David at Goliath

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tinalo ni David ang Higanteng si Goliat

1 Samuel 17

Ang kwentong ito ay tungkol kay David, isang batang pastol. Ang kanyang buhay at puso ay para lamang sa Diyos,
kaya't napatunayan niyang isa siyang tunay na Champion. Walang katulad ang kanyang kwento.

Si Haring Saul ang hari ng Israel noong panahong iyon. Pinamunuan niya ang mga Israelita sa pagtatanggol sa kanilang
bansa laban sa mga Filisteo.

Isang araw, nagsama-sama ang hukbo ng mga Filisteo para sa gyera. Pumunta sila sa Soco, na sakop ng Israel. Tinipon
din ni Haring Saul ang mga Israelita upang harapin ang mga Filisteo.

Nagkampo ang mga Filisteo sa isang burol; ang mga Israelita naman ay nagkampo sa katapat na burol. Sa pagitan nila
ay isang libis.

Si Goliat, ang champion ng mga Filisteo, ay lumabas mula sa kanilang kampo. Isa siyang higanteng mula sa bayan ng
Gat at mahigit siyam na talampakan ang kanyang taas. Suot niya ang tansong helmet at kasuotang pandigma-175 libra
(pounds)ang bigat. May hawak siyang tansong tabak at sibat!

(Ipakita ang Teaching Picture 1.) Sumigaw si Goliat sa mga Israelita, "Bakit nakalinya kayo para lumaban? Pumili
kayo ng ilalaban sa akin. Kapag napatay niya ako, magiging alipin ninyo kami. Pero kapag siya ay napatay ko, aalipinin namin
kayo."

Ginawa ito ni Goliat sa loob ng 40 araw. Pero walang sinuman, maging si Haring Saul, ang humarap sa kanya. Natakot
silang lahat!

(Ipakita ang Teaching Picture 2.) Isang araw, ipinadala ni Jesse ang kanyang bunsong anak na si David upang dalhan
ng pagkain ang kanyang mga kapatid at kumustahin sila. Inaalagaan ni David ang mga tupa ng kanyang ama, habang sumusunod
ang mga kapatid niya kay Haring Saul sa gyera. Pagdating niya sa kampo, narinig niya ang sinisigaw ni Goliat sa mga Israelita
nang ilang araw na. Hinahamon nito ang Israel! Ngunit nang makita si Goliat ng mga Israelita, tumakbo sila palayong takot na
takot!

Tinanong ni David ang mga lalaking katabi niya, "Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito?
Hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos! Sino ba siya sa tingin niya?"

Narinig ng mga lalaki ang sinabi ni David at ipinaalam nila ito kay Haring Saul. Ipinatawag siya ng hari. Sabi ni David
kay Haring Saul, "Huwag na ninyong alalahanin ang Filisteong iyon. Ako na ang lalaban sa kanya!"

Sagot ni Haring Saul, "Hindi pwede. Masyado ka pang bata, samantalang si Goliat ay matagal nang mandirigma!"

Ngunit mapilit si David: "Inaalagaan ko ang mga tupa ng aking ama. Kapag may leon o osong kumukuha ng isang tupa
mula sa kawan, inililigtas ko ito at pinapatay ko ang leon o oso. Iniligtas ako ng Diyos mula sa mga ito; nakasisiguro akong
ililigtas Niya ako mula sa Filisteong ito."

Pumayag na rin si Haring Saul nang marinig niya ito. Pinasuot niya kay David ang sarili niyang mga sandata, pero
dahil sa hindi sanay ang binatilyo rito, hinubad ito ni David. Pagkatapos, bumaba siya sa sapa at pumili ng limang makikinis na
bato. Nilagay niya ito sa kanyang bag, kinuha ang kanyang tirador at lumapit siya kay Goliat.

Nang makita ni Goliat na si David ay binatilyo, malusog at gwapo, nilait niya ito: "Halika nga rito, nang maipakain ko
ang bangkay mo sa mababangis na hayop at ibon!"

Sabi ni David kay Goliat, "Lalabanan mo ako dala ang tabak at sibat. Ngunit lalabanan kita sa pangalan ng Diyos na
Hari ng lahat. Siya ang Diyos ng mga hukbo ng Israel. Siya ang totoo mong kalaban! Sa araw na ito, kami ang panalo!
Pababagsakin kita at pupugutan kita ng ulo. Malalaman ng buong mundo na may Diyos sa Israel at hindi Niya kailangan ang
sandata para iligtas ang Kanyang bayan.

(Ipakita ang Teaching Picture 3.) Sinugod ni Goliat si David. Sinalubong siya ni David habang dumudukot sa kanyang
bag ng isang bato at tinirador si Goliat. Tinamaan si Goliat sa noo at bumaon ang bato rito. Bumagsak siya sa lupa, patay!
Hinugot ni David ang tabak ni Goliat at pinugutan niya ito ng ulo. Nang makita ng mga Filisteo ang nangyari, patakbo silang
umatras, ngunit hinabol sila ng mga Israelita at nilagas.

You might also like