Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK
BAITANG 11, YUNIT 11
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3
Aralin 1: Batayang Konsepto ng Pananaliksik 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Alamin Natin 6
Pag-aralan Natin 6
Sagutin Natin 11
Pag-isipan Natin 11
Gawin Natin 11
Aralin 2: Katangian ng Isang Mahusay na Mananaliksik at Pananaliksik 13
Layunin Natin 13
Subukan Natin 14
Pag-aralan Natin 15
Alamin Natin 15
Sagutin Natin 18
Pag-isipan Natin 18
Gawin Natin 18
Aralin 3: Etika sa Pananaliksik 20
Layunin Natin 20
Subukan Natin 21
Alamin Natin 22
Pag-aralan Natin 22
Sagutin Natin 26
Pag-isipan Natin 26
Gawin Natin 26

1
Aralin 4: Batayang Proseso ng Pananaliksik: Mga Bahagi 28
Layunin Natin 28
Subukan Natin 29
Pag-aralan Natin 30
Alamin Natin 30
Sagutin Natin 34
Pag-isipan Natin 34
Gawin Natin 34
Pagyamanin Natin 36
Paglalagom 38
Dapat Tandaan 39
Gabay sa Pagwawasto 40
Sanggunian 41

2
BAITANG 11 | PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

YUNIT 11

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Hindi tayo nawawalan ng mga bagay o pangyayaring susubok sa ating mag-isip nang malalim.
Karaniwan nating tinatanong ang ating sarili kung paano tayo makakatulog nang maaga sa gabi
para maaga ring magising kinabukasan para sa paaralan. Naiisip niyo ring madalas kung paano
matitipid ang inyong allowance para makaipon nang malaki, hindi ba? May pagkakataon ding
iniisip natin kung paano masosolusyunan ang suliranin sa traffic, mabagal na Internet, at taas ng
mga bilihin.

Sa mga ganitong pagkakataon ay masasabing nasa panimulang hakbang na tayo ng


pananaliksik. Sa yunit na ito ay tatalakayin natin ang mga batayang kaalaman na
kinakailangan upang makapagsagawa ng isang pananaliksik.

3
Aralin 1
Batayang Konsepto ng Pananaliksik

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy
ang batayang konsepto sa pananaliksik, lalo na ang kahulugan,
katuturan, at kahalagahan nito.

Marahil ay naranasan mo nang maghanap ng isang bagay o kaalaman para sa isang takdang
aralin o gawain sa paaralan. Halimbawa, naghahanap ka sa Internet ng mga bagong recipe na
maaaring iluto sa darating mong kaarawan. Nagbasa ka ng ilang website sa Internet at inilista ang
mga putaheng maaari mong iluto, pati na ang mga sangkap at hakbang sa paghahanda nito.
Ang simpleng gawain na ito ay isa na ring pananaliksik.
Ngunit alam mo ba kung paano ito nagkaganoon?

Ano nga ba ang pananaliksik? Bakit ito isinasagawa at ano ang kahalagahan nito sa tulad
mong mag-aaral?

4
Subukan Natin
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag tungkol sa pananaliksik.

1. Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri sa pamamagitan ng


imbestigasyon at paggawa ng eksperimento.

2. Ang pananaliksik ay ginagawa upang patunayan ang


katotohanan ng isang teorya.

3. Ang pananaliksik ay ginagawa lamang ng mga siyentipiko at


mananaliksik.

4. Ang pananaliksik ay maisasagawa sa pagkopya ng iba’t ibang


materyales at pagsama-samahin ito sa isang sulatin.

5. Hindi mahalaga na matutuhan ang mga kasanayan sa


pagsasagawa ng pananaliksik.

6. Ang pananaliksik ay magagamit sa medisina, sikolohiya, at


negosyo.

7. Ang pananaliksik ay nakatutulong upang makatuklas ng mga


bagong impormasyon, pangyayari, bagay, o imbensyon.

8. Ang pananaliksik ay magagamit lamang sa mga agham at


matematika, ngunit hindi sa agham panlipunan.

9. Kailangan sa pananaliksik ang pagiging maingat, mapanuri, at


makatotohanan.

10. Ang pananaliksik ay maaaring magbunga ng solusyon sa isang


suliranin.

5
Pag-aralan Natin

Alamin Natin
Kahulugan ng Pananaliksik
Madalas na isinasagawa ang pananaliksik upang Tandaan at gawing gabay ang
tuklasin ang solusyon sa problemang inihain sa pag- kahulugan ng sumusunod na
aaral. Ayon sa diksiyonaryo, ang pananaliksik ay salita:
isang sistematikong pag-alam o pagsusuri sa
• interpretasyon – pahayag ng
pamamagitan ng imbestigasyon o pagsasagawa ng
pagkaunawa sa isang bagay,
eksperimento sa pagtuklas at pagbibigay ng
konsepto, teorya, o
interpretasyon sa katotohanan ng isang teorya.
impormasyon
• makabayan – damdaming
Ayon naman kina Best at Kahn (1998), ang
nais isulong ang interes ng
pananaliksik ay isang sistematikong pagsusuri at
bansa o bayan; may
pagtatala ng mga kontroladong obserbasyong
pagmamahal sa bayan
maaaring magpaunlad ng prinsipyo o teorya, na
maaaring magbunga ng prediksiyon at posibleng • tukoy – kilala o alam na
ganap na pagkontrol sa mga pangyayari.

Samakatuwid, ang pananaliksik ay higit sa pagsasama-


sama ng mga datos mula sa iba’t ibang aklat o materyal.
Kinakailangang may tuklasin sa pag-aaral.
Hindi ito pagkopya ng mga bahagi mula sa iba’t ibang
materyales, kinakailangang ang nakuhang mga datos at
kaalaman ay suriin at patunayan.

Halimbawa:
Ang pananaliksik sa larangan ng agham ay hindi
lamang paglalahad ng pag-aaral sa pamamagitan ng
pagkopya sa mga paksa. Isinasagawa ito nang may
sinusunod na metodo o paraan at gumagamit ng
eksperimento at sistematikong obserbasyon para
patunayan ang iminumungkahing prinsipyo o
teorya.

6
Pansinin na sa kahulugan ng pananaliksik ay may sumusunod na mga proseso at/o
sangkap:
1. pagsusuri ng mga kontroladong obserbasyon,
2. pagpapaulad ng prinsipyo o teorya, at
3. pagbubunga ng prediksyon o solusyon.

Pagsusuri ng mga Pagpapaunlad ng Pagpapabunga


kontroladong prinsipyo o teorya ng prediksyon o
obserbasyon solusyon

Pagsusuri ng mga Kontroladong Obserbasyon


Sa unang sangkap, kinakailangan ang pagsusuri ng mga kontroladong obserbasyon. Ibig
sabihin, hindi lang basta-basta tinatanggap ang nakikita, nababasa, o naririnig natin.
Tinatanong muna natin kung totoo ba ito o hindi, makabuluhan ba o hindi na napapanahon
ang mga napanuod, narinig, o nabasang teksto, opinyon, at iba pang resources na ating
aaralin. Nagiging kontrolado ang ating obserbasyon dahil pinipili at
sinusuri lamang ang mga bahagi, elemento, o aspektong may kaugnayan sa suliraning nais
nating bigyang solusyon.

Halimbawa, nais nating imbestigahan ang antas ng pagiging makabayan ng kabataan


ngayon. Maaaring maobserbahan mo na ang kapwa ninyo mag-aaral ay tumatangkilik sa mga
produktong Pilipino. Ngunit hindi ito sapat para masabi nating makabayan ang kabataan
ngayon. Hindi rin basta maitatanong sa mga kabataan kung makabayan sila, dahil maaaring
dayain nila ang kanilang sagot.

7
Ang maaaring gawin ay gumawa ng isang questionnaire na sasagutin ng kabataan tungkol sa
mga bagay na ginagawa o pinaniniwalaan nila. Hindi kinakailangang direktang itanong kung
mayroon silang damdaming makabayan, kundi mga tanong na maaaring
gawing sukatan sa pagkakaroon ng damdaming makabayan. Ang makukuhang datos mula rito
ang susuriin at magiging batayan ng pag-aaral.

Sa ganitong paraan, nagiging kontrolado ang obserbasyon dahil pipili ng tiyak na bilang ng
mag-aaral na magsasagot ng questionnaire.

Pagpapaunlad ng Prinsipyo o Teorya


Bukod pa rito, ang mga obserbasyong nakalap at nasuri ay inaasahang makapag-aambag sa
prinsipyo o teorya sandigan ng pag-aaral, o sa mismong paksa nito.

Sa madaling salita, ang pananaliksik na gagawin ay dapat may kaugnay o pinagbabatayang


teorya o prinsiyo. Hindi tayo basta-basta gagawa ng pananaliksik tungkol sa anumang paksa.

Sa pananaliksik natin tungkol sa pagkakaroon ng diwang makabayan ng kabataan sa


kasalukuyan, kailangang pag-aralan at tukuyin ang mga prinsipyo o teorya na magbibigay ng
kahulugan, kabuluhan, at kaugnayan ng paksang sinasaliksik. Sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga naunang pag-aaral ay nagiging mas malinaw kung paano makatutulong ang
ginagawang pananaliksik sa pagpapaunlad ng prinsipyo o teoryang sandigan.

Pagpapabunga ng Prediksyon o Solusyon


Panghuli, ang pananaliksik ay inaasahang magbubunga ng isang makabuluhang
prediksyon o solusyon tungkol sa paksa.

Ito na siguro ang pinakamahirap,


subalit pinaka-fulfilling na bahagi ng prosesong ito—ang makapagpalitaw ng isang
resolusyon sa inilahad na suliranin o rekomendasyong makapag-aambag sa pagpapabuti ng
kalagayan ng tinalakay na paksa.

Dagdag pa, ang prediksyong mabubuo pagkatapos ng pananaliksik ay magagamit para


maglapat ng mga pagbabago o karagdagang gawain na makagpapaunlad sa paksa at sa
teoryang sandigan nito.

8
Katuturan at Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral ng mga materyal upang malaman ang
katotohanan at makabuo ng kongklusyon. Dito ay nahuhubog ang pag-unawa ng mga tao sa
kaniyang paligid. Malaki ang naitutulong ng pananaliksik sa pagpapalawak ng kaalaman o
pagpapatunay sa isang teorya.

Maraming gamit ang pananaliksik, bukod sa paghahanap ng


solusyon o rekomendasyon. Sa tulong ng pananaliksik,
maaaring makatuklas ng bagong impormasyon, pangyayari,
bagay, o imbensyon.
Halimbawa, naging madali ang komunikasyon sa pagitan
ng mga taong nasa magkakaibang lugar dahil sa
pagkaimbento ng telepono. Gayundin, malaki ang
naitulong ng Internet para maging mabilis ang pagkalap ng Malaki ang naitulong ng
pananaliksik sa pagkaimbento ng
impormasyon nang hindi lumalabas nang bahay.
telepono at pagpapabuti ng
komunikasyon.
Bigyang Interpretasyon ang Ideyang Lipas na
Sa tulong ng pananaliksik ay magkakaroon din ng
pagkakataong bigyan ng bagong interpretasyon ang isang ideyang itinuturing na lipas na.

Halimbawa:
Nagsagawa ng pananaliksik si Ramon Barba kung paano mapapabunga ang
punong mangga sa loob ng buong taon. Kinuha niya ang ideya sa
pagpapabunga ng saging sa buong taon at inilapat ito sa punong mangga. Sa
pamamagitan nito, naging mas produktibo at masigla ang kalakalan ng prutas.

Magbigay linaw sa Ideya na Pinagtatalunan


Nabibigyang linaw din ng pananaliksik ang mga ideyang pinagtatalunan o nagiging paksa ng
debate o pinagtatalunan. Madalas itong nanagyayari sa larangan ng agham panlipunan.

Halimbawa:
Pagbabalangkas ng konstitusyon. Nagkakaroon ng talakayan at masusing pag-
aaral sa mga batas na maaaring imungkahi sa pamamagitan ng paglalahad at
pagsusuri ng magaganda at hindi magagandang epekto nito.

9
Magpatunay sa Katotohanan ng Isang Ideya
Sa tulong din ng pananaliksik ay napatutunayan ang katotohanan o validity ng isang ideya.

Halimbawa:
Sa larangan ng medisina at pharmacy, dumaaan sa masusing pananaliksik ang
epekto ng isang natuklasang gamot bago ito ipagbili o ipagamit sa mga tao.
Nagsasagawa ng mga eksperimento at testing upang malaman ang magiging
epekto nito sa mga tao o kung talagang mabisa itong lunas para sa isang tukoy
na sakit o kondisyon.

Malapatan ng Historical na Pananaw ang Isang Pangyayari


Nalalapatan ng historikal na pananaw ang isang pangyayari gamit ang pananaliksik.

Halimbawa:
Ang mga historyador ay patuloy na nagsasaliksik sa mga totoong pangyayari sa
kasaysayan upang higit nating maunawaan ang kahulugan at kabuluhan nito sa
kasalukuyan. Dahil dito, nauunawaan natin kung paano nabuo ang isang bansa
at bakit ito humantong sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Gamit ng Pananaliksik sa Iba’t Ibang Larangan


Kapaki-pakinabang ang pananaliksik sa iba’t ibang larangan. Ibig sabihin, malaki ang
ambag nito sa pagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan, at teknolohiya sa larangang
sinusuri o pinag-aaralan.

Ang “Marshmallow Test” sa larangan ng sikolohiya ay ginamit para suriin ang konsepto ng
“delayed self gratification” ng mga bata. Ang reaksyon o “attitude” ng mga bata sa
pananaliksik na ito ang naging batayan ng prediksyon sa ikauunlad nila sa buhay.

Pananaliksik din ang naging paraan ng mga eksperto sa agrikultura upang makabuo ng mga
bagong uri ng binhi ng palay na may magandang kalidad, mas maraming bunga, at mas
“immune” sa iba’t ibang sakit.

Sa larangan ng negosyo, gumagawa muna ng “feasibility study” para malaman kung kikita ba o
hindi ang isang itatayong negosyo at tuklasin ang mga paraan kung paano ito lalong
makakaakit ng mga mamimili.

10
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang pananaliksik?
2. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik?
3. Sa anong larangan magagamit ang pananaliksik?

Pag-isipan Natin
Paano mo magagamit ang pananaliksik sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang i
sang mag-aaral?

Gawin Natin
Humanap ng mga halimbawa ng tatlong pananaliksik sa iba’t ibang larangan at tukuyin ang
kahalagahan o ambag ng mga ito sa lipunan. Isulat ang sagot sa talahanayan sa ibaba.

Larangan o Disiplinang
Pamagat ng Pananaliksik Kahalagahan o Ambag
Kinabibilangan

11
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa Marka
kaysa Magaling Napakahusay
ng Pagsasanay
Inaasahan

Kalidad ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng


Nilalaman isang dalawang tamang tama at angkop
pananaliksik, pananaliksik, halimbawa ng na halimbawa,
nahirapang disiplina nito, at pananaliksik at disiplina, at
tukuyin ang naibigay ang ang disiplinang natukoy ang
disiplinang ambag nito sa kinabibilangan angkop na
kinabibilangan at lipunan nito; naibigay ang ambag nito sa
ambag nito sa simpleng ambag lipunan
lipunan nito sa lipunan

Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang


Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang
lamang may hindi sinikap na kasiya-siyang napakagandang
maipasa sa guro mapaganda pa resulta, may gawain na may
itong lalo pagsisikap na masidhing
pagandahin pagsisikap na
pang lalo maging natatangi
ito

Panahon Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


ng kaniyang kaniyang kaniyang kaniyang
Paggawa sanaysay sa loob sanaysay sa loob sanaysay sa sanaysay bago pa
ng dalawang ng isang linggo itinakdang ang itinakdang
linggo matapos matapos ang petsa ng petsa ng
ang itinakdang itinakdang petsa pagpapasa pagpapasa
petsa ng ng pagpapasa
pagpapasa

KABUUAN

12
Aralin 2
Katangian ng Isang Mahusay na Mananaliksik at
Pananaliksik

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at
nasusuri ang katangian ng isang mahusay na mananaliksik at pananaliksik.

Hindi magiging matagumpay ang pananaliksik kung ang gumagawa nito ay walang sapat na
kaalaman at kasanayan. Higit sa lahat, ang mananaliksik ay dapat magtaglay ng mga katangiang
kinakailangan para maisagawa ng wasto at maayos ang pananaliksik. Alam mo ba ang mga
katangian ng isang mahusay na mananaliksik?

Sa araling ito ay sa sagutin natin ang sumusunod na tanong:


• Ano-ano ang katangian ng mahusay na pananaliksik?
• Ano-ano ang katangian ng isang mahusay na mananaliksik?
• Mayroon bang mga tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik? Ano-ano ito?

13
Subukan Natin

Isulat sa patlang ang katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na pananaliksik na


inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba.

sistematiko
kontrolado
empirikal
obhetibo
isang pagsusuri
ginagamitan ng hypothesis

1. walang kinikilingan

2. may ipinapalagay na magiging resulta

3. may sinusunod na paraan at proseso

4. batay sa mga datos at tiyak na impormasyon

5. may tukoy na limitasyon at saklaw

6. may ebalwasyon o pag-aanalisa ng nakalap na datos

14
Pag-aralan Natin
Ang tagumpay ng pananaliksik ay nasusukat sa
resulta, solusyon, o rekomendasyong
Alamin Natin
naibabahagi nito sa mga tao. Kapag nagkaroon ito
ng magandang resulta o makabuluhang epekto Tandaan at gawing gabay ang
sa buhay ng tao, masasabing isa itong mahusay kahulugan ng sumusunod na
na pananaliksik. salita:
• ebalwasyon – pagsusuri ng
isang bagay
Katangian ng Mahusay na Pananaliksik • kredibilidad –
Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain makatotohanan; may
kung saan naghahanap ng sagot sa katanungan o awtoridad o eksperto
solusyon sa isang problema. Upang matamo ito, • realistiko – makatotohanan
ang pananaliksik ay dapat magkaroon ng • sistematiko – may
sumusunod na katangian: sistemang sinusundan sa
pagsasagawa ng gawain
• Isinagawa ito nang may pagsusuri sa mga para maging organisado at
nakalap na impormasyon at datos; maayos
• Mayroon itong hypothesis at end goal o
inaasahang resulta;
• Sumunod ito sa tama at sistematikong
pamamaraan at proseso;
• Mayroon itong tukoy na saklaw at limitasyon;
• Gumagamit lamang ito ng tiyak na datos at impormasyon; at
• Wala itong kinikilangan at pandaraya sa resulta.

Kaugnay ng mga katangiang ito, mahalaga ring tandaan na ang ikatatagumpay ng pananaliksik
ay nakasalalay sa gumagawa nito—ang mananaliksik. Malaki ang kaniyang responsibilidad na
panatilihing makabuluhan at makatotohanan ang ginagawang pag-aaral upang maging kapaki-
pakinabang ang resulta nito sa mga tao.

15
Mga Katangian ng Isang Mananaliksik
Mayroong mga tungkuling dapat tandaan ang bawat mananaliksik upang matagumpay niyang
maisagawa ang kaniyang pananaliksik. Makatutulong ang mga ito upang maging katanggap-
tanggap at kapani-paniwala ang kaniyang sulating pananaliksik. Narito ang ilang mga gampanin:

• Mahalaga sa isang mananaliksik ang magkaroon ng interes sa kaniyang paksa.


Kailangang magkaroon siya ng hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip at
magtanong din sa mga eksperto.
• Kailangang puntahan niya ang lugar na mapagkukunan niya ng mga impormasyon.
Kailangan ding maging mapanuri ang isang mananaliskik sa mga teksto at materyal na
pinagkukunan niya ng impormasyon.
• Hanggang maaari, magsasagawa siya ng ebalwasyon sa mga nakalap na
impormasyon upang lubos na mapatunayan ang isinasagawang pag-aaral.
• Kailangan ay marunong siyang magsama-sama ng mga impormasyon upang
makabuo ng mga bagong kongklusyon.
• Kailangang maipakita niya ang resulta ng pananaliksik sa paraang kawili-wili, may
direksyon, at may tamang dokumentasyon ng mga pinagkunang impormasyon.

Bukod pa rito, ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga


katangian:

Katangian Kahulugan Halimbawa


Matiyaga Naglalaan ng talino, panahon, Hindi tumitigil sa paghahanap ng
at lakas para sa mabusising nararapat na ekspertong
paghahanap ng impormasyon kakapanayamin tungkol sa paksa
at datos ng pag-aaral.
Sistematiko May sinusundang proseso o May realistikong iskedyul sa
pamamaraan para hindi pangangalap ng datos o
masayang ang oras pagsasagawa ng eksperimento at
obserbasyon

16
Maingat Tinitiyak na totoo at may Sinisiguro na ang mga
kredibilidad ang pinagkukunan impormasyong kinakalap ay angkop,
ng datos may kaugnayan, at makatutulong sa
isinasagawang
pananaliksik
Analitikal Tinitingnan ang iba’t ibang Nakikita na may iba’t ibang
paksang maikakabit sa napiling dimensiyon ang isyung sinisiyasat
paksa
Kritikal Bumubuo ng mga makabuluhang Ang mga natuklasan ukol sa
kongklusyon, pati na rin angkop paksa ay naigagawa ng
at napapanahong interpretasyon upang makabuo
rekomendasyon ng isang matibay at
makabuluhang kongklusyon.
Ang mga kaugnay na suliraning
natukoy sa pagsisiyasat ay
maaaring irekomenda bilang
panibagong paksa ng isa pang
pag-aaral gamit ang panibagong
metodo o paraan.

Responsable Sumusunod sa mga panuto Nakikinig at sumasangguni sa


gurong tagapayo upang talakayin
ang mas mabisang paraan sa
pagsasagawa ng pananaliksik

17
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Saan nakasalalay ang tagumpay ng isang pananaliksik?
2. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang mahusay na mananaliksik?
3. Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik para magtagumpay sa ginagawang
pananaliksik?

Pag-isipan Natin
Sa iyong palagay, maaari ka bang maging isang mahusay na mananaliksik? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Gawin Natin
Magsaliksik ng isang mahusay na mananaliksik. Suriin ang kaniyang mga katangian at ilista ang
mga ito sa talahanayan sa ibaba. Isulat kung paano mo nasabi na tinataglay niya ang tinukoy
na katangian.

Pangalan ng Mananaliksik:

Katangian Paliwanag

18
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

[25%] [50%]
[75%] [100%]
Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka
Magaling Napakahusay
kaysa Inaasahan Pagsasanay

Nilalaman Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng


1-3 katangian ng 1-2 katangian ng 3-4 katangian ng 5-6 katangian ng
mananaliksik mananaliksik at mananaliksik at mananaliksik at
ngunit hindi naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
naipaliwanag nang maayos at nang maayos at nang maayos at
nang maayos ang malinaw ang malinaw ang malinaw ang
mga ito bawat isa bawat isa bawat isa

Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at Napakaayos at


Kalinisan at napakadumi matutong maging malinis ang napakalinis ng
ng output; maayos at malinis output; may ilang ipinasang output;
napakaraming sa paggawa; nakitang bura, walang nakitang
nakitang bura, maraming dumi, o bura, dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa
ilang panahon ilang panahon itinakdang ang itinakdang
matapos ang matapos ang panahon ng panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

19
Aralin 3
Etika sa Pananaliksik

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang
etika sa pananaliksik.

Tinalakay natin sa nakaraang aralin ang mga katangian, tungkulin, at responsibilidad ng isang
mahusay na mananaliksik. Mahalaga ang mga ito para maging matagumpay ang isang
pananaliksik.

Bukod sa mga katangian, tungkulin, at responsibilidad ng isang mananaliksik, mahalaga ring


malaman at maunawaan ang etika ng pananaliksik. Ito ang magsisilbing gabay para sa wasto at
maayos na maisagawa ang isang pananaliksik. Alamin natin sa araling ito ang etika sa
pananaliksik.

20
Subukan Natin
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag tungkol sa etika sa
pananaliksik.

1. Ang etika sa pananaliksik ay gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-


aaral o pagsusuri ng mga datos at impormasyong nakalap sa
pananaliksik.

2. Ang plagiarism ay tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na


hindi ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang
pinaghanguan.

3. Ang plagiarism ay hindi masyadong pinapansin at pinarurusahan.

4. Maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng isang sulatin at ilagay sa


sariling pananaliksik.

5. Dapat iwasan ang mga personal na obserbasyon o opinyon.

6. Maaaring magmadali o mag-short-cut sa pagsasagawa ng


pananaliksik.

7. Ang etika sa pananaliksik ay naglalaman ng mga panuntunan na


siyang gumagabay sa mananaliksik sa wastong pagsasagawa ng
pananaliksik.

8. Dapat dayain ang resulta ng pananaliksik kung hindi ito naaayon sa


iyong hypothesis.

9. Humingi ng permiso sa orihinal na may-akda kung gagamitin ang


kaniyang datos o isinulat na pananaliksik.

10. Tiyakin na mananatiling “anonymous” ang mga lalahok sa


pananaliksik at “confidential” ang impormasyon tungkol sa kanila.

21
Pag-aralan Natin
Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik.
Dapat siyang maging maingat sa bawat hakbang ng
Alamin Natin
pananaliksik at may etika na dapat isaalang-alang.
Ang etika sa pananaliksik ay gabay sa tamang Tandaan at gawing gabay ang
pagsasagawa ng pag-aaral o pagsusuri ng mga datos kahulugan ng sumusunod na
at impormasyong nakalap sa pananaliksik. salita:
• kalipunan – koleksiyon;
Ayon kay Richard William Paul at Linda Elder, ang pangkat o grupo
etika ay kalipunan o set ng mga konsepto at • obhetibo – walang
prinsipyo na dapat maging gabay sa tamang asal kinikilingan; pantay; hindi
patungkol sa isang gawain. Kung gayon, ang etika sa tinitingnan ang sariling
pananaliksik ay naglalaman ng mga panuntunan na oberbasyon o opinyon
siyang gumagabay sa mananaliksik sa wastong • questionnaire – papel na
pagsasagawa ng pananaliksik. naglalaman ng mga tanong
na maaring sagutin ng "oo" o
Ayon kina Dr. Pamela Constantino at Dr. Galileo "hindi" o maaari ding
Zafra, ang isang mananaliksik ay dapat na: maiikling pangungusap

• kumikilala sa mga pinagkunan ng ideya;


• hindi kumukuha ng datos nang walang pahintulot o permiso;
• hindi subhetibo sa paggawa ng obserbasyon;
• hindi nagmamadali o gumagawa ng short-cut; at hindi nandaraya.

Etika ng Pananaliksik
Kinikilala ng mananaliksik ang pinagkunan niya ng mga ideya kapag ipinapaalam niya sa
mambabasa kung kanino nanggaling ang impormasyong kaniyang ginamit, sa pamamagitan
ng pagtatala ng mga ito sa kaniyang sanggunian.

Hindi niya pinipilit ang mga tao na makilahok sa kaniyang pananaliksik. Ibig sabihin, may
permiso at kusang loob na nagbigay ng panayam, nagsagot ng questionnaire o survey ang mga
taong bahagi ng pag-aaral.

22
Dapat ding manatiling obhetibo ang mananaliksik sa kaniyang pagsasagawa ng obserbasyon
at pagsusuri ng datos. Kailangan niyang paalalahanan ang kaniyang sarili na dapat nakatuon
lamang ang kaniyang atensiyon sa paksa at hindi sa kaniyang personal na pananaw sa suliranin
o paksang tinatalakay.

Dahil siya ay sistematiko, isinasagawa niya ang bawat hakbang sa pananaliksik sa itinakdang
panahon. Gayundin, inaalam niya ang dalawang panig upang maging patas sa pagtitimbang at
pagsusuri ng datos.

Hindi rin gawain ng isang mananaliksik ang mandaya ng resulta ng kaniyang ginawang pag-
aaral. Kahit pa ang naging resulta ng kaniyang pinaghirapan ay hindi angkop o tugma sa
inilahad na hypothesis o inaasahang resulta, kailangan niya itong ilahad o iulat.

Kilalanin ang ginamit na


mga ideya

Huwag kumuha ng datos


nang walang permiso
panuntunan at gabay sa
pananaliksik

Etika sa Iwasan ang personal na


Pananaliksik obserbasyon

Huwag mag-short-cut

Huwag dayain ang resulta

23
Bukod pa sa plagiarism, ilan pa sa mga itinuturing na etika ng pananaliksik ang:
• Paggalang sa correspondent o mga kalahok sa pananaliksik;
• Pagiging tapat at paglilinaw sa layunin ng pananaliksik;
• Hindi pagpilit sa mga taong lumahok sa pananaliksik (voluntary participation)
• Pagtiyak na hindi mapapahamak ang mga lalahok sa pananaliksik
• Pagtiyak na mananatiling “anonymous” ang mga lalahok sa pananaliksik at
“confidential” ang impormasyon tungkol sa kanila
• Walang layuning lituhin, lokohin, o iligaw ang mga lalahok sa pananaliksik
• Pagiging tapat sa pag-aanalisa ng datos at pag-uulat sa tunay na kinalabasan nito

Ang Plagiarism
Pangunahing gabay sa pananaliksik ang pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o
kaalamang ginamit sa pag-aaral. Ibig sabihin, hindi pinahihintulutan ang plagiarism sa
pananaliksik.

Ang plagiarism ay pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang
pagkilala rito. Kung gayon, pinalalabas na ang inalahad o tinalakay na ideya ay orihinal at
nanggaling sa mananaliksik.

May iba't ibang anyo ang plagiarism: Panghihiram


• Maaaring hiniram ang isang ideya at ng ideya

pinalitan lamang ang paraan ng


paglalahad o pagpapahayag nito; Paggaya sa Tuwirang
pamagat pag-angkin
• Maaring direktang kinopya at inari
ang ideya;
• Maaaring isinalin ang mga Plagiarism
terminong ginamit sa orihinal na
teksto; Pagkopya at
pag-iba lamang Pagsasalin ng
• Maaarin kinopya ang disenyo, ng ayos ng termino
banghay, at himig at ganap na pangungusap

inangkin ang mga datos na Pangongopya


ng disenyo,
nakalap; o banghay, at
• Maaaring inangkin o ginaya ang himig

pamagat ng isa pang teksto.

24
Upang hindi maakit ang mananaliksik na magsagawa ng plagiarism at tuluyan itong
iwasan, may itinakdang kaparusahan para dito:
• bigyan ng bagsak na grado,
• patalsikin sa paaralan,
• pagtatanggal sa iyong digri kahit pa nakapagtapos ka na ng masteral at doktoradong digri
na maraming taon na ang nakalilipas, at
• sentensiyahan ng multa at pagkakabilanggo.

Upang maiwasang mangyari ang mga ito, dapat tandaan na:


• Humingi ng permiso sa orihinal na may-akda kung gagamitin ang kaniyang datos o
isinulat na pananaliksik.
• Isulat ang pangalan at mga kaugnay na impormasyon tungkol sa orihinal na may- akda
at libro o dokumentong pinagkunan nito sa sanggunian.

Pag-iwas sa
Plagiarism

pagiging tapat sa
Pagglang sa
pagsusuri ng
correspondents
datos

Walang
Etika ng Paglilinaw ng
panloloko,
layunin sa
panglilito, o pananaliksik correspondents
pangliligaw

Pagpapanatili sa
anonimity at Voluntary
confidentiality ng participation
correspondents
Pagtiyak sa
kaligtasan ng
correspondents

25
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang etika sa pananaliksik?
2. Ano ang plagiarism?
3. Ano-ano ang bumubuo sa etika sa pananaliksik ayon kina Constantino at Zafra?

Pag-isipan Natin
Sa iyong palagay, bakit mahalagang magkaroon ng etika sa pananaliksik?

Gawin Natin
Magsaliksik ng isang kaso ng plagiarism sa pananaliksik na nahuli at naparusahan. Alamin kung
paano nasabing nagsagawa ng plagiarism ang mananaliksik at ano ang parusang ipinataw sa
kaniya. Sumulat ng maikling ulat tungkol sa mga natuklasan at ipasa ito sa guro sa takdang
araw.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa ng Marka
kaysa Magaling Napakahusay
Pagsasanay
Inaasahan
Nilalaman Halatang hindi Hindi masyadong Maayos at Napakahusay na
naunawaan ang tiyak ang mga malinaw na inilahad ang ulat
gawain; isa etikang hindi inilahad ang ulat at natukoy ang
lamang ang sinunod ng at natukoy mga etika na
natukoy na pananaliksik; ang mga etikang hindi nasunod ng
etikang hindi natukoy rin ang hindi sinunod ng mananaliksik at
sinunod, at kaso ng plagiarism pananaliksik; naipaliwanag
hindi ngunit natukoy rin ang nang maayos
ipinaliwanag pagsasagawa ng kung bakit ito

26
ang mga kaso hindi ito plagiarism ngunit nagsagawa ng
ng plagiarism na ipinaliwanag hindi ganap na plagiarism
isinagawa ng naipaliwanag ang
pananaliksik tungkol dito

Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at Napakaayos at


Kalinisan at napakadumi matutong maging malinis ang napakalinis ng
ng output; maayos at malinis output; may ilang ipinasang output;
napakaraming sa paggawa; nakitang bura, walang nakitang
nakitang bura, maraming dumi, o bura, dumi, o
dumi, o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali
pagkakamali dumi, o
pagkakamali

Kasanayan at Matatamo ang Kung May sapat na May


Kahusayan kasanayan at magsasanay, kasanayan at katangi-tanging
kahusayan sa may potensiyal kahusayan sa kasanayan at likas
pagsulat kung na maging pagsulat na kahusayan sa
magiging bihasa at pagsulat
seryoso mahusay sa
pagsulat

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa output sa loob output sa loob ng output sa output bago pa
ng ilang ilang panahon itinakdang ang itinakdang
panahon matapos ang panahon ng panahon ng
matapos ang itinakdang pagpapasa pagpapasa
itinakdang pasahan
pasahan dahil
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

27
Aralin 4
Batayang Proseso ng Pananaliksik: Mga Bahagi

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at


naipaliliwanag ang mga bahagi at proseso ng isang pananaliksik.

Pagkatapos nating talakayin ang mga batayang kaalamaan sa pagsasagawa ng pananaliksik


gaya ng mga mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik at mga etika sa
pananaliksik, maaari mo nang matutuhan ang mga proseso sa pagsasagawa ng isang
pananaliksik. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang sagot sa mga tanong na:

• Ano ang mga hakbang sa pananaliksik?


• Ano ang mga bahagi ng isang pananaliksik?

28
Subukan Natin

Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa proseso ng pananaliksik sa


ibaba. Isulat ang tamang bilang sa patlang.

mga datos

burador

konseptong papel

konseptuwal na balangkas

pinal na burador

metodo ng pananaliksik

layunin ng paksa

bibliograpi

dokumentasyon

29
Pag-aralan Natin

Matatandaan mula sa mga nakaraang aralin na ang


Alamin Natin
husay ng isang pananaliksik ay batay sa prosesong
pinagdadaanan nito. Hindi ito dapat minamadali o Tandaan at gawing gabay ang
may short-cut. Kung gayon, mahalagang kahulugan ng sumusunod na
matutuhan at maunawaan ng isang nagsisimulang salita:
mananaliksik na tulad mo ang bawat hakbang sa • komprehensibo – kumpleto
pagsasagawa ng pananaliksik. sa detalye at paliwanag
• repository – lugar kung saan
Ang batayang proseso ng pananaliksik ay iniimbak ang mga datos,
binubuo ng: impormasyon, o babasahin
• tagapayo – guro na
• Pagbuo ng konseptuwal na balangkas, gumagabay sa mag-aaral o
• Pagtukoy sa metodo ng pananaliksik, taong nagsasagawa ng
• Pagtukoy sa layunin ng paksa, pananaliksik; karaniwang
• Pangangalap ng datos, nagbibigay ng komento o
• Pagbuo ng konseptong papel, suhestiyon
• Paggamit ng iba't ibang sistema ng
dokumentasyon,
• Pagbuo ng bibliograpi,
• Pagsulat ng burador, at
• Pagsulat ng pinal na burador.

Pagbuo ng Konseptuwal na Balangkas


Ang pananaliksik ay gaya ng kahit na anong estruktura na nangangailangan ng matibay na
pundasyon. Ang pundasyon ng pananaliksik ang gagabay sa kung paano tatakbo ang buong
pag-aaral. Ito ay ang konseptuwal na balangkas. Ang konsepto ay ideyang binuo mula sa mga
pinagtagni-tagning naobserbahang katangian. Ang konseptuwal na balangkas naman ay ang
pangkalahatang paglalarawan na nagpapakita ng mga ugnayan ng mga konseptong aaralin.

30
Pagtukoy sa Metodo ng Pananaliksik
Ang metodo ng pananaliksik ay pamamaraang angkop gamitin para sa paksa at layon ng
pananaliksik. Mayroong mga pangunahing metodo na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng
pananaliksik, ito ay ang sumusunod:

Deskriptibo (Descriptive)
Ito ay tinatawag ding palarawang paraan ng pananaliksik. Nagsasagawa ito ng mga pagtatala,
paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri, at paghahambing. Madalas itong gumagamit ng
mga talahanayan upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang mga datos ng
pag-aaral.

Eksperimental (Experimental)
Ang eksprimental na pamamaraan ng pananaliksik ay itinuturing na pinakasopistikadong paraan
ng pag-aaral upang subukin ang mga palagay o hypothesis. Ang tuon ng metodong ito ay
pagtuklas dahil pinag-aaralan ang mga sanhi at bunga ng mga baryabol (variable).

Historikal (Historical)
Ang metodong ito ay nakatuon sa mga nakaraang datos tungkol sa tao, kalagayan,
pangyayari, at iba pang iniuugnay sa kasalukuyan o maging sa hinaharap. Ang mga kamaliang
naganap sa nakaraan ay naglalayong maipakita ang mga paraan para maitama ang kasalukuyan
hanggang sa hinaharap.

Pagtukoy sa Layunin ng Paksa


Ang layunin ng paksa ay mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga
tanong tungkol sa paksa. Ito ang magsisilbing gabay ng manunulat kung paano niya
gagawing mas komprehensibo ang kaniyang isusulat na pag-aaral.

Mayroong dalawang bahagi ang layunin: pangkalahatan at tiyak. Ang pangkalahatang


layunin ay sumusukat sa kabuuang larawang nais gawin ng manunulat.
Ang tiyak na mga layunin, ay ang mga tiyak na hakbang na kailangang isagawa upang humantong
sa pagsagot sa pangkalahatang layunin.

31
Pangangalap ng Datos
Ang pangangalap ng datos ay ang paghahanap at pag-iipon ng impormasyon, datos, pag-
aaral, at dokumentong may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ito ay makatutulong
upang higit na mapalutang ang kahulugan at kabuluhan ng ginagawang pag- aaral. Kabilang sa
mga maaaring puntahan para mangalap ng datos ay ang sumusunod:
• mga aklatan,
• Internet at mga online library at repository, at
• pakikipanayaman sa mga eksperto at mananaliksik.

Pagbuo ng Konseptong Papel


Ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipang tumatalakay sa
ibig tuklasin, linawin, o tukuyin. Nagsisilbi itong mungkahi ng mga mananaliksik tungkol sa
papaksain ng kaniyang pananaliksik. Karaniwan itong inihaharap ng mananaliksik sa kaniyang
guro o tagapayo upang matulungan siyang magkaroon nang mas malinaw na direksyon sa
pagsulat ng kaniyang papel pananaliksik.

Paggamit ng Iba’t Ibang Sistema ng Dokumentasyon


Ang paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon ay mahalaga bilang pagkilala sa
pinagkunan ng impormasyon at datos. Nakatutulong din ito na mahanap ang isang partikular
na sanggunian at maiwasan ang plahiyo o plagiarism. Karaniwang binubuo ito ng pangalan ng
awtor, petsa, lugar ng publikasyon, pamagat, at iba pa.

Pagbuo ng Bibliograpi
Ang bibliograpi o talasanggunian ay listahan ng mga ginamit na sanggunian. Mababasa rito
ang pangalan ng/ng mga may-akda, pamagat ng aklat o anumang ginamit na reperensya,
publikasyon, at lugar at petsa ng pagkakalimbag. Ito ay makikita sa bandang hulihan ng aklat o
ng anumang proyektong isinulat gaya ng pananaliksik. Nakaayos ito nang paalpabeto upang
madaling hanapin ang sangguniang ginamit.

Halimbawa:
Vassal, Titus. Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at Bukas. Pilipinas: Pag-asa, 2004.

Pagsulat ng Burador
Ang burador o draft ay ang paunang pagsulat ng teksto sa isinasagawang pananaliksik. Ito ay
isinasagawa kapag kompleto na ang mga datos na kakailanganin ng mananaliksik.

32
Pagsulat ng Pinal na Burador
Ang pinal na burador o final draft ay ang huling pagsulat ng burador ng pananaliksik. Sa
bahaging ito ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong isinagawa ng
tagapayo sa mga naunang burador na ipinasa.

Tandaan na ang batayang proseso ng pananaliksik ay gabay para maging maayos at


madali sa mananaliksik na isagawa ang kaniyang pag-aaral.

Bawat hakbang sa prosesong ito ay mahalaga at makabuluhan para sa ikatatagumpay ng


pananaliksik.

Lagi ring isaisip na sa mga hakbang na ito, makatutulong ang regular na pagsangguni sa iyong
gurong tagapayo. Siya ang patuloy na magpapaalala sa iyo kung anong direksyon ang dapat
mong tahakin sa pagsasaliksik. Ang pagiging bukas sa kaniyang mga puna at payo ang susi sa
pagkakaroon ninyo ng magandang ugnayan at pagtutulungan.

33
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang batayang proseso ng pananaliksik?
2. Ano-anong metodo ang maaaring gawin sa isang pananaliksik?
3. Ano ang pagkakaiba ng burador sa pinal na burador?

Pag-isipan Natin
Sa iyong palagay, bakit mahalagang matapat na sundan ang bawat hakbang sa proseso ng
pananaliksik?

Gawin Natin
Gumawa ng isang flow chart na nagpapakita sa proseso ng pananaliksik. Ilagay ito sa isang
malinis na papel. Isulat din kung ano ang kahalagahan ng bawat proseso sa pagbuo ng isang
mahusay na pananaliksik.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa ng Marka
kaysa Magaling Napakahusay
Pagsasanay
Inaasahan
Nilalaman Halatang hindi Nailahad ang Nailahad ang Napakahusay na
naunawaan ang proseso ng proseso ng inilahad ang
batayang pananaliksik pananaliksik proseso ng
proseso sa ngunit gumamit ngunit hindi pananaliksik at
pananaliksik at ng hindi angkop malinaw na malinaw na
hindi makabuo na grapikong naipaliwanag ang naipaliwanag ang
ng angkop na pantulong kahalagahan ng kahalagahan ng
grapikong bawat isa bawat isa

34
pantulong para
ipakita ito

Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at Napakaayos at


Kalinisan at napakadumi matutong malinis ang napakalinis ng
ng output; maging maayos output; may ilang ipinasang output;
napakaraming at malinis sa nakitang bura, walang nakitang
nakitang bura, paggawa; dumi, o bura, dumi, o
dumi, o maraming pagkakamali pagkakamali
pagkakamali nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali

Kasanayan at Matatamo ang Kung May sapat na May


Kahusayan kasanayan at magsasanay, may kasanayan at katangi-tanging
kahusayan sa potensiyal na kahusayan sa kasanayan at likas
paggawa ng mga maging bihasa at paggawa ng mga na kahusayan sa
grapikong mahusay sa grapikong paggawa ng mga
pantulong kung paggawa ng mga pantulong grapikong
magiging grapikong pantulong
seryoso pantulong

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa output sa loob output sa loob ng output sa output bago pa
ng ilang ilang panahon itinakdang ang itinakdang
panahon matapos ang panahon ng panahon ng
matapos ang itinakdang pagpapasa pagpapasa
itinakdang pasahan
pasahan dahil
ipinaalala ng
guro

KABUUAN

35
Pagyamanin Natin

Bumuo ng pangkat na may 3-4 na kasapi. Pumili ng isang paksa para sa isang pananaliksik. Mula
sa paksang ito ay sundan ang batayang proseso ng pananaliksik para makabuo ng isang
sulatin. Tandaan na hindi dapat mag-short cut sa pagsasagawa nito. Ipasa ang burador ng
pananaliksik sa araw na itatakda ng guro.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:


[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa Marka
kaysa Magaling Napakahusay
ng Pagsasanay
Inaasahan
Kalidad ng Kulang at hindi Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagawa ng
Nilalaman buo ang isang isang maayos na isang maayos at
isinagawang pananaliksik; may pananaliksik; malinaw na
pananaliksik; mga proseso o kumpleto ang panimulang
maraming bahagi bahaging mga pananaliksik;
o proseso ang nakalimutan at proseso/bahagi kumpleto ang
hindi inilagay at hindi nailahad ng ngunit hindi mga hakbang at
mali ang inilahad maayos ang masyadong bahagi at
na nilalaman ng nilalaman ng naipaliwanag at nailagay ang
ilan sa mga ito mga ito nailahad ang wasto at angkop
angkop na na laman ng
nilalaman ng bawat isa
bawat isa
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang
lamang hindi kasiya-siyang napakagandang
may maipasa sa sinikap na resulta, may gawain na may
guro mapaganda pa pagsisikap na masidhing
itong lalo pagandahin pagsisikap na
pang lalo maging
natatangi ito

36
Kasanayan/ Hindi naipapakita Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng
Husay ang pagnanais pagnanais na husay sa husay at
na mapaghusay mapaghusay ang paggawa; galing sa
ang isinumiteng kaniyang kailangan pa ng paggawa; may
gawain paggawa kaunting sapat na
pagsasanay kaalaman o
pagsasanay

Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng


Paggawa kanilang kanilang kanilang kanilang
pananaliksik sa pananaliksik sa pananaliksik sa pananaliksik
loob ng loob ng isang itinakdang petsa bago pa ang
dalawang linggo linggo matapos ng pagpapasa itinakdang
matapos ang ang itinakdang petsa ng
itinakdang petsa petsa ng pagpapasa
ng pagpapasa pagpapasa

KABUUAN

37
Paglalagom

Kahulugan

Batayang Konsepto
ng Pananaliksik
Katuturan at Kahalagahan

Mahusay na Pananaliksik
Katangian ng Isang
Mahusay na
Batayang Pananaliksik
Kaalaman sa Mahusay na Mananaliksik

Pananaliksik

Etika sa Pananaliksik Plagiarism

Batayang Proseso ng
Pananaliksik

38
DAPAT TANDAAN
• Ang pananaliksik ay isang kasanayan sa pagsisiyasat ng isang natukoy
na paksa o suliranin at pagtukoy sa isang mabisang solusyon para dito.
• Mula sa pananaliksik ay napapalawak ang ating kaalaman at
napapalalim ang aitng pag-unawa sa mga bagay at pangyayari sa
ating paligid.
• Kailangan isaalang-alang ang mga katangian ng isang mahusay na
pananaliksik at mahusay na mananaliksik.
• Ang mananaliksik ay dapat na matiyaga, sistematiko, maingat,
analitikal, kritikal, matapat, at responsable.
• Ang etika ng pananaliksik ay nagsisilbing gabay para maisagawa
nang maayos at wasto ang pananaliksik.
• ang etika sa pananaliksik ay susi sa pagsasagawa ng isang mahusay na
pananaliksik. Kailangan itong isaisip ng mananaliksik upang hindi siya
magkamali o maligaw sa kaniyang ginagawang pag-aaral.
• Mahalagang malaman at maunawaan ang bawak hakbang sa proseso ng
pananaliksik.
o Ang batayang proseso ng pananaliksik ay binubuo ng:
o Pagbuo ng konseptuwal na balangkas,
o Pagtukoy sa metodo ng pananaliksik,
o Pagtukoy sa layunin ng paksa,
o Pangangalap ng datos,
o Pagbuo ng konseptong papel,
o Paggamit ng iba't ibang sistema ng dokumentasyon,
o Pagbuo ng bibliograpi,
o Pagsulat ng burador, at
o Pagsulat ng pinal na burador.

39
Gabay sa Pagwawasto

Aralin 1: Batayang Konsepto ng Pananaliksik

Subukan Natin
1. Tama 6. Tama
2. Tama 7. Tama
3. Mali 8. Mali
4. Mali 9. Tama
5. Mali 10. Tama

Aralin 2: Katangian ng Isang Mahusay na Mananaliksik at Pananaliksik

Subukan Natin
1. obhetibo
2. ginagamitan ng hypothesis
3. sistematiko
4. empirikal
5. kontrolado
6. isang pagsusuri

Aralin 3: Etika sa Pananaliksik

Subukan Natin
1. Tama 6. Mali
2. Tama 7. Tama
3. Mali 8. Mali
4. Mali 9. Tama
5. Tama 10. Tama

40
Aralin 4: Batayang Proseso ng Pananaliksik: Mga Bahagi

Subukan Natin
4 mga datos
8 burador
5 konspetong papel
1 konseptuwal na balangkas
9 pinal na burador
2 metodo ng pananaliksik
3 layunin ng paksa
7 bibliograpi
6 dokumentasyon

Pinagkunan ng mga Larawan


Ang Old black phone Free Vector ni macrovector ay mula sa Freepik.

Sanggunian

Best, J. & Kahn, J. Research in Education. Singapore: Prentice Hall, 1998.


Constantino, Pamela C., at Galileo S. Zafra. Kasanayan sa Komunikasyon II. Lungsod Quezon: UP
Open University, 1997.
Evasco, Eugene Y., Atoy M Navarro, Will P. Ortiz, at Mary Jane R. Tatel. Saliksik. Lungsod Quezon:
C&E Publishing, Inc., 2011.

41
Nuncio, Elizabeth M., Rhoderick V. Nuncio, Jean Marie F. Gragasin, Regelio F. Valenzuela, at Vilma
A. Malabuyoc. Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon: Batayang Aklat sa
Pagbasa, Pagsulat, at Pananaliksik sa Antas Pangkolehiyo. Lungsod Quezon: C&E
Publishing Inc., 2013.
Tumangan, Alcomtiser P., et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2).
Makati City: Grandwater Publications. 2006.
Ventura, Eloisa P. On your own: Doing research without plagiarizing. Lungsod Quezon:
University of the Philippines Office of the Vice Chancellor for Research and
Development, 1999.

42

You might also like