She's Dating The Gangster

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MATILAC,MARY JULIA CLAIRE

11 HUMSS BERYL

”She's dating the gangster”


Nagsimula ang kwento sa pagpunta ni Kenneth de los Reyes (Daniel Padilla) sa Legazpi dahil
nalaman niya na ang kanyang ama na si Kenji de los Reyes (Richard Gomez), ay kabilang sa
mga biktima ng airplane accident. Sa paghahanap sa kanyang ama, nakilala niya si Kelay
(Kathryn Bernardo), na siya namang pamangkin ni Athena Dizon (Dawn Zulueta). Napag
alaman ni Kenneth na hinahanap rin nito ang kanyang ama sapagkat nais niyang magtagpo
muli ang landas ni Athena at ni Kenji. Ang dalawa ay dating magkasintahan.Sa paglalakbay
ni Kelay at Kenneth upang mahanap si Kenji, isinalaysay ni Kelay ang istorya ng kanyang
tiyahin at ng ama ni Kenneth. Nagsimula ang kwento nila noong inakala ni Kenji na si
Athena Dizon ay si Athena Abigail Tizon na tinatawag niyang bee. Itinext niya ito at humingi
ng tawad at hiniling na makipagkita sa kanya upang personal na makahingi ng tawad ngunit
nairita si Athena at nagpanggap ngang si “Athena” na tinutukoy ni Kenji. Gumawa si Kenji
ng kasunduan na magpapanggap si Athena bilang girlfriend upang pagselosin si Abigail
ngunit sa araw-araw na pagsasama nila at pagde-date ay parating puno lamang sila ng away
at hindi pagkakaintindihan.Sa madalas nilang pagsasama, nabuo ang isang magandang
pagtitinginan kung kaya’t tinanggal na nila ang deal sa kanilang relasyon. Nagmahalan ang
dalawa, ngunit bumalik si Abigail at nagmakaawa sa pagmamahal ni Kenji. Sa panahong
iyon, naguguluhan pa rin pala si Kenji sa tunay niyang nararamdaman para kay Athena kung
kaya’t dumating ang panahon na iniiwan niya si Athena para kay Abigail dahil may cancer
ito.Naghiwalay ang dalawa at dito rin ang punto na kung saan ay nalaman na sa mga
eksaminasyon ng mga doctor na lumala ang sakit ni Athena.Sa huling parte ng pelikula,
muling nagkatagpo ang landas ni Kenji at ni Athena. Subalit, huli na upang ituloy muli nila
ang naudlot nilang pag-iibigan. Sa panahong iyon kasi, malala na ang sakit ni Athena at
kaunting oras na lang ang naging kanilang pagsasama.

You might also like