Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan


Alaminos City Campus

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. LAYUNIN:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
A. Pamantayang
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
Pangnilalaman:
hamon ng kasarinlan.
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga nagpunyaging mga
B. Pamantayan sa Pagganap:
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
CODE: (P6SHK-IIIa-b-1)
A. Natatalakay ang kahulugan ng ‘‘colonial mentality’’
B. Natutukoy kung paano natawag na Little Brown Americans ang mga
C. Mga Kasanayan sa
Pilipino
Pagkatuto:
C. Napahahalagahan ang mga sariling produkto ng ating lokal ekonomiya
D. Nakagagawa ng maikling dula-dulaan na pa tungkol sa epekto ng
‘‘colonial mentality’’
II. NILALAMAN:
Paksang Aralin 2:
Ang Epekto ng “Colonial Mentality” Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
III. KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian:
1. Teacher’s Guide Araling Panlipunan Grade 6 Kwarter 3- Modyul 2 (Aralin 2) pp. 1-5
2. Learner’s Guide Araling Panlipunan Grade 6 Kwarter 3- Modyul 2 (Aralin 2) pp. 1-5
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Slide presentation, Laptop, Flashcards, Buzzer

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa isa’t isa
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
4. Pagpapaalala sa mga alituntunin sa loob ng silid aralan
5. Pagbabalik aral
Ang guro ay magbabalik aral sa pamamagitan ng pagtatanong.

A. Ang patas na paglinang at paggamit ng mga Pilipino at Amerikano sa lahat na likas na yaman ng
bansa?
B. Ano ang maaring mangyari sa ating likas na yaman kung hindi inalos o tinanggal ang patakarang
Parity Rights?
B. Pagganyak
‘Lokal o Global’
Papangkatin ng guro ang klase sa dalawa. Ang bawat pangkat ay may isang kinatawan para pumindot sa
buzzer. Ang pangkat na maunang pumindot ng buzzer ay may pagkakataon upang sumagot. Mayroong
limang segundo lamang ang naunang pangkat na pumindot, upang pag-usapan ang kanilang magiging
kasagutan. Ang guro ay magpapakita ng produkto o kagamitan sa pamamagitan ng slide presentation, at
sasagutin naman ng mga mag-aaral na unang nakapindot ng buzzer kung ang produkto o kahamitan ay
gawang Lokal o gawang Global.
C. Paglinang na Gawain
1. Gawain 1
Gamit ang slide presentation, matatalakay ang mga kasanayan na naangkop sa Colonial Mentality.
2. Gawain 2
Sa pamamagitan ng concept map, ilalagay ng mga mag-aaral kung ano-ano ang mga epekto ng
‘‘colonial mentality’’ sa mga Pilipino.

D. Paglalapat
Sa pamamagitan ng tsart, magbibigay ang mga mag-aaral ng mabuti at masamang epekto ng ‘‘colonial
mentality’’ sa ating bansa.

E. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
a. Ano-ano ang epekto ng Colinial Mentality sa mga Pilipino?
b. Sa papanong dahilan natawag na ‘Little Brown Americans’ ang mga Pilipino?

2. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga na mas piliin natin ang mga sarili nating produkto kaysa sa mga produktong
banyaga?

3. Pagpapayaman ng aralin
Papangkatin ang klase sa limang grupo. Gagawa ang bawat grupo ng maikling dula-dulaan na
nagsasalaysay sa kaugalian ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaan (Colonial Mentality).

V. PAGTATAYA
1. Maikling Pagsusulit

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa
ㅤ ㅤ kwaderno
1. Sa iyong palagay, bakit kaya kadalasan produkto sa ibang bansa ang pinipili ng mga Pilipino?
_____________________________________________________________________

2. Bilang mag-aaral paano mo maiiwasan ang colonial mentality?


_____________________________________________________________________

3. Sa papanong paraan mo mahihikayat ang iyong kapwa Pilipino na tangkilikin ang ating mga lokal na
ㅤㅤ produkto?
_____________________________________________________________________
Rubrics:

2. Takdang Aralin
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang mga Pilipino ay kilala bilang Little Brown Americans.

2. Mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang sariling produkto kaysa galing Amerika.

3. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino ay binago ng idelohiyang Amerikano.

4. Naging patok sa mga Pilipino ang mga pagkaing galing Amerika gaya ng corned beef, hotdog, at
ㅤㅤㅤ soft drinks.

5. Ang Colonial Mentality ay kaisipang banyaga na itinuro ng mga Pilipino sa


mga dayuhang mananakop sa bansa.

Inihanda ni:

JOHN KYLE O. SUBIDO


Mag-aaral ng II – BEEd- B

Inihanda para kay:

HEZEKIAH M. AUSTRIA
Gurong Tagapagsanay

You might also like