Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
Miss Rubriosa Feliciano
Ipinasa ni: Kathlynne Jade A. Wee
7 - Accountability
GAWAIN 1
Ipaliwanag ang proseso ng mabuting pagpasya
batay sa mga pagkaunawa mo.

Gawin ito sa canva or powerpoint.


GAWAIN 1
Batay sa aking pagkakaintindi, ang pagpapasiya ay simple lamang kung mayroon
kang kaalaman sa proseso nito.

Una, ay meron tayong mga katanungan sa ating mga isip at ito ang magsisilbing
motibasyon natin upang magpasiya. Ngunit bago ito, dapat mayroon muna tayong
kaalaman. Kapag mayroon na tayong kaalaman, ito ay bubunga ng katanungan sa
ating isip. Maari ito ay ang gagabay sa atin na magpasiya, kaya importante na huwag
natin itong kalimutan.

Susunod ay dapat muna nating pag-isipan ang ating desisyon. “Ito ba ang ating
ginugusto?”, “Bakit ko ito ginusto?”, at “Ano kaya ang epekto nito sa akin at para sa
iba?” ay ang mga tanong na minsang naiisip natin tuwing nagpapasiya. Baka’y
madamay pa ang iyong mga pinapahalagahan, kaya importante na pag-isipan muna
natin ang ating mga gawain.
GAWAIN 1
Ipoproseso ito ng ating isip upang malaman ang mga bunga ng ating kilos. Kaya’t
importante na gumawa tayo ng plano bago kumilos. Subaybayan natin ang ating oras
at panahon, dahil hindi lahat ng mga pasiya ay nagagawa kung matanda na tayo o
kung nawalan na tayo ng kaalaman. Kung sa tingin natin ay sapat na ang ating plano
tungo sa pagpapasiya ay isasagawa natin ito sa tulong ng kilos-loob.

Habang ating ginagawa ang pagpapasiya ay importante na ating palaging tandaan


na magkaroon ng tiwala sa Diyos at sa anumang plano niya para sa ating
kinabukasan. Palagi tayong manalangin at maghingi lagi ng gabay sa Diyos lalo na
kung mayroon taaong pinagdadaanan.
GAWAIN 2
Gumawa ng inyong pagninilay.
Gabay na Tanong:
Ano ang iyong Paano mo
nadiskubre at maisasabuhay
natutunan sa ang iyong
gawain? natutunan?
Ano ang iyong nadiskubre at natutunan sa gawain?

Natutunan ko ang kahalagahan ng mabuting pagpapasiya


at kung pano ito isagawa o kung ano ito pinoproseso. Dapat
na ating mas lalong unawain ang ating tungkulin tuwing
tayo'y nagpapasiya upang ito'y masuri ng mabuti at
makagawa ng mas magandang plano. Mas lalo ko din
naiitindihan ang kahalagahan ng isip at kilos-loob at kung
ano ang tungkulin nito tuwing tayo'y nagpapasiya.
Importante din na mayroon tayong ay may
pananampalataya at pagtitiwala sa Poong Maykapal.
Paano mo maisasabuhay ang iyong natutunan?

Tunay na nasiyahan ako sa aking mga natutunan at


inaasahan ko sa aking sarili na may kakayahan akong
ilapat ang impormasyon na ito. Alam ko na nagpapasya
ako araw-araw, ngunit minsan ang kalabasan ng aking
mga pasiya ay hindi tumpak sa aking inaasahan. Kaya sa
tulong ng modyul ay mas lalo kong naitindihan ang tamang
pagsasagawa ng pagpapasiya.
GAWAIN 3

IPALIWANAG ANG INYONG


KASAGUTAN
Bakit kailangang pagnilayan ang
isasagawang pagpapasiya at kilos
na may kaugnayan sa
pagsasabuhay ng iyong mga
pangarap?
Bakit kailangang pagnilayan ang isasagawang pagpapasiya at kilos
na may kaugnayan sa pagsasabuhay ng iyong mga pangarap?

Dapat nating pagnilayan ang ating isinagawa na kilos o


ang mga dating pasiya. Maari natin itong gawing gabay o
inspirasyon para sa mga pasiya na ating gagawin sa
dadarating na pahanon. Dapat na ating matutunan ang
ating mga pagkakamali at mga tamang ginawa.
Naiitindihan natin lalo ang ating mga kilos at kung bakit ito
ay ating ginagawa o isinagawa. Mas lalo tayong nagiging
maingat sa pagpili ng desisyon o kilos dahil baka hindi
magiging maganda ang kalabasan nito.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Maraming
Salamat po!
Kathlynne Jade A. Wee

You might also like