Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Graduation Message

MRS. AVELINA O. GAA


Public Schools District Supervisor
Nasugbu East Sub-Office

Pagpupugay para sa mga magsisipagtapos sa taong ito! Pasasalamat naman sa kanilang mga
magulang at guro!
Makabuluhan ang Pagtatapos 2024 sapagkat sinasaklaw nito ang patuloy na daloy ng layunin ng
Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapatupad ng Matatag Agenda. Dahil sa unti unting pagpapatibay ng
pundasyon ng edukasyon sa bansa, maaasahang humuhubog ang mga paaralan ng Kabataang Pilipino
Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas.
Mga magsisipagtapos, alam kong kaakibat ng inyong pagsusumikap ang mga hamon ng
kasalukuyang panahon. Subalit dahil sa inyong determinasyon, mas nanaig ang inyong kagustuhang
maabot ang tagumpa. Masasabi kong dahil ito sa mga aral na naibahagi ng inyong mga guro at magulang.
Naniniwala akong hindi pa dito matatapos ang inyong pagpapamalas ng pagiging matatag. Ito ay
nagsisilbing umpisa pa lamang ng mas mahaba pa ninyong pakikibaka sa tunay na laban ng buhay. Ngunit
dahil sa inyong mga natutunan sa inyong mga paaralan at tahanan, kayang kaya ninyong maabot ang
inaasam asam ninyong magandang kinabukasan.
Huwag nawa kayong makalimot lumingon sa inyong mga pinanggalingan. Baunin ninyo ang
lahat ng inyong mga karanasan sa inyong pag-aaral na naging dahilan ng inyong pagiging matatag!
Dalangin ko ang inyong katagumpayan sa larangang inyong tatahakin balang araw. Kasama n’yo
ako sa pananalangin sa Maykapal upang matupad ang inyong mga mithiin sa buhay.
Muli, maligayang pagtatapos sa inyo at mabuhay kayong lahat!

You might also like