Sapad - Multi DLP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Detalyadong Banghay Aralin

Enviromental Sustainability:
Pagganapang Panatili at ang mga Epekto nito sa Ekonomiya

Paksa: Araling Panlipunan (Ekonomiks) Inihanda ni: Althea L. Sapad


Baitang: Ika-walong Baitang Kurso: Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon
Petsa: December 2023 Espesyalisasyon: Social Studies
Oras: 45 minuto Marka:

I. Layunin: Pagkatapos ng 45 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang iba't ibang aspeto at kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan,


b. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga masasamang gawi at mga solusyon upang
mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran; at
c. nakagagawa ng mga hakbangin sa komprehensibong isyu ng kalikasan.

II. Paksang Aralin:


A. Pagganapang Panatili at ang mga Epekto nito sa Ekonomiya
B. Sanggunian: Karaca, M., & İnce, A. G. (2023). Revisiting sustainable systems and
methods in agriculture. In Elsevier eBooks (pp. 195–246). https://doi.org/10.1016/b978-
0-323-90500-8.00004-x
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop, Projector
D. Konsepto:
E. Balangkas:

A. Sustenableng Pangkapaligiran
i. Kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan
ii. Solusyon sa pagpapanatili ng kaayusan
iii. Hakbangin sa Komprehensibong isyu ng kalikasan

F. Stratehiya: Pangkatang Gawain


G. Mga kasanayan sa pag-aaral ng ika-21 siglo: Pakikipagtulungan, Pagkamalikhain

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
● Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga po, Bb. Althea.

● Sino ang gustong manguna sa


panalangin?
Ako po, Sir!

● Sige, pangunahan mo ang


Panalangin, Jude. (tumayo ang lahat para sa Panalangin)

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,


kapara noong unang-una, ngayon, at
magpakailanman, at magpasawalang hanggan.
Amen.

● Salamat, Jude. Bago kayo umupo


ay paki-ayos ng mga upuan at
pakipulot ng mga basura sa ilalim
ng inyong silya kung meron man.

2. Pagtatala ng Lumiban
● Maaari ko bang malaman kung
may lumiban sa klase para sa
araw na ito? Wala po, Bb. Lahat po ay narito ngayon.

3. Balik-aral
● Buti naman kung ganun. Naaalala
ninyo pa ba kung ano ang
tinalakay natin kahapon? Kahapon po ay tinalakay natin ang buhay at
pamana ni Andres Bonifacio.
● Tama. Sino ang makakapagsabi sakin
kung sino si Andres Bonifacio?

Siya po ay kilala bilang isa sa mga magigiting na


bayani ng bansa. Siya rin po ay isa sa mga nag-
udyok sa mga Pilipino na lumaban para sa
kanilang karapatan noong panahon ng
Rebolusyon.

● Mahusay! Maraming Salamat. Saan nga


ulit kilala si Andres Bonifacio?

Kilala po siya bilang Supremo, dahil isa siya sa


mga nagging pangulo ng mga Katipunero.
● Magaling! Tunay nga na may
natutunan kayo sa huli nating
pag-aaral.

B. Pagganyak
● Bago natin simulan ang bagong aralin,
magsagawa muna tayo ng maikling
gawain. Ang laro na ito ay tatawagin
nating “Eco-Challenge Game”.

Sige po, Bb.


● Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at
bawat grupo ay bibigyan ko ng iba’t-ibang
pagsubok na nagsisilbing hadlang para sa
pagpapanatili ng kaayusan sa kapaligiran.

● Para sa unang pangkat, ang nakaatas


sainyo ay ang Recycling relay, kung saan
dapat maayos ninyong malagay ang mga
bagay na pwedeng i-recycle sa tamang
lalagyan. Bibigyan lamang kayo ng 3
minuto para matapos ito.

● Para naman sa pangalawang pangkat,


magmasid kayo sa ating silid-aralan,
tingnan ninyo kung ano ang mga
kagamitan na gumagamit ng kuryente.
Magbigay ng bilang kung ilan sa tingin
ninyo ang inaabot nito sa bayarin at
magbigay ng mga posibleng pamamaraan
para mabawasan ang pagkunsumo ng
kuryente.

● At para sa pangatlong grupo, bibigyan ko


kayo ng puzzle na may kinalamang sa
pagtitipid ng tubig. Kailangan ninyo itong
buuhin at pagkatapos ay magbibigay kayo
ng praktikal na payo o pamamaraan para
sa pagtitipid ng tubig sa araw-araw.

● Naiintindihan ba ng lahat?

Opo, Bb.
● Bibigyan ko kayo ng sampung minuto
upang talakayin ito at talawang minuto
para ilahad ito sa unahan. Maaari na
kayong magsimula.

(pagkatapos ng sampung minuto)

● Handa na ba ang lahat para ibahagi ang


kanilang gawa sa unahan?

Handa na po, Bb.


● Sino ang gustong manguna?

Kami pong pangalawang pangkat.

(ibinahagi ng pangalawang pangkat ang kanilang


gawa)

Makikita po ninyo na meron tayong apat na


ceiling fan at isang tv na ginagamit sa araw-araw.
Sa tingin po naming ay umaabot ito ng dalawang
libo kada buwan. Para naman po sa mga
pamamaraan, maaaring patayin at isara ng
maayos ang mga kagamitan kung hindi naman
ginagamit. Siguraduhin din na nasa tamang lakas
lamang ang ceiling fan para hindi masyadong
malakas ang hatak ng kuryente. Siguraduhin na
nakapatay ang mga power supply bago tuluyang
lumiban ng silid-aralan.

● Magaling! Maraming Salamat sa


napakadetalyadong pahayag,
pangalawang pangkat. Sino ang gustong
sumunod?

Kami pong unang pangkat, Bb.

(isinaayos ng unang pangkat ang mga recyclable


na gamit sa kanilang tamang lalagyan sa loob ng
tatlong minuto)
● Mahusay na gawa, unang pangkat! At
para sa panghuling pangkat, maaari na
kayong magsimula.

(ibinahaga ng pangatlong pangkat ang kanilang


gawa)

Naatasan po kami na magbigay ng praktikal na


payo at pamamaraan na maaaring gawin araw-
araw upang makatipid ng tubig. Ilan po sa mga
halimbawa na aming nakalap ay ang pagtitipid ng
tubig sa pagligo. Tiyakin din na hindi tumutulo
ang gripo. Tanggalin ang mga tirang pagkain sa
mga pinggan bago ito hugasan upang hindi
gaanong mag aksaya ng tubig. Gumamit ng baso
sa pagsisipilyo at iparating sa mga kasamahan sa
bahay ang mga pamamaraan na ito upang
malaman din nila ang tamang gagawin. Kung
titingnan natin ay simple lamang ito sapagkat
malaki ang epekto nito kapag nagawa ng maayos.

● Maraming Salamat, pangatlong pangkat!


Sinong mag-aakala na konektado pala
ang dalawang tulang ito. Mahusay
kayong lahat, maraming salamat sa
kooperasyon ninyo. Palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili.

(pumalakpak ang buong klase)


C. Pagtatalakay

● Ngayon dumako na tayo sa ating paksa


pero bago iyan, maaari niyo bang basahin
ang layunin natin sa araw na ito?

(binasa ng klase ang mga layunin)

● Maraming Salamat, mga bata. Ano sa


tingin ninyo ang dahilan bakit ginawa
natin ang Gawain kanina?

Sa tingin ko po ay may kinalamang ito sa


magiging bagong talakayin natin ngayong araw.

● Napakahusay na obserbasyon!

● Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang


pangangalaga ng kalikasan, iba’t-ibang
aspeto at kamalayan sa pangangalaga ng
Kalikasan, mga halimbawa ng
masasawang gawi at solusyon sa mga ito
at ang hakbangin sa komprehensibong
isyu ng kalikasan.

● Ano ang napapansin ninyo sa panahon na


kinabibilangan natin ngayon? May gusto
bang sumagot?

Sa pag-unlad po ng teknolohiya at
modernisasyon, nararamdaman natin ang
masusing epekto nito sa ating kalikasan.

 Sa paanong paraan ninyo nasabi na


nakakaaapekto ang teknolohiya at
modernisasyon sa ating kalikasan?

Isang halimbawa po nito ay ang pag-unlad ng


teknolohiya at industriyalisasyon ay madalas na
kaakibat ng paglabas ng mga polusyon sa hangin,
tubig, at lupa. Ang mga pabrika, transportasyon,
at iba pang industrial na gawain ay naglalabas ng
kemikal at carbon emissions na maaaring
makaapekto sa kalidad ng hangin at tubig.

● Tama. Maraming Salamat. Sino pa ang


may ibang kasagutan?

Isa rin po dito ay ang pagtaas ng pangangailangan


sa kahoy para sa konstruksyon, papel, at iba pang
materyales ay nagiging sanhi ng deforestasyon.
Ito ay nagreresulta sa pagkawala ng mga puno at
habitat ng mga hayop, na maaaring magdulot ng
pagbabago sa ekosistema.

● Mahusay! May sasagot pa ba?

(sumagot pa ang isang estudyante)

Ang bilis ng teknolohiya, tulad ng mga cellphone,


computer, at iba pang gadget, ay nagdudulot ng
mas mataas na dami ng electronic waste o e-
waste. Ang hindi maayos na pagtatapon ng mga
ito ay maaaring magdulot ng pagkakalason sa
lupa at tubig dahil sa mga kemikal na laman ng
mga electronic devices.

● Magaling. Maraming Salamat sa inyong


mga kasagutan, mga bata.

● Sunod naman nating tatalakayin ay ang


iba’t-ibang Aspeto at Kamalayan sa
pangangalaga ng Kalikasan. Sino sainyo
ang may kaalaman tungkol sa mga aspeto
na ito?

Isa po sa mga pangunahing aspeto ng


pangangalaga ng kalikasan ay ang
pagmamahalaga at pangangalaga sa biodiversity.
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iba't ibang
uri ng halaman, hayop, at mikrobyo sa isang
ekosistema. Ang pagkakaroon ng mataas na
biodiversity ay nagpapahintulot sa kalikasan na
maging matibay at magtagumpay sa pagharap sa
mga pagbabago sa kapaligiran.
● Mahusay! Sino sainyo ang
makapagbibigay ng iba’t-ibang aspeto at
kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan?

Isa pa pong mahalagang bahagi ng pangangalaga


sa kalikasan ay ang paghahanda sa natural na
mga kalamidad. Ito ay naglalaman ng
pagtataguyod ng mga likas na proteksyon, tulad
ng kagubatan, na nag-aambag sa pag-iwas o
pagbawas sa pinsalang dulot ng bagyo, baha, o
lindol.

● Magaling! Sino pa ang gusting sumagot?

(sumagot pa ang isang estudyante)

Isang malaking bahagi rin po ng pangangalaga sa


kalikasan ay ang tamang pangangasiwa ng
basura. Ang hindi tama at hindi sustainable na
pamamahala ng basura ay maaaring magdulot ng
polusyon sa lupa, hangin, at tubig.

● Ayan, Maraming Salamat mga bata sa


pagbibigay ng iba’t-ibang aspeto at
kamalayan.

● Kasabay ng pangangalaga ay hindi rin


natin matatangging may mga
masasamang gawi tayong nagiging sanhi
ng degredasyon ng kalikasan. Sino sainyo
ang may halimbawa?

Isa po rito ay ang illegal na pagputol ng mga


● Tama. Sino pa? kahoy.

Isang halimbawa rin po ay ang labis na


pangingisda.
● Tama. Meron pa ba?
Ang polusyon sa hangin mula sa industriyalison ay
isa rin po sa mga ito.

● Maraming Salamat, mga bata! Ngayon sa


tingin ninyo, ano ang mga solusyon sa
mga masasamang gawa na tinalakay
natin kani-kanina lang?

Upang labanan po ito, kailangan nating magsanay


ng wastong paggamit ng likas na yaman, ipatupad
ang mga batas na naglalayong protektahan ang
kalikasan, at magkaruon ng malasakit at
responsibilidad sa bawat isa.
● Mahusay mga bata! Nagagalak akong
malaman na ang mga kaalaman ninyo.
Ikinatutuwa ko na marami sainyo ang
sumasagot ng mga katanungan upang
mas maging kapakipakinabang ang
talakayin na ito.

D. Paglinang sa Kasanayan

● Para lubos niyong maunawaan ang ating


aralin sa araw na ito ay gagawa tayo ng
gawain.
● Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at pipili
ang bawat grupo ng gagamitin nila upang
makapagbigay ng mga hakbangin sa
komprehensibong isyu ng kalikasan.
● Maaari kayong pumili sa mga
sumusunod; ito ay ang Case Study,
Seminars at iba pa.
● Naiintindihan ba ng lahat?

Naiintindihan po, Bb.


(hinati ang grupo sa tatlo)

● Bibigyan ko kayo ng sampung minuto


upang pag-usapan kung ano ang inyong
gagawin at kung ano ang gagamitin ninyo
upang masagutan ang hinihingi. Ibibigay
ko ito sainyo bilang takdang-aralin dahil
kulang na ang oras natin para dito.
● Pagkatapos ninyo ay tatalakayin ninyo
ang inyong gawa gamit ang Biswal na
presentasyon at ipapasa rin ninyo sakin
ang hard copy ng inyong gawa.

● Malinaw ba ang panuto na binigay ko?

Opo, malinaw po, Bb.


(natapos na ang 10 minuto)
 Dahil wala na tayong oras, siguraduhin na
mayroong maayos na presentasyon sa
susunod nating pasok.

Okay po. Bb.

E. Paglalahat

● Ano sa tingin niyo ang kahalagahan ng


Napili ninyong pamamaraan?

Dahil po rito, mas maiintindihan namin at


maisasabuhay ang mga kahalagan ng mga
hakbanging ito upang mapanatili ang kaayusan ng
kalikasan.

Mas natutunan po namin na pahalagahan at


isabuhay ang mga praktikal na payo at
pamamaraan na natalakay natin sa araw na ito.

● Mahusay. Maraming Salamat sa mga


sagot niyo mga bata.

● Maaari niyo bang ulitin sa akin kung ano


ano ang mga halimbawa ng masasamang
gawi na nakaaapekto sa kalikasan?
Ilan po sa mga masasamang gawi na natalakay
kanina ay ang polusyon sa hangin dulot ng
industriyalisasyon. Illegal na pagputol ng mga
puno at ang sobrang paghuli ng mga isda.

● Magaling! Maraming Salamat.

F. Paglalapat

● Bago tayo magtapos, maaari ko bang


malaman kung bakit sa tingin niyo
mahalaga ang naging aralin natin sa araw
na ito?
Dahil po sa aralin na ito magagampanan natin
ang ating papel sa pagpapabuti ng kalagayan ng
ating kalikasan. Ito ay hindi lamang isang gawain
para sa iilang sektor ng lipunan kundi ay isang
kolektibong responsibilidad na dapat nating
tuparin para sa ikabubuti ng ating planeta at ng
mga hinaharap na henerasyon.
● Maraming Salamat. Sino pa ang may
ibang sagot?

Ang masusing kaalaman at kamalayan ukol sa


kahalagahan ng kalikasan ay magsisilbing
pundasyon ng ating mga kilos. Bukod dito,
mahalaga rin ang pagtutok sa sustainable
practices at teknolohiya na makakatulong sa
pangangalaga sa kalikasan nang hindi nagiging
sagabal sa ating pangangailangan at progreso.
● Napakahusay niyo mga bata! Maraming
Salamat sa aktibong partisipasyon niyo sa
aralin na ito. Nawa’y patuloy natin
kilalanin at pahalagahan ang iba’t-ibang
mga pamamaraan upang masiguro natin
na magiging maayos, ligtas, at progresibo
ang ating kalikasan.
H. Pagtataya

1. Ano ang dalawang aspeto ang may masusing epekto sa kalikasan?


a. Teknolohiya at Modernisasyon
b. Industriyalisasyon at Ekonomiya
c. Teknolohiya at Industriyalisasyon
d. Mga pabrika at industriya
2. ______ ay ang idinidulot ng teknolohiya, tulad ng cellphone, computer, at iba pang gadget na
maituturing bilang polusyon.
a. Radiation
b. EVR Waste
c. E-waste
d. Electrical waste
3. Ito ay tumutukoy sa iba’-ibang uri ng halaman, hayop at mikrobyo sa isang ekosistem o lugar.
a. Populasyon
b. Biodiversity
c. Ekosistem
d. Ecodiversity
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa pangkat;
a. Illegal na pagputol ng kahoy
b. Labis na pangingisda
c. Populasyon galing sa industriya
d. Pagpatay ng power supply bago lumiban sa bahay o silid-aralan
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng aspeto ng Hakbangin sa Komprehensibong Isyu maliban
sa;
a. Pangangalaga at pagpapahalaga sa Biodiversity.
b. Paghahanda sa natural na mga kalamidad.
c. Pangangalaga ng kalikasan at tamang pamamahala ng basura.
d. Paggamit ng mga likas na yaman para sa personal na kagamitan.

1. A 2. C 3. B. 4. D. 5. D.

Takdang-Aralin:

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na magsasalaysay ng mga natuklasan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng
kalikasan. Magbigay ng konkretong rekomendasyon para sa masusing pagpapatupad ng pagpapanatili ng
kapaligiran sa komunidad.

Inihanda ni:

ALTHEA L. SAPAD
BSEd-Social Studies 2A

You might also like