilang pagiging ‘’malandi’’ o ang kanilang kapabayaan ng mga gawain sa bahay. Isipin mo,
ilang beses niyo narinig na masyadong ‘’revealing’’ ang sinusuot ng isang babae?

Iori: Oo, sobrang nakakagiligit pag sinasabi nila iyon!

Kari: Diba? Kaya naman kailangan natin ipaglaban ang mga kababaihan, at magprotesta para
maging mas protektado sila sa ating mga batas. Pwede rin natin silang tulungin sa
pagbabahagi ng mga rekurso, mga helplines at hotlines, at lalaki ang kaalaman at pakikiramay
ng ating lipunan tungkol sa malaking isyu na ito.

Quiel: Salamat, guys! Mas malalim na ata ang kaunawaan ko tungkol dito dahil sa
pakikipag-usap natin.

Iori: Ako rin, ah! Sana naman napaisip rin ang mga manonood ngayon.

Kari: Sana’t may natutunan kayo mula sa amin!

All: Maraming salamat sa pakikinig!

Pagbabahagi ng Panunuring Pampanitikan

Irekord ang iyong sarili habang ibinabahagi ang inyong podcast symposium. Sa iyong pagbabahagi
ay magpokus na sa mga sumusunod na bahagi:
a. Isyung panlipunan mula sa Noli Me Tangere
b. Koneksyon ng mga ito sa kasalukuyan
c. Pagbibigay ng solusyon
(minimum of 4 minutes for each speaker, or 12 minutes as a group. Maximum of 5 mins each, or 15
mins as a group)

I-upload sa google drive folder na nasa ibaba ang iyong recorded video.
https://drive.google.com/drive/folders/1xDyz-RF7NwR_n3u0grR3PjGzU8C-TWmX?usp=sharing

You might also like