Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

BAHAY NA BATO: TIGAS MO BRO!

Saliksik Script
Notes
May 1, 2024
Iniyakan ni: Nenae Cruz

Ang project na ito ay isang ala-ala kung saan iniwan ako ng aking mga kagrupo at
ginawa ko mag-isa. Salamat M. Cabañero sa pagrereply sa akin sa gc at sa pag-edit ng
vlogyu. Inupload ko ito para 1. makadownload ako sa scribd at 2. para makahanap kayo
ng keme pag BNB ung topic nyo.

Ang batanes ay mga isla nakikita sa hilagang silangang bahagi ng pilipinas. Ito ang
lugar na madalas unang dinadayo ng bagyo, malakas na hangin, at ibang natural na
panganib. Karagdagang malayo sila sa ibang bahagi ng Pilipinas, makikita natin ang
epekto nito sa kanilang kultura at pamumuhay.

Nagsimula sa mga A-frame structure ang mga bahay sa batanes. Natutunan nila ang
paghalo ng putik, tubig, at cogon na tinatawag nilang hurahed. Inaapakan nila ito upang
haluin at ginamit sa paggawa ng mga pader.

Sa pagpunta ng mga Espanyol sa batanes, nang makita nila ang sitwasyon ng panahon
sa batanes ay itinuro nila sa atin ang konsepto at paggawa ng bahay na bato. Ang
pinagkaiba nito sa ibang bahay na bato ay gawa ito sa lime corals na nakikita sa
baybayin.

Naiinitan ka ba? Suspended nanaman ang pasok dahil sa init ng panahon na dala ng
climate change at global warming. Ang summer season noon, everyday season na sa
panahon ngayon. Maliban sa katatagan ng mga Ivatan house sa mabagyong panahon,
nagsisilbi itong maagang halimbawa ng green technology. Dahil gawa sa lime ang mga
bahay na ‘to, nagiging natural insulator siya. Bale tina-trap niya yung init ‘pag taglamig,
tapos nag-aakit naman ng hangin ‘pag tag-init. Angas ‘di ba?
Ayon sa aming nakapanayam, dalawa’t kalahating taon ang lumilipas bago makagawa
ng isang ivatan house.
Sa kasalukuyan, kakaunti na lamang ang tradisyunal na paggawa ng mga Ivatan house
dahil inirestrict na ng DENR ang pagharvest ng mga corals.

Alam niyo ba, may proseso ng pagpapanatili ang mga Ivatan house? Natutuyo ang lime
solusyon nito kaya kailangan itong pinturahan muli, kundi — mababakbak daw ito. Ang
cogon roof naman ay kinakailangang i-check kada taon kung may nabubulok na rito.
Ang mga rafters rin o mga kahoy na poste sa loob ay sinusuri para sa mga anay. Sabi
nila, may tamang panahon daw sa pagputol ng mga puno para hindi ito pinepeste ng
mga anay.

Matuto tayo sa ating kapwang ivatan na kaysa labanan ang kanilang kapaligiran,
pinakisamahan nila ito. Ito ang tunay na halimbawa ng resiliency na sinasabing
katangian ng mga Pilipino. Ang ating mga ninuno ay nakaisip ng paraan upang
mamuhay ng masagana sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap nila. Ito ang
ebindensya ng umiiral na komunidad at sistema noon. Isang tatak ng buhay na kultura

Sa pag-usad ng panahon, mayroong mga pagbabagong nangyari sa mga Bahay na


bato sa batanes. Syempre, nilagyan na ito ng mga electrical wiring para sa mga
appliances, may aircon na, ay ang iba’y pinipinturahan na rin ng mga kulay.

Direktang lumalago ang turismo sa Batanes dahil sa mga Bahay na Bato. Maliban sa
turismo, marami pa ring gamit ang mga Ivatan House ngayon. Ginagamit pa rin itong
tirahan ng mga mamamaan, at iba sa kanila ay nirepurpose upang gawing mga
government offices atbp insitusyon.

Nakakalungkot lang, kahit kilalang kilala ang mga bahay na bato at naging isang tourist
attraction, walang konkretong programa na nakatutulong sa pangangalaga ng mga
bahay na ito
Sa kaibuturan nito’y may isang lugar sa tuktok nitong pitong libong pulo ng bansa –
isang kaharian na lulan ay katatagan, tapang, at tikas. Sa tanghalang ito’y bahay na
bato ang bida. Ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi napagtutuunan ng pansin ng
gobyerno, napag-iiwanan, at nawawaglit na sa isipan.

Umiiyak ang ating kultura, nananawagan sa atin ang ating kasaysayan, na kumilos
upang hindi sila mabaon sa paglipas ng walang pigil na oras. Bawat bato, bawat apak,
bawat tanim ay may iniiwang ambag sa kwento nating mga Pilipino.

At dito nagtatapos ang volgyumentaryo ng bahay na bato, na tulad ng Pilipino, matatag


na tumatayo at hindi magigiba sa kahit anong bagyo. Kapatid kong Pilipino — ang tigas
mo, bro

Bonus:
Ang mga ivatan , kasama ng mga itbayat , ay pangkat etnikong naninirahan sa mga
isla ng babuyan at batanes.Dahil puro isla ang mga lugar na ito, sa baybayin sila
nakatira kung saan agrikultura at pangingisda ang kanilang pangkabuhayan.

Dahil sa mabagsik na panahon sa mga lugar na ito, mga root crops tulad ng Wakay
(sweet potato) at Dukay (yam) ang kanilang itinatanim.
Syempre, mayroon silang sariling mga oral na tradisyon tulad ng mga alamat (kabbata),
at mga katutubong awit (lagi at kalusan).

References
Historic Houses Wiki. (n.d.). Bahay na Bato | Historic Houses Wiki | Fandom. Historic
Houses Wiki. Retrieved May 4, 2024, from
https://historic-houses.fandom.com/wiki/Bahay_na_Bato#Batanes)
Ignacio, J. F. (n.d.). HERITAGE ARCHITECTURE OF BATANES ISLANDS IN THE
PHILIPPINES: A SURVEY OF DIFFERENT HOUSE TYPES AND THEIR
EVOLUTION By: Archt. J. Housing Development & Management – HDM.
Retrieved May 4, 2024, from
https://www.hdm.lth.se/fileadmin/hdm/alumni/papers/cmhb2004/cmhb2004-01.pd
f
University of Cagayan Valley. (2021). Bahay na Bato - Bahay na Bato  The Historic
Houses of Batanes is vernacular architecture of lime,. Studocu. Retrieved May 4,
2024, from
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-cagayan-valley/art-appreciati
on/bahay-na-bato/47405760

Acknowledgements:

Genes Galarion : Batanes Native

You might also like