SOSLIT Poem

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aklat

Sa larangan ng mga aklat at saklaw ng kaalaman,


May inaasahang tagumpay at mga mithiin
Ngunit hindi maiiwasan ang hirap at pasanin,
Presyon sa inaasam na tagumpay, at mga gampanin

Tambak-tambak na mga libro at gawain,


Walang oras na aaksayahin
Laging naghahabol, sinusubukan na maging pinakamahusay
Baon ay determinasyon upang makamit ang tagumpay

Ang kaalaman ay kapangyarihan, ika nila


Ngunit iiyak at magdudusa muna para makuha
Ang bigat ng mga inaasam na pangarap ay nakakapanghina
Taas ng hangarin ay nakakapanglula

Nawa'y ito'y maging inspirasyon, hindi isang hadlang


Sapagkat sa bandang huli, kaalaman ang mananaig
Ang mga alaala na ating ginawa, ang paglago na ating natamo,
Para sa tagumpay na gustong makamit, sa Diyos lamang manalig

Katutubong Kababayan

Nagsisilbing ilaw sa ating bayan,


Mga katutubong kababayan.
Yaman ng kultura, kwento't bantayog,
Para satin, ito’y handog

Katutubo kung kayo’y tawagin,


Kababayan kung kayo’y tratuhin,
Kayumanggi ang kulay, tatak ng ating lahi,
Ang inyong mga kwento ay wagas at natatangi

Mahalaga ang inyong boses, ang inyong mga salita


Pangalagaan ang lahi, dugo’t lupa.
Sa bawat awit, tula't gunita,
Mabuhay ang mga katutubo sa bawat araw at simula

Ipagpatuloy ang laban,


Ang inyong tagumpay ay aming sinusundan
Sa bawat henerasyon, inyong pamana'y nabubuhay,
Inyong kahalagahan ay walang kapantay

Mga katutubong Pilipino, inyo ang kinabukasan,


Kayo ang ilaw sa gitna ng dilim at kadiliman.
Tumindig, magdiwang, mga katutubo,
Lupang sinilangan, ating pagsilbihan
Sa inyong mga kamay, mundo’y maalagaan,
Tradisyon at kagandahan, inyong ipamalas.
Ipaglaban ang karapatan, damhin ang kasiglahan,
Mga katutubo, kapit bisig para sa kasaganaan

You might also like