Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 8

Filipino

SANAYANSA
SANAYAN SAFILIPINO
FILIPINO
Ikaapat na Kwarter – Ikaapat na Linggo
Aralin 1

FLORANTE AT LAURA

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
Filipino - Baitang 8
Sanayan sa Filipino
Florante at Laura
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin


ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writer: Lorjie D. Sumalde, Glenn G. Nembra, Lorlyn T. Galiemba,


James R. Ciriaco, Marnie B. Balayo, Cherry Mae F. Cartojano
Owen Zafranco, Ralph Raven N. Mupada

Illustrators: Ariel L. Amado, Glenn G. Nembra & Mel June G. Flores

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Glenn G. Nembra, & Eladio J. Jovero

Division Quality Lorjie D. Sumalde, Glenn G. Nembra, Rhubilenn T. Garcesto


Assurance Team: Nelson A. Cabaluna, Rene B. Cordon, Armand Glenn S. Lapor,
Lilibeth E. Larupay & Dr. Marites C. Capilitan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay, & Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
Aralin 1: Tula
Magandang araw sa’yo! Handa ka na bang matuto ng panibagong aralin sa araw na
ito?
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga aralin at gawain sa nakaraang aralin.
Sa linggong ito, natitiyak kong may matutuhan kang bagong kaalaman.
Sa araling ito inaasahang iyong matamo ang sumusunod: nailalahad ang mahahalang
pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat
tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38); at nagagamit nang wasto ang mga
salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).

Panuto: Basahin at suriin ang mga saknong halaw sa Florante at Laura. Sagutan ang tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Gabay na Tanong:
Ano ang pangyayari na makikita sa binasang mga saknong ang pwede mong ihawig sa mga
pangyayari sa panahon ng mga kastila at sa kasalukuyan?

Panahon 92 Hanggang dito ama'y aking naririnig, Kasalukuyang


ng Kastila nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis; Panahon
ang panambitan mo't dalangin sa langit,
na ako'y maligtas sa kukong malupit.

93 Ninanasa mo pang ako'y matabunan,


ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

Mahusay!
Napakagaling mong magkonekta ng mga detalye. Sa puntong ito ay basahin mo ang
bahaging alamin. Dagdagan natin ang iyong kaalaman upang mapagtagumpayan mo ang
araling ito.

Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang akdang pampanitikan kung saan pinababatid
ng isang tao ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tao sa
entablado. Ito ay may layuning manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala. Ang talumpati ay isa ring uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag ng isang paksa sa harap ng mga tagapakinig.

Baitang 8-Filipino 1
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
Bahagi ng Talumpati
• Simula. Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang
makuha sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
• Katawan o Gitna. Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.
• Katapusan o Wakas. Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati.
Nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat
ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.


• Pumili ng magandang paksa.
• Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling
paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may
kaugnayan sa paksang gagamitin.
• Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula,
katawan at katapusan.
• Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili
at pansariling kapakinabangan.
• Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay
magkaroon ng “sense of humor” sa pagpapahayag ng talumpati at laging isinaalang-
alang ang iyong tagapakinig.

Salitang Nanghihikayat
Karaniwang ginagamit sa pagkukumbinsi ng isang tao. Ginagamit din ito upang
maghikayat ng isang mambabasa o tagapakinig na sumang-ayon sa kanyang pananaw
tungkol sa isang isyu o pangyayari.
Mga halimbawa ng mga salitang panghihikayat.
1. Pagsang-ayon (Totoo, sigurado, tunay nga, tinatanggap ko, tama ka, marahil nga tama
ka, talaga, totoo ang sinasabi mo, sadyang ganoon ang pangyayari, walang duda,
mahusay ang pananaw mo, katotohanan ang sinabi mo, at iba pang salita at pariralang
kaugnay ng pagsang-ayon)
Halimbawa:
a. Galit si Adolfo kay Florante, siguradong malaki ang inggit niya sa binata.
b. Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.\2. Pagtutol o Pagsalungat
(Pero, subalit, dapatwat, ngunit, hindi ako sang-ayon, tutol ako sa sinabi mo, hindi
maari at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagtutol o pagsalungat.)
Halimbawa:
a. Mainam at matalino nga siyang doktor sa ating bayan subalit siya ay
masamang tao ayon sa mga lumalabas na ulat sa bayan.
b. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
3. Pagbibigay-diin sa panindigang isyu: (Naniniwala ako… sapagkat, kung susuriin natin,
mapatutunayang kung ganito ang mangyari…. tiyak na, at iba pang salita at pariralang
kaugnay nito.

Baitang 8-Filipino 2
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
PANUTO: Basahin ang talumpati at sikaping sagutang ang mga tanong pagkatapos.

Ikaw at Ako ang Rizal ng Bagong Panahon


Ni James Rufino Ciriaco

“Mamamatay akong hindi masisilayan ang pagbubukang liwayway sa aking bayan, kayong
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi” ito ang
wika ni Rizal sa katauhan ni Elias sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.
Disyembre 1896 ngayong araw noong binaril ang 35 taong gulang na Pilipino sa Bagumbayan
dahil sa salang sedisyon, konspirasyon ar rebilyon. Isa siyang Pilipino na sumulat ng mga akdang
nagpapahayag ng pagmamahal sa wika, magulang, kapwa at kagandahan-asal. Ang mga akdang ito
ay tumutuligsa sa maling patakaran ng pamahalaang Espanya, nagpapamulat sa katotohanan na
ang mga Pilipino ay alipin sa kanilang sariling bayan kaya, ang mga ito ay pumukaw sa natutulog na
damdaming makabayan ng mga Pilipino. Ilan sa mga ito ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo.
Siya ang nagsilbing mitsa sa kanyang panahon upang makita ng bawat magulang ang
paparating na mapagpalayang umaga para sa mga anak. Siya ang munting ningas na nagpaapoy at
nagpaliyab sa mga tuyong palad na minsa’y di nadilig ng patak ng hustisya’t katarungan at tumupok
sa 333 taong bilangguan ng pagkakapantay-pantay, paglaya at kasarinlan. Tunay na siya ang
nagbigay tuldok sa maraming taong pang-aalipin, pang-aalipusta at walang sawang pagyurak sa
dangal at katauhan ng mga anak ni Juan. Siya ang tuldok kung saan nagsimula ang Kalayaan.
Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang ating Pambansang Bayani na si Jose Protacio Rizal
ng Calamba, Laguna. Ang araw na ito ay dapat nating ipagbunyi upang ipagdiwang ang kanyang
kabayanihang nagawa para sa ating lahat. Naniniwala akong hindi pa nga ito sapat para sa kanyang
kadakilaan.
Mahigit dantaon na ang nakalipas nang ipinagtanggol ni Rizal ang ating bayan laban sa mga
mapanira, makasarili, mapang-api, gahaman at mapanlupig. Ngunit bakit ang suliranin noon ng bayan
ay kinahaharap pa rin ng kasalukuyan? Alipin tayo ng makasarili. Mabagal ang pag-unlad ng bayan
dahil maging ang mga opisyal ng gobyerno na dapat ay mapagkatiwalaan ay nasasangkot sa
katiwalian. Ginagamit rin ng iba ang kanilang posisyon upang manlupig, manira at manlamang.
Masakit mang-isipin, marami ang nagpapaunahan upang makalamang kahit ang iba ay naaapakan.
Ngunit wala na si Rizal.
Sino na ngayon ang magtatanggol sa bayan?
Hindi kaliangan ni Rizal na mabuhay pangmuli upang ipagtanggol ang bayan. Kung iyo pang
natatandaan ang kanyang iwinika, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” Sa ganitong sabi,
ipinaubaya ni Rizal sa iyo at sa akin ang kapakanan ng bayan upang ipagtanggol ito sa mga mapaniil
at sa sinumang magnanais na wasakin ang kinang ng Perlas ng Silangan na nagbibigkis sa ating
mga Pilipino; ngunit hindi dayuhan ang ating kalaban sa panahon ngayon kundi ang ating kapwa
Pilipino at ating mga sarili.
Sa mga suliraning ito, tayo rin lamang ang kalutasan. Hindi kailangang angkin din natin ang
dunong tulad ng kay Rizal upang maipagtanggol ang bayan. Ang pagiging bayani ay na sa ating mga
puso. Gumawa ng tama ayon sa nararapat, tumulong sa nangangailangan, magpalaganap ng
pagmamahal, isiwalat ang mga kamalain at maging bahagi ng kalutasan sapagkat, ikaw at ako ang
Rizal ng bagong panahon.

Baitang 8-Filipino 3
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
Lubos mo bang naunawaan ang iyong binasa?
Sa pagkakataong ito ay inaasahan na iyong masagutan ang katanungang inihanda para
mahasa pa ang iyong pag-unawa sa binasa.
Gabay na Tanong:
1. Sino si Rizal batay sa binasang talumpati? Gaano siya kahalaga?
2. Ano ang ibig sabihin ng ikatlong talata? Ipaliwanag.
3. Ano- anong mga suliranin ng bayan ang nabanggit sa talumpati? Magbigay ng
halimbawa.
4. Para sa iyo, ano ba ang katangian ng isang bayani?
5. Kung ikaw nga ay si Rizal ng bagong panahon, paano ka maging bayani sa iyong
sariling kaparaanan?

Magaling!
Isang bahagi na lang at matatapos mo na ang mga gawain sa araling ito. Tara, punta na
tayo sa susunod.

Panuto: Ibigay ang iyong pagsang-ayon o pagsalungat sa pahayag. Gamitin ang mga hudyat
sa pagsang-ayon at pagsalungat.
1. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Tayo ay alipin ngayon ng makasarili.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ang nakaraan ay dapat nang limutin at harapin ang kasalukuyan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Panuto: Pagnilayan at pagkatapos ay sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

Paano mo bibigyang-linaw ang pahayag na “Ang pagiging bayani ay nasa ating mga
puso.” Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Baitang 8-Filipino 4
__________________________________________________
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
______________________________________________________________
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
_______________________________________________________________
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Panuto: Gumawa/Sumulat ng iskrip ng talumpating mapanghikayat gamit ang kaalamang
natutuhan mo sa araling ito.

Goal: Mahikayat ang mga magulang na dalhin ang mga anak sa Health Center
upang pabakunahan laban sa mga sakit sa araw ng immunization.
Role: Ikaw ay isang nars na nangangampanya na pabakunahan ang mga
bata upang hindi ito maging sakitin.
Audience: Mga magulang na may anak anim na buwan hanggang 5 na taong gulang.
Situation: Ikaw ay bagong lipat na nars sa isang Rural Health Unit (RHU) at napag
alaman mong mataas ang kaso ng pagkakasakit at hospitalization ng mga
sanggol at mga batang 6 na buwan hanggang edad 5 taon gulang. Dahilan nito
ay ang hindi pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang anak laban sa mga
sakit.
Product: Iskrip ng talumpating mapanghikayat.
Standard: Ang produkto sa gawaing ito ay tatayahin batay sa sumusunod:

Batayang Puntos (10) (7) (5)


Kailangan pang
Tama ang balangkas Tama ang balangkas
patnubayan upang
Nakasusulat ng sariling ng pagkakasulat ng ng pagkakasulat ng
makasusulat ng
talumpating talumpati, obhektibo talumpati, obhektibo
sariling talumpating
nanghihikayat tungkol ang mga pananaw at ang mga pananaw
nanghihikayat
sa isyung pinapaksa; kawili-wiling subalit nakababagot
tungkol sa isyung
pakinggan. pakinggan
pinapaksa.

Nagamit nang wasto May iilang mali sa Hindi nagagamit


Nagagamit nang wasto
at angkop ang mga paggamit ng mga nang tama at angkop
ang mga salitang
hudyat sa hudyat sa ang mga hudyat sa
nanghihikayat
panghihikayat. panghihikayat. paghihikayat

Isang pagbati sa iyong tagumpay!


Dahil natapos mo na ang ikaapat na linggo, nararapat lamang na ipahinga mo muna ang
iyong sarili. Magliwaliw! Lumanghap ng sariwang hangin. Subalit tandaan, panatilihing maging
ligtas sa panahon ng pandemya,
Hanggang sa muli!

Baitang 8-Filipino 5
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
at nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat (F8WG-IVf-g-38).
ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa (F8PU-IVf-g-38);
Kompetensi Aralin 1: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36); nakasusulat
Baitang 8-Filipino 6
FILIPINO 8 – KWARTER 4 - LINGGO 6 -ARALIN 1
MGA SUSING SAGOT
ARALIN 1: RADIO BROADCASTING
TUKLASIN NATIN: (Halimbawang sagot)
Panahon ng Kastila 92 Hanggang dito ama'y aking naririnig, Kasalukuyang Panahon
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa langit,
Mga batang naulila sa ama dahil na ako'y maligtas sa kukong malupit. Pagsasakripisyo ng magulang
sa pagtatanggol sa bayan. para sa mga anak.
93 Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.
BASAHIN AT SURIIN NATIN: (Halimbawang sagot)
1. Sino si Rizal batay sa binasang talumpati? Gaano siya kahalaga?
Batay sa talumpati, si Rizal ang ating Pambansang bayani. Sumulat siya ng mga akdang sumulong ng pagkakaisa ng mga
Pilipino upang ipaglaban ang Kalayaan.
2. Ano ang ibig sabihin ng ikatlong talata? Ipaliwanag.
Ang ibig sabihin ng talata tatlo ay: Si Rizal ang naging lakas ng mga Pilipino na maging matapang upang buwagin ang
maraming taong pang-aalipin ng mga Kastila. Ang kanyang mga akda ang siyang nagpamulat sa mga katutubo tungkol sa mga
nakakatagong reyalidad sa ilalim ng pamahalang Espanya.
3. Ano- anong mga suliranin ng bayan ang nabanggit sa talumpati? Magbigay ng halimbawa.
Ang ilan sa mga suliranin ng bayan na nabanggit sa talumpati ay ang sumusunod: Una, , ginagamit rin ng iba ang kanilang
posisyon upang manlupig, manira at manlamang. Ang suliraning ito ay nangyayari dahil mas iniisip ng iba ang kanilang
personal na interes kaysa tunay at totoong serbisyo publiko. Ilan pa sa mga nabanggit ay ang mabagal ang pag-unlad ng bayan
dahil maging ang mga opisyal ng gobyerno na dapat ay mapagkatiwalaan ay nasasangkot sa katiwalian at pagkaalipin sa
teknolohiya.
4. Para sa akin, ang katangian ng isang bayani ay iyong taglay ang pagiging makatao, makabayan, makakakalikasan at
makabansa.
Sang-ayon ka rin bas a pahayag na ang kabataan ang pag-asa ng bayan?
Siyempre naman. Ang kabataan ang susunod na politiko, negosyante, edukador at iba pa. Kung hindi paghuhusayan ng
kabataan na sumabay sa agos ng panahon at pagbabago ay siguradong mananatili ang bayan sa lumang kabihasnan. Mapag-
iiwanan ito ng sibilisasyon.
5. Kung ako si Rizal ng bagong panahon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang pagsusulat ng makabuluhang akda para sa kabataan.
PAGYAMANIN NATIN: (Halimbawang sagot)
1. Tunay na ang kabataan ang susunod na politiko, negosyante, edukador at iba pa. Kung hindi paghuhusayan ng kabataan na
sumabay sa agos ng panahon at pagbabago ay siguradong mananatili ang bayan sa lumang kabihasnan. Mapag-iiwanan ito ng
sibilisasyon.
2. Datapawat ang buhay sa kasalukuyan ay umiinog sa teknolohiya ay hindi naman ito nangangahulugang tayo ay alipin nito. Ang
teknolohiya ay ginawa upang pagaanin ang buhay ng tao. Gamitin ito sa wastong paraan.
3. Ayon sa kasabihan, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Ngunit, naniniwala
pa rin ako na sa buhay upang makamove-on ay kailangan nating kalimutan ang mga bagay at pangyayaring nakapagpapabigat
sa pagpapatuloy na mamuhay ng matiwasay.
PAGNILAYAN NATIN (Halimbawang Sagot)
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin, masayahin at nmarunong bumangon sa anumang
pagkakataon. Bilang kakanyahan nating mga pinoy, isa itong kabayanihan na likas sa ating puso na makatulong sa
sinuman kahit sa alinmang anyo.
TAYAHIN NATIN:
(Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay inaasahang sasagot ng sarili niyang gawa at iwawasto ito ng guro.)

You might also like