Pagbasa at Pagsusuri 2ND Sem

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANO ANG PAGBASA Isang proseso ng pagkuha ng kahulugan mula sa mga

nakasulat na salita.

Ito ay isang kasanayang kailangan natin sa pang-araw-


araw na buhay, mula sa pagbabasa ng mga libro at mga
artikulo sa internet, hanggang sa mga babasahing
impormasyon sa ating trabaho o paaralan.

Ito’y hindi lamang pagkilala sa mga titik at pagsasabuhay


ng mga ito, kundi pati na rin ang pagsusuri, pag-unawa, at
paglalapat ng mga kaalaman sa iba’t ibang sitwasyon.

Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang maging mapanuri at


kritikal na mambabasa, at magkaroon ng mas malawak na
perspektiba sa mga usapin at isyu na ating hinaharap.
PAGBASA AYON SA MGA AWTOR Ayon kina Urquhart at Weir (1998), "Ang pagbabasa ay
isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga
nakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa
pamamagitan ng limbag na midyum."

Ayon naman kay William S. Gray, may apat na hakbang


ang proseso ng pagbasa. Una ay ang persepsiyon o
pagkilala sa mga salitang nakalimbag. Ikalawa ang
komprehensiyon o pag-unawa sa mga nabuong mga
konsepto mula sa mga nakalimbag na mga salita. Ikatlo
ang aplikasyon o realisasyon, paghuhusga, at
emosyonal na pagtugon. Sa ikaapat, ang integrasyon o
pagsasama ng bagong idea sa personal na karanasan.

Sa pananaw naman nina Stewart at Tei (1983), ang


kognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga
kasanayan; sa kabilang dako, ang metakognisyon naman
ay ang kamalayan sa angking kasanayan at ang pagkontrol
sa mga kasanayang ito o ang ating kamalayan sa mga
proseso ng pag-lisip habang gumagawa tayo ng
pagpapakahulugan.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA Ang pagbasa ay may malaking kahalagahan sa pag-unlad
ng isang indibidwal at lipunan.

Una, ang pagbasa ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na


malawakang umunawa sa iba’t ibang kultura at
paniniwala.
Pangalawa, ang pagbasa ay isang daan para sa atin upang
mapanatili ang ating sariling pag-unlad at pagkatuto.
Pangatlo, ang pagbasa ay nagbibigay-daan sa atin upang
maging mapanuri at kritikal na mamamayan.
SITWASYON KUNG SAAN ANG PAGBASA AY PAGBASA NG AKLAT
MAHALAGA PAGBASA NG BALITA
PAGBASA NG PANITIKAN
PAGBASA NG PANG-EDUKASYON
MGA TEORYA SA PAGBASA
Bottom Up tinatawag din itong "outside-in" o " data driven,"
nagmumula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo sa
pagkatuto ng mambabasa sa pamamagitan ng yugto-
yugtong pagkilala sa mga letra sa salita, sa parirala, sa
pangungusap, at sa buong teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan dito.
Top Down tinatawag din itong "inside-out o "conceptually driven,"
nagsisimula sa mambabasa ang pag-unawa patungo sa
teksto. Ayon kay Goodman, kaunting panahon at oras
lamang ang ginugugol sa pagpili ng makahulugang hudyat
sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa teksto sa tulong ng
impormasyong semantiks, sintaksis, at grapophonic.
Interactive Sinusukat dito ang kakayahan ng pag-unawa ng
mambabasa sa pamamagitan ng makapukaw-isip na mga
tanong (comprehension questions) Inaalam ng guro kung
paano nabuo ng mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa
mga tanong, tama man o mali ang mga ito.
Schema/Iskema Walang kahulugang taglay sa sarili ang teksto. Nagbibigay
lamang ito ng direksiyon sa mga mambabasa kung paano
gagamitin at nabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa
dating kaalaman. Ang balangkas ng dating kaalaman ay
tinatawag na iskemata.
Pangunahing batayan ng teoryang Iskema ang
ginagampanan ng dating kaalaman ayon kina Barlett
(1972) at Rumelhart (1980). Batay sa teorya, ang teksto,
pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang taglay sa
kaniyang sarili. Nagbibigay lamang ito ng direksiyon sa
mga makikinig o mga mambabasa kung paano nila
gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa
dating kaalaman. Ang dating kaalaman ay kinikilala bilang
saligang kaalaman o background knowledge ng
mambabasa samantalang iskemata naman ang tawag sa
kayariang balangkas ng dating kaalaman. Sa pamamagitan
ng iskemata, nalilinaw ang organisasyon at nabibigyang-
diin ang naimbak na dating kaalaman at mga karanasan.
URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN
Iskiming Madaliang pagbabasa na ginagamit upang magkaroon ng
impresyon kung dapat o di dapat basahing mabuti ang
teksto. Paghahanap din ito ng mga mahahalagang datos na
maaaring gamitin sa mga pamanahong papel o
pananaliksik. Nakatuon ito sa pagbasa sa pangunahing
detalye.
Iskaning Hinahanap sa ganitong pagbabasa ang mga tiyak na
impormasyon na madaling nagagawa sa mga tekstong
maiikli, may malalaking tipo ng pagkakalimbag, at
pamilyar ang teksto. Ginagalugad lamang nito ang mga
susing salita at subtitles.
Kaswal Pansamantalang pagbasa ito sapagkat pampalipas-oras
ang layunin ng ganitong teknik kung kaya't magaan
lamang gawin.
Komprehensibo Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang bawat
kaisipan. Epektibo ito para sa akademikong pagbabasa
dahil sinusuri, binibigyang-opinyon, tinataya, binubuod,
binabalangkas, sinusukat, at hinihimay ang mga detalye
ng teksto. Layunin nito ang lubos na pagkatuto mula sa
masinsinang pagbabasa.
Kritikal Tinitingnan sa teknik na ito ang kawastuhan at
katotohanan ng tekstong binabasa na magagamit nang
personal upang maiangkop sa mga pag-uugali at
maisasabuhay nang may pananagutan.
Pamuling-Basa Hindi nahihinto ang mga aral na dulot nito habang paulit-
ulit na binabasa. Halimbawa nito ang mga klasikong
teksto tulad ng Bibliya, mga akda nina Jose Rizal, William
Shakespeare, at ng iba pang dakilang manunulat.
Basang-Tala Teknik ito ng pagbabasa kasabay ng pagsusulat. Itinatala
ang mga nasusumpungang kaisipan o idea upang
madaling makita kung sakaling kailanganin muli ang
impormasyong itinala. Gumagamit din ng highlighter at
marker ang mambabasa (kung pagmamay-ari ang aklat)
para madaling makita. at balikan ang mga impormasyong
nais bigyang-diin.
KARANIWANG SULIRANIN SA PAGBABASA MALABONG PANINGIN
KAKULANGAN SA KAALAMANG PANGWIKA
KAKULANGAN SA KAALAMANG KULTURAL
KAKULANGAN SA IMPORMASYON AT KARANASAN
MGA GABAY SA MAAYOS NA PAGBABASA
Pagbibigay ng pag-unawang literal sa mga tekstong  Pagpuna sa mga detalyeng binasa
binasa.  Pagbubuod
 Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan.
 Paghanap ng mga kasagutan para sa mga tiyak na
katanungan
 Paghanap ng mga kasagutan para tiyakin ang
nabuong kongklusyon.
Ganap na pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may- • Pagkilatis sa katangian ng tauhan
akda. • Pagbibigay ng sariling opinyon
• Pagbibigay ng solusyon
• Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan
• Pagbibigay ng iba pang pamagat na akma
sa tekstong binasa
Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan • Pagbibigay ng reaksiyon
• Pagpapalawak ng sariling kaisipan
• Paghahambing at pagbibigay ng
pagkakaiba
• Pagdama sa pananaw at kaisipan ng may-
akda
• Pagtatalakay ukol sa iba pang katangian o
kapintasan ng kuwento
Pagsasanib ng kaisipang nabasa at karanasan upang • Pagbibigay ng sariling pananaw
magbunga •Pag-uugnay ng sariling karanasan sa
totoong buhay
• Pagbibigay ng katotohanan para
dagdagan ang kaalaman sa bagong pag-
unawa sa teksto
Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa kasanayang ibig • Pagbigay ng pokus sa paniniwala sa talata,
bigyan-diin sanaysay, o kuwento
• Pagbabago ng tunggalian at katangian ng
tauhan
• Pagbabago ng kasukdulan at wakas
• Pagsulat ng sariling kuwento
TEKSTONG NAGBIBIGAY IMPORMASYON May layuning maging daluyan ng makatotohanang
(IMPORMATIBO) impormasyon sa mambabasa. Ito ay obhetibo kaya
limitado lamang ang pagkiling o paglapat ng damdamin.
HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS AYON KAY MOSURA, ET.AL 1999
HANGUANG PRIMARIYA Mga indibidwal o awtoridad
Mga grupo o organisasyon
Mga kaugalian
Mga pampublikong kasulatan o dokumento
HANGUANG ELEKTRONIKO Internet sa pamamagitan ng e-mail
Telepono o cellphone
HANGUANG SEKONDARYA Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedia, taunang-
aklat o yearbook, almanac, at atlas
Mga nalathang artikulo sa journal, magasin, pahayagan, at
news letter
Mga tesis, disertasyon, at pag-aaral sa feasibility, nailatha
man ang mga ito o hindi
Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito, at iba pa
MGA KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO Naglalahad ito ng mga mahahalagang bagong
impormasyon
Ang mga kaaalaman ay nakaayos na may pagkakasunod-
sunod
Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga
bagay at paksang pinag-uusapaan
Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak
ng kaalaaman at nagbibigay-linaw
Naglalahad ng mga datos
Naglalamaan ng impormasyong makatotohanan
Nagbibigay ng impormasyon o paliwanag
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT (PERSWAYSIB) Tumutukoy sa paghimok tungo sa pagtanggap ng isang
pananaw na Nakita, narinig, at nabasa. Ito ay mag
pagkasubhetibo dahil nangangailangan ng sariling
paniniwala nga may-akda.
MGA TONO NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT Nangangaral Nagagalit Nasisiyahan
Nag uuyam Nambabatikos Nalulungkot
Naghahamon Natatakot Nagpaparinig
PARAAN NG MANUNULAT UPANG MAKAHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE
ETHOS Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Sariling
paniniwala, saloobin, damdamin… Salitang Griyego na
angkp sa salitang imahe
LOGOS Pagiging rasyonal ng isang manunulat
PATHOS Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa
PROPAGANDA DEVICE
Name Calling Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto
Glittering Generalities Ang mga magaganda at nakaksilaw na pahayag ukol sa
isang produkto
Transfer Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
isang produkto ang kasikatan
Testimonial Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nageendorso ng
isang tao o produkto
Plain Folks Tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao
Card Stacking Pinapakita lahat ng magagndang katangian ngunit di
pinapalabas ang hindi magandang katangian
Bandwagon Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto dahil
uso
TEKSTONG NAGLALAHAD (EKSPOSITORI) Naglalahad ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng
mga konsepto at mga palagay batay sa pansariling
saloobin, haka-haka, opinion o pananaw ng manunulat.
Ito ay obhetibo
ANG HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG NAGLALAHAD/NAGPAPALIWANAG
Depinisyon Nagbibigay kahulugan sa mga salitang di-pamilyar
Pagiisa-isa o Enumerasyon Nauuri sa dalawa: simple at komplikadong pag iisa-isa
Pagsusunod-sunod o Order Pagsusunod-sunod sa mga pangyayari
Paghahambing Nagbibigay diin sa pagkakatulad at pagkakaiba
Problema at Solusyon Ilang suliranin at paglapat ng kalutasan
Sanhi at Bunga Kadahilanan ng isnag bagay o pangyayari
TEKSTONG SANGGUNIAN (REPERENSIYAL) Tala ng mga impormasyon, kaalaman, o kaisipan na
nagmula sa anumang publikasyon tulad ng aklat
KLASIPIKASYON NG TEKSTONG SANGGUNIAN O REPRENSIYAL
Primariyang Sanggunian Tuwiran ang paglalahad…first hand evidence
Historikal at legal na dokumento, statistical data, audio at
video recording, talumpati, likhang sining, resulta ng
experiment, panayam, sarbey
Sekondaryang Sanggunian Di tuwirang ang paglalahad
Komento, interpretasyon, talakay, buod, paglalarawan,
pagsusuri, scholarly article, artikulo sa pahayagan at
magasin, rebyung pampelikula at libro, artikulo sa mga
scholarly journals
IBA PANG URI NG TEKSTONG REPRENSIYAL
Abstrak Pinaikling pagbuod ng mahahalagang nilalaman
Almanac Taunang pagkalap ng mga impormasyon…paghahambing
Diksyonaryo Talahulugan, maikling pagpapakahulugan ng mga salita
Bibliyograpiya Sistematikong listahan ng mga gawa
Direktoryo Listahan ng mga tao, lugar, organisasyon
Handbook Naglalahad at nagbibigay ng totoong impormasyon
Yearbook Taunang pagdodokumento ng mga naipong kaalaman…
TEKSTONG NARATIBO O NAGSASALAYASAY Pinakakaraniwan at pinakagamitin, may layuning mag
kuwento ng mga pangyayari
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
Paksa o Tema Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
Estruktura Kailangan malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura
Oryentasyon Kaligiran ng mga tauhan, lunan, o setting, at oras o
panahon. Sino, saan, at kalian (dpat masagot)
Pamamaran ng Narasyon Kailngan detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at
mood

Komplikasyon o Tunggalian Mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng


paggalaw o pagbabago ng posisyon at disposisyon ng mga
tauhan
Resolusyon Kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian
PUNTO DE VISTA
Unang Panauhan Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay (Ako)
Ikalawang Panauhan Kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw (ka o
ikaw)
Ikatatlong Panauhan Walang relasyon sa tauhan (siya)
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO
Direkta o Tuwirang pagpapahayag Ang tauhan ang nagpapahayag, ginagamitan ng panipi
Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang nagpapahayag, hindi na
ginagamitan ng panipi
TAUHAN (URI NG PAGPAPAKILALA)
Expository Tagapagsalaysay ang magpapakilala
Dramatiko Kusang magbubunyag ang karakter
URI NG TAUHAN SA MGA AKDA
Pangunahing Tauhan Bida
Katunggaliang Tauhan Kontrabida
Kasamang Tauhan Karaniwang kasama
Ang May-akda Panguanhing tauhan at ang may akda ay lagging kasama
DALAWANG URI NG TAUHAN
Tauhang Bilog Multidimensyonal, maraming saklaw
Tauhang Lapad Predictable, nagtataglay ng isa o dalawang katangian
BANGHAY
Simula
SuliraninKasiglahang hahantong sa aksiyong gagawin
Pangyayaring hahanting sa kasukdulan
Kakalasan o Resolusyon
Mkabuluhang Wakas
ANACHRONY
ANALEPSIS (FLASHBACK) Naganap sa nakalipas
PROLEPSIS (FLAS-FORWARD) Magaganap sa hinaharap
ELLIPSIS Tinatanggal na pangyayari
TEKSTONG NANGANGATWIRAN (ARGUMETATIBO) Pangangatwiran tama o mali
URI NG PANGANGATWIRAN
Pasaklaw Hinango mula sa iba’t ibang obserbasyon
a. Subjective generalization Pagbuo ng paglaahat mula sa personal na preprensiya o
pagtataya
b. Probable generalization Pagiging totoo ng pahayag sa maraming pagkakataon
ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon
c. Categorical generalization Pagbubuo ng paglalahat batay sa umiiral na katotohanan
Pagbuod Pangangatwiran na nag siismula sa tiyak na obserbasyon
PARAAN UPANG MAKAKUHA NG EBIDENSYA
Sarbey Pagbibigay katanungan
Pagmamasid Panonood at pagtingin
Paggamit ng Opinyon Personal na paghuhusga
Lohikal na pangangatwiran Ibibigay na kadahilanan
PAG APELA SA HINDI ANGKOP NA PANGANGATWIRAN
Pag apela sa tradisyon “Llaaki lamang ang maaring kumuha…”- paglilipat ng isyu
Walang kaugnayang ebidensya Opinyon
Pagtuligsa sa tao o adhominem Tinutuligsa ang kredibilidad
Pagsira sa posisyon o strawman position Ginagawang eksaherado
Taktika ng paglihis sa totoong isyu o red herring Walang kaugnayan sa paksa
Salitang may dalwang kahulugan o higit pa (ambiguity of Mali ang komgklusyong makakuha
terms o equivocation)
Pag apela sa katanyagan o pag apela sa damdamin Pag enendorso ng produkto

You might also like