Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TEACHER: LEVEL: KINDERGARTEN

Story Telling QUARTER: FOURTH


TEACHING DATES AND DURATION: MAY 6, 2024
/ 15 MINUTES

I. LAYUNIN
A. Naipapakita ang kawilihan sa pakikinig ng
kwento
B. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
kwento.
C. Nasasabi/ nakikilala ang mga paraan ng mga
pangangalaga sa kapaligiran.
II. Kwento
A. Pamagat “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”
B. Kagamitan Larawan, big book
C. Integrasyon Pangangalaga sa Kalikasan
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

A.
1. Awit: “Tayo ay Magkwentuhan” Aawit ang mga bata.

2. Kamusta mga bata? (Sasagot ang mga bata)


Pagpapakilala ng guro.
“Mayroon ako sainyong ikukwento. Halina’t
makinig kayo”.
3. Pamantayan sa pakikinig ng kwento

 Umupo ng maayos.
 Tumingin sa guro.
 Makinig sa sasabihin ng guro habang “Susunod ang bata mga bata sa mga sinabi ng guro”
nagkukwento.
 Huwag kakausapin ang katabi.
4. Paghahawan ng balakid

Bago ang lahat atin munang kilalanin ang aking


mga larawang aking ipapakita.

Handa na ba kayo?
Opo, teacher!
(Larawan)

Anu- ano ang ginagawa ng mga bata sa


larawan? Nagkakalat po. Nag- aaksaya ng tubig. At
Ano kayang klaseng bata sila? nagpuputol ng puno.

(larawan)
Ito ay tinatawag nating haragan. Ang haragan ay
mga taong gumagawa nang hindi mabubuti.
Nais nyo rin bang maging haragan? Hindi po!

(larawan)
Mayroon ba kayong ganito sainyong tahanan o
nakarating na ba kayo dito? Ano kaya ang
tawag natin dito?
Ito ay tinatawag nating bakuran. Ang bakuran ay Opo!
lugar sa tahanan na kung saan ay maraming Wala po!
mga tanim tulad ng mga halaman at mga
bulaklak.

(larawan)
Alam nyo ba kung ano ang tawag natin dito?
Ito ay tinatawag nating Engkantada. Ang Hindi po!
Engkantada ay may pambihirang
kapangyarihan, nakakita na ba kayo ng
Engkantada? Hindi pa po!

(larawan)
Ano kaya ang ginawa ng mga bata sa larawan? Nagsasayang po ng tubig.
Sila ay nag- aaksaya, nag-aaksaya o
nagsasayang.
Ito ba ay mabuting gawain? Hindi po!

(larawan ng disyerto)
Alam nyo ba kung ano ang tawag sa lugar na Hindi po!
ito?
Ito ang tinatawag nating disyerto. Ang disyerto
ay isang lugar na napakainit at walang mga
tanim na puno at walang katubig- tubig.

Bilang bata, paano mo maipapakita ang


pagtulong upang pangalagaan ang ating
kapaligiran?
B.
1. Pagganyak
“Ipakita ang larawan sa Big Book”.
2. Pagganyak na tanong
Tungkol saan kaya ang aking ikukwento?
Simulan na natin. (Magbibigay ng kani- kanilang sagot ang mga bata).
3. Sabihin ang pamagat, sumulat at gumuhit ng
kwento.
“Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”
Kwento ni Rene Villanueva. Guhit ni R. Jordan
P. Santos
4. Pagbasa ng kwento kasabay ang tanong at
sagot sa tanong.

“Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”


Ito si Emang Engkantada. Siya ay may (Pakikinig sa kwento at pagsagot ng mga bata sa
pambihirang galing. Maganda ang kanyang mga tanong)
bakuran. Maraming prutas at gulay. Maraming
ibon at hayop. Malinis ang hangin at tubig.
Ito naman ang tatlong haragan.
Si Pat Kalat ay hari ng basura. Kalat dito, tapon
doon. Ito ang ugali niya.
Si Pol Putol ay kaaway ng mga halaman. Putol
dito, bunot doon. Ito ang libangan niya
Si Paz Waldas ay reyna ng aksaya. Aksaya sa
tubig. Waldas sa mga kuryente. Ito ang gawain
niya.
“Mga salbahe! Wala na kayong ginawang
mabuti!”. Galit na galit ang mga tao sa tatlong
haragan at hinabol ng mga tao ang tatlong
haragan. (Tanong: Sa palagay ba ninyo ay
mahahabol ng mga tao ang tatlong haragan?
Tingnan natin.) Nakarating ang tatlong haragan
sa magandang bakuran ni Emang Engkantada.
“Ang sarap sirain”, sabi ni Pol.
“Sige sirain natin”, sabi ni Pat
“Sirain natin ng todo”, sabi ni Paz.
Dumating si Emang Engkantada. Binawalan
niya ang tatlong haragan. Tumawa lamang sila
ng tumawa habang sinisira ang magandang
bakuran. Nagalit si Emang Engkantada. “Dapat
kayong bigyan ng aral, sabi ni Emang
Engkantada.
May dumating na malakas na hangin sa tatlong
haragan. Nahilo ang tatlong haragan.
Napunta si Pol sa isang lugar na puro buhangin.
Walang halaman sa paligid at mainit ang sikat
ng araw. Ang lugar ay isang parang disyerto.
Naghahanap ng puno si Pol para sumilong.
Walang puno sa paligid. “Ganito pala pag
walang halaman, sabi ni Pol”. Nauhaw si Pol at
naghahanap ng tubig. Walang tubig sa paligid.
“Ganito pala pag walang puno at tubig, sabi ni
Pol.” “Gusto ko ng puno. Gusto ko ng tubig.
Maawa na kayo!” sabi ni Pol.

Napunta si Pat sa tambakan ng mga basura.


Mabaho at madumi sa tambakan ng mga
basura. Maraming langaw, ipis, at daga. Malaki
ang langaw, ipis at daga. Hinabol si Pat ng
maraming langaw, ipis at daga. Takot na takot si
Pat. “Ganito pala pag masyadong marumi, sabi
ni Pat”. Ayokong kainin ng daga. Ayokong
magkasakit. Iligtas ninyo ako!”, sabi Pat.
(Tanong: Kayo mga bata, nais nyo rin bang
mapunta sa isang tambakan ng mga basura?
Makakatagal ka kaya doon? Anong gagawin mo
para hindi ka mapunta sa ganoong lugar?

Napunta si Paz sa isang madilim na siyudad.


Puro usok sa siyudad. Payat na payat ang mga
tao. Naghanap ng ilaw si Paz. Walang kuryente.
Naghanap ng gripo si Paz. Walang tubig.
“Mamatay ako sa usok at dilim. Mamatay ako
pag walang ilaw at tubig. Maawa na kayo!” sabi
ni Paz.
“Hindi na po ako magkakalat, sabi ni Pat. Hindi
na po ako maninira, sabi ni Pol. Hindi na po ako
mag- aaksaya, sabi Paz. Maawa na po kayo!
sabi ng tatlong haragan.
Naawa si Emang Engkantada sa tatlong
haragan. “Kailangang matuto kayong maglinis.
Kailangang matuto kayong magtanim.
Kailangang matuto kayong magtipid, sabi ni
Engkantada sa tatlong haragan.
Tumulong ang tatlong haragan kay Emang
Engkantada.
Naglinis ng bakuran si Pat.
Nagtanim ng halaman si Pol.
Nag- igip ng tubig si Paz.
Tuwang tuwa si Emang Engkantada sapagkat
nagbago na ang tatlong haragan.

Dito nagtatapos ang ating kwento. Nagustuhan


nyo ba mga bata?
Sinu- sino ang mga tauhan sa kwento?
Bakit nagalit si Emang Engkantada?
Anong mangyayari sa ating kapaligiran kung
hindi natin ito aalagaan?

IV. Pagtataya

1. Sabihin ang mga paraan ng mga


pangangalaga sa kapaligiran.
2. Anong aral ang mga natutunan sa
kwento?

Inihanda ni:

Teacher Applicant

You might also like