Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Heat Wave"

Nakaharap ang mga mamamayan ng Pilipinas sa isang malawakang hamon sa panahon


ngayong taon habang kinahaharap ang matinding "heat wave" na konektado sa patuloy na
pagbabago ng klima. Sa patuloy na pagtaas ng temperatura at pagdulog ng tag-init, ang bansa
ay nakakaranas ng mga temperatura na umaabot sa mga rekord na numerong sumisira sa
normal na pang-araw-araw na buhay ng sambayanang Pilipino.
Base sa impormasyon na ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA), ang temperature sa buong bansa ay patuloy na
umaakyat sa mga kritikal na antas. Ang kalakihan ng mga heat waves sa mga urbanong lugar
tulad ng Maynila, Cebu, Davao, at iba pang mga siyudad ay nagdudulot ng mabigat at
nakakapinsalang epekto sa mga mamamayan at kalikasan na maging dito sa atin ay nararanasan
na rin natin ito.
Ang matinding init na ating nararanasan ay nagdudulot ng iba't ibang mga epekto sa
kalusugan. Maraming mga kaso ng heat stroke, dehydration, at iba pang mga heat-related
illnesses ang iniulat sa mga ospital at klinika sa buong bansa. Ang mga vulnerableng sektor tulad
ng mga bata, matatanda, at may mga malalang sakit ay nanganganib ng sobra sa ganitong
panahon. Upang matugunan ang hamong ito, ang Department of Health ay nagpapalabas ng
mga paalala at gabay para sa mga mamamayan. Pinapayuhan ang mga tao na uminom ng sapat
na tubig, magdala ng payong o sombrero, magsuot ng light-colored at loose-fitting na kasuotan,
at magpahinga sa mga air-conditioned na lugar. Mahalagang maging responsable sa paggamit
ng enerhiya upang hindi ma-overload ang kuryente at maipanatiling malamig ang ating mga
tahanan.
Ngunit hindi lamang ang mga tao ang naaapektuhan ng heat wave, kundi pati rin ang
agrikultura at ekosistema ng bansa. Ang matinding init na dala nito ay nagdudulot ng sakit at
kamatayan sa mga pananim at hayop, kawalan ng suplay ng tubig, at mas mababang
produksyon ng pagkain. Ang mga magsasaka at mga mangingisda ay napipilitang harapin ang
mga hamon na dala ng heat wave sa kanilang kabuhayan.
Sa kabila ng mga hamon na hinarap ng bansa, ang pamahalaan at mga lokal na ahensya
ay naghahanda at nagsasagawa ng mga hakbang upang malabanan ang epekto ng matinding
init. Ito ay kasama ang pagbibigay ng sapat na impormasyon at babala sa publiko,
pagpapalawak ng access sa malinis na tubig, pagpapaigting ng climate change adaptation
programs at pagpapalakas ng mga hakbang para sa energy conservation at renewable energy.

"Ang pagharap sa heat wave at climate change ay isang kolektibong pagsisikap na kailangan
nating gawin bilang isang bansa," pahayag ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR). "Kailangan nating tiyakin ang kalusugan at kaalaman ng bawat mamamayan
at magtulungan upang maisalba ang ating kapaligiran at mabawasan ang mga epekto ng pag-
init."
Sa pagdating ng mga susunod na buwan, ang mga mamamayan ng Pilipinas ay inaasahang
patuloy na makakaharap sa hamon ng matinding init. Ang mahalaga ay ang pagkakaisa at
pagtutulungan ng bawat isa upang malabanan ang heat wave at pangalagaan ang kinabukasan
ng bansa.

Narito ang mga Kailangang Gawin Tuwing Tag-init ayon sa DOST_PAGASA:


1. Dalasan ang pag-inom ng tubig.
2. Magsuot ng light-colored na damit.
3. Iwassan ang pag-inom ng kape, tsaa, o soft drink sa tanghali at hapon.
4. Manatili sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas.
5. Iwasan ang physical activities sa tanghali at hapon.
6. Magsuot o magdala ng pananggalang sa sikat ng araw.

You might also like