Replektibong Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 10: “REPLEKSIBONG SANAYSAY”

Ano ang Replektibong Sanaysay?

Ang replektibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang sanaysay sa pagbubulay-


bulay. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon
tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano naapektuhan ng mga ito.
Bukod dito, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa
mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay maaring nasa anyo ng personal na sanaysay,
lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o learning log.

Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay


Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at dito ay
may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapuwa, at sa kapaligiran. Ang pagsulat
ng replektibong sanaysay ay proseso rin ng pagtuklas. Sa pamamagitan din nito,
natutukoy natin ang ating mga kalakasan at kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga
solusyon sa mga problemang kinahaharap natin. Hinahasa rin ng pagsulat ng
replektibong sanaysay ang karanasan sa metacognition o ang kakayahang suriin at
unawain ang sariling pag-iisip.

Katangian ng Replektibong Sanaysay


Ang replektibong sanaysay ay personal. Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat ang
mga replektibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa
kaniyang paksa.
Halimbawa: Ano ang iyong naging reaksiyon sa hakbang ng pamahalaan laban sa
COVID-19? Ano ang paborito mong asignatura sa paaralan at bakit? Paano mo
iuugnay ang sarili sa pangunahing tauhan ng binasa mong nobela? Ano ang kalakasan
at kahinaan mo sa pagsulat? Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay hindi lamang
limitado sa paglalarawan ng kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na
kasaysayan ng pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa.

Kapag nagsusulat nito, nagsasagawa rin ng pagsusuri (Ano-ano ang mga sanhi
at bunga ng kahirapan?), bumuo ng sintesis (Ano-ano ang mga natutuhan mo sa
mga naobserbahan), at nagsusuri at nagpapasya (Ano-anong mga kaisipan ang
tanggap o hindi mo tanggap?).

Sa pagsulat ng akademikong replektibong papel, mahalagang gumamit


ng deskriptibong wika. Sa pamamagitan nito, maipababatid sa mga mambabasa
na nauunawan at lubos na pinag-iisipan ang paksa. Dahil ito ay nakabatay sa
karanasan, inaasahang magsusulat dito tungkol sa sarili, mga ideya, at opinyon.
Kaya naman hindi problema ang paggamit ng mga panghalip na “ako” sa
Replektibong sanaysay.
Gawain 1:
Panuto: Basahing mabuti ang awit ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Bayan Ko” at
sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang buong
papel.
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas7
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Kung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat ng repleksibong sanaysay, paano
mo sisimulan batay sa awiting “Bayan Ko”?

2. Nauunawaan mo ba ang saloobin ni Freddie Aguilar batay sa kanyang awit na


binuo at nilikha? Pangatuwiranan ang sagot.

3. Paano mo wawakasan ang iyong repleksibong sanaysay batay sa awiting


“Bayan Ko”?

You might also like