Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Reviewer in Filipino

Lesson 1: Uri ng pangungusap ayon sa gamit


Ano ang pangungusap?
Ito ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri. Ito ay
nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa bantas. Ang
bantas na inilalagay sa hulihan ng pangungusap ay naaayon sa
nilalaman ng pangungusap

Mga uri ng pangungusap

Pasalaysay
Pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay
nagtatapos sa tuldok (.)

Pautos
Ito’y nagpapahayag ng isang obligasyon sa tao na kailangan
niyang tapusin o gawin kaagad.Nagtatapos din ito sa tuldok
(.)
Pakiusap
Ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap.
Gumagamit ng mga salitang pananda: maaari po ba, maki,
paki, pwede po ba. Maaari itong magtapos sa tuldok (.) o di kaya
naman ay sa tandang pananong (?)
Patanong
Pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at
nagtatapos sa tandang pananong (?)
Padamdam
Nagsasaad ng matindingdamdamin tulad ng tuwa, takot
o pagkagulat. Nagtatapos ito satandang panamdam (!)

You might also like