Professional Documents
Culture Documents
PDF Basahin at Sagutan Diskurso Sa Wika at Panitikan
PDF Basahin at Sagutan Diskurso Sa Wika at Panitikan
(BABASAHIN)
Linggwistika
• Maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga
salita.
• Maaaring baguhin, ulitin at linawin ang nabitawang salita ayon sa reaksyon ng
tagapakinig.
• Napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag.
• Nauulit ang anumang sinabi.
Kognitibo
• Ang pagsasalita ay madaling natatamo- natututuhan sa isang prosesong natural na
tila walang hirap (ego-building).
• Ang pagsasalin ng “inner speech” ay isang madaling proseso.
Konklusyon:
Ang pasalitang diskurso ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng
tao sa isang paksa ay isinasatitik. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang linggwistik
kompetens dahil dito masusukat ang kakayahan ng isang tagpapahayag sa kaniyang wika.
2. Pasulat na Diskurso
ü Bernales, et al., 2002
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit
na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.Ito ay
fisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
ü Keller (1985)
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
Pasulat na diskurso sa iba’t ibang aspeto
Sikolohikal
• Gawaing mag-isa-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa.
• Maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang
di-nakikitang awdyens o mambabasa.
• Walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat.
• Kailangang panindigan kung ano ang naisulat.
Linggwistika
• Kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw
ang dating sa mamababasa.
• Mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang
dapat na sundin.
Kognitibo
• Natutunan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pakatuto.
• Mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito.
• Karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang
gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa ikalawang wika.
Sosyo-kognitibo
Sosyo – tumutukoy sa lipunan ng tao.
Kognitib – tumutukoy sa pag-iisip.
• Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.
• Isang proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.
Halimbawa:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
Dalawang Dimensyon ng Pagsulat
Oral Dimensyon
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat, masasabing
nakikinig na rin siya sa iyo.
Biswal na Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit
ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbolo.
Kailangang maisaalang-alang ang mga kaugany na tuntunin sa pagsulat upang ang
mga simbulong nakalimbag ay maging epektibo at makamit ang layunin ng manunulat.
Konklusyon:
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.
Ito ay isang gawaing personal at sosyal.
Maikling Pagsusulit
Diskurso 7
8. Ito ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng tao sa isang paksa ay
isinasatitik.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon
9. Ang _______ ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
a. Diskurso
b. Pasalita
c. Pagsulat
d. Komunikasyon
11. Ayon sa pananaw na ito ang pasalitang diskurso ay gawaing sosyal dahil may
awdyens at may interaksyong nagaganap
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib
13. Sa _________ ang pasalitang diskurso ay maaaring baguhin, ulitin at linawin ang
nabitawang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig.
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib
19. Sa _______ na pananaw, ang pagsulat ay may mas mahaba ang konstruksyon ng
mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib
20. Maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang di-
nakikitang awdyens o mambabasa. Ito ay batay sa anong pananaw?
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib
22. Si Ted ay nanguna sa isang seminar patungkol sa Covid 19. Maraming dumalo sa
seminar na ito kung saan siya mismo ang nagbahagi ng mga impormasyon sa mga
tao. Anong uri ng pasalitang diskurso ito?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko
23. Palihim na nag-usap si Jun at Nik dahil ayaw nilang marinig ng iba ang kanilang
kombersasyon. Ito ay sumasalamin sa?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko
25. Ang mga kandidato bilang presidente sa darating na eleksyon ay nagharap para sa
isang debata upang ilatag at ipagtanggol ang mga plataporma. Ito ay isang
halimbawa ng?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko
29. Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit
ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbolo.
a. Oral dimension
b. Biswal na dimension
c. Pormal na dimension
d. Di-pormal na dimension