Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

BANAAG AT SIKAT

Bawat tao ay may kanya kanyang pananaw sa buhay. Bata man o matanda, mayaman
man o mahirap, lahat sila ay may sariling prinsipyong pinanghahawakan. Kung
babalik tanawin natin ang nakaraang kasaysayan ng ating bansa ayon na rin sa mga
talang naiwan sa atin ng ating mga ninuno, makikita nating kahit noon pa man ay
may kanser ng laganap sa ating lipunan lalo na sa estado ng pamumuhay at
pagmamahalan ng dalawang mag sing-irog.

Ang kwentong banaag at sikat na isinulat ng ama ng balarilang tagalog na si Lope K.


Santos ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng kwentong panlipunan. Ang
nobelang ito ay nakatuon sa buhay at prinsipyo ng dalawang mag kaibigang sina
Delfin na lumaki sa hirap at si Felipe na namulat sa karangyaan. Dalawang
magkaibigang pinagtagpo ng pagkakataon sa kabila ng magkaibang mundong
kanilang ginagalawan. Dalawang magkaibigang may magkakaibang pananaw sa
lipunan ngunit may iisang tunguhin sa buhay at magkaibigang simbolo ng tunay na
ninanais ng lipunang pilipino.
Unang inilalarawan ng nobelang ito ang pagnanais ni Felipe na baguhin ang
nakaugaliang alituntunin ng mga mayayaman sa aspeto ng pagpapayaman. Bunsod
ng kagustuhan niyang ito ay nagdesisyon si Felipe na iwan ang marangyang
pamumuhay kapalit ng pamamasukan niya bilang isang simpleng manggagawa. Siya
ang simbolo ng isang radikal ngunit anarkistang tao. Salunggat siya sa lahat ng mga
pormalistang kaganapan sa lipunan. Ipinapakita ng nobelang ito kung paanong
tinuruan ni Felipe ang lahat ng trabahador at manggagawa sa kanilang tahanan na
ipaglaban ang kanilang karapatan na siyang labis na ikinagalit ng kanyang ama at
naging sanhi nang tuluyang pagtatakwil sa kanya. Sakop din ng nobelang ito ang
pagmamahalang umusbong kay Felipe at Tentay na isang maralita ngunit isang
marangal na dalaga. Dito unang ipinahayag ang pagiging anarkista ni Felipe ng yayain
niya si Tentay na pumisan sa kanya kahit hindi pa kasal, isang sitwasyong talamak
ngayon sa lipunan lalong lalo na sa mga kabataan.

Ang ikalawang bahagi ng nobela ay nakatuon sa prinsipyo ni Delfin at ang kanyang


buhay pag-ibig. Hindi man nagmula sa mayamang angkan, hindi ito naging sagwil
para hindi maaabot ni Delfin ang ninanais sa buhay. Isa sa pinaka naging sentro ng
kuwento ay ang pag-iibigan nila ng anak-mayamang si Meni. Ang labis na
pagmamahalang ito ay nagbunga na siyang labis na ikinapoot ng ama ni Meni na si
Don Ramon. Tulad ng isang tipikal na mayayamang pamilya, hindi gusto ng ama ni
Meni si Delfin para sa kanya hindi lang dahil sa pagiging anak-maralita nito kung
hindi maging sa kanyang pagiging sosyalista na rin. Ang pagdadalang tao ni Meni ang
nagbunsod para itakwil siya ng ama at hindi pamanahan ng ni katiting na
kayamanan ng pamilya. Sa kabila nito, namuhay si Meni at Delfin ng maligaya sa
kabila ng kanilang kahirapan.

Sa kabuuan, ang nobelang ito ay nakatuon sa kagustuhan ng dalawang magkaibigan


na pabagsakin ang mayayamang angkang naghahari harian sa lipunan. Si felipe na
isang radikal na ang tanging nais ay ang agarang pagtatamo ng kanilang layunin
sukdulang ito'y daanin ’sa marahas na paraan at si Delfin na ang tanging hanggad ay
ang dahan dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kanilang kamangmangan
at kasakiman ng ilang mayayaman sa pamamagitan ng gradwal na pagpasok sa
pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

You might also like