Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

ANG KANONISASYON NG SANTA SANTINO

LOOB: Akdang Pampanitikan Bilang Likhang Sining

1. KONSEPTO

Ang kanosisyon ay tumutukoy sa pagpapahayag, pagdarakila, pagpuri at pagbunyi sa isang tao


bilang isa nang santo ngunit sa konsepto ng akdang kanonisasyon ng nga santa santino, ang mga
gaganap at kalahok ay ang mga ikatlong lahi. Na hindi lamang ito basta patimpalak o pageant kung hindi
mayroong malalim na layunin na buksan at kumatok sa puso ng simbahan na dapat sila ay ituring at
tanggapin bilang anak rin ng diyos.

2. PANIMULA PATUNGKOL SA PAGTALAKAY

Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may akda. Ito
ay maaaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag iiwan ng isang kakintalan sa isipan
ng bumabasa o nakikinig. Ang panunuri naman ay tumutukoy sa pagbibigay kahulugan at paraan ng
pagsusuri sa kabuuan. Ang panitikan ay gjnagamit ng mga tao upang magpahayag ng
nararamdaman,naiisip, karanasan at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat. Habang ang
panunuring pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan
ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

3. LAGUMBUHAY NG MAY AKDA

Si Andrew Estacio ay nakapagtapos ng BA Communication Arts sa U.P los banos at kasalukuyang


kumukuha ng MA degree sa UP diliman ng malikhaing Pagsulat. Isa siya sa mga manunulat na parte ng
LGBTQ+. Mahilig siyang magsulat ng fiction o mga kathang isip na may kinalaman sa komedya at
subersibo na tumutukoy sa kilos o ideya na naglalayong pabagsakin o baguhin ang umiiral na kaayusan,
pamahalaan, o institusyon sa hindi tuwirang paraan, gamit ang mga paraang hindi sang-ayon sa
karaniwang paniniwala o batas.. Nananalo ng 2nd place sa Palanca para sa maikling kwentong kaniyang
isinulat tungkol sa isang Catholic gay pageant at ito nga ang Kanonisasyon ng Santa Santino.

4. BUOD

5. MAKABULUHANG PAMAMARAAN ANG KONSEPTONG TAGLAY NA MAYROON ANG PAMAGAT

6. TAUHAN SA KWENTO AT MGA NAGING PAPEL

7. NAGING TAGPUAN NG KWENTO

LUGAR

• munisipyo ng Malolos

- kung saan rumesbak ang kulumpon ng mga pageant organizer

• Marcelo High
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

- dito nag-aral ang magkaka-batch na sina Tita Minerva, Tito Jet, at ang mayor

• katedral

- kung saan nagmisa ang mga santo't santa

• Kamaynilaan

- dito nag-organisa noon ng LGBT rally si Tita Minerva

• kalsada

- dito isinagawa ang rally at biglaang pagtatanghal

ORAS

• alas sais pa lang ng umaga

- oras ng pagresbak ng mga kulumpon ng mga pageant organizer

• kalahating taon

- paghahandaan ang pageant

• mag-alas otso

- hinihintay nila ang oras na ito upang makasugod

• kagabi

- natapos ang pag-aayos ng set

• ala-una ng madaling araw

- nang makauwi sila

• mamaya-maya

- kapag nakuha na nila si Mayor, maaari nang mag-set

• gabi ng ika-walo ng Disyembre

- aprubado na ang pagrampa

• ibang araw

- kung kailan iuusad ang pageant

• gabi
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

- prusisyon nang muli at nagsaboy ng liwanag sa mga kalsada

MOOD

Pambubulabog

- ang ginagawa ng mga pageant organizers sa harap ng munisipyo ng Malolos nang sinabing hindi na raw
tuloy ang pageant

Pagkataranta

- nang dumating ang truck ng mga lights at sound na kanilang kinontrata

Pagkasabik

- nang muling payagan ni mayor na matuloy ang pageant

Pagkadismaya

- dahil sa muling pagtutol ng simbahan sa pageant na siyang naging dahilan ng muling pag-atras ni mayor

Pag-asa

• Nang dumating ang isang hindi inaasahang karakter na magiging dahilan upang ituloy pa rin ng mga
taga-LGBT community ang pageant

• Kaluwagan ng loob

- Humingi ng tawad si mayor. Nagkabati-bati at nagkaroon ng pag-uunawaan sa magkabilang panig

8. PANGUNAHING SULIRANIN

Diskriminasyon sa LGBT community

KAWING-KAWING NA SULIRANING NAGSANGA MULA SA PANGUNAHING SULIRANIN

• Biglaang pagpapatigil ng Mayor sa kauna-unahang Santa Santino Beauty Pageant

• Pagsugod ng mga pageant organizers sa harap ng munisipyo ng Malolos

• Pag-uudyok ng obispo kay mayor na ipatigil ang pageant dahil di umano'y blasphemy ito

• Sa kabila ng muling pagpayag ni mayor na ituloy ang pageant, muli ring tumututol ang mga taga-
simbahan

• Nang ituloy pa rin ang pagrampa ay maraming nagtsismisan patungkol dito. Sumugod din ang ilang
mga sakristan, pinakiusapan na humiwalay sila sa banal na gawain.
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

• Nang dahil sa biglaang rally at pagtatanghal sa kalsada, nag-alarma ang mga kapulisan at pinapaalis
ang mga rumarampa

9. TUNGGALIAN

• Tao laban sa tao

- ang pageant organizers ay sumugod sa harap ng munisipyo ng Malolos dahil hindi pinatuloy ng mayor
ang kanilang inorganisang pageant.

• Tao laban sa sarili

- ang pag-iisip ng mayor, ayaw niyang maging lunsaran ng bakla-baklaan ang plaza pero nakokonsensya
ito at ayaw niyang magalit sina Tita Minerva at Tito Jet.

• Tao laban sa lipunan - Diskriminasyon, makikita na minamaliit ang mga miyembro ng LGBT community
at pina-cancel pa ang kanilang pageant dahil blasphemy raw ito.

10. BANGHAY

Deus ex machina

- “Ako po si Marivic, ang inyong Little Miss

Philippines!”

- Sa hindi inaasahang pagsulpot ng batang ito sa kwento ay nakaisip ng paraan si Tita Minerva upang
matuloy pa rin ang pagrampa sa kabila ng pagtutol ng simbahan at muling pag-atras ni mayor.

11. SIMBOLISMO NA MAYROON SA KWENTO

12. PAGBUO NG TEMA

LIGID

Ang Dating at Timbang na Akda sa Kamalayang Pilipino

1. Mga dahilan ng may-akda bakit isinulat ang kwento

2. Kasaysayan o mahalagang pangyayari sa lipunan na maaaring pinaghanguan ng akda

• Kasaysayan ng LGBTQ+ Emansipasyon: Ang kuwento ay naglalarawan ng isang bakla na nagpapahayag


ng kanyang pagiging babae at naglalayong suriin at hamunin ang mga opisyal at doktrinal na
homoseksuwalidad at transphobia ng polite society. Ipinapakita ng akda ang pagkamulat ng
pangunahing tauhan sa kanyang kasarian at ang paghahanap niya ng kasarinlan at katarungan sa isang
lipunan na madalas na nagpapakita ng diskriminasyon sa mga LGBTQ+.
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

• Kasaysayan ng Kolonyalismo at Kultural na Sincretismo: Binibigyang-diin ng kuwento ang impluwensiya


ng mga istruktura ng kolonyalismo at espiritwalidad sa buhay ng pangunahing tauhan. Ipinapakita nito
ang pag-uugnay ng mga tradisyonal na kategorya ng kasarian at erotiko, tulad ng bakla na nagpapahayag
ng pagnanasa sa lalake, at ang mga folklorikong katangian ng paraan ng pagsamba sa Romanong
Katoliko na ipinatutupad sa Pilipinas.

• Kasaysayan ng Rebolusyon: Sa kuwento, ipinapakita ang potensyal na malikhaing kasaysayan ng bayan


ng pangunahing tauhan, partikular na ang kasaysayan ng paglaban sa mga Kastila. Ang pangunahing
tauhan ay na-inspire ng mga lalaki sa kanyang buhay na gumuhit ng isang mural na nagpapakita ng mga
kasapi ng rebolusyon na nakadamit na babae at pumatay ng mga Kastila sa labanan ng Paombong.
Ipinapakita ng kuwento ang pagkilala sa kasaysayan ng lipunan at ang papel ng mga transpinay na
kamalayang ito sa paglikha ng alternatibong naratibo at pag-unawa sa kasaysayan.

3. Pagkakaugnay sa iba pang akda

4. Dapat maging konteksto o kaisipan ng mga mambabasa

• Personal na Kaisipan: Ang pagkakaroon ng bukas na isipan at personal na kaisipan ay magbibigay ng


espasyo para sa interpretasyon at pagpapalawak ng kahulugan ng akda base sa sariling karanasan at
perspektiba.

• Kontemporaryong Isyu: Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan,


tulad ng mga hamon sa relihiyon, moralidad, at etika, ay makatutulong sa pag-unawa sa mga mensahe
at paglalahad ng akda.

• Kritisismo at Interpretasyon: Ang pagiging kritikal at mapanuri sa pagbasa ng akda ay makatutulong sa


mga mambabasa na maunawaan ang mga konsepto, simbolismo, at mensahe na nais iparating ng may-
akda.

LALIM

Ang mga Konteksto ng Akdang Pampanitikan

1. Makabuluhang pamamaraan paano ang akda ay maaaring makapaghatid ng importanteng kaisipan.

•Nais palutangin sa kwento at itatak sa kaisipan ng mga mambabasa na hindi masama o mali ang
lumaban o ipaglaban ang iyong karapatan, ngunit hindi nagiging tama ang paglaban kung ang paraan na
ginamit ay mali.
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

2. .Lente o Teorya ng Akda

Realismo

Ipinapakita sa akda ang tunay na realidad ng mga taong nasa ikatlong kasarian. Makikita kung paano ang
pagtingin ng tao sa kanila lalo na ang simbahang katoliko, dahil para sa kanila dalawa lang ang kasarian
na nilikha ng Diyos ito ay babae at lalaki lamang. Sa kwento ay makikita kung paano ipinaglaban ng mga
tauhan ang karapatan nila bilang nasa ikatlong kasarian, ninanais nila ang pagkakaroon ng
pagkakapantay pantay na karapatan at pagbabago sa pagtingin sa kanila.

Eksistenyalismo

Isa sa makikitang lente o teorya ng akda ay eksistenyalismo dahil bawat tao ay may karapatan na
magdesisyon o pumili para sa sarili. Sa akda ay nabigyang diin kung paano bigyang halaga ang pagpili sa
kasarian batay sa kung anong nananaig sa puso ng isang tao. Naipakita na bawat tao ay may karapatang
pumili at mag desisyon sa kanilang buhay.

Sosyolohikal

Ang akda ay nagpakita ng isang suliraning panlipunan at kung ano ang kalagayan ng mga parte ng LGBTQ
community. Dito nakita na hindi madali para sa lahat na tanggapin kung anong kasarian mayroon sila,
ngunit naipakita ng tauhan ang paninindigan sa kanilang kasarian na kailangan at dapat silang tanggapin
dahil sila ay parte ng lipunan.

3. Implikasyon ng akda sa kamalayang Pilipino lalong-lalo na kung paano ito makatutulong sa


paglilinang ng kritikal na pag-iisip at damdaming MakaDiyos, Makatao, Makabansa at Makakalikasan.

Makadiyos

Likas sa mga Pilipino ang pagiging makadiyos dahil na rin sa matagal na nasakop ang Pilipinas ng
espanyol at pinalaganap ang kristiyanismo sa bansa. Masasalamin sa akda ang pagiging makadiyos dahil
na rin tungkol sa mga santo ang kwento. Nakita na marami sa mga katoliko ang nananalig sa mga santo
dahil na rin sa kanilang paniniwala. Ipinapakita sa akda na malaki ang paggalang ng mga Pilipino sa
simbahang katoliko kaya't marami itong pinagbabawal na labag sa simbahan dahil para sa kanila ang
simbahan at ang utos ng Diyos ay sagrado.

Makatao

Ang pagiging makatao ay pagmamahal sa iyong kapwa at iniisip ang kanilang kapakanan at kabutihan.
Naipakita sa akda na hindi lamang ang dalawang pangunahing tauhan ang nagnanais na sila ay tanggapin
at bigyan ng pantay na karapatan ng lipunan at ng simbahan, bagkus ay gumawa sila ng paraan upang
maipakita sa sanlibutan na napakarami nila na hindi kayang tanggapin ng lipunang kanilang ginagalawan.
Bukod sa paggawa ng isang patimpalak para sa kanilang mga kasamahan, nagpakita rin sila ng pagiging
makatao sa mga tauhan na hindi sila kayang tanggapin na imbis na sila ay magtanim ng sama ng loob ay
nagpakita pa rin sila ng respeto.Makabansa
Ang Kanonisasyon ng Santa Santino

MAKABANSA

•Lumitaw ang pusong makabansa sa kwento sa pamamagitan ng pagkakaisa. Nagkapit bisig ang mga
miyembro ng lgbtq at mga tao noong sila ay pinapaalis ng mga pulis at pinapahinto sa kanilang
ginagawa, nagtulong-tulong ang mga tao upang matuloy ang patimpalak. Kahit na yung pinaglalaban nila
ay mali para sa paniniwala ng simbahan, makikita pa rin yung kanilang pagkakaisa at pagtutulungan.

You might also like