Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Palawan
Coron Inland District
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

Weekly Quiz
Week 6
Pangalan:_______________________________Lagda ng Magulang:______________
ESP
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga nilikha ng Diyos ang nagbibigay liwanag sa atin sa araw at gabi?

2. Alin sa mga larawan ang biyayang kaloob ng Diyos na tumutulong na palakasin ang ating
katawan at maiwasan ang pagkakasakit?

3. Isa sa mga nasunugan ng tirahan ang iyong matalik na kaibigan at wala siyang naisalbang
anomang gamit mula sa sunog, ano ang dapat mong gawin?
A. Magkukunwaring hindi nabalitaan ang nangyari sa aking kaibigan.
B. Ibibigay sa kaibigan ang ilan sa mga damit na maaari pang isuot.
C. Sasabihan ang kaibigan na humingi na lang ng tulong sa iba.
D. Sisisihin ang kaibigan sa nangyaring sunog sa kanilang tirahan.
4. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang pamamaraan upang maipakita ang kabutihan sa mga
nilikha ng Diyos?
A. Pagsipa sa alagang aso sa tuwing tatahol ito.
B. Pagdidilig ng mga puno’t halaman araw-araw.
C. Pambabato sa mga ibong nakadapo sa sanga ng puno.
D. Pagbuhos ng mga kemikal sa dagat upang malason ang mga isda.
5. Sa pagnanais na makahuli ng ibon, ipinasya ng iyong mga kaibigan na batuhin ang bawat
ibon na dadapo sa sanga ng puno. Alam mong mali ang pambabato ng mga ibon, ano ang
gagawin mo?
A. Ipagwawalang bahala lamang ang mali nilang ginagawa.
B. Pagsasabihan sila na itigil ang pambabato ng mga ibon.
1
C. Sasang-ayunan ang kanilang ginagawa dahil mga kaibigan naman sila.
D. Makikisali sa ginagawa nilang pambabato ng mga ibon.
MTB-MLE
Panuto: Salungguhitan ang salita o pariralang pang-abay na pamaraan.
1. Magdasal nang taimtim bawat araw.
2. Sumigaw nang malakas ang bata.
3. Sumunod nang bukal sa puso ang anak.
4. Unti-unting natunaw ang yelo.
5. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon sa himpapawid.
Filipino
Pagsulat ng Lagom o Buod ng Tekstong Binasa
MELC: Naibibigay ang buod o lagom ng tesktong binasa F3PB-IIIj-16 F3PB-IVi-16
Panuto: Basahin ang kuwento at gamitin ang format na nasa ibaba sa pagbuo at pagsulat ng buod nito.
Si Tulay na Kahoy
Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang isang malaking kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog na malapit
sa bahay nina Pipoy Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata. Hindi makapasok sa kani-
kanilang trabaho ang kaniyang mga kabaryo.
Madilim-dilim pa inumpisahan na ni Pipoy na hilahin ang isang malaking kahoy na kaniyang nakita.
Hanggang sa inabot na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kulas Kuneho.
“Ano kaya ang gagawin na naman ni Pipoy?”
Naupo siya sa tabi ng ilog at nangingising pinanood si Pipoy. Makalipas ang ilang oras, natapos din sa
wakas si Pipoy sa pagkakatang ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na si Pipoy sa kabilang dulo nang
maisipan ni Kiko na maglaro.
Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kiko.
Pagbalik ni Pipoy, napakamot ng ulo at takang-taka kung bakit nawala ang mga bato na kaniyang
inilagay. Kaya pinagtiyagaan niya na gawin muli ito.
Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kiko naman ay abala na rin sa kabilang dulo ng tulay. At sa
pagtulak niya ng isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa malamig na tubig ng ilog.
“Tulong! Tulong!”
Hindi pala siya marunong lumangoy.
Nakita ni Pipoy ang sinapit ni Kiko. Hindi nagdalawang-isip agad siyang lumangoy palapit kay Kiko.
Pagmulat ng mga mata ni Kiko, nakaupo si Pipoy sa kaniyang tabi.
“Kumusta ka na?”
“Nilagyan kita ng kumot para hindi ka lamigin.”
Napahiya si Kiko sa ginawa ni Pipoy. Agad siyang bumangon at nag-umpisang maghakot ng bato. Isa-
isang inilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy ay abala sa kabilang dulo.
Madilim na rin nang matapos ang kanilang ginagawa. Masayang pinanood ng bagong magkaibigan ang
kanilang mga kabaryo na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na kanilang ginawa.

2
ENGLISH
Direction: Complete the following sentences. Choose from the vowel digraphs inside the box
and write your answer on the space provided.
ai ay ea ee oo oa
1. My h __ __ r is color black.
2. The f __ __ m of the bed is soft.
3. The qu __ __ n has a golden crown.
4. My sister st __ __ s for summer vacation.
5. The baby sl __ __ ps peacefully in the crib.
6. There are delicious br __ __ ds in the bakery.
7. The last l __ __ f from the tree fell on the ground.
8. Mother rides in the tricycle on her w __ __ home.
9. We decorated the r __ __ m for mother’s birthday.
10. The new color of the p __ __ nt adds beauty to the park.
MATH
I. Panuto: Kilalanin at bilangin ang mga hayop na makikita sa larawan. Bumuo ng talahayan
gamit ang mga datos.

3
1. Anong hayop ang pinakamaraming bilang sa larawan? _________
2. Anong hayop ang pinakamaliit ang bilang? ________
3. Kapag pinagsama ang bilang ng bibe at kuneho, ilan lahat? ____
4. Kapag pinagsama ang bilang ng kabayo at baka, ilan lahat? ___
5. Ilan lahat ang kabuoang bilang ng mga hayop? ________
II. Panuto: Gamitin ang impormasyon na nasa ibaba upang makabuo ng mga datos sa
talahanayan at bar graph. Maaaring gumamit ng krayola sa paglapat sa bar graph.
Basahin natin ang sitwasyon:
Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ay pinangkat sa tatlo. Bawat pangkat ay may
limang kasapi. Ang bawat kasapi ay naatasan mangolekta ng plastik na bote na walang laman
upang makaipon ng pondo para sa kanilang proyekto.
Narito ang talaan ng mga boteng nakolekta ng bawat grupo sa loob ng limang araw.

4
Science
Panuto: Basahin at piliin ang mga pahayag kung paano mo mapapanatiling ligtas at handa ang
iyong sarili sa partikular na uri ng panahon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dapat gawin ng mga mangingisda at mga magsasaka sa panahon ng bagyo?
A. Pumunta sa trabaho.
B. Maglaro ng basketbol.
C. Huwag pumunta sa trabaho
2. Ano ang mas mainam mong dalhin sa maaraw at maulan na panahon?
A. payong B. sunglass C. kapote
3. Kapag malamig ang panahon, anong damit ang dapat mong isuot?
A. Manipis at magaan.
B. Makapal na damit.
C. Madilim at mabigat.
4. Anong uri ng inumin ang iyong dadalhin upang maiwasan/ mabawasan ang pag-atake ng
sipon, trangkaso, at iba pang karamdaman?
A. kape at milktea
B. tubig at juice
C. cokefloat at gamot
5. Ano ang gagawin mo kapag patuloy ang pag-ulan upang maiwasan ang sipon, trangkaso o
lagnat?
5
A. magshopping
B. manatili sa labas at maglaro
C. manatili sa loob ng bahay
ARALING PANLIPUNAN
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang-papel.
1. Napag-uugnay ang magkahiwalay na lugar at madaling naitatawid ang mga produkto at
serbisyo dahil sa ____________________.
a. bangka b. tulay c. pantalan d. trak
2. Nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan dahil
__________________________________________________________.
a. mas nagiging mabilis ang transportasyon.
b. maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil sa bako-bakong mga kalsada.
c. madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar kung saan naroroon ang kabuhayan.
d. lahat ng nabanggit ay tama.
3. Dahil sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan, ang mga mamamayan ay
__________________________________.
a. nawawalan ng direksiyon sa pagbili ng mga produkto.
b. nalilito sa dami ng mga bilihin na nakikita sa pamilihan.
c. nalulugi dahil maraming kakompitensiya sa pagbebenta ng produkto.
d. nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang kabuhayan dahil may tiyak na lugar
na pagdadalhan ng mga produkto.
4. Ipinagagawa ang mga irigasyon para sa mga magsasaka upang
__________________________________________________.
a. magsilbing tirahan ng ibang mga isda
b. magkaroon ng outlet ang ilog na pinagmumulan ng tubig.
c. magkaroon ng lugar na mapaglilinisan ng kanilang kagamitan sa pagsasaka.
d. masuplayan nila ng sapat na tubig ang kanilang mga pananim at sakahan kahit malayo sa
pinagkukunan.
5. Ang mga impraestruktura ay mahalaga sa kabuhayan ng mga mamamayan dahil
_________________________________.
a. lalong nakikilala ang isang lugar kung maraming naipatayong impraestruktura dito.
b. walang kinalaman ang impraestruktura sa pag-unlad ng kabuhayan.
c. gumagastos ng malaki ang pamahalaan para maipagawa ang mga ito.
d. nakatutulong ang mga ito sa mabilis na pagproseso ng mga produkto at serbisyo at ang
pagpapalitan ng mga ito.
6
PE
Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga pangungusap na nagsasaad ng mga gawain na
nagpapaunlad ng gawaing pisikal. Isulat kung Tama o Mali ang nakasaad sa bawat bilang.
_____1. Mahalagang malaman ang iba’t ibang galaw na nakapagpapaunlad ng pisikal na
pangangatawan.
_____2. Ang pagsaliw ng tunog o tugtog sa pagsasagawa ng gawaing pisikal ay nakapanghihina
ng katawan.
_____3. Ang pagsasagawa ng pambatang yoga ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng mental at
pisikal na aspeto ng katawan.
_____4. Ang mga anak ay dapat na hinihikayat ng mga magulang na magsagawa ng
mga laro, sayaw, at mga pisikal na aktibidad sa loob o labas ng bahay.
_____5. Dahil sa pandemya dulot ng Covid19, mahalagang malaman ang iba’t ibang kasanayan
na maaaring isagawa sa loob ng tahanan.
HEALTH
Panuto: Ilarawan ang mga mapanganib na sitwasyon na makikita sa kalsada. Piliin sa kahon ang
tamang sagot at isulat sa patlang.
pakurbadang daan bukas na kanal ginagawang kalsada
madulas na daan gumuguhong bato

7
8

You might also like