Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO V

I. Nagagamit ang pang-abay na pamamaraan sa paglalarawan kilos


II. Nilalaman - Pagkakaisa sa Bayanihan
A. Paksa: Paggamit ng Pang-abay na Pamamaraan sa Paglalarawan Kilos
B. Sanggunian:
- Alab Filipino (Batayang Aklat pp.121-123)
C. Kagamitan:
- Biswal aid,presentasyon power point (ppt)
III. Pamamaraan:
- Pambungad na Pagbati
- Pagpapaawit
- Pagtsek ng liban
KBI:
- Makinig sa guro
- Itaas ang kanang kamay

D. Pagbaybay:
1. donasyon-Binigyan ng donasyon ang mga taong nasalanta ng bagyo.
2. bayanihan-Nagkakaroon ng bayanihan ang mga tao upang maglinis ng kanilang
barangay.
3. komunidad-Binigyan ng mga lumang damit at pagkain ang mga tao sa komunidad.
4. damayan-Damayan ang tawag sa mga taong nagtutulungan sa kanilang lugar.
5. bukal-Bukal sa kanyang puso ang pagtulong sa mga taong nasunugan.

E. Pagbalik-aral: Elicit
Ano ang pang-abay?
Magbigay halimbawa ng pang-abay at gamitin sa pangungusap.

F. Pagganyak: Engagement
Magpakita ng isang larawan
1. Naranasan na ba ninyong tumulong sa inyong kapwa bata o tao kapag siya ay
humuhingi ng tulong sa inyo?
2. Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito?
Ngayong umaga ay magbasa tayo ng isang kuwento

G. Pag-aalis ng sagabal:
Panuto:Ibigay ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang.Hanapin ang sagot mula sa
salitang BAYANIHAN.
1.Mga insektong sumisira sa tahanan- anay
2.Lugar kung saan nakatira ang pamilya. – bahay
3.Pag-apaw sa lumalaking tubig mula sa normal nitong lugar na
karaniwan dulot ng malakas na pag-ulan.- baha
4.Ginagawa kapag pwede ng kunin ang pananim. – ani
5.Ibang tawag sa salitang nayon o bansa. – bayan
H. Pamantayan sa pagbasa ng tahimik
- Maupo nang matuwid
- Pagbasa ng kuwento

I. Pagganyak na tanong:
Ano ang tawag sa pagkakaisang nagpapagaan ng anong uri ng gawain sa pamamagitan ng
pagtutulungan at pagdadamayan?

J. Pagtatalakay: -Explanation
Ngayong umaga ay pag-aralan natin ang pang-abay na pamaraan na naglalarawan ng
kilos.
1. Si Roy ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo ng bukal sa loob.
2. Sama-samang pumunta sa evacuation center ang magkakaibigan upang ibigay ang
kanilang donasyon.
3. Masayang ipinagluto ni Agnes ang mga biktimang nasa evacuation center.
4. Maingat na pinili ni Allan ang kanyang mga lumang gamit na ibibigay sa mga
nangangailangan.
5. Matagal ng pinag-ipunan ni Marian ang perang ibibigay niya sa mahihirap.

K. Pangkatang Gawain: -Exploration

Pangkat 1:
Panuto: Pagtambalin ang mga angkop na mga pang-abay na pamaraan sa mga kilos na
inilarawan ng mga ito.Titik lamang ang isulat
1.Taimtim A.na tumutulong ang mga biktima
2.Ligtas B.na tinanggap ng mga biktima ang nagyari
3.Mabilis C.na nagdasal ang lahat para sa kaligtasan
4.Malungkot D.na nakauwi ang mga nahiwalay sa pamilya
5.Lubos E.na nagdalamhati ang lahat sa trahedya

Pangkat 2:
Panuto:Bilugan ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.
1. Biglang nagulat ang lahat sa pagdating ng bagyo. (bigla)
2. Kilala ang mga Pilipino sa pagigjng matulungin. (pagiging matulungin)
3. Makikitang tuloy-tuloy ang lahat hanggang sa mailipat sa ibang lugar. (tuloy-tuloy)
4.Nagdasal nang tahimik ang nanay para sa biktima ng lindol.
5.Nagmamadaling kinuha ni elsa ang kanyang mga lumang gamit para ibigay sa mga
nangangailangan.

Pangkat 3:
Panuto:Piliin ang salitang pag-abay sa bawat pangungusap.Titik lamang ang isulat.
1.Si Ana ay mahusay sumayaw ng Zumba.
A.mahusay B.Ana
C.sumayaw D.Zumba

2.Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.


A.nagbabasa B.silid-aklatan
C.tahimik D.mag-aaral
3.Mabilis na tumulong ang binata sa batang nahulog sa bayabas
A.mabilis B.tumulong
C.binata D.bayabas
4.Ang kalabaw ay mabagal lumakad
A.mabagal B.lumakad
C.kalabaw D.ang
5.Ang bata ay malikot na natulog.
A.malikot B.natulog
C.bata D.ang

L. Paglalapat: - Elaboration
Kailan natin ginagamit ang pang-abay na pamaraan sa paglalarawan ng kilos?
Ginagamit ang pang-abay na pamaraan kapag ito ay sumasagot sa tanong na paano
isinagawa ang kilos.

M. Pagsasanay
Panuto:Piliin ang salitang pang-bay na pamaraan sa bawat pangungusap.Titik lamang ang
isulat.
1.Malungkot na nakauwi ang nahiwaly sa pamilya.
A.malungkot B.nakauwi
C.nahiwalay D.pamilya
2.Mabilis na tumulong ang binate sa babaeng kinagat ng aso.
A.tumulong B.binata
C.mabilis C.kinagat
3.Ang mga dalaga ay tahimik na nagdasal.
A.tahimik B.nagdasal
C.dalaga D.ang
4.Masaya ang mga batang naliligo.
A.masaya B.bata
C.ang D.naliligo
5.Madaling naglaba si Nena dahil malakas ang ulan.
A.naglaba B.madaling
C.Nena D.ulan
IV. Ebalwasyon: Evaluation
Panuto:Piliin ang salitang pang-abay sa pangungusap.Titik lamang ang isulat.
1.Maingat na pinili ni Romeo ang kanyang lumang gamit na ibibigay na ibibigay sa mga
nangangailangan
A.maingat B.pinili
C.lumang D.gamit
2.Taimtim na nagdasal ang lahat para sa kaligtasan.
A.nagdasal B.taimtim
C.lahat D.kaligtasan
3.Ang mga dalaga ay tahimik na nagdasal.
A.dalaga B.tahimik
C.ang D.nagdasal
4.Masaya ang mga batang naliligo.
A.masaya B.naliligo
C.dagat D.batang
5.Madaling naglaba ang ate dahil malakas ang ulan.
A.madaling B.Nena
C.naglaba D.malakas
V. Takdang-aralin: -Extention
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-abay na pamaraan.

1.mabagal
2.maingay
3.mabilis

Inihanda ni:

JOCELYN R. TOLEDO
Teacher - II

You might also like