Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ika-22 ng Oktubre, 2015

Kalibo, Aklan

HARRY MACAVINTA
PRINSIPAL NA NANGUTANG
DUMGA, MAKATO, AKLAN

Nabigyan ng Kopya: AZUCENA T. MACAVINTACO-MAKERDUMGA,


MAKATO, AKLAN

GINOONG MACAVINTA:

Bilang abugado ng FAR EAST KALEFMA LENDING CORP., kayo ay aming


pinadalhan ng sulat na ito upang kayo ay bigyan ng huling palugit na magbayad ng
inyong pagkakautang. Ang inyong obligasyon sa naturang korporasyon ay
nagkakahalaga sa DALAWANG LIBO, DALAWANG DAA’T APATNAPUNG PISO
(P2,240.00) na itinakdang bayaran noong ika-9 ng Setyembre, 2015.

Dahil sa hindi ninyo pagbayad sa napagkasunduang petsa, ang inyong utang ay


nagkaroon na ng karagdagang tubo na 8% bawat buwan. Dagdag pa rito, kayo’y
sinisingil din na magbayad ng 20% ng halaga ng inyong utang bilang kabayaran sa
abugado o attorney’s fee.

Kami ay mapipilitang dalhin sa korte ang bagay na ito kung kayo ay hindi
sumunod sa napagkasunduan. Nais naming ipaalala na ang kaso ay maaaring
direktang isampa sa korte at hindi na dadaan pa sa barangay sapagkat magkaiba ang
residensya ninyo at ng nagrereklamong korporasyon.

Maaring rematahin ang inyong isinanlang gamit at kayo ay singilin ng


karagdagang halaga bilang attorney’s fee na hindi bababa sa P20,000.00, naaayon sa
inyong pinirmahang kontrata (Promissory Note). Maari ring singilin ang inyong co-maker
ng kabuuang halaga o halagang hindi ninyo nabayaran bilang prinsipal na umutang.

Upang maiwasan ang litigasyon, kami ay handang makipag-areglo sa inyo kung


kayo ay magbabayad ng inyong naturang obligasyon sa loob ng sampung (10) araw
mula sa petsa ng pagkatanggap ninyo ng sulat na ito.

Gumagalang,
ATTY. ROWENA MAE N. MENCIAS (Para sa Far East Kalefma Lending Corp.)
MENCIAS & ASSOCIATES LAW OFFICEREFINDOR BLDG. EXTN., CAPITOL SITE,
OSMEÑA AVE., ESTANCIA, KALIBO AKLANTEL. NO.: (036) 268-3718

You might also like