Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON"

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan


na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi
maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay
nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay
nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat
mag-aaral.

Sakop ng internet ang sovial media sapagkat kung walang internet hindi tayo
makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging
mahusay da pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban
ang isang mag-aaral maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa
kanyang mga kaklasekung ano ang mga dapat gawin sa bawat asignatura.
Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao.
Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman
at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng
reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng


komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa
isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang
Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo
mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports,
research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at
nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin
ang isang bagay. Ang social media ay isang instrumento upang mapabilis ang
pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na
sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon
magpahanggang ngayon.

Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-


aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay
ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at
nagkakaroon ng komunikasyon ang dating magkakaibigan na matagal nang hindi
nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang ating mga saloobin ngunit
dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media. Dapat
pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa
teknolohiya umiikot ang ating buhay.

You might also like