Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

K12 YS-9

BOOK 4

ARALING
PANLIPUNAN
Kasaysayan ng Daigdig

Modyul 32
Philippine Copyright 2016

by

ANGELICUM COLLEGE

Araling Panlipunan YS 9 Kasaysayan ng Daigdig


First Edition 2016
ISBN 978-971-23-8361-8
Item Number: 93-SS-00012-4

No portion of this book may be copied or reproduced in books,


pamphlets, outlines, or notes–whether printed, mimeographed,
typewritten, photocopied, or in any form–for distribution or sale,
without the written permission of the Publisher and Author/s. The
infringer shall be prosecuted in compliance with copyright, trademark,
patent, and other pertinent laws.

Printed by

Typography & Creative Lithography


84 P. Florentino St., Quezon City, Phils.
Tel. No. 857-77-77
Modyul 32

Ang Kontemporaryong Daigdig


(Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan)
Mga Suliranin at Hamon Tungo
sa Pandaigdigang Kapayapaan,
Pagkakaisa at Kaunlaran

3
Aralin 1

NASYONALISMO SA EUROPA AT ASYA

Panimula

Isang mabiyayang araw sa iyo, Angelican!

Ang pamamayagpag ng kapangyarihan at lakas ni Napoleon Bonaparte ay nagdulot ng


katanyagan at di-matatawaran ng impluwensya para sa bansang Pransiya. Ang pananakop na ito
ay nagbunga ng pangamba sa mga pinuno ng mga bansang tulad ng Germany, Prussia, Austria
at Britain. Ngunit ang pagbagsak ng kapangyarihan at pagkatalo ni Napoleon Bonaparte ay
nagdulot ng pagbabagong pulitikal, muling naibalik ang monarkiyang pamamahala sa Europa.
Nagbunga din ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga katunggali ni Bonaparte, dito nabuo
ang mga alyado o kampihan ng mga bansa upang siguruhin na hindi na makababalik pa sa
kapangyarihan si Bonaparte at ayusin ang mga nasira at ibalik ang kaayusan sa Europa. Subalit
dala ng pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng digmaan sa pagitan ng mga bansang ito na
nagnanais na mabawi o kaya naman ay palawakin ang kani-kanilang teritoryo.

Naitatanong mo siguro kung, paano naibalik ang kaayusan sa Europa matapos ang
paghahari ni Napoleon Bonaparte? Paano umusbong ang nasyonalismo sa Europa? Paano
naipakita ng mga bansang ito ang kanilang nasyonalismo?Anu-anong hakbang ang ginawa
upang maibalik ang kaayusan at pagkakaisa sa Europa? Ano ang mga pagbabantang naganap
upang mabawi ang kaayusang ito?Ano ang naging bunga ng pagbabantang ito?

Sa iyong pagbabasa sa nilalaman ng modyul na ito, inaasahang:


• maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa mga dahilan ng pagbagsak ng
kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte;
• matatalakay ng buong husay ang pagpapakita ng nasyonalismo sa pagtatanggol ng kani-
kanilang bansa;
• maiisa-isa ang mga hakbang na ginawa upang makamit muli ang kaayusan ng mga
bansa sa Europa;
• maipaliliwanag sa mga bantang naganap at naging epekto nito sa kaayusang ninanais
na matamo ng mga bansang ito.

Bago mo gawin iyan, subukan mo munang sagutan ang ilang katanungang ibibigay sa
pagsusulit. Ito ay upang malaman ko kung may natatandaan ka pa sa ating tinalakay tungkol sa
rebolusyon sa Pransiya. O, handa ka na ba? Kung opo ang iyong sagot maaari ka ng magsimula.

4
Pang-unang Pagsusulit

A. Uring Papili. Panuto: Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Coup d’ etat Congress of Vienna


Corsica Napoleonic Code
Concordat 1801

_______________ 1. Lugar kung saan ipinanganak si Napoleon Bonaparte.


_______________ 2. Tawag sa pagpapabagsak at pang-aagaw sa kapangyarihan ng
pamahalaan.
_______________ 3. Ang pamahalaang itinatag ni Bonaparte na papalit sa Directory.
_______________ 4. Tawag sa mga batas na ipinatupad ni Bonaparte saPransiya matapos
maupo bilang emperor ng bansa.
_______________ 5. Isang kasunduan sa pagitan ng Pransiya at simbahan kung saan may
kapangyarihan ang pamahalaang Pransiya na magtatalaga ng mga
pari sa mga simbahan.

B. Pagtukoy. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.


1. Itinalaga ni Napoleon Bonaparte ang kanyang sarili bilang ____________ ng bansang
Pransiya.
2. Dumanas ng matinding hirap, gutom at ginaw ang mga sundalo ni Bonaparte ng
lusubin nila ang bansang ______________.
3. Nang matalo sa labanan ng mga magkakaalyadong pwersa ng Britanya, Germany,
Prussia at Russia, ipinatapon si Bonaparte sa isla ng ____________ sa dulong bahagi ng
Italya.
4. Ang pagkatalo ni Bonaparte ay nangyari sa labanan sa ______________.
5. Sa isla ng _______________ tuluyang ipinatapon si Bonaparte upang hindi na muli
pang makapanggulo at doon na siya inabutan ng kamatayan.

Puna

Kung lahat ng tamang sagot ay naibigay mo, magaling! Ibig sabihin ay natatandaan mo pa
ang ating mga tinalakay tungkol kay Napoleon Bonaparte. Kung hindi mo naman nasagot lahat,
lumapit ka sa guro at muling humingi ng karagdagang gawain. O, handa ka na ba? Kung opo
ang iyong sagot, tara na!

5
Talakayan

Ang pananakop at paghahari ni Bonaparte ay nagkaroon ng malaking epekto sa Europa.


Nagdulot ito ng pagkawasak ng mga bansa, galit sa mga taong nasakop, at pangamba sa ibang
pang bansa sa Europa. Ngunit sa pagkatalo, pagkahuli, pagpapatapon sa isla ng St. Helena at
ang kanyang pagkamatay ay tuluyang nagwakas ang kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte.
Ngunit naiwan naman nito ang mga bansang nasakop na watak-watak, kaya naman ninais ng
mga magkaka-alyadong bansa na ayusin ito at muling ibalik ang kapayapaan.

Upang isagawa ito, nagpulong ang mga bansang Austria, Britain, Prussia at Russia,
kasama ang iba pang maliit na estado, noong Setyembre 1814, tinawag ang pulong na ito bilang
Congress of Vienna. Ang layunin ng pulong na ito ay upang ibalik ang kapayapaan sa Europa,
ibalik ang kaayusan ng mga watak-watak na imperyong itinayo ni Bonaparte at iluklok na
muli ang mga hari sa kani-kanilang mga trono. Dinaluhan ito ng mga pinuno ng bansa at mga
aristocrats tulad nila:

Klemens von Metternich Haring Frederick ng Prussia

superstock.com wwnorton.com

Czar Alexander I ng Russia Emperor Francis I ng Austria

en.wikipedia.org teacherweb.ftl.pinecrest.edu

6
Prinsipe Talleyrand ng France Lord Castlereagh ng Britain

knarf.english.upenn.edu nl.wikipedia.org

Sa pulong na pinamunuan ni Prince Klemens von Metternich (Austrian diplomat), na


may malaking naging papel sa pulong na ito. Hayagan niyang tinuligsa at inayawan ang mga
kaisipang liberal na lumaganap at naging dahilan upang sumiklab ang Rebolusyong Pranses.
Ayon sa kanya ang kaisipang liberal ang dahilan ng pagkakaroon ng digmaan at kaguluhan sa
loob ng 25 taon sa Europa. Mainit din niyang binatikos ang nasyonalismo, para sa kanya ang mga
pagbabago ay magdudulot lamang ng kaguluhan at banta sa imperyong Austria. Sa Congress
of Vienna, tinalakay ang mga kaisipang babagay sa pangangailangan ng bawat bansang naroon
sa pagpupulong. Isa na rito ang conservatism o konserbatismo, isang pilosopiyang batay sa
pagnanasang ibalik ang mga nakasanayan, gawi at mga institusyon ng lipunan, isa na rito ang
pagbabalik ng monarkiyang pamahalaan. Ang konserbatismo ay tumutuligsa sa mga kaisipang
dala ng panahon ng Enlightenment at ang mga pagbabagong idinulot ng rebolusyong Pranses
sa Europa. Sinang- ayunan naman ito ni Edward Burke (Irish–political theorist), na naniniwalang
ang mga makalumang paraan at tradisyon ay makabubuti sa lipunan at mahalaga rin ang
relihiyon sa pagpapatatag ng isang bansa. Naniniwala ang mga conservatives na nasira ang mga
tradisyong ito bunga ng rebolusyong Pranses. Kasabay ng konserbatismo ay ang prinsipyo ng
legitimacy o pagiging legal na pamumuno ng isang hari o reyna na napatalsik sa kapangyarihan
bunga ng rebolusyong Pranses at Napoleonic Wars.

Samantala, isa pang idelohiya ang tinalakay sa pulong na ito, ang liberalism na tinututulan
ng mga conservatives. Ang liberalism ay isang pampulitikang idelohiya na tumutuligsa sa
awtokrasyang pamahalaan at paniniil sa karapatan ng tao at nagtatanggol sa pagkakapantay-
pantay sa harap ng batas, kalayaan sa relihiyon at kaisipan. Ang mga liberal ay kritikal na
pumupuna sa mga institusyon tulad ng pamahalaan at simbahan na naglilimita sa kalayaan ng
bawat indibidwal. Ayon sa kanila, hindi mahalaga kung ang pamahalaan man ay monarkiya
o republika, pinamumunuan ng dayuhan o katutubo, ang mahalaga ang mga mamamayan
ay binibigyan ng kalayaan sa pagpapahayag, pantay na oportunidad sa batas at edukasyon at
nagtataglay ng mga karapatan.

7
Lumakas ang nasyonalismo sa Europa noong 1800 at higit pa itong umigting noong
rebolusyong Pranses. Ang damdaming nasyonalismo ay ang marubdob na pagmamahal
sa bansa na handang ipagtanggol ang kalayaan at kasarinlan mula sa mga dayuhan. Nang
pagbantaang sakupin ng ibang bansa ang Pransiya, nagsama-sama ang mga Pranses upang
ipagtanggol ito, higit pa itong umigting nang maging pinuno nila si Napoleon Bonaparte.
Nasyonalismong damdamin rin ang paghingi ng kasarinlan (independence) at kalayaan mula sa
dayuhang namamahala, may sariling pagpapasya kung anong uri ng pamahalaan ang itatatag
na batay sa kanilang wika, kultura at kapwa nila katutubo ang mamumuno sa kanila.Ang
pananakop ni Bonaparte sa iba’t ibang parte ng Europa ang gumising sa damdaming ito ng
mga tao sa bansang kanyang sinakop.

Mapa ng Europa matapos ang Kongreso sa Vienna

history.ucsb.edu

Ang pagpupulong sa Congress of Vienna ay nagbunga ng maraming pagbabago sa mga


kaharian at bansa sa Europa. Ang ilan sa mga ito ayang;
1. Pagkakaluklok ng mga hari sa kanilang mga trono at ang pagkakaroon ng legitimacy sa
pamumuno.
2. Pagkakaroon ng balance of power – ang paghahati-hati ng kapangyarihan ng dalawa o higit
pang bansa upang ang pwersa at impluwensiya ay hindi hawak ng iisang bansa lamang sa
kontinente ng Europa.
3. Pagbabalik ng mga lupain ng simbahan o papal states.

8
4. Pagbibigay ng mga dating teritoryong sinakop ni Bonaparte at kasarinlan sa mga bansang
kasapi at kasama sa pulong sa Vienna tulad ng:
a) Russia – Finland at malaking bahagi ng Poland
b) Switzerland – kasarinlan
c) Netherland (Holland ) – Belgium
d) Austria – Lombardy at Venetia (teritoryo ng Italya)
e) Prussia – Promerania, Saxony, Rhineland States
f) Sweden – Norway
g) Britain – Dutch Cape Colony sa South Africa, Ceylon ( Sri Lanka ngayon)
5. Pagkakahati-hati ng mga teritoryong Italya
6. Pagpapatibay ng mga hangganan ng mga bansa sa Europa
7. Unipikasyon o pagsasama-sama ng mga teritoryo ng Germany sa ilalim ng German
Confederation

Matapos ang pulong sa Congress of Vienna at maibalik ang mga hari sa kanilang mga trono,
nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa Europa ngunit ang kapayapaang ito ay naging
pansamantala lamang dahil na rin sa mga pagbabanta ng rebolusyon sa iba’t ibang bansa na
dala naman ng mga kaisipang liberal at nasyonalismong damdamin. Narito ang mga bansang
nagkaroon ng rebolusyon upang ibagsak ang mga hari at pinunong dayuhan:

Bansa/Pinuno Dahilan ng Rebolusyon/Epekto


• Naging malupit na hari na nagpakulong
sa maraming naghahangad ng
pagbabago
• Nag-alsa ang mga sundalo (1820) upang
Espanya – Haring Ferdinand VII, na naibalik panatilihin ang liberal na konstitusyon
sa trono noong 1814 ng Espanya
• Nanatili sa trono ang hari dahil
nagpadala ang mga bansa sa Europa ng
mga sundalo upang pigilan ang rebelyon
at ipinakulong ang mga rebelde
• Kagustuhang pag-isahin ang Italya sa
ilalim ng iisang pamahalaan at malaya
mula sa dayuhan
Italya
• Tinalo ng Austria ang mga rebelde
at ipinakulong ang mga pinuno ng
rebelyon

9
• Pinamunuan ng mga sundalong
naniniwala sa kaisipang liberal at
nagnanasang maging westernized ang
Russia
Russia–Czar Nicholas I – ibinagsak ang
• Ipinabitay ang 5 pinuno, ipinatapon
Decembrist Revolt noong 1825
sa Siberia ang maraming sumama sa
rebelyon at nagtatag ng secret police
upang mag-espiya sa mga taong
magtatangkang manggulo
• Makalaya mula sa mga Turkong
Ottoman
Greece – Greek Patriots 1821
• Nakalaya sa tulong ng mga bansa
Britain, France at Russia noong 1827
• Pinamunuan ng mga liberal na
France – Haring Charles X negosyante at mga estudyante
nais ibalik ang mga pribilehiyo ng mga • Nais ng mga middle class liberals na ibalik
nobles, binuwag ang lehislatura, nagpatupad ang monarkiyang pamahalaan
ng censorship sa mga mamamahayag at
• Naibagsak si Charles I noong July
binawasan ang karapatang bumuto ng
Revolution at nailuklok si Louis Phillippe
middle class
bilang hari
• Dahil sa magkaibang relihiyon sa
pagitan ng mga Katoliko at Dutch
Belgium – Belgian Patriots 1830 Protestants
• Lumaya mula sa Netherlands
• Napasailalim sa Russia at pinamunuan
ni Czar Nicholas I na inaayawan ng mga
Poland Poles
• Hindi nagtagumpay ang mga rebelyon
• Hindi pantay na pagtingin sa mga
maliliit na porsiyento ng lahi ng taong
naninirahan sa Austria
• Pagiging mahigpit sa pamamahala ng
Austria at Hungary – pinamunuan ni Louis
pinunong Hapsburg
Kossuth
• Napigilan at natalo ang mga rebelde ng
tulungan ni Czar Nicholas I ng Russia
ang pwersa ni Emperor Francis Joseph
ng Austria

10
• Pagnanasa ng mga Aleman na
magkaroon ng isang bansa
• Rebelyong pinamunuan ng mga middle
class liberals
• Nagbunga sa pagbibigay ni Haring
Frederick William IV ng konstitusyon
Germany at asembliya (Frankfurt Assembly)
na naglalayong magtayo ng estadong
German ngunit hindi kasama ang
Austria
• Nais ng mga Aleman na maging emperor
nila si Frederick William IV ngunit
tumanggi ito

Samantala, hindi napigilan ang paglaganap ng nasyonalismo sa bansang Italya at Germany.


Ito rin ang naging dahilan upang pagsikapan nang dalawang bansa na harapin ang hamon
ng pagsasarili at pagkakaroon ng isang bansa sa ilalim ng iisang pamahalaan na may sariling
pinuno, wika at kapangyarihan. Tunghayan mo ang mga pagsisikap ng Italya at Germany
upang matamo nila ang kasarinlan at kung paano nila nakuha ang kanilang kalayaan.

Ang Pag-iisa o Unipikasyon ng Italya

Noong digmaang Napoleonic, ang Italya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Pranses
at iba pang dayuhang bansa. Ang Hilagang Italya ay nasa Austria at ang Sardinia naman ay nasa
kamay ng pamilyang Bourbon ng Espanya. Samantala, isa sa mga naging epekto ng pulong
sa Congress of Vienna ay hati-hatiin ang mga teritoryo ng Italya na lalo pang naging dahilan
ng pagkakawatak-watak nito. Dito lumitaw ang sentimento ng mga Italyano na naghangad na
pag-isahin ang mga teritoryo nito. Pinamunuan ni Haring Vittorio Immanuel ng Sardinia ang
paghingi ng kasarinlan upang pag-isahin ang Italya. Dahil dito itinalaga niya bilang Punong
Ministro ng Sardinia si Camilo di Cavour upang pamunuan at ipaglaban ang Risorgimento
(unification) na siya ring adhikain ni Guiseppe Mazzini para sa Hilagang Italya.

Camilo di Cavour Haring Vittorio Immanuel

es.flinders.edu.au ite101.com

11
Masasabing ang husay ni Camilo di Cavour bilang alagad ng pamahalaan ng magawa
niyang makumbinsi ang hari (Vittorio Immanuel) at ang mga tao na makipagtulungan upang
paunlarin ang ekonomiya ng Italya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng transportasyon (tren),
pagsasaka at industriya na nagpalakas sa mga sundalo ng Italya at pakikipag-alyado sa bansang
Pransiya. Sa ilalim ng kasunduang ito (Camilo di Cavour at Napoleon III ng France) kung
salakayin ng Austria ang Sardinia at tumulong ang Pransiya na mapalayas ang Austria sa
Lombardy at Venitia ay ibibigay ang dalawang teritoryo (Savoy at Nice) ng Sardinia sa Pransiya.
Nagdeklara si Cavour ng digmaan sa Austria at tulad ng ipinangako ng Pransiya, tinulungan
nito ang Italya at nanalo sa digmaang ito. Ngunit ang hindi alam ni Cavour dahil sa takot sa
lakas ng puwersa ng nagkakaisang Italya ay pumirma ng kasunduan ang Emperor ng Pransiya
(Napoleon III) sa Austria upang matigil ang digmaan. Bunga nito naibigay ang teritoryong
Lombardy nguni’t hindi ang Venetia sa Sardinia.

Habang ang Hilagang Italya ay gumagawa ng hakbang upang mapag-isa ang Italya, isang
samahan ang nabuo sa Katimungan Italya. Noong 1860, isang libong kalalakihan na nakapulang
damit (Red Shirts) ang pumalaot mula sa Genoa papuntang Sicily upang itaboy ang mga
Espanyol (Hari mula sa pamilyang Bourbon) sa Sicily. Ang pinuno ng mga Red Shirts ay si
Giuseppe Garibaldi na nakipaglaban din sa Rebolusyon noong 1848. Marami ang sumama kay
Garibaldi at sa loob lamang ng 2 buwan ay napalaya nila ang Sicily at tumawid sa Naples at
dahil sa takot ay tumakas ang hari papuntang ibang bansa.

Binalak ni Garibaldi na pumunta sa Roma, dahil sa pangamba ni Cavour na sumalakay


ang Pransiya upang ipagtanggol ang PAPA, minabuti niyang magpadala ng tropa upang
sumama kay Garibaldi upang hindi nito salakayin ang Roma. Ang mga hakbang na ito ni
Cavour ang tuluyang naging hudyat sa pag-iisa ng buong Italya. Pumayag ang Umbria, Naples
at Sicily na mapasailalim sa Sardinia. Noong Marso 17, 1861 idineklara bilang hari ng buong
Italya si Vittorio Immanuel. Pagkatapos ng 10 taon, naisama na ang papal states ng Roma at
Venecia bilang parte ng Italya matapos matalo ang Austria sa digmaan sa Prussia noong 1866.
Nang mamatay ang PAPA, pumayag ang simbahan na lagdaan ang Kasunduang Lateran, na
nagbunga sa pagiging kabisera ng Italya ang Roma at ang maliit na distrito ng Vatican City ay
magiging isang malayang estado.

Ang Pag-iisa o Unipikasyon ng Germany 1834-1871

Nang matapos ang Napoleonic Wars, naiwang hati-hati ang Germany dahil dito nabuo
ang German Confederation noong 1815, na binubuo ng may 39 estado na pinamumunuan ng
bansang Austria. Ang mga estadong ito ay may kanya-kanyang batas, pinuno, sandatahang
lakas at uri ng pera. Ang 39 estado ay hinahati ng mga problemang pang-ekonomiya dahil sa
pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pera. Upang matamo ang minimithing pagkakaisa, naging
unang hakbangsa unipikasyon ng German Confedaration ay ang palakasin ang pagkakaroon
ng pang-ekonomiyang pagkakaisa.

12
Dito lumitaw ang mga Junkers – mayayamang Prussian na may-ari ng mga lupain, ang
kumumbinsi sa mga pinuno ng Prussia na tanggalin na ang taripa o buwis sa lahat ng mga
produktong galing sa ibang bansa (imported goods) at ang pagtatatag ng Zolleverein isang
organisasyon na nagbawas ng buwis sa mga produkto at paggamit ng iisang uri ng pera ng mga
estado ng German Confederation. Dahil sa organisasyong ito naging maunlad ang ekonomiya
at industriya, bunga nito naging madali sa mga tao ang suportahan ang pagsusulong ng
pampulitikang pagkakaisa sa Alemanya o Germany.

Nang maging hari ng Prussia (isang estado ng German Confederation) si Wilhelm I, nais
niyang pamunuan ng Prussia ang German Confederation at alisin ang Austria bilang kasapi
nito. Bilang paghahanda, hinikayat niya ang iba pang kasaping estado na palakasin ang kanilang
hukbong sandatahan upang labanan ang Austria, ngunit hindi siya sinuportahan ng mga ito.
Upang ituloy ang plano niyang ito hinirang niya si Count Otto von Bismarck bilang Punong
Ministro ng Prussia.

Haring Wilhelm I Otto von Bismarck


theesotericcuriosa.blogspot.com decuriositate.blogspot.com

Si PM Bismarck ay isang mayaman na ayaw sa demokrasya at naniniwala sa pagkakaroon


ng lubos na kapangyarihan sa pamamagitan ng awtokrasya. Para sa kanya, ang tungkulin sa
estado ay mas mahalaga pa kaysa sa kalayaan ng tao. Naniniwala siya na bago maging lider
ang Prussia, dapat palakasin nito ang kanyang hukbo at sa pamamagitan lamang ng digmaan
makakamit ang unipikasyon ng Alemanya. Nagtalaga siya ng mga pinuno upang pamunuan
ang mga hukbo at sinadya niyang udyukan ang digmaan sa Denmark, Pransiya at Austria. Ang
mga digmaan ito ang nagpahina sa impluwensya, kapangyarihan ng Austria at magbubuo sa
Alemanya.
Dahilan:
 Nang angkinin ang Denmark ang 2 teritoryo ng Prussia
ang Holstein at Schleswig
Digmaan Danish  Nagkampihan ang Prussia at Austria upang labanan ang
Denmark
(1864)
 Natalo ang Denmark at nakuha ang 2 teritoryo, ngunit
hindi nagkasundo kung paano pamumunuan ang mga
teritoryong ito kaya sa huli ay nauwi rin sa digmaan

13
Dahilan:
• Nang makuha ni Bismarck ang Holstein at
Schleswig, ninais din niyang makuha ang Kiel,
isang kanal na nagdurugtong sa North Sea at
Baltic Sea, nguni’t balakid ang Austria
• Nagdeklara ng digmaan ang Prussia sa
Digmaang
Austria noong Hulyo 16, 1866 at sa loob ng 7
Austro–Prussian linggo ay tinalo ni Bismarck ang Austria kaya
(1866) napilitan itong pumirma sa Kasunduan sa
Prague- na nag-aalis sa Austria bilang parte
ng German Confederation at bubuwagin ang
Confederation
• Nang mabuwag ang German Confederation,
itinatag ng Prussia ang North German
Confederation at pinamunuan ito.

Samantala, hindi pa rito nagtapos ang pangarap ni Bismarck na pag-isahin ang buong
Germany, dahil ang Timog Alemanya ay nanatiling wala sa kapangyarihan ng Prussia. Ang mga
Katolikong Aleman sa Timog Alemanya ay ayaw mapasailalim sa mga Protestanteng Prussia.
Kaya plinano ni Bismarck na sakupin angTimog Alemanya nguni’t tutol dito ang Pransiya kaya
naghintay siya ng pagkakataon upang makapagdeklara ng digmaan sa Pransiya

Dahilan:
 Kung makikipagdigma ang Prussia sa Pransiya tiyak na tutulong ang Timog
Alemanya upang labanan ang iisang kaaway, ang Austria
 Nang mabakante ang trono ng Espanya, inalok ito sa prinsipeng pinsan (mula sa
Pamilyang Hohenzollern ng Prussia) ni Haring Wilhelm I, natakot ang Pransiya na
lalong lumakas ang kapangyarihan dahil paghaharian din ng Prussia ang Espanya,
nagdeklara ang Pransiya ng digmaan laban sa Prussia noong Hulyo 1, 1870 na
tumagal lamang ng 6 na linggo at nabihag si Haring Napoleon III
 Natalo ang Pransiya at lumagda sa Kasunduang Frankfurt kung saan nagbayad ng
1 bilyong dolyar at ibinigay ng Pransiya ang mga teritoryong Alsace at Lorraine sa
Germany
 Nagbunga ito sa pagpayag ng mga maliliit na estadong German na sumali sa North
German Confederation at ang pagsilang ng Imperyong Aleman o German Empire

Digmaang
Franco-Prussia
(1870)

14
Ang pakikipagdigma ng Prussia sa Pransiya ay ang huling hakbang sa plano ni Otto von
Bismarck upang mapag-isa ang buong Alemanya o Germany sa ilalim ng pamumuno ng Prussia.
Kinoronahan si Haring Wilhelm I ng Prussia, bilang Kaiser o Emperor ng Alemanya noong
Enero 18, 1871 sa Versailles samantala itinalaga naman si Otto von Bismarck bilang Chancellor
– pinakamataas na opisyal sa ilalim ng Kaiser.

Sa pagkakasilang ng Imperyong Aleman na may 25 nagkakaisang estado sa ilalim ng


makapangyarihan pamahalaan nakilala ito bilang Second Reich o Pangalawang Kaharian
(ang Holy Roman Empire – 926–1806 ang First Reich). May mga pagbabagong ipinatupad ang
Second Reich upang masiguro ang pag-unlad ng Imperyo tulad ng mga sumusunod:
a) pagkakatatag ng parliyamento sa buong Germany
b) pagboto ng mga kalalakihan sa mga miyembro ng Kongreso-
• Reichstag – mababang kapulungan
• Bundesrat – Senado na itinatalaga naman ng iba’t ibang estado, mas may malawak na
kapangyarihan at impluwesiya.

Samantala, ang tunay na kapangyarihan ng German Reich ay nasa kamay ng Kaiser, na


may impluwensiya sa paggawa ng mga batas at maging sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa,
mga Heneral ng Prussia, mayayaman o aristocracy at ang lumalaking bilang ng mga nagmamay-
ari ng mga banko at negosyante.

Nang maging Kaiser si Wilhelm II, apo ni Wilhelm I noong 1888, noong una ay sinuportahan
niya ang mga patakaran ni Bismarck nguni’t nang lumaon nainggit ito sa kapangyarihan ng
Chancellor, kaya tinanggal niya ito bilang Chancellor noong 1890. Sa ilalim ng pamumuno
ni Kaiser Wilhelm II, naging isang maunlad at industriyalisado ang Germany. Lumaki ang
populasyon at umangat ang produksyon ng coal (uling), iron at bakal. Lalo pang bumuti ang
ekonomiya ng tumulong ang mga siyentipikong Aleman (German scientists) sa pagtuklas,
bunga nito nanguna ang bansa sa industriya ng kemikal, elektrikal, paggawa ng mga armas.
Nagtayo rin ito ng mga riles ng tren at pinabuti ang pagbabarko, dahil dito lumawak at lumaki
ang pakikipagkalakalan ng Germany sa ibang bansa.

Sa pagbuti ng ekonomiya at paglakas ng kapangyarihan ng Alemanya, ipinagmalaki ng mga


Aleman ang kanilang bansa. Malayo ito sa dating watak-watak at mahinang bansa, isa na itong
bansang nagkakaisa na may nasyonalistikong mamamayan na handang ipaglaban ang kanilang
bansa. Ang kapangyarihan ng Alemanya ay siya ring dahilan kung bakit ito kinatatakutan at
naging banta sa Europa nang lumaon ay naging dahilan ng pagsiklab ng giyera.

15
Gawain 1

Gumawa ng Flow Chart na magpapakita ng mga pangyayari sa unipikasyon ng Alemanya


sa ilalim ni Otto von Bismarck. Isulat ang ginawang Flow chart sa espasyong inilaan.

Puna

Nagawa mo ba ng tama? Upang malaman lumapit at ipawasto sa guro ang ginawang Flow
Chart.

16
Ang Nasyonalismo sa Asya

Alam mo bang hindi lamang sa Europa lumaganap ang damdaming nasyonalismo?


Maging sa Asya ay naramdaman ito, dahilan ito ng mga pagbabagong dala ng enlightenment at
rebolusyong pangkaisipan, pampulitika at industriyal. Kung iyong natatandaan, nasakop ng
Espanya ang Pilipinas, samantala nasakop naman ng Inglatera o Britanya ang India. Unti-unti
namang napasok, napahina at naibagsak ang Dinastiyang Manchu ng Tsina ng mga bansang
Kanluranin tulad ng Germany, Russia, France, Britain, USA at kasama pa ang Japan. Narito ang
mga pangyayaring nagpapakita ng nasyonalismo sa Asya:

Bansa Mga Taong Lumaban Epekto


Pilipinas  Jose Rizal,mga propagandista • Pinarusahan ng kamatayan si
at iba pang ilustrado Rizal
 Andres Bonifacio at ang mga • Nagising ang mga Pilipino sa
Katipunero kaawa-awang kalagayan at
pang-aabuso ng mga Espanyol
• Ipinagpatuloy ni Bonifacio
ang laban nguni’t dahil sa
di- pagkakasundo nila ni
Aguinaldo ay hinatulan ng
kamatayan
India  Rebelyon Sepoy o sundalong • Pagpaparusa sa mga kasama sa
Indian rebelyong Sepoy
 Pakikipaglaban ni Mahatma • Pagkakamit ng kalayaan mula
Mohandas Gandhi sa Britanya noong 1947
China  Rebelyong Taiping na • Rebelyong Taiping
pinamunuan ni Hung Hsiu- -pagkamatay ng 120 milyong
Chuan na umabot ng 14 na Tsino
taon bago nagapi ng pwersang • Rebelyong Boxers -
Amerikano at Ingles Pinagtulungan ng mga
 Rebelyong Boxers na bansang Kanluranin ang Tsina,
naglalayong palayasin ang mga pinagbayad ng malaking
dayuhan sa Tsina na lihim halaga
na sinuportahan ni Empress
Dowager Tsu Chi o Ci Xi

17
Gawain 2

Gumawa ng Venn diagram ukol sa paglaganap ng nasyonalismo sa Europa at Asya.


Maglagay ng sampung layunin ng nasyonalismo sa Europa at sa Asya habang lima naman para
sa kanilang pagkakapareho. Ilagay sa short bond paper at ipasa sa guro.

Gawain 3

Pag-iisa-isa. Panuto:Epekto ng nasyonalismo sa buong daigdig. Isulat ang iyong sagot sa mga
kahon.

Epekto sa Asya

Nasyonalismo

Epekto sa Europa

18
Gawain 4

Interbyu. Panuto: Mula sa iyong limang kamag-aaral at alamin kung paano nila naipakikita ang
nasyonalismo sa kanilang pang-araw araw na buhay. Isulat ang mga sagot sa ibaba.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Puna

Nagawa mo ba nag mga gawain? Magaling! Ngayon naman ay ipawasto sa guro kung
tama ang iyong mga nagawa. Kung hindi naman ay maaari mo pa itong baguhin at pagbutihin.

Pagbubuod

• Malaki ang naging epekto ng mga kaisipang nagsimula sa Panahon ng Enlightenment at


ang pagkakaroon ng rebolusyong pangkaisipan, siyentipiko at pampulitika sa pagbabago
ng takbo ng pamamahala sa Europa.
• Ang mga kaisipang liberal at nasyonalismong lumaganap sa Europa ay nagbunga ng
mga rebolusyong tumapos sa kapangyarihan ng maimpluwensyang bansa na matagal na
naghari.
• Ang nasyonalismong damdaming ang humubog upang naisin ng mga bansa sa bansa sa
Europa na ipaglaban at pag-isahin ang kani-kanilang mga bansa.
• Natamo man ito sa marahas na paraan ay napagtagumpayan pa rin ng mga bansang ito na
ipaglaban ang kanilang kasarinlan.
• Ang pagkakamit ng kasarinlan ng mga bansa sa Europa ay nagbunga ng pag-unlad ng
ekonomiya nito at pagiging matatag ng estado.
• Ang damdaming nasyonalismo rin ay naipakita ng mga Asyano sa mga bansang sumakop
naipaglaban man at nabigo ay buong puso pa ring inialay ang buhay para sa kalayaan at
kasarinlan ng bansa.

19
Panghuling Pagsusulit

A. Panuto: Cryptogram. Ayusin ang mga letra upang masagutan ang tanong. Isulat ang sagot
sa patlang na inilaan.
1. Organisasyong kinabibilangan ng mga negosyante at may ari ng mga banko sa Prussia.
RZVEELLONI
________________________
2. Isa sa mga estado ng German Confederation. RSSIAPU
________________________
3. Tawag sa hari/emperor ng Alemanya. ISAREK
________________________
4. Punong Ministro ng Prussia na malaki ang naitulong sa pag-iisa ng buong Alemanya.
ACRMBKIS
________________________
5. Siya ang namuno sa pulong sa Congress of Vienna. ETTRCHNMIE
________________________
6. Pamilyang namuno sa Prussia. OZLLHEERNNOH
________________________
7. Siya ang namuno upang mapag-isa ang Italya. VCRAOU ________________________
8. Tawag sa Papal state ngayon. TVCNAI YTCI
________________________
9. Sumalakay sa Sicily upang mapalaya ito mula sa Haring Bourbon ng Espanya.
DBGLARIAI
________________________
10. Binubuo ng mga mayayamang Prussian. KJNUERS
________________________
B. Sanaysay. Panuto: Bigyang katuwiran at ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Sa iyong palagay, tama ba ang naging hakbang ni Otto von Bismarck upang pag-isahin
ang buong Alemanya? Oo o hindi? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Paano nagiging masama ang nasyonalismo?

Isulat ang sagot sa yellow pad at ipasa/ipakita sa guro.

20
Puna

O, nasagutan mo bang lahat? Kung opo ang iyong sagot, Mahusay! Kung hindi naman
ay manghingi ka pa ng ibang gawain sa guro. Samantala, ipakita sa guro ang iyong naging
paliwanag sa dalawang katanungan upang mabigyang puna.

Talasalitaan

Confederation (konpederasyon) – grupo o pangkat ng mga malaya at magkaka-alyadong


estado na nabubuklod upang ipagtanggol ang sarili
Reich – salitang German o Aleman na nangangahulugang kaharian o imperyo

Mga Sanggunian
Alisangco, S. M. (2008). Modyul 188. Quezon City.
Foe, J. C. (2001). Making Sense of World History. Makati City: The Bookmark Inc.
Mateo, G. E. (2006). Kabihasnang Daigdig Kasaysayan at Kultura. Quezon City: Vibal Publishing
House Inc.
Ongoco, T. C. (1988). Practicing World History Skills. San Juan, Manila: Academe Publishing
House.
Perry, Marrin, et al. (1990). History of the World. Boston, Massachussets, Houghton Mifflin
Company.
Quiason, S. D. (2008). Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: C & E Publishing, Inc.
Soriano, C. D. (2005). Kayamanan – Kasaysayan ng Mundo. Sta. Mesa Heights, Quezon City:
Rex Printing Company, Inc.
Valencia, T. C. (2007). Kasaysayan ng Mundo. Quezon City: Phoenix Publisshing House, Inc.

Mga Larawan
Retrieved from: http://www.norton .com (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.superstock.com (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.en.wikipedia.com (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.teacherweb.ftl.pinecrest.edu(Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.knarf.english.upenn.edu (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.nl.wikipedia.org (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: http://www.historyucsb.edu (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from:http://www.es.flinders.edu.au(Accessed July 17, 2016)
Retrieved from: theesotericcuriosa.blogspot.com (Accessed July 17, 2016)
Retrieved from:http://www.decuriositate.blogspot (Accessed July 17, 2016)
21

You might also like