Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pagleletra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng kamay.

Ito ay hindi
lamang isinusulat kundi sadyang inileletra, sapagkat higit na madali at mabilis isagawa bukod sa bihirang pagkakaroon ng
pagkakamali.
May iba’t- ibang uri ng letra. Sa bawat uri nito ay may iba’t ibang disenyo at gamit. Ang gamit nito ay naaayon din sa
paggagamitan nito. May mga letrang simple at may kumplikado ang disenyo.
Makikita natin ito sa mga pangalan ng mga establishment tulad ng mga bangko, supermarket, palengke at gusali. Ito ay
ginagamitan ng mga letra upang ito ay makilala, ang mga pangalan ng paaralan, simbahan, kalye at kalsada. Ito ay ginagamitan
ng mga letra ayon sa disenyo at mga estilo.

Mga Uri ng Letra

Alam ba ninyo na kung pagyayamanin ang inyong kaalaman sa pagleletra ay maaari itong pagmulan ng kabuhayan?
Tingnan ang kalagayan ng takbo ng negosyo ngayon. Marami ang naglalabasang magandang disenyo ng mga kainan, mga
produkto, kahit serbisyo.
Nakita na ba ninyo ang usong usong mga disenyo sa facebook o kahit saang bahagi ng social media ngayon ay matatagpuan ang
sikat na sikat na “caligraphy”?
Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Calligraphy ay hango lamang din sa mga pangunahing disenyo ng pagleletra, ngunit tingnan ninyo ngayon kung paano ito
napagkakakitaan. Makikita ito sa maraming produkto katulad ng t-shirt, mga baso, picture frame, maging sa mga kainan. Gamit
din sa paggawa ng mga imbitasyon, paggawa ng proyekto, at sa mga kasal ay patok na patok din. Makikita din ito sa mga
pangalan ng establisyemento, pamilihan, at iba pang mga gusali. Ito ay dahil sa malikhaing isip ng mga tao na mula sa mga
pangunahing mga istilo ng letra upang makilala ang isang produkto o serbisyo katulad ng mga negosyo, paaralan, pasyalan at iba
pa.
Ilan pang halimbawa:

Ang isang larawan o disenyo ay binubuo sa pamamagitan ng pagdurugtong-dugtong ng mga linya at guhit. Sa
pamamagitan ng mga linya at guhit na ito, ang mga larawan o disenyo ay nagkakaroon ng hugis at nagiging kapaki-pakinabang
na produkto. Ang alpabeto ng linya ay ginagamit sa pagbuo ng isang larawan katulad ng ortograpiko at ang sometrikong
drawing. Ito ay mga uri ng drawing na nagpapakita ng bawat bahagi at kabuuan ng isang larawan.
Alam mo ba na ang isang larawan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya o guhit. Ito ay tinatawag na alpabeto ng linya.
May iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya. Halina’t alamin natin.

1. Ang linyang panggilid o border line ang pinakamakapal o pinakamaitim na guhit.


2. Ang linyang nakikita o visible line ay paraa nakikitang bahagi ng inilalarawang bagay.
3. Ang linyang di-nakikita o invisible line ay nagpapakita ng natatakpang bahagi ng inilalarawang bagay.
4. Ang linyang panggitna o center line ay nagpapakita ng axis o gitnang mga hugis simetrikal tulad ng washer, gear at rimatse.
5. Ang extension line ay ipinakikita ang pagkakatapat ng tanawin at hangganan ng mga sukat ng inilalalarawang bagay.
6. Ang linyang panukat o dimension line ay nagpapakita ng kapal, lapad at haba ng larawan.
7. Ang linyang panturo o leader line ay nagpapakita ng sukat o bahagi ng isang bagay.
8. Ang linyang pantukoy o reference line ay tumutukoy ng isang bahagi ng inilalarawang bagay.
9. Ang long break line ay nagpapakita ng pinaikling bahagi ng isang mahabang bagay na inilalarawan.
10. Linyang pambahgai o section line ay mga linyang magaan na pantay-pantay ang agwat na ginagamit upang maipakita ang
bahagi ng larawang nagpapahayag ng epekto ng isang pamantayan.

Panuto: Sa isang bond paper, isulat ang iyong pangalan gamit ang iba’t ibang uri ng letra. (Gothic, Script, Roman, Text) at
sagutin ang tanong na nasa ibaba.
Gamitin ang rubric bilang batayan ng iyong grado.
Rubriks
9-10 = Napakaganda Juan Dela Cruz
7-8 = Mas maganda
5-6 = Maganda Juan Dela Cruz
3-4 = Maganda- ganda
1-2 = Di- maganda Juan Dela Cruz
Kabuuan ng puntos: ______
Lagda ng guro: __________ Juan Dela Cruz

Base sa iyong karansan, ano uri ng letra ang


pinakamahirap gawin? Bakit?

You might also like