EsP4 Q1 LC2 Wk2 Coranes-Edited Version

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Kagamitan sa Pagbasa para sa Mag-aaral


sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 4
(Matatag Curriculum)

Unang Markahan-Linggo 2
“Ang Nawawalang Lapis at Ang Kabutihan ni Jazzer”
Maikling Kuwento sa Edukasyon sa Pagpapahalaga

Nilalaman: Mga Sariling Gawi ng Mabuting Pakikitungo sa mga


Kasapi ng Pamilya
Pamantayang
Pangnilalaman: Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa mga sariling
gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya.
Kasanayang
Pampagkatuto: Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng
angkop na paglalahad ng tunay na saloobin sa mga
kasapi ng pamilya
a. Nakakikilala ng mga sariling gawi ng mabuting
pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya
b. Napangangatuwiranan na ang mga sariling gawi ng
mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya ay
tungkulin at pananagutan ng bawat isa tungo sa masaya
at matatag na samahan
c. Naisasakilos ang mga sariling gawi ng mabuting
pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na nagpapanatili
ng masaya at matatag na Samahan
Pamantaya sa
Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling gawi ng
mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na
nagpapanatili ng masaya at matatag na samahan bilang
tanda ng pagiging matapat.
Lilinanging
Pagpapahalaga: Matapat (Honest)
Ang Nawawalang Lapis at ang

Kabutihan ni Jazzer
Isinulat ni: Rosemarie C. Coranes

Sa ikaapat na baitang sa Mababang Paaralan ng Kalilid,

may isang batang nagngangalang Jazzer. Siya ay tahimik at

gusto niya palaging mapag-isa ngunit siya ay matulungin, may

mabuting puso, at higit sa lahat isang batang matapat.

Isang umaga, habang tumutulong siya sa paglilinis ng silid-

aralan, nakakita siya ng isang lapis na nakalagay sa sulok ng

silid. Agad niya itong kinuha at nakita ang nakaukit na

pangalang “Mitch” na palayaw ng kanyang kaibiganng nasa ika-

anim na baitang.

1
Hinanap niya si Mitch dahil alam niyang mahalaga ito sa

kanya at gagamitin nila sa Arts time. Pinuntahan niya ang silid-

aralan ngunit wala ito roon. Kaya nagpasya siyang pumunta sa

guro ni Mitch.

Sinabi ng guro ni Mitch na siya ay nagwawalis sa likod ng

silid-aralan. Dali-dali niyang pinuntahan ito. Pagdating niya,

nakita niya na abalang-abala siya sa pagwawalis na may pag-

alala sa mukha.

“Magandang araw, Mitch,” bati nito. “Nakita ko ang lapis mo

habang naglilinis ako sa aming silid-aralan. Siguro ay nahulog

ito noong ikaw ay pumunta sa klase naming. Agad akong

pumunta sa iyo dahil nakaukit ang pangalan mo rito.”

2
Napangiti si Mitch nang maluwag at sinabi nito, “Oo, akin

nga itong lapis na ito! Maraming salamat Jazzer. Matagal ko na

itong hinahanap dahil bigay ito sa aking tiyahin galing abroad.

Napakahalaga nito sa akin dahil siya mismo ang nagpaukit nito

para sa akin,” paliwanag niya.

3
Tuwang-tuwa si Mitch at nais niyang bigyan ng baon si

Jazzer bilang pasasalamat. Ngunit tinanggihan ito ni Jazzer.

“Hindi koi to ginawa para mabigyan ako ng pabuya, Mitch.

Ginawa koi to dahil alam kong tama ito at gusto kong tumulong.”

Namangha si Mitch sa katapatang ginawa ni Jazzer. Masaya

niya itong ikinuwento sa kanyang guro, kaklase, at mga

magulang.

4
Mula noon, kahit graduate na ng elementarya si Mitch, at

nag-aaral na sa ibang paaralan, hindi niya malilimutan ang

kabutihan ni Jazzer. Alam niyang kahit anuman ang kanyang

makikitang nawawalang gamit, pera man o hindi, ipagtatapat

niya iyon sa tamang taong mapagsabihan para maibalik sa may-

ari.

5
Aral:

 Ang pagiging matapat ay isang mahalagang katangian na

dapat pahalagahan.

 Ang pagsasauli ng bagay na hindi sa iyo ay isang Gawain ng

kabutihan at ito y nagdudulot ng tiwala at respeto mula sa

iba.

6
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino si Jazzer?

_______________________________________________

2. Saan at paano nahanap ni Jazzer ang lapis?

_______________________________________________

3. Ano ang naging reaksyon ni Mitch nang maibalik ni Jazzer

ang kanyang nawawalang lapis?

_______________________________________________

4. Ano sa palagay mo ang magiging epekto ng pagiging

matapat ni Jazzer?

_______________________________________________

5. Bakit mahalaga ang katapatan sa isang tao?

_______________________________________________

You might also like