Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 11: “Adyenda”

Ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang


pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay
na pulong (Sudaprasert, 2014).

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi


bago isagawa ang pulong. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon: mga
paksang tatalakayin, mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa at oras na
itinakda para sa bawat paksa. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng
pagkasusunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan
ang mga ito. Nagsisilbing din itong talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang
matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa


mga paksang tatalakayin o pagdesisyunan at nakatutulong nang malaki upang
manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Bahagi ng Adyenda


▪ Lugar/Pook ng Pulong - Ang bahaging ito ng adyenda ang nagsasaad ng pook na
pagdadausan ng pulong.

▪ Oras ng Pulong - Ang pagtukoy sa tiyak na oras ang magsisilbing gabay sa mga
dadalo ng pulong kung gaano ang haba ng panahong magugugol sa pulong.

▪ Petsa ng Pulong - Tinutukoy sa bahaging ito ang araw ng pagsasagawa ng pulong.

▪ Paksa/Layunin ng Pulong - Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang layunin ng


isasagawang pulong. Sa paksa iikot ang daloy ng magaganap na pulong.
Mga Dadalo - Sa bahaging ito, nililista ang mga pangalan ng taong inaasahang dadalo sa isang
pulong.

Taong Tatalakay ng Paksa -Sa bahaging ito, ipinakikilala ang tiyak na taong magtatalakay sa isa
sa mga paksa ng pulong.

▪ Oras ng Pagtalakay -Ang bahaging ito ng adyenda ang magsisilbing gabay sa tagapanayam o
tagapagsalita kung gaano kahaba ang panahon ng kaniyang pagtalakay sa paksang iniatang sa
kaniya sa sa pagsasagawa ng pulong.

▪ Paksang Tatalakayin -Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang paksang tatalakayin ng isang
tagapanayam o tagapagsalita sa isang pulong.
Halimbawa ng Adyenda:

Gawain: Aktibidad

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang memorandum hinggil sa isasagawang


pulong. Mula sa binasang memorandum, bumuo ng halimbawang adyenda na naaayon
sa wastong pormat nito. Isulat ang iyong kasagutan sa isang buong papel.

You might also like